Bayan ng San Mateo, pinarangalan sa 22nd Gawad Kalasag Awards
Ginawaran ang ating bayan ng pagkilala ng Department of the
Interior and Local Government (DILG) CALABARZON sa ginanap na 1st
CALABARZON SubayBayani Awards nitong ika-7 ng Disyembre sa Summit
Ridge Hotel, Tagaytay City, Cavite.
Kinilala ang San Mateo, Rizal bilang Top LGU Implementer in
Category C- 1st to 3rd Class Municipalities. Bunga ito ng
epektibong pangangasiwa at implemetasyon ng ating mga
locally-funded projects (LFPs) sa pangunguna ng Municipal Planning
and Development Office (MPDO), mula 2017 hanggang sa kasalukuyan.
Sa tulong naman ng ating Municipal Engineering Office (MEO) ay
masusing naitala at naisumite ang mga dokumentong siyang binigyang
ebalwasyon ng ahensya sa SubayBayan System— ang opisyal na
monitoring platform ng DILG. Tinanggap ni Atty. Jay Quintos ng
Office of the Municipal Administrator ang plake ng pagkilala
kasama si Bb. Sherlyn A. Oñate-Resurreccion, MLGOO ng DILG sa San
Mateo, Rizal na mayroon ding Certificate of Appreciation para sa
kanyang partisipasyon sa paunang pagsuri ng ating mga dokumento.
Pagbati po para sa ating mga opisina! Inyong ipinapakita na dito
sa San Mateo, patuloy nating paglilingkuran ang bayan nang may
kahusayan para sa inaasam na kaunlaran!