THE OFFICIAL WEBSITE OF THE MUNICIPAL GOVERNMENT OF SAN MATEO, RIZAL
HOME / EVENTS / LATEST NEWS
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng San Mateo Rizal Community Development Office/Urban Poor Affairs Office (CDO/UPAO) at ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy lamang ang CDO/UPAO sa pagbibigkis ng sari-saring mga homeowners at neighborhood associations sa ating bayan at sa pagtiyak na ating nailalapit at nabibigyang agapay ang mga kababayan nating maralita tungo sa maayos na pamumuhay.
Samantala, nakatuon naman ang SAMMADAC sa paggabay sa ating mga kababayang minsan nang nalihis ang landas dahil sa ipinagbabawal na gamot. Ang kanilang pagpupunyagi ang nagbunsod ng kanilang pagkakahirang bilang Highly Functional na Anti-Drug Abuse Council. Sa ilalim ng kanilang Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP), ilang mga PWUDs (Persons Who Use Drugs) na ang tagumpay na nakapag-enroll, natuto ng mga mahahalagang kaalaman, at nakapagtapos nang may baong bagong pag-asa at simulain sa buhay.
Matapos ang kanilang pag-uulat ay nagkaroon ng paggawad ng sertipiko sa ating San Mateo Rizal Municipal Planning and Development Office (MPDO), Municipal Engineering Office, at San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Kinilala ang mga tanggapang ito sa kanilang pagsusumikap upang maabot ng ating Pamahalaang Bayan ang mataas na pagkilala pagdating sa mga proyektong ating binuo, isinumite, at iniimplementa. Pagbati sa mga nabanggit na opisina!
Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pakikipagtulungan ng Rizal Police Provincial Office at ng San Mateo Municipal Police Station Rizal PPO, ginanap ang isang Joint Anti-Bank Robbery and Cybercrime Coordinating Committee (JABRACCC) Meeting nitong Biyernes, ika-15 ng Nobyembre 2024, sa New MDRRMO Bldg. Dinaluhan ito ng iba’t ibang kinatawan at managers ng convenience stores at commercial banks sa ating bayan. Narito rin sina MLGOO Sherlyn Oñate-Resurreccion; PLTCOL Gaylor Pagala, Deputy Provincial Director for Operation; PLTCOL Jonathan Ilay, San Mateo Chief of Police; at mga kapulisan sa ating lalawigan ng Rizal.
Nagkaroon dito ng mga talakayan ukol sa gampanin ng kapulisan ng Rizal at ang ibayong pag-iingat na kailangan ng mga financial establishments sa mga banta at insidente ng cybercrime, robbery, at online scamming. Bago matapos ang pagpupulong, nagbigay ng makabuluhang mensahe si Mayor Omie Rivera at ang ating Deputy Chief of Police na si PCPT Jerome Kalinggalan Usman ukol sa pagsusumikap nating mapaigting ang ating mga hakbang upang manatili tayong ligtas sa banta ng mga nabanggit na krimen.
Dito sa San Mateo, sama-sama tayo sa pagkakaroon ng isang alerto, maalam, at ligtas na bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
SUSPENDIDO bukas, ika-18 ng Nobyembre 2024, ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa ating bayan. Kasalukuyang nakataas ang TCWS No. 2 sa lalawigan ng Rizal kung kaya't pinag-iingat ang lahat sa pag-ulang dala ng Bagyong Pepito. Iminumungkahi para sa mga eskuwelahan ang pansamantalang pagpapairal ng MODULAR o DISTANCE LEARNING upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante. Ito rin ay alinsunod sa naging anunsiyo ni Mayor Omie Rivera ukol sa kanselasyon ng F2F classes.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
MDRRMO/DPOS
(02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP
(02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo
(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#PepitoPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ayon sa pinakahuling monitoring ng San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), lumilihis na paangat ang direksyong tutumbukin ng bagyong Pepito sa mga susunod na oras. Indikasyon ito na maaaring hindi na maging ganoon kalakas ang mararanasan nating hangin at pag-ulan.
Ayon naman sa pinakahuling ulat ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, nananatili ang ating bayan sa TCWS No. 3 kung kaya't manatili pa rin tayong listo at handa para sa anumang insidente.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#PepitoPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sakaling mangailangan ng agarang tulong at rescue, narito ang mga emergency hotlines ng bawat barangay sa ating bayan na maaaring tawagan.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#PepitoPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
SUPER TYPHOON PEPITO KASALUKUYANG NASA DAGAT SILANGAN NG QUEZON
- Taglay nito ang malakas na hangin na 185 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 280 km/h habang kumikilos kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 10 km/h.
- Patuloy itong kikilos sa direksyong west-northwest sa hilaga ng Camarines Provinces at Silangan ng Quezon ngayong umaga.
- Dadaan ito sa Polillo Islands ngayong umaga bago muling mag-landfall northern Quezon o Aurora mula tanghali hanggang hapon. Inaasahan ang paghina nito sa typhoon category bago ang pangalawa nitong landfall.
- Pagkatapos, tatawid ito sa mga kabundukan ng Sierra Madre at Cordillera mula tanghali hanggang gabi.
Source: PIA CALABARZON
#PepitoPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ayon sa pinakahuling monitoring ng San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), lumilihis na paangat ang direksyong tutumbukin ng bagyong Pepito sa mga susunod na oras. Indikasyon ito na maaaring hindi na maging ganoon kalakas ang mararanasan nating hangin at pag-ulan.
Ayon naman sa pinakahuling ulat ng PAGASA kaninang alas-11 ng umaga, nananatili ang ating bayan sa TCWS No. 3 kung kaya't manatili pa rin tayong listo at handa para sa anumang insidente.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#PepitoPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling nagpamalas ng natatanging galing at husay ang ating koponan sa Governor’s Cup Rizal Inter-town Basketball Tournament 2024 18 Under Division kaninang umaga sa ating Municipal Stadium. Sa score na 71-60, tagumpay na nasungkit ng ating pambato ang panalo laban sa koponan ng Tanay, Rizal.
Patuloy nating suportahan ang mga kabataang basketbolista ng ating bayan sa mga susunod pa nilang laban. Basta palakasan, malakas ang mga taga-San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang ilang mga safety tips na dapat nating tandaan kapag may bagyo.
1. Manatiling updated sa lagay ng panahon at sa inyong mga lugar.
2. I-charge ang inyong mga cellphone, powerbank, flashlight, at iba pang mga elektronikong kagamitan na lubhang kakailaganin sakaling mawalan ng kuryente.
3. I-handa ang inyong mga emergency Go Bag na naglalaman ng ilang mahahalagang gamit tulag ng pagkain, gamit panlinis sa katawan, first aid supplies, damit, pito at flashlight, at mga importanteng dokumento.
4. Alamin ang mga pinakamalapit na evacuation center sa inyong lugar at ilista ang mga emergency numbers na maaaring tawagan.
5. Tiyakin din ang kaayusan ng lagay ng inyong mga alagang hayop sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo
6. Manatili na lamang sa loob ng bahay hangga't maaari.
Sama-sama tayong maging handa at alerto, mga kababayan!
#PepitoPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsagawa ng clearing operations ang ating Municipal Engineering Office sa mga daluyan ng tubig sa iba’t ibang barangay at pinutulan din ng sanga ang ilang mga puno sa sari-saring mga lokasyon bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong Pepito sa ating bayan.
Bayan ng San Mateo, handa tayo rito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Team San Mateo, mag-ingay!
Tunghayan ang tunggalian ng mga koponan ng iba’t ibang bayan sa Governor’s Cup Inter-town U18 Men’s Basketball na gaganapin sa ating municipal stadium bukas, ika-16 ng Nobyembre 2024! Magkakaroon muna ng maikling programa simula alas-8 ng umaga bago magtuloy sa mga palaro kaya halina’t saksihan ang ating mga manlalaro sa ating home court!
Basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap kahapon, ika-14 ng Nobyembre 2024, sa ganap na alas-2 ng hapon ang ika-apat na Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) at nagsilbing ceremonial venue para rito ang Ciudad Christhia (9 Waves) Resort. Upang mapaigting ang ating ginagawang pagsasanay, iniangat pa ang lebel ng mga pagsasadula at isinasagawang mga eksena sa iba’t ibang bahagi ng resort bilang ang 9 Waves ang isa sa mga lubhang napinsalang establisyimento noong kasagsagan naman ng bagyong Ondoy.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa 2024 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill! Patuloy lamang ang pag-ibayo ng ating kahandaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng ating kaalaman at kasanayan.
Dito sa bayan ng San Mateo, alerto tayo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginaganap ngayong araw ang KADIWA P29 Program: Murang Bigas para sa Lahat sa Brgy. Sto. Niño Covered Court. Sa halagang PHP29.00 kada kilo, hanggang 10 kilong bigas ang maaaring mabili ng ating mga kababayang bahagi ng bulnerableng sektor (4Ps beneficiary, senior citizens, solo parents, PWDs). Para sa naman sa pangkalahatan, higit sa 5 kilong bigas ang maaaring bilhin sa halagang PHP43.00 kada kilo!
Abangan ang pagbubukas ng KADIWA Store sa inyong mga barangay! Dito sa ating bayan, inilalapit sa ating mga kababayan ang serbisyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagkakaroon ng pagpupulong ngayong hapon ang ating Municipal Disaster Risk Reduction Management Council sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera at ng San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) bilang paghahanda ng ating bayan para sa Bagyong Ofel at Bagyong Pepito. Inaabisuhan ang ating mga kababayan na manatiling alerto, maaalam, at handa hanggang sa mga susunod na araw para sa anumang maging progreso ng mga bagyong ito.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pangunguna ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nagkaroon ngayong araw ng isang Capacity Building Training para sa mahigit 40 OFW Help Desk focal persons ng bawat barangay. Dumalo rin dito si Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas na nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat at pagsuporta para sa programa.
Sentro ng naging pagsasanay at talakayan dito ang migrant rights, community organization, at paghahatid ng sari-saring serbisyo para sa ating mga kababayang OFW. Nagsilbing guest speakers naman sina Bb. Jennifer Jumbas, Family Welfare Officer, Rizal; G. Albert Valenciano; Bb. Ellene Sana; at G. Mario Antonio na mula sa Center for Migrants & Advocacy.
Dito sa San Mateo, suporta at serbisyo sa OFWs ay sigurado!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) at ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) ang pagkakaroon ng isang Community-based Training on Meat Processing kahapon, ika-12 ng Nobyembre 2024, sa OSCA Building, Brgy. Guitnang Bayan I. Nagsilbing tagapagsanay sina Bb. Elvira Dalofin, Bb. Arlene Canete at Bb. Joymae Kaquilala ng TESDA para sa mga lumahok na senior citizens mula sa iba’t ibang mga barangay. Matapos ang naging aktibidad ay nagkaroon naman ng bahagian ng kaalaman ukol sa pagsisimula ng negosyo at iba pang mga paksa patungkol dito.
Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo at oportunidad ang handog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Halina't bumili ng mura at dekalidad na bigas!
Tara na sa Brgy. Sto. Niño Covered Court ngayong Biyernes, ika-15 ng Nobyembre 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, para sa murang bigas hatid ng Kadiwa P29 Program.
Narito ang mga bigas na maaaring bilhin:
P29 - Ito ay murang bigas na mabibili sa halagang PHP29 kada kilo. Para ito sa ating mga kababayang kabilang sa BULNERABLENG SEKTOR (PWD, Senior Citizen, Solo Parent at 4Ps member). Kailangang dalhin at ipakita ang inyong ID sa pagbili.
*Mula 5 kilo hanggang 10 kilong bigas ang pwedeng bilhin kada ID
P43 - Ito ang "Rice for All" o murang bigas para sa LAHAT ng mga mamamayan ng San Mateo, Rizal na nagkakahalaga ng PHP43 kada kilo.
*Mula 5 kilong bigas pataas ang pwedeng bilhin.
‼️ MAHALAGANG PAALALA ‼️
- First come, first served basis po ito kaya't magtungo na kaagad sa venue.
- Magdala ng inyong mga sariling eco bags.
- Hangga’t maaari ay maghanda na eksaktong halaga ng perang pambili.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Halina’t maging bahagi ng pagbuo ng ating Local Public Transport Route Plan (LPTRP) sa pamamagitan ng pagsagot sa survey na ito! https://tinyurl.com/LPTRP-Household-Survey-Form
Ang LPTRP ay isang komprehensibong plano na naglalayong gawing mas maayos, kapaki-pakinabang, at accessible para sa lahat ng ating mga kababayan ang serbisyong pang-transportasyon sa ating bayan. Lalamanin nito ang mga rutang maaaring baybayin ng mga pampublikong sasakyan na ipapanukala ng ating Pamahalaang Bayan sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). Samantala, katuwang naman natin sa masusing pag-aaral at pagbuo ng planong ito ang University of the Philippines-School of Urban and Regional Planning (UP-SURP).
