THE OFFICIAL WEBSITE OF THE MUNICIPAL GOVERNMENT OF SAN MATEO, RIZAL
HOME / GOVERNMENT / GUIDES
GUIDES
Magandang araw, kababayan!
Ikaw ba o ang iyong kakilala ay Person with Disability (PWD) at
wala ka pang PWD ID? Narito ang mga hakbang na dapat sundin at
mga kailangang dokumentong ipapasa ninyo para makakuha ng PWD
ID.
Step 1
Mag-submit ng sinagutang application form at iba pang
kinakailangang dokumento.
Step 2
Hintaying makuha ang PWD ID pagkatapos ng 5 hanggang 10
minuto.
Ang kinakailangang mga dokumento ay ang mga sumusunod:
PWD Application Form na may kumpleto at angkop na sagot.
Barangay certification for PWD requirement mula sa barangay
kung saan ka nakatira
Medical certificate na may lagda ng iyong doktor at
nagpapatunay na ikaw ay isang PWD.
1 pirasong kakakuha lamang na 1x1 ID picture
Magtungo lamang sa opisina ng MSWDO na matatagpuan sa unang
palapag ng ating munisipyo mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5
ng hapon upang mag-apply sa pagkuha ng PWD ID.
Magandang araw, kababayan!
Isa ka bang solo parent at nais magkaroon ng Solo Parent ID?
Narito ang mga hakbang na dapat sundin at mga kailangang
dokumentong ipapasa ninyo para makakuha ng Solo Parent ID.
Step 1
Mag-submit ng sinagutang application form at iba pang
kinakailangang dokumento.
Step 2
Hintaying maaprubahan ang aplikasyon bago makuha ang Solo
Parent ID pagkatapos ng 5 hanggang 10 minuto.
Mga kailangang dokumento para sa bagong aplikasyon:
Solo Parent ID Application form na may kumpleto at angkop na
sagot.
1 pirasong kakakuha lamang na 2x2 ID picture
COMELEC Certification/Voter’s ID
Barangay Certificate
Pinakabagong Income Tax Return
Anumang patunay na ang aplikante ay isang solo parent gaya ng:
-Death Certificate ng namayapang asawa
-Affidavit of Abandonment
Birth Certificate para sa mga batang edad 17 pababa
Certificate of Employment
Para sa renewal:
Solo Parent ID Application form na may kumpleto at angkop na
sagot
Isang pirasong kakakuha lamang na 2x2 ID picture
Barangay Certificate
Anumang patunay na ang aplikante ay isang solo parent gaya ng: