THE OFFICIAL WEBSITE OF THE MUNICIPAL GOVERNMENT OF SAN MATEO, RIZAL
HOME / GOVERNMENT / VIDEO GALLERY
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating mapagpunyaging buwan ng Oktubre.
Salubungin natin ang isang masigla at masigasig na buwan ng Nobyembre, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating mapagpunyaging buwan ng Setyembre.
Tungo sa isang masigla at maligayang buwan ng Oktubre, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating mapagpunyaging buwan ng Agosto.
Salubungin natin ang isang makulay at kapana-panabik na buwan ng Setyembre, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating mapagpunyaging buwan ng Hulyo.
Salubungin natin ang isang masigla at masigasig na buwan ng Agosto, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating mapagpunyaging buwan ng Hunyo.
Salubungin natin ang isang masigla at masigasig na buwan ng Hulyo, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang ilang mga tampok na eksena sa ginanap na DOT Accreditation Orientation at Filipino Brand of Service Excellence Seminar na pinangunahan ng San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office para sa mga may-ari ng Tourism-related Establishments (TREs) sa ating bayan.
Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo at nabahagian ng karagdagang kaalaman sa naturang aktibidad! Magpatuloy nawa ang ating pagsusumikap na mapanatili ang mataas na kalidad ng ating pagseserbisyo sa ating mga kababayan.
Dito sa Bayan ng San Mateo, susulong ang turismo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalTourism
Narito ang mga tampok na kaganapan sa ginanap na inagurasyon at pagbebendisyon ng Espadaña sa harapan ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA). Idineklara ng ating Pambayang Ordinansa Blg. 060, s. 2023 na ang mga lumang kamapana na dati’y nasa pangangalaga ng DSPNSDA ay isang mahalagang kultural at makakasaysayang pag-aari ng ating bayan. Kaya naman sa pamamagitan ng Espadaña na ito ay atin pang pinapataas ng kaalaman ng ating mga kababayan ukol sa mayamang kultura at kasaysayan ng ating bayan.
Maalam na mga mamamayan, dito ‘yan sa San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang ilang mga tampok na eksena sa pagtatapos ng ikatlong batch ng mga CBDRP graduates sa ating bayan. Sa pagkakaroon ng “Highly Functional” na marka ng ating Anti-Drug Abuse Council (ADAC) sa nagdaang 2024 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit and Awards, patuloy ang pagsusumikap ng ating Pamahalaang Bayan na mas pagbutihin pa ang ating mga inihahandog na programa para sa ating mga kababayan, partikular na sa mga indibidwal na dati nang nalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Dito sa ating bayan, sama-sama tayo tungo sa kaunlaran!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang part two ng ating espesyal na pagtatampok sa ating mga ina ngayong espesyal na araw nila.
Muli, happy mother’s day po!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tunghayan ang mga nakaaantig na istorya ng ating mga kababayan sa ating selebrasyon ngayong araw na Araw ng mga Ina.
‘Ma, nanay, mommy…happy mother’s day po!
#Mothersday2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating mapagpunyaging buwan ng Abril.
Salubungin natin ang isang masigla at masigasig na buwan ng Mayo, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang mga tampok na eksena sa nagdaang Bivalent Oral Polio Supplemental Immunization Activity Launching and Implementation sa ating bayan. Ang bakunahang ito kontra polio ay isasagawa sa buong buwan ng Mayo kaya’t antabayanan lamang ang pagbisita ng ating mga Municipal Nutrition Scholars (MNS) at Barangay Health Workers (BHW) sa inyong mga barangay upang bakunahan ang mga batang nasa edad 0-59 buwang gulang.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na siyang bumuo sa ating mapagpunyaging buwan ng Pebrero.
Salubungin natin ang isang masigla at masigasig na buwan ng Marso, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang bahagi ng ating pakikiisa sa pambansang pagdiriwang ng 28th National Autism Consciousness Week, isinagawa nitong buwan ang Autismlympics na dinaluhan ng mga kabataan sa ating bayan na may autismo. Tunghayan ang kanilang buong siglang pakikibahagi sa aktibidad na ito kasama ang kanilang mga magulang.