Tayo na tungo sa maginhawa at hassle-free na pagkokomyut, mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalMPDO
#SanMateoRizalPIO
Sa pagtutulungan ng ating Department of Public Order and Safety (DPOS) at ng Philippine National Police - Explosive Ordnance Disposal and Canine (PNP-EOD/K9) Group, isinagawa ang dalawang araw na Project A.B.K.D. Seminar nitong ika-8 at ika-11 ng Nobyembre 2024 sa ating municipal stadium. Dinaluhan ito ng mga kawani ng DPOS - Task Force Disiplina (TFD) at Security and Intelligence Division (SID) at nagsilbing guest speakers sina PLT Rudy Saballero, PCMS Ernesto Dingcong Jr., PMSG Jefferson Tuliao, at PSSG Ramon Christopher Abion, mga EOD Technicians at K9 Handler.
Layunin ng naturang seminar na maingat ang kaalaman ng ating mga safety personnel pagdating sa peligrong hatid ng bomba, iba pang uri ng mga pampasabog, at iba pang mga gawaing maaaring makapagdulot ng pagkasira ng mga ari-arian at pagkawala ng buhay. Makatutulong ito sa pagpapayabong ng kanilang kaalaman at kamalayan bilang mga katuwang ng ating kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bayan.
Bayan ng San Mateo, maalam tayo rito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kahabaan ng San Mateo-Batasan Road cor. Gen. Luna Ave. (pa-Quezon City) simula bukas, ika-13 ng Nobyembre hanggang ika-15 ng Disyembre 2024.
Magpapatupad dito ng ONE-LANE ROAD CLOSURE kaya asahan ang posibleng pagbigat ng trapiko sa lugar. Para sa kaligtasan ng lahat, lalong-lalo na ng ating mga motorista, magdahan-dahan po sa inyong pagdaan sa naturang lugar at tingnang mabuti ang mga heavy equipment, hukay, at manggagawa sa daanan. Karagdagang mga DPOS traffic enforcers ang iiistasyon sa naturang lugar para sa pag-alalay sa mga motorista at pedestrians.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Sakaling may mamataan o mapag-alamang insidente ng pang-aabuso o iba pang uri ng karahasan sa mga bata, ipagbigay-alam mo ito! Tumawag sa MAKABATA Helpline 1383!
Ang Mahalin at Kalingain ang mga Bata (MAKABATA) Helpline ay naunang binuo ng Council for the Welfare of Children (CWC) upang tumugon at umagapay sa mga batang naapektuhan ng pandemya ang lagay ng kanilang pisikal at mental na kalusugan. Ngayon, saklaw na rin nito ang pagtanggap ng mga sumbong at pagsaklolo sa mga batang dumaranas ng anumang uri ng pang-aabuso (pisikal, sikolohikal, mental, at iba pa).
Sama-sama nating wakasan ang pang-aabuso at karahasan sa mga bata. Tumawag sa MAKABATA Helpline 1383!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Public Information Office. Nakasentro ang aming pag-uulat sa mga naging pagpupunyagi ng tanggapan nitong nagdaang mga buwan. Kabilang na rito ang koordinasyon at pakikipag-ugnayan ng aming tanggapan sa iba pang opisina para sa pagsasagawa ng aming mga awtput gaya ng media coverage, signage at tarpaulin designs, at sari-saring layouts para sa mga anunsiyong inilalabas dito sa aming official Facebook page. Dagdag pa rito ang mga general assemblies kung saan aming tinitipon ang mga information officers ng bawat barangay at bawat tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan upang mapaigting ang aming kolaborasyon at marating ang istandardisasyon sa ngalan ng epektibong pamamahayag ng mga balita.
Matapos ang aming pag-uulat, pinangunahan ng ating Municipal Sports Coordinator, Bb. Michelle Rondina, ang pagkilala sa mga miyembro ng San Mateo Hoopers 19U and 25U. Binigyang pagkilala rin ng San Mateo - Philippine National Police (PNP) ang mga volunteer groups na nagsilbing force multipliers ng ating kapulisan nitong nagdaang Undas.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
(Photos by Eric John Paul Benitez)
Nagtipon ang ilang mga kabataan sa ating bayan sa ginanap na “Project Taas Kamalayan at Kakayahan: Public Speaking and Facilitation 101 Capacity Building Activity” ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO) nitong ika-9 at ika-10 ng Nobyembre 2024. Sa loob ng dalawang araw ay sumailalim sila sa sari-saring mga hands-on learning sessions na nakatuon sa pag-aangat ng kanilang kasanayan sa public speaking at program facilitation. Ang mga kakayahang ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa ating mga lider-kabataan at aspiring youth facilitators upang kanilang mapadaloy nang mahusay ang mga programang kanilang bubuuhin at pangungunahan sa hinaharap.
Maraming salamat sa ating guest speaker na si Coach Paul Senogat, Program Director of Pasig City Civil Society Organization Academy, at sa lahat ng mga kabataang nakibahagi sa aktibidad na ito.
Dito sa ating bayan, pinatataas ang kamalayan at kakayahan ng mga kabataan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan, San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), magkakaroon ng pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga kababayan nating senior citizens sa 15 barangay sa ating bayan. Kasama na rin dito ang mga karagdagan at "unclaimed" na birthday celebrants mula January hanggang August 2024
Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin upang makatanggap ng cash gift:
Para sa mga senior citizen (benepisyaryo) na personal na kukuha:
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA
Para sa mga authorized representative (sakaling hindi makapunta ang senior citizen):
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA at isang (1) photocopy nito na may tatlong (3) pirma ng senior citizen (benepisyaryo)
- Orihinal at aktuwal na ID ng authorized representative at isang (1) photocopy nito
- Authorization letter na may pirma o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)
Para sa schedule ng pamamahagi ng cash gift, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong anti-rabies vaccination para sa ating mga alagang hayop bukas ng Martes, ika-12 ng Nobyembre 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Puno ng sigla at hiyawan para sa mga pambatong koponan ang pagsisimula ng Mayor's Cup: Volleykatan 2024 Inter-Barangay Volleyball League nitong Sabado, ika-9 ng Nobyembre 2024. Nagtipon sa ating municipal stadium ang mga kabataang balebolista mula sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan, kasama na rin ang kanilang mga Sangguniang Kabataan (SK) Chairpersons at kabarangay para sumuporta sa kanila.
Bago tuluyang magsimula ang mga palaro, nagbahagi ng inspirasyunal na mensahe para sa mga manlalaro ang mga inimbitahan nating panauhin na iniidolo rin sa larangan ng volleyball na sina G. Esmilzo “Ish” Polvorosa at Bb. Fille Cainglet-Cayetano. Nagpahayag din ng mensahe ng pagsuporta sina Konsi Joey Briones, Konsi Boy Salen, Konsi Jojo Juta, at SK Federation President Kyla Escobar. Hinikayat naman ni Mayor Omie Rivera ang mga kabataang patuloy na makiisa sa mga gawaing nakakapagpatibay ng kanilang pisikal na pangangatawan at ng kanilang pagpapahalaga o values tulad ng kooperasyon at sportsmanship. Pagkatapos nito ay naghandog ng isang pampasiglang bilang ang San Mateo Dancesport Team.
Maraming salamat at good luck sa lahat ng mga koponang kalahok sa ating Mayor's Cup: Volleykatan 2024 Inter-Barangay Volleyball League! Basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
SUSPENDIDO bukas, ika-11 ng Nobyembre 2024, ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS, sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa ating bayan. Kasalukuyang nakataas ang TCWS No. 1 sa lalawigan ng Rizal kung kaya't pinag-iingat ang lahat sa pag-ulang dala ng Bagyong Nika. Iminumungkahi rin para sa mga eskuwelahan ang pansamantalang pagpapairal ng MODULAR o DISTANCE LEARNING upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
BABALA: Para sa opisyal at lehitimong mga anunsiyo ukol sa pagsuspinde ng mga klase sa ating bayan, tiyaking galing at na-post ito dito sa ating OFFICIAL FB PAGE. Mag-ingat sa mga maaaring magpakalat ng maling online poster o anunsiyo.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#NikaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Malugod na binabati ng ating Pamahalaang Bayan si Aria Iu Nuñez, ang kiddie model mula sa Brgy. Silangan na tinaguriang "Ultra Grand Winner" sa patimpalak na Standout Kids of the Philippines 2024 na isinagawa nitong nakaraang buwan ng Oktubre.
Nawa'y manatili ang iyong pagiging bibo at standout na bata. Congratulations, baby Aria!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of Rommel Nuñez
Malugod na binabati ng ating Pamahalaang Bayan si Aria Iu Nuñez, ang kiddie model mula sa Brgy. Silangan na tinaguriang "Ultra Grand Winner" sa patimpalak na Standout Kids of the Philippines 2024 na isinagawa nitong nakaraang buwan ng Oktubre.
Nawa'y manatili ang iyong pagiging bibo at standout na bata. Congratulations, baby Aria!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of Rommel Nuñez
Tinatawagan ang lahat ng mga mag-aaral at out-of-school youth ng ating bayan!
Sa muling pagbubukas ng ating Student Employment Assistance Program (SEAP), sisimulan na ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) ang pagtanggap ng mga kabataang nais maging benepisyaryo nito! Maaari nang magparehistro at magpasa ng aplikasyon para rito simula ngayong araw, ika-8 ng Nobyembre 2024 sa link na ito: https://tinyurl.com/seap-nov2024
Limitado lamang ang slots para sa mga magpaparehistro online at awtomatikong magsasara ang online registration kapag napuno na ang slots, kaya naman apply na kababayan!
Dito sa ating bayan, oportunidad ang handog namin sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Halina't bumili ng mura at dekalidad na bigas!
Tara na sa San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office sa Brgy. Sta. Ana bukas, ika-8 ng Nobyembre 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, para sa murang bigas hatid ng Kadiwa P29 Program.
Narito ang mga bigas na maaaring bilhin:
P29 - Ito ay murang bigas na mabibili sa halagang PHP29 kada kilo. Para ito sa ating mga kababayang kabilang sa BULNERABLENG SEKTOR (PWD, Senior Citizen, Solo Parent at 4Ps member). Kailangang dalhin at ipakita ang inyong ID sa pagbili.
*Mula 5 kilo hanggang 10 kilong bigas ang pwedeng bilhin kada ID
P43 - Ito ang "Rice for All" o murang bigas para sa LAHAT ng mga mamamayan ng San Mateo, Rizal na nagkakahalaga ng PHP43 kada kilo.
*Mula 5 kilong bigas pataas ang pwedeng bilhin.
‼️ MAHALAGANG PAALALA ‼️
First come, first served basis po ito kaya't magtungo na kaagad sa Municipal Agriculture Office (bandang likuran ng Nuestra Señora de Aranzazu).
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang mga pambato ng ating bayan para sa 2024 Governor’s Cup Inter-town U18 Men’s Basketball. Suportahan natin ang ating mga kabataang basketbolista sa kanilang mga susunod na laban dahil basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong Martes, ika-5 ng Nobyembre 2024, ang pasinaya at ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing ng “Bayan Ko, Titser Ko Program” sa pagitan ng ating Pamahalaang Bayan, Angat Buhay, Angat San Mateo, San Mateo Municipal College, at Justice Vicente Santiago Elementary School. Layunin ng programang ito na magbigay ng tatlo (3) hanggang anim (6) na buwang remedial sessions sa mga kabataang nangangailangan ng dagdag na suporta sa pagbabasa sa tulong ng mga volunteer tutors ng Angat San Mateo.
Dumalo rito sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Angat Buhay Program Manager for Public Education Barry Codera, Angat San Mateo Chairperson Qwyn Rivera, MLGOO Sherlyn Oñate-Resurreccion, SMMC President Dr. Reldino Aquino, PSDS Pitsberg De Rosas, School Head Cynthia Tompong, mga volunteers, at mga kabataang benepisyaryo ng programa kasama ang kanilang mga magulang.
Hangad ng Pamaalaang Bayan na tiyaking walang batang maiiwan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at tagumpay sa buhay!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kasalukuyang tumatanggap ang San Mateo Rizal Public Employment Service Office ng mga aplikanteng senior citizens at Persons with Disability (PWDs) na nais makapagtrabaho sa Jollibee Foods Corporation. Para sa mga nais mag-apply, magtungo lamang sa tanggapan ng PESO, sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM - 5:00 PM, at magsumite ng inyong resume.
Ang inyong aplikasyon ay sasailalim sa kaukulang assessment at initial screening. Antabayanan lamang ang susunod na anunsiyo o notipikasyon mula sa PESO. Maaari ring mag-iwan ng mensahe sa kanila sakaling may iba pang katanungan.
‼️ PAGLILINAW ‼️
Para sa mga PWD, tanging mga deaf and mute (pipi at bingi) lamang ang hinihikayat na mag-apply at tatanggaping aplikante.
