Hon. Bartolome "Omie" Rivera Jr.
Municipal Mayor
8:00 AM - 5:00 PM
/mayoromierivera
(02) 8297-8100
loc 150 Gen. Luna Ave., Brgy. Guitnang Bayan 1,
San Mateo, Rizal 1850
Nagtapos sa kursong AB Communication Arts si Mayor Bartolome 'Omie' Rivera Jr. noong 1978 sa Ateneo de Manila University at kursong BS Animal Science sa Araneta University sa parehong taon.
Nagsimula ang kaniyang karera sa pulitika taong 1975 bilang Kabataang Barangay Chairman ng Barangay Sta. Ana sa edad na 17 taon. Nagpatuloy ang kaniyang paglilingkod sa bayan ng San Mateo nang siya ay naitalagang OIC Councilor taong 1986 matapos ang EDSA Revolution. Itinanghal siyang pinakabatang Topnotcher Councilor sa halalan ng 1992.
Taong 1995, siya ay naihalal bilang kauna-unahang Independent Vice-Mayor ng ating bayan. Muli siyang pinagkatiwalaan ng ating mga kababayan at naihalal sa sumunod na mga termino taong 1998, 2007 at 2010. Sa kaniyang pamumuno sa Sangguniang Bayan noong 2007-2010 at 2010-2013, natanggap niya ang parangal na “Most Outstanding Sangguniang Bayan of Rizal Province” na naigawad sa bayan ng San Mateo.
Dati siyang Executive Assistant para sa Rizal Provincial Government mula taong 2014 hanggang 2015.
Taong 2016, bilang kasapi ng grupo ni Dating Gob. Rebecca “Nini” Ynares, siya ay naihalal na Bokal ng Ikalawang Distrito ng Rizal at nagkamit ng pinakamalaking boto bilang Bokal sa ikalawang termino noong 2019 kung saan pinamunuan niya ang komite ng agrikultura, pangisdaan, kabuhayan at kooperatiba sa Sangguniang Panlalawigan ng Rizal.
Bilang pinuno ng bagong administrasyon, mandato niya na ang lahat ay kasama sa pagbuo ng Bayan ng San Mateo, Rizal.