Dito sa San Mateo, kalingang panlahat ating tinututukan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Napuno ng sigla ang naging storytelling activity kasama sina Mayor Omie Rivera at ang 50 mga bibong bata mula sa ating Early Childhood Care and Development (ECCD) Center. Layunin ng ating Pamahalaang Bayan na tutukan at bigyang pagpapahalaga ang kasanayan sa pakikinig at pagbabasa ng ating mga kabataang mag-aaral dahil dito sa ating bayan, ang pagkatuto at kaalaman ay hinuhubog para sa ating mga chikiting!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Enero nitong taon nang bumisita sina Mayor Omie Rivera at mga kinatawan ng mga tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan sa tatlong centenarians sa ating bayan upang maghandog ng sertipiko ng pagkilala at ng cash gift. Narito ang ilang mga tampok na eksena sa naturang aktibidad.
Bayan ng San Mateo, bayang may kalinga para kina lolo’t lola!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muli nating sariwain ang mga pinakatampok na kaganapang nagbigay
kulay sa ating nagtapos nang taon. Salamat sa iyo 2023 at patuloy
lamang tayo sa pag-usbong at pagsulong sa 2024!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tunghayan ang handog na awiting Pamasko ng ating Pamahalaang Bayan
para sa ating mga kababayan ngayong taon. Sama-sama tayong magsaya
dahil Yes! It’s Christmas na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang pagtatapos ng ating Septemberfest 2023 ay minarkahan ng isang
gabing puno ng kantahan, hiyawan, at rakrakan ng mga kabataan.
Katuwang ang iba’t ibang mga departamento ng ating Pamahalaang
Bayan, pinangunahan ng ating Local Youth Development Office ang
pagdaraos ng San Mateo Grand Concert bilang kulminasyon ng ating
isang buwang pagdiriwang ng Septemberfest 2023. Tinipon natin ang
mga mahuhusay na banda at manganganta ng bansa para sa isang ‘di
malilimutang gabi na ito.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang tagumpay ng ating mga kababayan ay siya na ring tagumpay ng
ating bayan! Muling nagningning ang ating naging selebrasyon ng
ika-451 anibersaryo ng pagkakatatag ng ating bayan dahil sa
pagtitipon ng ating mga natatanging Gawad Parangal Awardees. Sila
ang mga kuwento ng pagsusumikap at pagpupunyagi—ang mga mukha ng
San Mateo.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang ating bayan, isang bayang makakalikasan. Muli tayong nagsagawa
ng isang malawakang clean-up drive bilang ating pakikiisa sa
taunang selebrasyon ng YES to Green Program.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagliwanag ang gabi sa pagpapasiklaban ng mga kandidato’t
kandidata sa coronation night ng Mr. and Ms. San Mateo 2023!
Dito’y nagwagi ng naturang titulo sina Mr. Wencell Mark Acosta at
Ms. Dainnelle Louise Pandinuela ng Barangay Pintong Bukawe at
Barangay Guitnang Bayan II.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa ating idinaos na SeptemberPETStival, iba’t ibang mga
aktibidades ang ating inihanda na tiyak kinagiliwan ng ating pet
owners at kanilang fur babies! Handog natin sa kanila ay saya sa
pagtatampok ng kanilang mga kagalingan at pagkakaroon ng dagdag na
kaalaman.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Oportunidad at pagkakataong umunlad ang inihandog natin sa ating
mga kababayan! Sa ating nagdaang Mega Job Fair, nagpamalas ng
pagkamasigasig ang ating mga kababayang jobseekers sa paghanap ng
mapapasukang trabaho sa ating mga nakatuwang na mga kompanya.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bumida sina lolo at lola sa ating Lolo Modelo at Lola Fashionista:
a Grandparents’ Day Celebration. Bukod sa pagalingan sa pagrampa
ay itinatampok din sa programang ito ang kakayahan at oportunidad
para sa ating mga kababayang senior citizens na makisaya at
makihalubilo sa kapwa.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bago magtapos ang kasalukuyang taon, muli nating sariwain ang
ilang mga tampok na kaganapan sa ating pinasaya at pinakulay na
Septemberfest 2023! Una na riyan ang ating pagdaraos ng ika-25
Pista ng mga Kakanin kung saan itinampok ang ating talento,
kultura, at debosyon. Ipagmalaki at isulong ang turismo sa ating
bayan!
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Saksihan ang mga tampok na eksena sa isinagawang groundbreaking
ceremony sa Lower Patiis, Brgy. Malanday kahapon ng Lunes, ika-11
ng Disyembre 2023. Bayan ng San Mateo, sama-sama tayong uunlad
dito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito na ang official lyric video ng ating Pamaskong awit ngayong
taon! Una natin itong ipinarinig sa pagdaraos natin ng YES Giant
Christmas Tree Lighting Event noong nakaraang buwan ng Oktubre.
Ngayon, muli natin itong mapakikinggan kaya halina’t makikanta
dahil ang Paskong masaya at naiiba, sa San Mateo madarama!
#PaskongRizalenyo
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ating isinagawa ang San Mateo
Color Run. Pinasigla at binigyang kulay natin ang C6 Road sa
pamamagitan ng higit sa 800 nating mga kababayang nakilahok sa
takbuhan. Maraming salamat sa ating Sports Development Office at
ating mga race partners para sa magkatuwang na paglulunsad ng
aktibidad na ito.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Masaganang biyaya ang handog sa atin ng ating mga kababayang
magsasaka sa Farmers’ and Agripreneur Market. Unang araw nang
bigyang kaalaman tayo ni Katanim tungkol sa Hydroponics at sa
ikalawang araw naman nang samahan tayo ng iba’t ibang mga
asosasyon na nagpasiklaban sa kani-kanilang mga masasarap na
putahe gawa sa saba at rabbit meat.
Maraming salamat sa ating Municipal Agriculture Office at sa lahat
ng mga nakiisa sa aktibidad na ito.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling saksihan ang mga pamana ng ating makabayang lahi at
magiting na kahapon sa First San Mateo History Exhibit. Maraming
salamat sa Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc. at
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu sa inyong
suporta sa pagsasakatuparan ng aktibidad na ito.
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang buwang selebrasyon, isang buwang puno ng mga programang
itinatampok ang saya at sigla ng ating bayan. Narito at muli
nating sariwain ang mga nagdaang kaganapan sa ating
pasabog na San Mateo Septemberfest 2023!
Hanggang sa muling pagdaraos ng Septemberfest, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa taunang pagdiriwang ng
World Mental Health Day. Sama-sama tayo sa pandaigdigang panawagan
upang makamit ng lahat ang suporta para sa
kalusugan ng isip.
Ang malusog na isip ay daan tungo sa pagiging masigla ng bawat
mamamayan at ng ating bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nitong ika-11 ng Setyembre 2023, dumalo si Mayor Omie Rivera sa
ginanap na Groundbreaking Ceremony para sa Expansion of Active
Transport Infrastructure sa Region IV-A sa Lipa, Batangas. Ang
proyektong ito mula sa Department of Transportation (DOTr) ay
naglalayong makapagpatayo ng bike lanes sa mga piling kalsada sa
Batangas, Antipolo, Cainta, at San Mateo.
Ang pagkakaroon ng mga bike lanes na ito ay isang malaking
kapakinabangan para sa ating mga aktibong transport users gaya ng
mga mag-aaral, empleyado, at mga turista. Mapabibilis nito ang
pagbyahe at pagtawid sa iba’t ibang mga bayan sa pamamagitan
lamang ng bisikleta. Marami pong salamat sa pagkakapili sa ating
bayan ng San Mateo Rizal bilang isa sa mga benepisyaryo ng
proyektong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang PhilHealth KonSulta Package o Konsultasyong Sulit at Tama ay
isang benepisyong nagbibigay ng pangunahing health care services
sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang
bawat isa na maagapan at maiwasan ang paglala ng kanilang sakit.
Panoorin ang mga dapat pa ninyong malaman ukol dito sa audio-video
presentation (AVP) mula sa PhilHealth.
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na
siyang bumuo sa ating makulay na buwan ng Hunyo.
Tungo sa isang mapagpunyaging buwan ng Hulyo, kababayan!
Mga balebolista ng ating bayan, handa na ba kayo?