Dito sa San Mateo, mayroong handog na serbisyo at oportunidad para sa'yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling nakatanggap ng pagkilala ang San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) mula sa Center for Health and Development (CHD) - CALABARZON kahapon, ika-4 ng Nobyembre 2024, sa isang awarding ceremony sa Timberland Heights, San Mateo Rizal. Ang kanilang tanggapan ay binigyang pagkilala dahil sa kanilang pagkakaroon ng 64.6% coverage sa Bivalent Oral Vaccine Catchup at Supplemental Immunization Activity ngayong taon.
Maligayang pagbati sa ating Municipal Health Office! Nawa'y manatili at mag-ibayo pa inyong sigasig at dedikasyon upang magpatuloy lamang ang paglulunsad ng serbisyong medikal para sa ating mga kababayan!
Tunay ngang ang Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa ating pakikiisa sa malawakang pag-alala sa araw na ito bilang World Tsunami Awareness Day, narito ang ilang mga mahahalagang kaalaman ukol sa tsunami at kung paano tayo makapaghahanda sa pagharap dito.
Source: Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST)
Bayan ng San Mateo, alerto tayo rito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Planning and Development Office at San Mateo Rizal Public Employment Service Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan.
Bilang may mandatong pataasin ang kalidad ng serbisyong empleo ng ating Pamahalaang Bayan, patuloy ang PESO sa paglulunsad ng saring-saring mga programa na kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan tulad ng job fairs, local and special recruitment activities, career development support program, at marami pang iba. Samantala, nakatuon naman ang MPDO sa pagtiyak na kanilang napapangasiwaang maigi ang pagbuo ng mga komprehensibong plano ng ating Pamahalaang Bayan upang masiguro na ito ay progresibo, may pananagutan, at may integridad. Kanila ring iniulat ang malaking porsyentong itinaas ng ating mga kinita mula sa mga clearances kumpara noong nakaraang taon.
Sa pagtatapos ng ating flag raising ceremony, naglaan ang lahat ng isang minutong katahimikan para sa mga nasalanta at naging biktima ng bagyong Kristine sa pangunguna ng PNP-San Mateo.
Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Happy birthday, Lolo Jose!
Personal na binisita ni Mayor Omie Rivera at ng mga kinatawan ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) si G. Jose Sebastian ngayong araw, isang centenarian mula sa Brgy. Ampid I na nagdiriwang na kaniyang ika-101 kaarawan. Si Lolo Jose ang kauna-unahang centenarian na mapagkakalooban ng ating Pamahalaang Bayan ng PHP50,000 cash incentive simula nang maipasa ang ating Municipal Ordinance No. 025-S-2024.
Sa bisa ng pambayang ordinansa na ito, nakataas na sa PHP50,000 ang dating PHP10,000 na taunang cash incentive para sa ating mga kababayang centenarian na patuloy na nagdiriwang ng kanilang kaarawan paglagpas ng kanilang ika-100 taon.
Maligayang pagbati, Lolo Jose! Nawa'y makapagbigay ng ibayong suporta ang insentibo na ito sa iyo at sa iba pang mga lolo at lolang centenarian na makatatanggap din nito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang ilang mga tagpo sa iba't ibang mga sementeryo sa ating bayan ngayong panahon ng Undas. Inaabisuhan ang lahat ng mga bibisita na sunding maigi ang mga gabay o panuntunang ipinapatupad ng bawat sementeryo upang maging mapayapa at taimtim ang inyong pagdalaw.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
Tungo sa isang maayos at matiwasay na Undas 2024, kababayan.
Ayon sa pamunuan ng Paraiso Memorial Park, hanggang 12:00 MN lamang ang kanilang operating hours ngayong araw, ika-2 ng Nobyembre 2024. Hindi na pahihintulutan ang mga bibisita na mag-overnight dito. Ang operating hours ng Paraiso Memorial Park ay muling magpapatuloy bukas ng Linggo, ika-3 ng Nobyembre, sa ganap na alas-6 ng umaga.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Maging mataimtim nawa ang ating paggunita sa ating mga namayapang mahal sa buhay.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa. Maging mapayapa nawa ang ating pagbisita at pag-alala sa ating mga namayapang mahal sa buhay.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Inaalala ngayong araw ang All Saints’ Day o Araw ng mga Santo. Dito ginugunita ng ating mga kababayang debotong Katoliko ang buhay, debosyon, at kabanalan ng mga taong kilala at ‘di kilala na nagpakita ng natatanging pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Nawa’y magsilbing inspirasyon para sa atin ang kanilang mga mabubuting halimbawa at gawi sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang paghahanda sa paggunita ng Undas 2024, ipinatupad na ngayong araw ang pag-activate ng ating Incident Command System kung saan nagsilbing Incident Command Post ang Himlayang Katoliko at itinalaga bilang Incident Commander si Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head Braulio S. Villanueva.
Kasama ring itinayo ang iba pang staging areas sa Paraiso Entrance, Paraiso Exit, New Capilpil Cemetery, Old Capilpil Cemetery, Regina Coelis, Columbary at sementeryo sa Brgy. Pintong Bukawe.
Hinihingi namin ang inyong pakikiisa tungo sa ligtas at maayos na Undas 2024. Obserbahang maigi ang mga alituntunin sa sementeryong inyong bibisitahin.
Narito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan para sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo, Ka Eduardo V. Manalo! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magpapatupad ng ONE-WAY TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Miguel Cristi St. (mula Gen. Luna Ave. hanggang sa Paraiso) at sa Daang Bakal Rd. (mula Miguel Cristi hanggang JFD Ave.) mula ika-31 ng Oktubre hanggang ika-3 ng Nobyembre 2024. Ito ay upang bigyang daan ang ating taimtim na paggunita sa ating mga namayapang mahal sa buhay sa Araw ng mga Kaluluwa.
Inaabisuhan ang mga babyahe mula Ampid patungong Paraiso na gamitin ang pinaka-kanang bahagi ng kalsada (rightmost lane) sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. sapagkat magsisilbi itong exclusive lane pa-Paraiso.
Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa mga bibisita sa Paraiso Memorial Park.
MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ang pag-park ng mga sasalyan sa kahabaan ng Miguel Cristi St.
Maraming pong salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Narito ang mga dapat tandaan sa ating pagbisita sa mga namayapa nating mahal sa buhay na nakahimlay sa ating pampublikong sementeryo.
Mga puwedeng dalhin:
- Bottled water
- Pagkain
- Hand sanitizer
- First aid kit
- Kapote
- Payong
- Pamaypay
- Basurahan
Mga bawal dalhin:
- Kutsilyo
- Baril
- Flammables
- Alak
- Gamit pansugal
- Mga batang nasa edad 7 taong gulang pababa at mga alagang hayop
- Mga gamit na nagdudulot o lumilikha ng maingay na tunog
Bukas 24 oras ang Capilpil Cemetery simula bukas, ika-31 ng Oktubre hanggang sa Biyernes, ika-1 ng Nobyembre 2024, para sa mga bibisita sa mga puntod.
Sunding maigi ang ating gabay tungo sa ating maayos at mapayapang paggunita ng Undas ngayong taon.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) ang paglulunsad ng serye ng mga pagbisita sa mga paaralan sa ating bayan para sa pagsasagawa ng Career Development Support Program (CDSP). Layunin ng programang ito na maihanda ang ating mga Grade 10 students sa kanilang pagharap sa mga susunod na baitang, maging hanggang sa kolehiyo, at sa kalauna’y paghahanap ng mapapasukang trabaho. Sa pamamagitan ng mga diskusyon ng iba’t ibang mga paksang nakatuon sa usaping career development, nais tiyakin ng ating Pamahalaang Bayan na ang ating mga mag-aaral ay may mas pinalalim na kaalaman at pinalawak na kamalayan ukol sa nararapat na gabay at hakbang patungo sa kanilang kinabukasan.
Bayan ng San Mateo, kahusayan at oportunidad ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang mga kabataan ng ating bayan!
Magkakaroon ang San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO) ng “Project Taas Kamalayan at Kakayahan: Public Speaking and Facilitation 101 Capacity Building Activity” sa darating na ika-9 at ika-10 ng Nobyembre 2024. Gaganapin ito sa 2nd Flr. Conference Room, New MDRRMO Building sa Brgy. Sta. Ana, simula 7:30 AM hanggang 5:00 PM. Kung nais mong pataasin ang iyong self-confidence at kamalayan ukol sa pag-oorganisa at pagpapadaloy ng mga programa, sumali ka na rito!
Mag-register lamang sa link na ito: https://forms.gle/QbVuSfZacDkPBdvP8. Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Local Youth Development Office.
Dito sa ating bayan, boses ng kabataan, pinakikinggan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of San Mateo LYDO
Nais mo bang makabili ng mura ngunit dekalidad na bigas? Kung oo, halina sa San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office sa Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana! Bukas ito para sa mga mamimili ngayong araw (Martes) hanggang bukas (Miyerkules) hanggang alas-4 ng hapon.
Narito ang mga bigas na maaaring bilhin:
P29 - Ito ay murang bigas na mabibili sa halagang PHP29 kada kilo. Para ito sa ating mga kababayang kabilang sa BULNERABLENG SEKTOR (PWD, Senior Citizen, Solo Parent at 4Ps member). Kailangang dalhin at ipakita ang inyong ID sa pagbili.
*Mula 5 kilo hanggang 10 kilong bigas ang pwedeng bilhin kada ID
P43 - Ito ang "Rice for All" o murang bigas para sa LAHAT ng mga mamamayan ng San Mateo, Rizal na nagkakahalaga ng PHP43 kada kilo.
*Mula 5 kilong bigas pataas ang pwedeng bilhin.
MAHALAGANG PAALALA:
First come, first served basis po ito kaya't magtungo na kaagad sa Municipal Agriculture Office (bandang likuran ng Nuestra Señora de Aranzazu).
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Information and Communications Technology Office (ICTO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Ang pinakatampok dito ay kanilang paglulunsad ng SMR Free Wifi Zones na sa kasalukuyan ay nasa 9 na iba’t ibang lokasyon sa ating bayan, pag-install ng mga Automatic Number Plate Recognition (ANPR) Camera para sa pinaigting na pagmamanman sa ating mga kalsada, pagpapataas ng bilang ng mga San Mateo Rizal Text Blast subscribers hanggang 39, 267, at ang patuloy na pagbibigay ng suportang teknikal sa iba pang mga tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan.
Pagkatapos ng kanilang pag-uulat ay isinagawa naman ang turnover ceremony ng bagong sasakyan para sa Municipal Engineering Office. Isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nasa halos 60 mga imahe ng Birheng Maria ang ipinarada sa ginanap na 17th Grand Marian Procession sa ating bayan. Alas-6 ng gabi nang magtipon sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) ang ating mga kababayang debotong Katoliko para dumalo sa isang misa bago tuluyang pasimulan ang prusisyon. Itinampok dito ang iba’t ibang mga imahen ng Mahal na Birheng Maria na nagpapakita rin ng ilang mahahalagang tagpo sa kaniyang buhay.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tuloy-tuloy lamang ang mga kawani ng Capilpil Cemetery sa pagsasaayos ng lagay ng mga puntod at nitso sa ating pampublikong sementeryo bilang paghahanda sa pagbisita ng mga kaanak ng mga nakalagak dito ngayong Undas.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ni Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas at ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pamamahagi ng mga food packs ngayong araw para sa ating mga kababayang nasalanta ng Bagyong Kristine. Sa kasalukuyan ay higit sa 800 mga evacuees ang pansamantalang tumutuloy sa 8 evacuation centers na nasa iba’t ibang mga barangay. Bagama’t tumila na ang ulan, patuloy pa rin sa pag-monitor ang mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Offices (BDRRMOs) para sa agarang aksiyon sakaling magkaroon man ng mga hindi inaasahang insidente.
#KristinePH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
SUSPENDIDO pa rin hanggang bukas, ika-25 ng Oktubre 2024, ang mga klase sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa ating bayan. Ito ay bunsod ng masamang panahon dulot ng Bagyong Kristine sa ating bayan.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
BABALA: Para sa opisyal at lehitimong mga anunsiyo ukol sa pagsuspinde ng mga klase sa ating bayan, tiyaking galing at na-post ito dito sa ating OFFICIAL FB PAGE. Mag-ingat sa mga maaaring magpakalat ng maling online poster o anunsiyo.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#KristinePH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA ngayong ika-8 ng gabi, nananatili sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang buong lalawigan ng Rizal. Dala nito ang malalakas na hangin na mayroong wind speed na mula 62 - 88 km/h kung kaya't patuloy ang ating monitoring sa iba't ibang mga lugar sa ating bayan sakaling magkaroon man ng mga hindi inaasahang insidente.
Inaabisuhan din ang ating mga kababayan na hangga't maaari ay manatili na lamang sa loob ng kani-kanilang mga tahanan at maging updated sa lagay ng panahon upang maging alerto at handa.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#KristinePH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Source: Dost_pagasa
Mananatiling SUSPENDIDO hanggang bukas, ika-24 ng Oktubre 2024, ang mga klase sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa ating bayan. Kasalukuyang nakataas ang TCWS No. 2 sa lalawigan ng Rizal kung kaya't pinag-iingat ang lahat sa maaaring maging malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Kristine.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
BABALA: Para sa opisyal at lehitimong mga anunsiyo ukol sa pagsuspinde ng mga klase sa ating bayan, tiyaking galing at na-post ito dito sa ating OFFICIAL FB PAGE. Mag-ingat sa mga maaaring magpakalat ng maling online poster o anunsiyo.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#KristinePH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang lagay ng mga daluyan ng tubig sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan. Sa kasalukuyan ay wala pang naiuulat na anumang hindi inaasahang insidente sa ating mga barangay ngunit patuloy lamang ang monitoring ng ating Barangay Disaster Risk Reduction and Management Offices (BDRRMOs) sa kani-kanilang mga lugar.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#KristinePH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
(Photos courtesy of Ampid II, Guitnang Bayan I, Guinayang, Maly, and Silangan BDRRMOs)
SUSPENDIDO hanggang bukas, ika-23 ng Oktubre 2024, ang mga klase sa LAHAT NG ANTAS ng mga PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa ating bayan. Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA kaninang alas-5 ng hapon, nananatili sa TCWS No. 1 ang buong lalawigan ng Rizal kung kaya't inaabisuhan ang lahat na mag-ingat at hangga't maaari ay manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan. Ito rin ay alinsunod sa naging anunsiyo ni Gob. Nina Ynares ukol sa kanselasyon ng mga klase.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#KristinePH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginaganap ngayong hapon ang isang emergency meeting ng pamunuan ng ating Pamahalaang Bayan upang matalakay ang mga pangunahing impormasyon ukol sa Bagyong Kristine tulad ng magiging galaw at lakas nito hanggang sa mga susunod na araw. Napagdiskusyunan din dito ang mga panimulang hakbangin ng ating mga tanggapan sa magiging pananalasa ng naturang bagyo.
Ang pagtitipong ito ay pinangunahan nina Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas. Narito rin ang mga pinuno ng iba’t ibang opisina sa ating Pamahalaang Bayan, partikular na ang mga opisinang nakatuon sa pagbibigay ng agarang suporta sa mga magiging apektado ng pananalasa ng bagyo.
Bayan ng San Mateo, alerto tayo rito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kababayan, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA kaninang 11:00 AM, kasalukuyan nang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang ating bayan dahil sa bagyong Kristine.
Alinsunod sa naging anunsiyo ni Gob. Nina Ynares, SUSPENDIDO ngayong araw, October 22, 2024, ang klase sa lahat ng PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa ating bayan mula Kindergarten hanggang Senior High School.
Mag-iingat tayong lahat, mga kababayan! - Mayor Omie Rivera
Mag-ingat po tayong lahat! Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
#KristinePH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magkatuwang na pinangunahan ng National Nutrition Council (Official) at San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) ang paglulunsad ng Tutok Kainan Dietary Supplementation Program sa ating bayan nitong nakaraang linggo. Dito’y higit sa 50 mga bata ang tinimbang at sinuri ng ating mga Municipal Nutrition Scholars (MNS). Bumisita at nagbahagi naman ng kaalaman sina G. John Kentzee Solibaga at Bb. Lyra Jade Amparo ng National Nutrition Council, Provincial Health Officer Marie Claire Miranda at Bb. May Anne Flores mula sa Provincial Department of Health Office.
Layunin ng programang ito na bigyang suporta ang mga “nutritionally-at-risk” nating mga kababayan, partikular na ang mga buntis at mga batang nasa 6-23 buwang gulang nang sa gayon ay ating mapababa ang kaso ng malnutrisyon sa ating bayan at bansa.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Human Resource Management Office (HRMO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Bilang pagtupad sa kanilang mandato, tinitiyak ng HRMO ang pagpapanatili ang wasto at maayos na recruitment and appointment process, naaayong implementasyon ng mga alituntunin sa opisina, at ang maginhawang transaksiyon para sa anumang pangangailangan ng mga empleyado. Patuloy lamang din ang kanilang pagsusumikap na maabot ang HR excellence at tumalima sa layunin ng Civil Service Commission (CSC) na i-professionalize ang HRMO sa mga tanggapan ng gobyerno.
Matapos ang kanilang pag-uulat, nagkaroon ng anunsiyo mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) - San Mateo ukol sa selebrasyon ng National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) 2024. Mula ika-21 hanggang ika-27 ng Oktubre 2024 ay magdaraos ng sari-saring mga aktibidades para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na pangungunahan ng ating BJMP.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagpamalas ng natatanging galing at husay ang ating koponan sa opening games ng Governor’s Cup Rizal Inter-town Basketball Tournament 2024 18 Under Division na ginanap nitong Sabado, ika-19 Oktubre 2024, sa Ynares Center, Antipolo City. Sa score na 99-77, tagumpay na nasungkit ng Team San Mateo ang panalo kontra koponan ng Baras, Rizal.
Patuloy nating suportahan ang mga kabataang basketbolista ng ating bayan sa mga susunod pa nilang laban. Basta palakasan, malakas ang taga-San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kamangha-mangha ang ipinakitang husay ng San Mateo Elite Cycling Team sa katatapos lamang na Ultra Gravel Challenge: Unleashed na ginanap sa New Clark City sa Capas, Tarlac ngayong Oktubre 2024. Dito'y nanguna ang ating mga siklista sa iba't ibang mga kategorya tulad ng:
50KM Individual - Dave Cerilo (1st), Adriel Panlilio (2nd)
50KM Dynamic Duo - Mike Alerta at Patrick Panlilio (1st)
80KM Dynamic Duo - Francis Mayor at Roi Bañares (1st)
Tinaguriang "Shocker Performance" naman ang ipinamalas nina Reynald Timothy Navera at Edwin DL Panlilio.
Malugod na binabati ng ating Pamahalaang Bayan ang San Mateo Elite Cycling Team at ang team manager nito na si Lloyd Dave Osio!
Basta palaksan, malakas ang taga-San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Happy birthday, Gov. Nina! Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Gob. Nina Ricci Ynares! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ng ika-35 National Statistics Month ngayong buwan ng Oktubre na may temang “Advancing Data and Statistics Through Digital Transformation: A Road to an Empowered Nation”. Kinikilala rito ang pag-usad ng pangkabuuang pagproseso ng datos at estadistika dala ng digital transformation bilang hakbang tungo sa pagkakaroon ng epektibo at mahusay na pamamahala ng ating mga datos na siyang magbibigay ng mas malalim na pag-unawa at aksyon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.
Happy 35th National Statistics Month!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kaugnay ng isasagawang 17th Grand Marian Procession ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) bukas ng Sabado, ika-19 ng Oktubre 2024, magsasagawa ng prusisyon na magmumula sa DSPNSDA sa ganap na alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.
Babagtasin nito ang kahabaan ng mga kalye ng P. Gomez, B. Mariano, at kakaliwa sa Pelbel. Pagkatapos nito ay aakyat ng M.H. Del Pilar, dirediretso hanggang Brgy. Dulong Bayan I at pabalik sa DSPNSDA.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng ruta ng prusisyon. Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Isinasagawa ngayong araw ang isang post-Family Day Celebration sa ating municipal stadium handog ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng San Mateo Rizal Persons with Disability Federations Inc. para sa ating mga kababayang may kapansanan. Dito’y nagkakasiyahan sa mga inihandang palaro, patimpalak, at pagtatanghal ang higit sa 280 kalahok kasama ang kanilang mga kapamilya.
Sa pagsisimula ng programa ay nagpaabot ng mensahe si Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas ukol sa kabuluhan ng selebrasyon ng Family Day sa pamilyang Pilipino. Dito ipinagdiriwang ang matibay na pagbibigkis at samahan ng isang pamilya na siyang daan sa pagkakaroon ng isang matatag na lipunan at bayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagkaroon ng 1-day Solid Waste Management Plan 2026-2035 Formulation Workshop para sa mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan mula sa San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO), San Mateo Rizal Public Market, San Mateo Rizal Sanitary Unit, at San Mateo Rizal Solid Waste Management Office (SWMO). Dumalo rin dito ang mga kinatawan ng iba’t ibang mga barangay at ang mga Materials Recovery Facility (MRF) personnel.
Sa tulong ng University of the Philippines (UP) - School of Urban and Regional Planning ay ating sinimulang balangkasin ang ating 10-year Solid Waste Management Plan sa pamamagitan ng pagbuo ng ating mga layunin at iba pang mga hakbanging nakatuon sa pagkakaroon ng epektibong waste management sa ating bayan.
Bayan ng San Mateo, handa tayo rito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong ika-13 ng Oktubre ang San Mateo Kpop Quiz 2024 kung saan nagpamalas ng angking talas ng isip ang mga Grade 10 students mula sa 10 high schools sa ating bayan pagdating sa cooperative development. Ang aktibidad na ito ay isinagawa bilang bahagi ng ating Cooperative Month Celebration ngayong buwan ng Oktubre.
Pinangunahan ang San Mateo Koop Quiz 2024 ng mga kinatawan mula sa ating Municipal Cooperative Development Council, Department of Education, at San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO). Nagbahagi naman ng mensahe ng pagsuporta sa aktibidad at sa mga mag-aaral si Konsi Boy Salen.
Itinanghal na nagwagi sina:
Sophia Fadriquela (Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School) - 1st place
Audrey Jean Ilano (San Mateo National High School) - 2nd place
Sarah Cruz (Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School) - 3rd place
Kakatawanin nila ang ating bayan sa gaganaping Rizal Koop Quiz 2024 sa pagtatapos nitong buwan ng Oktubre. Congratulations at good luck sa ating mga mahuhusay na mag-aaral!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) ay magkakaroon ng LIBRENG chest X-ray para sa ating mga kababayang nasa edad 15 taong gulang pataas sa ika-25 ng Oktubre 2024 (Biyernes), sa Sta. Cecilia Freedom Park, Brgy. Maly. Magsisimula ito sa ganap na alas-8 ng umaga at magtatapos naman sa alas-3 ng hapon.
MAHALAGANG PAALALA: Limitado lamang ang ating mahahandugan ng libreng serbisyong ito. Para lamang ito sa UNANG 200 katao. Halina at magpasuri para sa malusog na baga!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon ang mga kabataan sa ating bayan para sa isang gabi ng kantahan at bahagian ng kaalaman ukol sa kalusugang pangkaisipan sa “Kumustahan at Kantahan: Pagdiriwang ng Mental Health Week” handog ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO). Ginanap ito noong nakaraang Sabado, ika-12 ng Oktubre 2024, sa Isolation & Testing Center sa Brgy. Guitnang Bayan I. Nagkaroon dito ng mental health talk, pagtatanghal, at open mic session upang malayang makapagbahagi ng talento ang mga kabataang lumahok.
Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa aktibidad na ito! Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa paglulunsad ng mga programang nakatuon sa pagbibigay ng suporta at boses sa mga kabataan.
Dito sa San Mateo, serbisyo at oportunidad ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Gaganapin sa Huwebes ng susunod na linggo, ika-24 ng Oktubre 2024, ang isang bloodletting activity sa Brgy. Dulong Bayan II Covered Court na pangungunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO). Magsisimula ito ng alas-8 ng umaga at magtatapos naman ng alas-12 ng tanghali.
PAALALA: Sa mga nais mag-donate ng dugo, narito ang mga kailangang tiyakin bago mag-donate:
1. Kinakailangang nasa mabuting kalusugan
2. May 6 hanggang 8 oras na tulog
3. Nasa 18 - 59 taong gulang ang edad
4. Hindi bababa sa 50kgs (110 lbs) ang timbang
5. Hindi uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa nakalipas na 24 na oras
6. Hindi nanigarilyo sa nakalipas na 6 na oras
7. Ang history of travel, medikasyon, piercing, at mga tattoo ay susuriin on site
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Matapos mailunsad ang KADIWA P29 Program sa Brgy. Guinayang noong nakaraang buwan ng Setyembre, sunod naman itong isinagawa sa Brgy. Ampid I nitong ika-11 ng Oktubre 2024. Nagtungo rito ang ating mga kababayang bahagi ng bulnerableng sektor upang makabili ng bigas at iba pang mga bilihin sa abot-kayang halaga.