Ang PhilHealth Konsultasyong Sulit at Tama o PhilHealth KONSULTA
package ay isang pinalawak na primary care benefit para sa ating
mga kababayan. Sa layunin ng PhilHealth na umagapay sa kalusugan
ng ating mga kababayan, kailangan ng mga accredited PhilHealth
Konsulta Providers na makapagpapaabot ng serbisyo at benepisyong
ito sa bawat komunidad.
Panoorin ang mga dapat mo pang malaman ukol sa pagiging isang
Konsulta provider sa audio-video presentation (AVP) na ito mula sa
PhilHealth.
Sa paggawad ng pagkilala sa ating bayan sa nagdaang Project Open
(Youth) Government Champions (POGCHAMPS) Culminating Activity,
ating tunghayan ang ating winning entry para sa audio-video
presentation (AVP) na naglalahad ng ating mga nais na tahaking
landas tungo sa pagbuo at pagkakaroon ng isang pamahalaang
nakikinig at responsibo.
PAGLILINAW: Ang mga plano/programang nabanggit sa AVP na ito ay
hindi pa pinal sapagkat kinakailangan pa ng masinsinang
konsultasyon at pagsasaliksik upang ito’y maging konkreto at
tiyak. Gayunpaman, sisikapin nating pag-ibayuhin ang ating
pagkilos upang unti-unti natin itong makamit.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating San Mateo Local Youth
Development Office, Sangguniang Kabataan, at mga miyembro ng ating
Local Youth Development Council!
Tunghayan natin ang mga nakalipas na programa at aktibidades na
siyang bumuo sa ating magiting na buwan ng Abril.
Tungo sa isang mapagpunyaging buwan ng Mayo, kababayan!
Kababayan, rehistrado na ba ang SIM card mo?
Alinsunod sa Republic Act No. 11934 o ang Subscriber Identity
Module (SIM) Registration Act, ating hinihikayat ang ating mga
kababayan na magparehistro ng kanilang mga SIM card. Layunin
nitong paigtingin ang hakbang ng gobyerno sa pagsugpo ng iba’t
ibang uri ng krimen gaya ng cybercrime, text scams, terorismo,
pang-aabuso o karahasan, disinformation campaigns, at marami pang
iba.
Madali lamang magparehistro! Bisitahin lamang ang website na ito:
Para sa mga Smart at TnT subscribers:
https://simreg.smart.com.ph/
Para sa mga Globe/TM subscribers:
https://www.globe.com.ph/register-sim-card.html#gref
Para sa mga DITO subscribers:
https://dito.ph/sim-registration
Muling tunghayan ang mga tampok na eksena sa ginanap na ikalawang
Fire Combat Challenge na idinaos sa Brgy. Guitnang Bayan I at
nilahukan ng mga emergency fire responders mula sa iba’t ibang mga
barangay sa ating bayan. Layunin ng aktibidad na ito na tiyaking
handa ang ating mga kababayan sa pagharap sa banta ng anumang
sakuna, lalong-lalo na sa sunog. Dahil dito sa San Mateo,
kaligtasan mo ang prayoridad dito!
Hulyo ng nakaraang taon nang muling madiskubre ang bustos ni Atty.
Mamerto Santos Natividad, Sr. sa loob ng Plaza Natividad–kung saan
ito ay nakatago at natatakpan na ng mga kagamitan. Buwan ng Abril
ng kasalukuyang taon, matapos ang ating masinsinang paghahanda,
inihayag na sa publiko ang monumento ni Atty. Natividad na ngayo’y
nasa tapat na ng plazang ipinangalan sa kanya, upang magsilbing
paalaala sa atin ng mukha ng kagitingan noong panahong ang
kalayaan ay pilit pa nating ipinaglalaban. Muli nating tunghayan
ang mga tampok na eksena sa ating pagkilala at pagbibigay-pugay sa
isang lokal na bayani ng ating bayan–isang tunay na dangal ng San
Mateo!
Sama-samang ikaway, malilinis na kamay! Halina•t samahan nyo
kaming makilahok sa programang Global Hand- washing Day 2022,
kaisa ng Department of Health (DOH), ngayong araw, Oktubre 15 at
sama-sama tayong maghugas ng kamay sa ating mga tahanan. Bayan ng
San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
Saksihan ang ilang mga tampok na eksena sa naging paggawad ni
Mayor Omie Rivera, kasama ang mga kawani ng Municipal Social
Welfare and Development Office (MSWDO), ng birthday gift at ng
Centenarian Cash Gift na may kabuuang P35,OOO sa centenarian na si
Gng. Cirila Fajardo ng Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal
"Sa pag-angat at pag-unlad ng San Mateo, walang dapat maiwanan.