Abangan ang pagbubukas ng KADIWA Store sa inyong mga barangay! Dito sa ating bayan, inilalapit sa ating mga kababayan ang serbisyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Happy birthday, Vice Gov. Junrey! Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Kgg. Reynaldo H. San Juan Jr. Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong ika-11 ng Oktubre 2024 ang capability training ukol sa mental health awareness handog ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office at ng ating Local Council of Women para sa guidance counselors ng mga paaralan, VAWC Desk Officers ng mga barangay, at mga GAD focal persons sa ating bayan. Dito’y hindi lamang tinalakay ang iba’t ibang mga paksa patungkol sa mga karamdamang pangkaisipan kung hindi ay binigyang lalim din ang kamalayan at perspektibo ng mga dumalo ukol sa usapin ng mental health.
Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo at oportunidad ang handog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magkatuwang na pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) at ng DKT Philippines Foundation ang ginanap na libreng ligation at vasectomy para sa ating mga kababayan. Layunin ng serbisyong ito na gawing abot-kamay ang access ng mga kalalakihan at kababaihan ng ating bayan pagdating sa epektibong birth control methods o kontrasepsiyon tungo sa pagiging mga responsableng magulang.
Maraming salamat sa inyong ipinaabot na suporta sa aming bayan, DKT Philippines! Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang pagtatapos ng selebrasyon ng Elderly Filipino Week sa ating bayan, idinaos ang isang Social Night sa ating municipal stadium kung saan nagtipon ang mga lolo’t lola mula sa iba’t ibang barangay para sa isang gabi ng kasiyahan at sayawan. Dumalo rin dito sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, at Konsi Grace Diaz na bumati at nagpaabot ng kanilang mga espesyal na mensahe para sa ating mga senior citizens.
Bukod sa sayawan ay nagkaroon din dito ng mga pagtatanghal mula sa mga samahan sa mga barangay at raffle draws para makapag-uwi rin ng mga papremyo ang mga nagsipagdalo. Ipinarating din nina OSCA- San Mateo OIC Romy Halili, San Mateo Federation of Senior Citizens Association Inc. (SMFOSCA) President Francisco Rocamora, at San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Head James Opider ang kanilang pasasalamat sa suporta ng ating Pamahalaang Bayan sa pagtataguyod ng mga programang kapaki-pakinabang para sa ating mga nakatatanda.
Muli, isang masiglang Elderly Filipino Week National Celebration para sa lahat ng mga lolo’t lola!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaan Bayan sa paggunita ng International Day of Climate Change, magkakaroon ng On the Spot Poster Making Contest para sa mga Grade 7 to 10 students ng ating mga pampubliko at pribadong paaralan sa ika-25 ng Oktubre 2024 (Biyernes), sa San Mateo Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I (tapat ng Super Health Center).
Narito ang mechanics:
1. Para ito sa lahat ng Grade 7 hanggang Grade 10 students mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa San Mateo Rizal.
2. Ang mga nais sumali ay kinakailangang magparehistro sa link na ito: bit.ly/SMRIDCC
3. Ang bawat kalahok ay kinakailangang magdala ng kanilang sariling mga pangkulay o coloring materials.
MGA PAALALA:
- Hanggang ika-23 ng Oktubre 2024 lamang ang ating pagtanggap ng mga magpaparehistro at nais sumali.
- Kailangang magpakita ng inyong school ID sa venue ng contest para sa mga gagawig beripikasyon.
- Magsisimula ang poster making contest ng ala-1 ng hapon ngunit ang CALL TIME para sa mga kalahok ay alas-10 ng umaga
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) o tumawag sa 8297-8100 loc. 112 at hanapin si G. Alvin Wagayen.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Capilpil Cemetery, SWMO, at San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy lamang ang pamunuan ng Capilpil Cemetery sa konstruksyon ng mga karagdagang nitso nang sa gayon ay handa na ang higit sa 700 mga nitso sa taong 2025. Magkatuwang naman ang Solid Waste Management Office (SWMO) at ang MENRO sa pagtiyak na hindi lamang malinis ang ating kapaligiran, bagkus ay mayroon ding umiiral na sistema upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan nito.
Matapos ang kanilang pag-uulat, ginawaran ng mga sertipiko at premyo ang mga barangay na nanguna sa San Mateo Rizal Arko Making Contest nitong Septemberfest 2024. Itinanghal na 2nd runner-up ang Brgy. Malanday, 1st runner-up ang Brgy. Dulong Bayan II, at Champion naman ang Brgy. Dulong Bayan I. Pagbati sa lahat ng mga barangay na lumahok at nagwagi!
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang bahagi ng mga huling aktibidad na inilunsad ng ating Pamahalaang Bayan para sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week, nagkaroon ng libreng Tai Chi session sa San Mateo Elementary School para sa halos 100 senior citizens mula sa Senior Citizens’ Association ng iba’t ibang mga barangay. Sila ay sumailalim sa mahigit isang oras na pag-eensayo sa pangunguna ni Grand Master Limuel “Maning” Bonsa.
Dito sa ating bayan, kalusugan nina lolo at lola, mahalaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong Biyernes, ika-11 ng Oktubre 2024, ang isang oryentasyon para sa mga public health nurses (PHNs), nurse supervisors, at mga doktor mula sa ating mga Rural Health Units (RHUs) ukol sa monkeypox (Mpox). Pinangunahan ito San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) - Disaster Risk Reduction and Management for Health (DRRMH) Team at ng DOH Regional Epidemiological and Surveillance Unit.
Ito ay upang may wastong kaalaman at sapat na kahandaan ang ating mga public health workers pagdating sa Mpox at sa mga protocol at action plans na kailangang buuhin ng ating MHO. Bagama’t nananatiling zero case ang ating bayan sa Mpox, mahalagang matiyak ang ating kahandaan laban dito.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa malawakang selebrasyon ng World Animal Day noong ika-4 ng Oktubre 2024, naglunsad ng libreng bakunahan kontra rabies ang San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO) at San Mateo Rizal Animal Welfare Office (AWO). Umaga nang ganapin ito sa Brgy. Guinayang Covered Court at bandang kinahapunan naman ay isinagawa ito sa SM City San Mateo. Higit sa 400 ang kabuuang bilang ng mga fur babies na nabakunahan dito nang libre.
Halina’t maging responsableng fur parents ng inyong mga alaga! Bayan ng San Mateo, bayang hatid sa’yo ay serbisyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang San Mateo Municipal Police Station ay tumatanggap na ng mga aplikasyon mula sa mga nais maging bahagi ng kapulisan ng ating bayan. Magtungo lamang sa Admin Office ng kanilang himpilan sa Brgy. Guitnang Bayan I, katabi ng ating munisipyo, at dalhin ang mga sumusunod:
Personal Data Sheet (PDS) CSC Form No.212
Revised 2017 (Hand Written)
Original PSA Birth Certificate (with receipt)
- PSA Marriage Certificate (for females, if married)
School Credentials (Authenticated by School)
- College Diploma
- Transcript of Records
- General Weighted Average (GWA)
- Certificate of Good Moral Character
- Certification, Authenticalion, and Verification (CAV)
Authenticated Copy of Report of Rating
Photograph: white background
- 1 colored whole body picture
- 1 colored 2x2 picture with nametag
Photocopy of two (2) valid IDs (front and back) with three (3) specimen signatures
Height or Age Waiver issued by NAPOLCOM (if applicable)
MAHALAGANG PAALALA:
- Para sa general qualification standards, basahin lamang ang nasa larawan sa ibaba
- Maaaring magpasa ng inyong aplikasyon hanggang ika-18 ng Oktubre 2024.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity materials courtesy of San Mateo Municipal Police Station Rizal PPO
Gamitin na ang one-stop app para ma-access ang online government services!
Iba’t-ibang serbisyong pampubliko, nandito na sa eGovPH app - now you can:
● Access digital government IDs
● I-fill out ang eTravel
● I-view ang contributions at membership info
… and more!
Para sa seamless access sa public service, i-download na ang eGovPH sa:
Play Store: https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app
App Store: https://apps.apple.com/ph/app/egovph/id6447682225
App Gallery: https://appgallery.huawei.com/app/C111221319
Para sa iba pang impormasyon, makipag-ugnayan o i-follow ang eGovPH sa:
Facebook: facebook.com/eGovPhilippines
Instagram: instagram.com/egovph/
Email: support@e.gov.ph
#eGovPH #eGovPHSuperApp #eGovPHApp #DICT #eGovernance #BagongPilipinas #BayangDigitalAngBagongPilipinas
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pandaigdigang paggunita ng World Mental Health Day ngayong araw. Sentro ng pag-alala sa araw na ito ang “Mental Health at Work” o ang lagay ng kalusugan ng ating kaisipan sa trabaho. Bilang pataas nang pataas ang porsyento ng ating mga kababayang bumubuo ng lakas-paggawa ng ating bayan at bansa, mahalagang matiyak na ang kani-kanilang lugar ng trabaho ay mapayapa, ligtas, at malaya sa anumang maaaring makasira sa dapat na matiwasay na pagtatrabaho. Maaari itong maging daan sa pagpapataas ng ating kalidad ng buhay, motibasyon sa trabaho, at sa pagiging produktibo.
Sama-sama nating paunlarin ang lagay ng ating mga sarili nang sa gayon ay atin ding mapaunlad ang lagay ng ating bayan, bansa, at mundo. Bigyang halaga ang iyong mental health at work, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang ating Pamahalaang Bayan ay nangangailangan ng mga sumusunod:
- Karpintero
- Mason
- Declogger
- Vactor Truck Driver
- Backhoe Helper
Magpasa lamang ng inyong liham aplikasyon at updated resume/biodata sa tanggapan ng ating Human Resource Management Office (HRMO), ikalawang palapag ng ating munisipyo, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Maaari ring magpasa via email sa kanilang email address: hrmo.smr@gmail.com.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Setyembre ng kasalukuyang taon nang ipaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, sa pangunguna ni Gob. Nina Ynares, sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang liham panawagan ng mga Rizalenyo laban sa pagmimina at quarrying sa ating lalawigan. Kalakip ng liham na ito, ipinadala rin sa tanggapan ng DENR ang resolusyong sinang-ayunan at nilagdaan ng lahat ng punongbayan sa Rizal upang mapagtibay pa ang naturang panawagan. Kaakibat ito ng ating pag-alala sa malawakan at malubhang pinsalang idinulot ng Bagyong Ondoy sa lalawigan ng Rizal at sa mga bayan at lungsod nito noong 2009.
Ang pagliham ng ating Pamahalaang Panlalawigan ngayong taon ay ilan lamang sa mga naunang pagkakataon na nagpahayag tayo ng hindi natin pagsang-ayon sa pagsasagawa ng mining at quarrying sa Rizal bunsod ng idinudulot nitong masamang epekto sa ating kapaligiran at mga mamamayan, lalong lalo na tuwing may bagyo.
Sama-sama tayong tumindig laban sa pagmimina at quarrying, mga Rizalenyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Kasama na rito ang bilang ng mga rescue operations at ang mga emergency response trainings para sa mga volunteers at barangay, na bahagi ng pagpapalakas ng kakayahan ng ating bayan na tumugon sa mga sakuna.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa National Celebration ng Elderly Filipino Week ngayong ika-1 hanggang ika-7 ng Oktubre 2024, isang espesyal na Pamper Day at Medical Mission ang inihandong ng ating San Mateo Rizal Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), San Mateo Federation of Senior Citizens Association Inc., at Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) para sa ating mga lolo at lola nitong ika-2 ng Oktubre 2024. Libreng serbisyo gaya ng haircut, manicure, pedicure, oral health care, pneumonia at flu vaccine, at check-up ang inihandog sa kanila bilang pagpapakita ng ating malasakit at pasasalamat sa kanilang mga naging ambag sa ating bayan.
Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng mga senior citizen, at iparamdam sa kanila ang ating pagmamahal at pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa komunidad.
Dito sa San Mateo, may kalinga para kina lolo at lola!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng ating Sanitary Unit ang pagsasagawa ng Vector Borne Diseases Preparedness and Response nitong Huwebes, ika-3 ng Oktubre 2024, sa Municipal Stadium, kung saan nilahukan ito ng mahigit 30 non-food at food businesses mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan.
Nagsilbing guest speaker sa nasabing programa si Jeffrey M. Sape, Marketing Manager ng JMS Pest Management. Kaniyang ibinahagi ang tamang aplikasyon ng Vector Control at ang kahalagahan ng wastong pagkontrol sa mga peste upang mapanatili ang kaligtasan ng mga negosyo at kanilang mga kliyente.
Ang programang ito ay bahagi ng mga requirements ng Department of Health sa Code on Sanitation of the Philippines (PD 856), na layong magbigay ng sapat na kaalaman at kahandaan laban sa mga sakit na dala ng vectors tulad ng lamok, daga, at iba pang mapanganib na insekto.
Dito sa San Mateo, kalinisan at kaligtasan ng ating mga kababayan, tututukan natin ‘yan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pagtutulungan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) at ng DKT Philippines Foundation, magsasagawa ng LIBRENG ligation at vasectomy sa ating bayan ngayong Lunes, ika-7 ng Oktubre 2024. Gaganapin ito sa Brgy. Ampid I Covered Court, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, at inihahandog para sa mga kalalakihan at kababaihang nasa edad 25 TAONG GULANG PATAAS.
MAHALAGANG PAALALA:
- Dapat ay walang naging sexual contact o hindi pa nakikipagtalik sa loob ng 2 linggo bago mag-October 7, 2024.
- Magkakaroon muna ng screening bago tuluyang sumailalim sa procedure.
- Ang serbisyong ito ay libre at maginhawa.
Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Municipal Health Office at ng DKT Philippines Foundation. Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photo courtesy of BHW SAN MATEO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang pagdiriwang ng World Teachers' Day ngayong araw. Laan ang natatanging araw na ito para sa pag-alala at pagkilala sa mahalaga at mapanghamong papel na ginagampanan ng ating mga kaguruan sa paghubog ng kinabukasan ng ating bayan, bansa, at mundo.
Mabuhay po kayo, aming mga ma'am at sir!
#teachersday2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap noong nakaraang ika-24 at ika-25 ng Setyembre 2024 ang dalawang araw na seminar na pinangunahan ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC) at dinaluhan naman ng mga opisyales ng iba’t ibang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Narito rin si San Mateo MLGOO Sherly Oñate-Resureccion at ang mga nagsilbing guest speakers dito sina PSMS Anthony Francisco ng Philippine National Police, Bb. Erlinda Mendez at Bb. Marielle Cortez ng Philiipine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bb. Joyce Saavedra, Program Manager ng DILG-Rizal.
Layunin ng 2-day seminar na ito na maging mas maalam ang mga BADAC officials sa kanilang mga tungkulin at maging mas malay sa mga teknikal na aspeto ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) at BADAC Plan of Action. Sa ganitong paraan ay kanilang mapaiigting ang implementasyon ng drug-clearing activities sa kanilang mga lugar.
Dito sa bayan ng San Mateo, maalam tayo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa natatanging araw alay para sa ating mga guro, ating alalahanin ang kanilang pagkalinga, pagsuporta, pagbabahagi ng kaalaman, at paglinang ng ating mga pagpapahalagang moral.
Happy teachers’ day po sa mga ma’am at sir ng ating bayan at bansa!
#teachersday2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang mga kabataang basketbolista ng ating bayan!
Sali na sa gaganaping Governor's Cup Inter-town U18 Men’s Basketball Tryouts ngayong Linggo, ika-6 ng Oktubre 2024, sa San Mateo Municipal Stadium sa Brgy. Guitnang Bayan I (tapat ng Super Health Center). Magsisimula ang basketball tryouts sa ganap na alas-4 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi.
MAHALAGANG PAALALA:
- Ang basketball tryouts na ito ay para sa mga kabataang nasa edad 18 taong gulang pababa
- Kailangang magdala ng isang original copy at isang photocopy ng PSA birth certificate sa araw ng tryouts.
- Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang kay Mark Anthony Valerio sa numerong ito: 09603827232
Halina’t patunayang basta palakasan, malakas ang San Mateo dyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa natatanging araw alay para sa ating mga guro, ating alalahanin ang kanilang pagkalinga, pagsuporta, pagbabahagi ng kaalaman, at paglinang ng ating mga pagpapahalagang moral.
Happy teachers’ day po sa mga ma’am at sir ng ating bayan at bansa!
#teachersday2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa natatanging araw alay para sa ating mga guro, ating alalahanin ang kanilang pagkalinga, pagsuporta, pagbabahagi ng kaalaman, at paglinang ng ating mga pagpapahalagang moral.
Happy teachers’ day po sa mga ma’am at sir ng ating bayan at bansa!
#teachersday2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsagawa ngayong araw ng lakbay-aral sa Anawim Home of God’s Poor sa Rodriguez, Rizal ang mga presidente at kinatawan ng mga senior citizens associations sa bawat barangay sa ating bayan, sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA) - San Mateo. Hatid nila’y kasiyahan at mga regalo sa kanilang pagbisita sa mga nakatatandang naninirahan dito. Nagkaroon ng maikling palatuntunan kung saan nag-alay ng mga mensahe, awitin, at papremyo sa mga palaro sina Konsi Grace Diaz, Konsi Boy Salen, OSCA- San Mateo OIC Romy Halili at San Mateo Federation of Senior Citizens Association Inc. President Francisco Rocamora.
Ang aktibidad na ito ay isa lamang sa ilan pang mga aktibidad na isasagawa ng mga senior citizens ng ating bayan para sa patuloy nating pakikiisa sa selebrasyon ng Elderly Filipino Week.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa natatanging araw alay para sa ating mga guro, ating alalahanin ang kanilang pagkalinga, pagsuporta, pagbabahagi ng kaalaman, at paglinang ng ating mga pagpapahalagang moral.
Happy teachers’ day po sa mga ma’am at sir ng ating bayan at bansa!
#teachersday2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang mga panimulang aktibidad sa ating pakikiisa sa Elderly Filipino Week National Celebration, lumahok kahapon, ika-1 ng Oktubre 2024, sa isang tree planting activity sa Divine Mercy sa Brgy. Guitnang Bayan I ang ating mga lolo’t lola. Ngayong araw, pamper day at medical mission naman ang ating inihandog sa kanila at ginanap naman ito sa OSCA Building sa Brgy. Guitnang Bayan I.
Magpapatuloy lamang sa kabuuan ng linggong ito ang mga programa at aktibidad laan para sa ating mga kababayang senior citizens, handog ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Dito sa San Mateo, may kalinga para kina lolo at lola!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong Huwebes, ika-26 ng Setyembre 2024, sa ating municipal stadium ang isang blood donation activity sa pagtutulungan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) at ng provincial bloodletting team mula sa Margarito A. Duavit Memorial Hospital. Dito’y higit sa 45 mga indibidwal ang tagumpay na nakapag-donate ng dugo.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa aktibidad na ito! Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang pagdiriwang at paggunita ng Elderly Filipino Week simula ngayong ika-1 hanggang ika-7 ng Oktubre 2024. Sa tema ng selebrasyon nito ngayong taon na “Senior Citizens - Building the Nation, Inspiring Generations”, ating alalahanin ang naging mga kontribusyon ng ating mga nakatatandang kababayan sa pagtataguyod ng ating lipunan at sa pagiging tanglaw ng ating mga kabataan sa kanilang pagtungo sa kinabukasan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang ating pakikiisa sa selebrasyon ng World Animal Day, magkakaroon ng libreng bakunahan kontra rabies sa ating mga alagang aso't pusa ngayong Biyernes, ika-4 ng Oktubre 2024, sa mga sumusunod na lugar at oras:
- Brgy. Guinayang Covered Court
8:00 AM - 12:00 PM
- 3rd flr., SM City San Mateo
1:00 PM - 5:00 PM
Narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago magpabakuna:
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na siyang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang mga kabataang balebolista ng ating bayan!
Ipamalas na ang inyong angking lakas at husay sa volleyball at sumali sa ating Inter-town U18 Men’s and Women's Volleyball Tryouts! Narito ang schedule:
📍 Inter-town U18 Men's Volleyball Tryouts
October 2, 2024 - 6:00PM to 9:00PM
San Mateo Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I (in front of Super Health Center)
Contact persons:
Mikel Padilla - 09357359935
Glenn Ruivivar - 09394913888
📍 Inter-town U18 Women's Volleyball Tryouts
October 3, 2024 - 5:00PM to 8:00PM
San Mateo Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I (in front of Super Health Center)
Contact persons:
Mikel Padilla - 09357359935
Sherwin Paz - 09929817516
‼️ MAHALAGANG PAALALA ‼️
- Ang volleyball tryouts na ito ay para sa mga kabataang nasa edad 18 taong gulang pababa
- Kailangang magdala ng isang original copy at isang photocopy ng PSA birth certificate sa araw ng tryouts.
Halina’t patunayang basta palakasan, malakas ang San Mateo dyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Happy birthday, Konsi Boy! Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Kgg. Norberto Salen! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng San Mateo Rizal Department of Public Order and Safety (Dpos). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy lamang ang DPOS sa pagtupad ng kanilang mandato na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa ating bayan. Kabilang sa kanilang mga tampok na aktibidad ay ang pinaigting na pagpapatupad ng mga alituntunin sa kalsadang daanan ng mga sasakyan at mga tao, pangangasiwa ng trapiko, at ang pagtiyak ng katiwasayan ng ating katatapos lamang na Septemberfest celebrations.
Matapos ang kanilang pag-uulat, ibinalita ng San Mateo Rizal Municipal Health Office ang mga iginawad na pagkilala sa kanilang TB Team at Dental Unit nitong mga nagdaang buwan. Kinilala ng DOH-Center for Health Development Calabarzon at ng Provincial Health Office of Rizal ang San Mateo MHO-TB Team dahil sa kanilang “Low Lost-to-Follow Up Rate for 2023 in the Province of Rizal”. Pinarangalan din ang San Mateo MHO-Dental Unit ngayong Setyembre sa ginanap na Oral Health Conference ng DOH - CALABARZON dahil sa mga natamo nitong matataas na rating sa iba’t ibang kategorya. Samantala, nagkaroon din ng anunsiyo si Office of the Senior Citizens’ Affairs (OSCA)- San Mateo OIC Romy Halili para sa idaraos na selebrasyon ng Elderly Filipino Week sa ating bayan.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinahihintulutan na simula ngayong araw, ika-30 ng Setyembre 2024, ang pagdaan ng mga LIGHT VEHICLES sa kahabaan ng JFD Ave. - Villa Anita sa Brgy. Silangan. Maaari nang gamitin ang isang lane nito at ipinapatupad din dito ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME upang malimitahan ang paggamit sa naturang kalsada na sa ngayon ay patuloy pa ring sumasailalim sa road works ng DPWH.
Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho at bigyang daan ang kapwa motorista, pedestrians, DPWH workers, at heavy equipment.
Maraming salamat po sa pag-unawa.
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of Municipal Engineering Office and San Mateo Dpos
Mayroong naghihintay na 20% discount para sa mga maagang magbabayad ng kanilang Real Property Tax o amilyar para sa taong 2025!
Magtungo lamang sa Plaza Natividad Payment Center, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM, upang makapagbayad gamit ang cash at manager’s/cashier’s check mula sa buwan ng Oktubre hanggang ika-27 ng Disyembre 2024.
Samantala, ang pagbabayad naman ng manager’s/cashier’s check via LBC o registered mail ay tatanggapin hanggang ika-13 ng Disyembre 2024 lamang.
Narito ang mga kinakailangang dokumento para sa mga magbabayad:
- Kopya ng current tax declaration ng inyong property mula sa Assessor’s Office
- Pinakabagong orihinal na tax receipt ng inyong updated payment para sa Real Property Tax
*Sakaling walang dalang kopya ng original tax receipt, lumapit lamang sa verification counter sa Plaza Natividad Payment Center para maibigay ang computation ng inyong Order of Real Property Tax Payment o Notice of Tax Assessment.
MAHALAGANG PAALALA:
Ang 20% DISCOUNT ay para sa mga nais nang magbayad ng kanilang amilyar para sa BUONG TAON ng 2025 nang walang naiwang bayarin mula sa mga nakaraang taon.
Kung may mga katanungan o nais na karagdagang detalye, tumawag lamang sa (02) 8297 - 8100, loc. 118.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginaganap ngayong araw ang murang pagkakapon ng mga aso’t pusa sa Modesta Covered Court sa Brgy. Sto. Niño. Mayroon din ditong inihahandog na libreng pagbabakuna sa ating mga alaga kontra rabies. Patuloy na tatanggap dito ng mga nais mag walk-in at mag-avail ng mga naturang serbisyo hanggang mamayang alas-3 ng hapon.
Ang mga aktibidad na ito ay handog ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO) at San Mateo Rizal Animal Welfare Office (AWO), katuwang ang Stray Neuter Project bilang pakikiisa sa malawakang pagdiriwang ng World Rabies Day. Tiyakin ang mabuting kalusugan ng ating mga alagang hayop at maging isang reponsableng pet owner, kababayan!
Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ikaw ba ay isang Grade 6 student na nagnanais maging isang Pisay scholar? Narito na ang pagkakataon mo para mag-apply sa Philippine Science High School National Competitive Examination (NCE) 2024!
📍Deadline of application: October 10, 2024
📍Exam date: November 16, 2024
📍Where to apply:
🟢 ONLINE: https://nce.pshs.edu.ph
🟢 Philippine Science High Schoool campus
🟢 DOST Regional Offices
🟢 Provincial Science and Technology Offices
Narito ang criteria for elegibility at application requirements mula sa Philippine Science High School System:
CRITERIA FOR ELIGIBILITY :
A grade 6 elementary pupil from a duly recognized school by the Department of Education who meets the following criteria is eligible to apply for the PSHS National Competitive Examination (NCE).