Lahat ay magiging bahagi ng pag-unlad. " - Mayor Omie Rivera Mula
sa pagbubukas hanggang sa pagtatapos ay naging masigla ang mga
eksena sa idinaos na Mega Job Fair sa JFD Stadium nitong nakaraang
Bi- yer nest 30 Setyembre 2022.
Narito ang ilang eksena sa ating naging produktibong clean-up
drive nitong nakaraang Huwebes, 29 Setyembre 2022. Sa pangunguna
ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office
(MENRO) at Solid Waste Management Office (SWMO) ay matagumpay na
idi- naos ng ating Pamahalaang Bayan ang "Yes to Green
Celebration- San Mateo LGU Simultaneous Clean-Up Drive".
Narito ang ilang eksena sa naging pamamahagi ng relief goods sa
pangun- guna nina Gob. Nina Ynares at Mayor Omie Rivera nitong 26
Setyembre 2022. Kasama nilang nag-ikot Sina Bokal JP Bautista,
Konsi. Boy Salen, at Konsi. Joey Briones sa iba't ibang evacuation
sites gaya ng Maly Elementary School, San Mateo Elementary School,
Sta. Ana Covered Court at Guinayang Elemen- tary School. Umulan
man o bumagyo, tulong-tulong tayo sa bagong San Mateo!
Narito na ang ating selebrasyon ng ika-450 na taon ng pagkakatatag
ng ating Bayan ng San Mateo. Tunghayan ang 450th San Mateo
Foundation Day at Gawad Parangal para sa mga indibidwal na
nagbigay pagkilala sa ating bayan bilang bahagi ng San Mateo
Septemberfest 2022 na may temang, "Kulturang San Mateo @ 450:
Pagyamanin at Pasikatin!". Tunghayan ang ating pagdiriwang ngayong
taon ng live sa Jose F. Diaz Me- morial Stadium at live na live
din sa ating official Facebook page, San Mateo Public Information
Office. Hinihikayat ang lahat na makiisa.
Narito na ang ating selebrasyon ng ika-450 na taon ng pagkakatatag
ng ating Bayan ng San Mateo. Tunghayan ang 450th San Mateo
Foundation Day at Gawad Parangal para sa mga indibidwal na
nagbigay pagkilala sa ating bayan bilang bahagi ng San Mateo
Septemberfest 2022 na may temang, "Kulturang San Mateo @ 450:
Pagyamanin at Pasikatin!". Tunghayan ang ating pagdiriwang ngayong
taon ng live sa Jose F. Diaz Me- morial Stadium at live na live
din sa ating official Facebook page, San Mateo Public Information
Office. Hinihikayat ang lahat na makiisa.
Tunghayan ang highlights ng isinagawang National Simultaneous
Bamboo and Tree Planting Kick-Off Ceremony noong ika-13 ng
Setyembre 2022, sa pa- ngunguna ng ating Pangulong Ferdinand
"Bongbong" R. Marcos, Jr. sa Old Sanitary Landfill, Pintong
Bukawe, San Mateo, Rizal.
Para sa ating mga kababayan na hindi nakapanood ng ating online
Kakanin Cooking Show noong isang araw, ika-9 ng Setyembre, narito
ang highlights kasama si Nanay Flor. Sama-sama tayong matakam sa
'Suman Antala,' isang uri ng sumang tinutong at matagal iluto,
isang kakaning ipinagmamalaki ng San Mateo. Tuluy-tuloy lang ang
24th Kakanin Festival, mga kababayan! Abangan ang mga susunod pang
aktibidad sa SeptemberFest 2022!
Narito ang highlights ng ating makulay at masayang pagdiriwang ng
kakat- apos lang na 24th Kakanin Festival at Kapistahan ng ating
mahal na patrona, Nuestra Sehora de Aranzazu, nitong ika-9 ng
Setyembre 2022.