He/She Must:
• have a final grade of 85% or better in Science and Mathematics, evidenced by the student's report card. If the student's grades in Science or Math are below 85%, then, he/she must provide evidence that he/she belongs to the upper 10% of the batch.
• be a Filipino citizen with no pending or approved application as immigrant to any foreign country;
• not be more than 15 years old by June 30, 2025;
• have at least a satisfactory rating (or its equivalent) in his/her Character Rating in his/her report card (SY 2023 - 2024);
• Have not previously applied for admission in PSHS; and
• preferably, be in good health and fit to undergo a rigorous academic program
APPLICATION REQUIREMENT :
For walk-in applicants:
• Fully accomplished application form.
• Recent 1x1 ID pictures.
• Non-refundable processing fee for private school students - Php 300, based on the applicant's Grade 5 school / Free for public school students and students with full scholarship from private schools.
• Certified true copy of report card (SY 2023 - 2024) by the class adviser / principal.
• If the final grades in Science or Math are below 85%, certification or proof that the child belongs to the upper 10% of the batch.
• Certification from the private school if the pupil-applicant is on full scholarship.
For applicants online:
• Scanned/Digitized copy of most recent 1x1 ID pictures
• Scanned/Digitized copy of Proof of Payment (Php 300 for private school students; free for public school students and students with full scholarship from private schools)
• Scanned/Digitized copy of Certified true copy of report card (SY 2023 - 2024) by the class adviser / principal.
• Scanned/Digitized copy of certification of proof that the child belongs to the upper 10% of the batch if the final grades in Science or Math are below 85%.
• Certification from the private school if the pupil-applicant is on full scholarship.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang thru Messenger chat sa FB page ng Philippine Science High School System. Apply na kabataan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Philippine Science High School System
Isinagawa kahapon, ika-26 ng Setyembre 2024, ang ating taunang makakalikasang Septemberfest activity na clean-up drive sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng paglulunsad ng YES to Green Program. Nagkaroon ng maikling programa sa San Mateo Municipal College - Guinayang Campus kung saan naroon din si Konsi Joel Diaz, Chairperson of the Committee on Environment and Natural Resources, Land Zoning, Land Utilization Planning, Energy and Facilities; G. Eli Sochaco, SMMC NSTP Coordinator; at ang daan-daang mga 1st year college students na enrolled sa National Service Training Program (NSTP).
Isinusulong ng aktibidad na ito pagpapataas ng kamalayan ng ating mga kabataan hindi lamang sa lagay ng ating kapaligiran kung hindi maging ang kanilang maaaring maging gampanin sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan nito.
Tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mahigit 1,600 na mag-aaral ng San Mateo Municipal College (SMMC) ang dumalo sa isinagawang orientation para sa Iskolar ni Gob Program nitong Lunes, ika-23 ng Setyembre 2024 sa Municipal Stadium. Dito ay ipinaabot sa kanila ang mga dokumentong kinakailangan nilang ipasa at mga impormasyon hinggil sa mga hakbang na kanilang dapat sundan upang mapabilang sa scholarship program ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Nina Ynares.
Dumalo sa orientation sina Mayor Jun Ynares, Cong. Jojo Garcia, Mayor Omie Rivera, Mayor Ronnie Evangelista, Kap. Tom Hernanzez, Dr. Reldino Aquino, Konsi Joey Briones, at Konsi Boy Salen. Ipinaabot naman ni Mayor Omie Rivera ang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na pagsuporta sa mga mag-aaral upang makamit nila ang kanilang mga pangarap.
Maraming salamat po Gob. Nina Ynares sa inyong patuloy na pagtulong sa ating mga kabataan! Dito sa ating bayan, tulong-tulong tayo tungo sa ating minimithing kaunlaran!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Idinaos nitong Miyerkules, ika-25 ng Setyembre 2024, sa ating municipal stadium ang pinakamalaking job fair ng taon handog ng ating Pamahalaang Bayan, ang San Mateo Rizal Mega Job Fair.
Higit sa 400 mga job applicants ang sumubok na mag-apply katuwang ang higit 30 mga kompanya, at base sa huling tala ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO), 132 na mga aplikante ang na-hired on the spot matapos dumaan sa screening at interview, na pinakamataas na datos kumpara sa mga nagdaang job fair. Dumalo din dito sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas at Konsi Joey Briones upang ipaabot ang kanilang suporta sa programa.
Pagbati sa lahat ng ating mga kababayang sumubok sa ating Mega Job Fair ngayong taon, lalo na sa mga hired on the spot! Dito sa ating bayan, ating tinitiyak na ang oportunidad na magkaroon ng trabahong disente at dapat, abot-kamay na ng lahat!
Tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tumanggap ng ilang mga parangal ang Dental Unit ng San Mateo Rizal Municipal Health Office sa ginanap na Oral Health Conference ng Department of Health - CALABARZON sa Alabang, Muntinlupa kahapon, ika-25 ng Setyembre 2024. Narito ang kanilang mga nakamit na pagkilala:
TOP 1 - Highest number of barangays conducted the activity (Oral Health Month Celebration)
TOP 2 - Orally Fit Children with 33% in 2023
TOP 3 - Highest percentage for pregnant women who received Basic Oral Health Care
Ginawaran din ng “Special Award for Oral Health Innovation” si Dr. Anne Collado at ang lalawigan naman ng Rizal ay itinanghal na TOP 2 sa “Highest Percentage for Pregnant women who received Basic Oral Health Care”.
Taos pusong binabati ng Pamahalaang Bayan ang mga natatanging dentista ng bayan na bumubuo ng MHO-Dental Unit na sina Dr. Anne Collado, Dr. Clarissa Perez, at Dr. Rowena Ochavez! Saludo po kami sa inyong iniaalay na sigasig at puso sa pagsisilbi sa ating mga kababayan sa pagtitiyak na mabuti ang lagay ng kanilang kalusugang pambibig o oral health!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalMHO
#SanMateoRizalPIO
Muling napuno ng kulay at sigla ang ating gabi nitong nakaraang Linggo, ika-22 ng Setyembre 2024, sa ginanap na San Mateo Rizal Grand Concert 2024. Libu-libong mga manunuod ang nakisaya at nakikanta sa mga hit na hit na tugtugin mula sa MYMP at nina Maki シ, Rob Deniel, kiyo, at Alisson Shore.
Nagpasiklab din ng kanilang angking husay at talento ang ating mga local artists at performers magmula sa ating local bands na Music Med, KiZUMA, Story Unfold, at MATEO 1850 at ang dance groups na SINAG Dance Troupe at Aranzazu Youth Animators. Mayroon ding isang special performance mula naman kay DJ Nate.
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa natatangi at ‘di malilimutang gabi na ito! See you sa susunod na taon, kababayan! Tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa ngayong araw ang ikatlong Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ng kasalukuyang taon sa Timberland Heights, San Mateo Rizal. Nakibahagi rito ang mga kawani ng ating Pqmahalaang Bayan sa pangunguna ni Municipal Administrator Henry Desiderio, kinatawan ni Mayor Omie Rivera. Narito rin ang mga kawani ng Timberland Heights at ang mga mag-aaral mula sa Manila Waldorf School - Timberland Heights.
Nilalakipan natin ang ating NSED ng mga "simulation" o pagsasagawa ng mga partikular na eksena na nagpapakita ng ating disaster response at rescue operations sa pagtama ng lindol sa ating bayan. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa 2024 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill! Ating paigtingin ang ating kahandaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng ating kaalaman at kasanayan.
Dito sa bayan ng San Mateo, alerto tayo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong Biyernes, ika-20 ng Setyembre 2024, ang Steamed Banana Cake Livelihood Program sa Eastern Star Institute of Science and Technology, Brgy. Sta. Ana, sa pangunguna ng San Mateo Rizal Gender and Development Office. Dito'y nagpaabot ng mensahe si Mayor Omie Rivera ukol sa kahalagahan ng naturang programa na maaaring makapagbigay ng oportunidad sa ating mga kababayan upang makapagsimula ng maliliit na negosyo.
Layunin ng programang ito na magbigay ng karagdagang kaalaman at pagkakakitaan sa ating mga kababayan upang maitaas pa ang kanilang kakayahan sa pagnenegosyo at pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan.
Dito sa San Mateo, kahusayan at serbisyo ang handog sayo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Happy birthday, Gov. Nini!
Isang mapagpalang kaarawan sa dating gobernador ng ating lalawigan, Gob. Rebecca A. Ynares. Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong Sabado, ika-21 ng Setyembre 2024, sa San Mateo Municipal Stadium ang ating taunang Gawad Parangal kung saan binibigyang pagkilala ng ating Pamahalaang Bayan ang mga natatangi nating kababayan mula sa iba't ibang mga larangan. Pinangunahan ito nina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas at mga miyembro ng 26th Sangguniang Bayan na sina Konsi Joey Briones, Konsi Boy Salen, Konsi Grace Diaz, Konsi Joel Diaz, Konsi Jojo Mariano at SK Federation President Kyla Ray Escobar.
Dito’y pinarangalan ang mga nasyonal at lokal na ahensya at mga korporasyon na nakatuwang sa mga proyekto at programa ng ating Pamahalaang Bayan; mga mag-aaral sa kolehiyo na nagtapos nang may matataas na parangal; at ang mga natatanging kawani at tanggapan ng Pamahalaang Bayan. Samantala, ginawaran ng espesyal na pagkilala bilang “Bayaning Kawani” si G. Poland Caesar Pastrana na mula sa Information and Communications Technology Office (ICTO) dahil sa kaniyang ipinamalas na angking kabayanihan sa pagsasagawa ng rescue operations noong nagdaang Bagyong Carina. Ang prestihiyosong “Anak ng San Mateo” award naman ay iginawad kay Gng. Lydia Cuevas-Vicente, isang tubong San Mateo, guro, at President and CEO ng Lorenzo Ruiz de Manila School.
Ang buong programa ay hinandugan din ng mga pampasiglang bilang mula kina G. Marion Ilagan, G. Zildjian Villaflor, J&K San Mateo Dancesport Team, at Silangan National High School. Pagbati sa lahat ng mga nagkamit ng parangal at pagkilala sa ating Gawad Parangal ngayong taon at maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa selebrasyon ng ika-452 Founding Anniversary ng ating bayan!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kababayan, nakapagparehistro ka na ba?
Limang araw na lamang ang natitira bago matapos ang voter's registration kaya naman halina't magtungo sa mga sumusunod na lokasyon at petsa at #MagpaRehistroKa!
September 25-27, 2024 - SM City San Mateo
September 28, 2024 - Villa San Mateo 6 Clubhouse
September 30, 2024 - SM City San Mateo
Makibahagi sa ating 2025 national at local elections para sa kinabukasan ng ating bansa at bayan!
#MagpaRehistroKa
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kaakibat ng isasagawang murang pagkakapon sa darating na ika-29 ng Setyembre 2024 sa Modesta Covered Court, Upper Rose St., Modesta Village, Brgy. Sto Niño, magkakaroon din dito ng FREE ANTI-RABIES VACCINATION para sa inyong mga alagang aso at pusa! Magsisimula ito sa ganap na alas-8 ng umaga at magtatapos sa alas-3 ng hapon.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Gaganapin ngayong Huwebes, ika-26 ng Setyembre 2024, ang isang bloodletting activity sa ating municipal stadium (sa tapat ng Super Health Center) na pangungunahan ng San Mateo MHO. Magsisimula ito ng alas-8 ng umaga at magtatapos naman ng alas-3 ng hapon.
PAALALA: Sa mga nais mag-donate ng dugo, narito ang mga kailangang tiyakin bago mag-donate:
1. Kinakailangang nasa mabuting kalusugan
2. May 6 hanggang 8 oras na tulog
3. Nasa 18 - 59 taong gulang ang edad
4. Hindi bababa sa 50kgs (110 lbs) ang timbang
5. Hindi uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa nakalipas na 24 na oras
6. Hindi nanigarilyo sa nakalipas na 6 na oras
7. Ang history of travel, medikasyon, piercing, at mga tattoo ay susuriin on site
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong gabi, simula 10:00 PM hanggang 4:00 AM bukas ng Martes, ika-24 ng Setyembre 2024. Ito ay para sa isasagawang EMERGENCY LEAK REPAIRS sa mga sumusunod na lugar sa ating bayan:
- Brgy. Guitnang Bayan II
- Kahabaan ng Balanti St. at iba pang karatig lugar sa Brgy. Banaba
Maraming salamat sa inyong pag-unawa!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Assessor’s Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan mula sa masusing pag-update ng tax declarations hanggang sa pagproseso ng mga aplikasyon para sa real property assessment at ang pag-update ng kanilang system para sa mas episyenteng serbisyo sa publiko.
Pagbati sa ating Assessor’s Office sa kanilang mga naabot at pinagsumikapan nitong mga nagdaang buwan at nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang naging pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang magkakaroon ng WATER INTERRUPTION ngayong araw, ika-23 ng Setyembre 2024, simula alas-10 ng gabi hanggang bukas ng Martes, alas-6 ng umaga. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang line meter replacement ng Manila Water sa ilang bahagi sa mga sumusunod na mga barangay sa ating bayan:
- Guitnang Bayan I
- Guitnang Bayan II (Poblacion)
- Dulong Bayan I
Maraming salamat sa inyong pag-unawa!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Manila Water
Ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal ang ating bayan, kasama ang ilan pang mga bayan sa lalawigan ng Rizal, sa tagumpay na pagkamit nito ng insurgency-free status. Tinanggap ito ni Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas ngayong araw sa Ynares Event Center sa Rizal Provincial Capitol Complex, Antipolo, Rizal.
Ang pagkakaroon ng insurgency-free status ng isang bayan o lugar ay nangangahulugan na ito ay malaya mula sa anumang banta ng presensya at aktibidad ng mga community terrorist group. Maraming salamat sa ating mga kapulisan at kasundaluhan na katuwang natin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating bayan at bansa!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo Rizal Office Of the Vice Mayor Jimmy Roxas
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-24 ng Setyembre 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang tulog na lang, San Mateo Rizal Grand Concert na!
Year 2 na ng ating kaabang-abang na San Mateo Rizal Grand Concert ngayong taon. Humanda na sa isang gabing puno ng kantahan kasama ang ating mga local artists at ang mga in na in na musikero ng bansa! Bukas na ito, ika-22 ng Setyembre 2024, sa Freedom Park, Brgy. Guitnang Bayan I, mula alas-3 ng hapon.
Dahil nais nating matiyak na ligtas na makapag-eenjoy ang lahat, narito ang mga mahahalagang paalala na dapat nating tandaan:
🔴 MGA BAWAL DALHIN
❌ Mga matutulis na bagay/kagamitan
❌ Anumang uri ng armas o pampasabog
❌ Mga kagamitang maaaring makaabala/makaantala sa mga magpe-perform
❌ Sigarilyo, e-cigarette o vape, lighter, alak, ilegal na droga, atbp.
❌ Kagamitang maaaring magliyab o maging sanhi ng sunog (pabango, alcohol, gas, atbp.)
❌ Malalaking poster, placard, o banner
❌ Tumbler o Flasks
❌ Drone
❌ Backpack o anumang uri ng malalaking bag
TANDAAN!!!
📍Hindi maaaring papasukin ang mga nakainom o nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.
📍KUKUMPISKAHIN ang mga ipinagbabawal na gamit sa entrance ng concert venue. Sakaling hindi isuko o magkukusang ibigay sa security personnel ang mga dinalang ipinagbabawal na gamit, HINDI MAPAPAHINTULUTAN ANG IYONG PAGPASOK SA CONCERT VENUE.
📍Ang LAHAT ng makukumpiskang gamit ay HINDI NA MAIBABALIK sa may-ari nito at magiging FOR DISPOSAL na.
📍Upang mapaigting ang kaligtasan ng audience at ng performers, magiging mahigpit ang pagpapatupad ng mga regulasyon bago magsimula at habang ginaganap ang concert. Nasa entrance at nasa paligid lamang ang PNP at DPOS.
Tuloy tayo sa kapana-panabik na Septemberfest 2024, kababayan!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#Septemberfest2024
Magandang balita sa mga kababayan nating fur parents!
Pangungunahan ng Stray Neuter Project at ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office ang isasagawang low-cost kapon sa darating na ika-29 ng Setyembre 2024 sa Modesta Covered Court, Upper Rose St., Modesta Village, Brgy. Sto Niño. Magsisimula ito sa ganap na alas-8 hanggang alas-11 ng umaga. Dahil “No Appointment, No Schedule” ito, mag-sign up lamang via Google Forms gamit ang link na ito: https://forms.gle/bD21VTi9cUfg3DGM9.
Narito ang kaukulang rates para sa inyong mga alaga:
- Male Cat - P500.00
- Female Cat - P800.00
- Pregnant Cat - P1,200.00
- Male Dog - P1,000.00
- Female Dog - P2,000.00
MAHALAGANG PAALALA:
- May karagdagang bayad na P100.00 kada kilong dagdag para sa mga asong lagpas sa 10kg ang timbang.
- Pakibasang mabuti sa registration link ang mga REMINDERS O KAILANGANG TANDAAN at isaalang-alang bago ipakapon ang inyong alaga: https://forms.gle/bD21VTi9cUfg3DGM9.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Stray Neuter Project
Upang bigyang daan ang idaraos na San Mateo Rizal Grand Concert 2024 bukas, araw ng Linggo, ika-22 ng Setyembre 2024, ipapatupad ang FULL ROAD CLOSURE sa mga sumusunod na kalsada:
ROAD CLOSED - 8:00AM to 11:30PM
Mula P. Ocampo St., malapit sa FEU Roosevelt, hanggang sa UV Terminal bandang bukana ng San Mateo Public Market
ROAD CLOSED - 1:00PM to 11:30PM
Kahabaan ng Kambal Rd., mula Gen. Luna Ave. - McDonald's pababa sa UV Terminal
Para sa kaligtasan ng mga manunuod ng concert at ng pedestrians, hindi pahihintulutan ang pagdaan ng mga motorista sa naturang kalsada. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Happy birthday, Kap Rainier! Isang mapagpalang kaarawan po para sa inyo, Kgg. Rainier Mercado ng Brgy. Gulod Malaya! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ating ipinagdiriwang ngayong araw ang kapistahan ni San Mateo. Siya ay isang maniningil noon ng buwis na tinawag ng Panginoong Hesukristo upang magbagong buhay at maging kaniyang lingkod. Tulad ni San Mateo, nawa’y piliin din nating paglingkuran ang Diyos tungo sa kabutihan.
Maligayang Kapistahan ni San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsilbing host ang ating bayan sa isinagawang 5-in-1 Community Relations Service (CRS) Activity ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ngayong araw. Pinangunahan nina BJMP San Mateo - Male Dorm (Bjmp San Mateo) Jail Warden Atty. Alex Vega at BJMP San Mateo - Female Dorm (Bjmp San Mateo FD) Jail Warden JINSP. Marjorie Azcune ang pagtitipon-tipon ng iba’t ibang mga kinatawan ng BJMP mula sa mga bayan ng lalawigan ng Rizal.
5-in-1 CRS Activity
Ang 5-in-1 CRS Activity ng BJMP-San Mateo ay binubuo ng limang mga aktibidad na nais magpakita at magpadama ng kanilang pagkalinga sa bayan at lalo na sa mga kamag-anak ng ating mga Persons Deprived of Liberty (PDLs). Ngayon araw sila ay nagsagawa ng tree planting, clean-up drive, outreach program, read-a-book, at information drive.
Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa ating aktibidad ngayong araw! Patuloy lamang ang ating bayan sa pakikiisa sa mga programang nakakapagtaguyod ng buo, matibay, at mapayapang pakikipagkapwa ng bawat isa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang selebrasyon ng ika-428 na Araw ng Kapistahan ng Brgy. Dulong Bayan I at II, magdaraos bukas ng prusisyon, ika-21 ng Setyembre 2024, sa umaga at hapon na kapwa magsisimula sa San Mateo Chapel.
PRUSISYON SA UMAGA
7:00 AM
Mula San Mateo Chapel, dadaan ng San Mateo St., P. del Rosario St., Alberto St., kakanan pa-Gen Luna St. patungong Aranzazu Shrine
9:00 AM (pagkatapos ng Banal na Misa)
Mula Aranzazu Shrine, dadaan pa-Gen. Luna Ave., munisipyo, kakaliwa pa-MH del Pilar, kakanan pa-Kambal, kaliwa ng Daangbakal Rd. at diretso patungong Patiis. Kakaliwa pa-Gen. Luna Ave., kanan sa Valerio St., diretso pa-Lopez Jaena St., Alberto St., kakaliwa sa Gen Luna St., pabalik sa San Mateo Chapel
PRUSISYON SA HAPON
5:00 PM
Mula San Mateo Chapel, dadaan ng Gen Luna St., kakaliwa pa-Kambal, kakaliwa sa MH del Pilar, patungong Brgy. Dulong Bayan II, kakaliwa sa Gen. Luna, at pabalik sa San Mateo Chapel.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng mga rutang babagtasin ng prusisyon. Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmaneho at bigyang daan ang prusisyon.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Higit sa 200 mga 4Ps members, solo parents, PWDs, at senior citizens ang nagtungo ngayong araw sa Guinayang Covered Court upang makabili ng murang bigas hatid ng KADIWA Program. Sa halagang PHP29 lamang kada kilo, maaari nang makabili rito ng hanggang 5 kilo kada tao.
Mayroon din ditong PHP45 per kilo na bigas na para naman sa mga walk-in at hindi kabilang sa mga inirehistrong bahagi ng bulnerableng sektor sa Brgy. Guinayang. Bukod sa pagbili ng bigas, maaari ring mamili sa mini-market ng KADIWA kung saan mas mababa ang presyo ng mga itinitindang isda, gulay, prutas, at iba pa.
Inilunsad ang programang ito sa ating bayan sa pagtutulungan ng Department of Agriculture at ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO). Antabayanan lamang ang paglulunsad ng KADIWA P29 Program sa inyong mga barangay.
Dito sa ating bayan, inilalapit sa ating mga kababayan ang serbisyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kasalukuyan nang pinahihintulutan ang pagdaan ng mga TRICYCLES, MOTORSIKLO, at E-BIKES sa kahabaan ng JFD Ave. - Villa Anita sa Brgy. Silangan. Ipinapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME rito upang malimitahan ang paggamit sa naturang kalsada na sa ngayon ay patuloy pa ring sumasailalim sa road works ng DPWH.
Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho at bigyang daan ang kapwa motorista at mga pedestrian.
Maraming salamat po sa pag-unawa.
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo Dpos
San Mateo solid solid na naman 🤘🎸
Year 2 na ng ating kaabang-abang na San Mateo Rizal Grand Concert ngayong taon. Humanda na sa isang gabing puno ng kantahan kasama ang ating mga local artists at ang mga in na in na musikero ng bansa! Ngayong ika-22 ng Setyembre 2024 na ito sa Freedom Park, Brgy. Guitnang Bayan I, mula alas-3 ng hapon.
Dahil nais nating matiyak na ligtas na makapag-eenjoy ang lahat, narito ang mga mahahalagang paalala na dapat nating tandaan:
🔴 MGA BAWAL DALHIN
❌ Mga matutulis na bagay/kagamitan
❌ Anumang uri ng armas o pampasabog
❌ Mga kagamitang maaaring makaabala/makaantala sa mga magpe-perform
❌ Sigarilyo, e-cigarette o vape, lighter, alak, ilegal na droga, atbp.
❌ Kagamitang maaaring magliyab o maging sanhi ng sunog (pabango, alcohol, gas, atbp.)
❌ Malalaking poster, placard, o banner
❌ Tumbler o Flasks
❌ Drone
❌ Backpack o anumang uri ng malalaking bag
TANDAAN ‼
📍 Hindi maaaring papasukin ang mga nakainom o nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.
📍 KUKUMPISKAHIN ang mga ipinagbabawal na gamit sa entrance ng concert venue. Sakaling hindi isuko o magkukusang ibigay sa security personnel ang mga dinalang ipinagbabawal na gamit, HINDI MAPAPAHINTULUTAN ANG IYONG PAGPASOK SA CONCERT VENUE.
📍 Ang LAHAT ng makukumpiskang gamit ay HINDI NA MAIBABALIK sa may-ari nito at magiging FOR DISPOSAL na.
📍 Upang mapaigting ang kaligtasan ng audience at ng performers, magiging mahigpit ang pagpapatupad ng mga regulasyon bago magsimula at habang ginaganap ang concert. Nasa entrance at nasa paligid lamang ang PNP at DPOS.
Tuloy tayo sa kapana-panabik na Septemberfest 2024, kababayan!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#Septemberfest2024
Sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 681, s. 2024, idineklara bilang isang Special (Non-Working) Day ang ika-21 ng Setyembre 2024, araw ng Sabado, sa bayan ng San Mateo Rizal. Ito ay para mabigyan ang ating mga kababayan ng higit na oras at pagkakataon upang maipagdiwang ang 452nd Founding Anniversary ng ating bayan.
Nawa’y maging makabuluhan ang ating selebrasyon at pag-alala sa araw na ito.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap kahapon, ika-17 ng Setyembre 2024, ang San Mateo History Exhibit at ang paglulunsad ng kauna-unahang Coffee Table Book ng ating bayan na pinamagatang “SINAGIN”. Nagtipon-tipon sa municipal lobby para sa opening ceremony at ribbon-cutting sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Bokal John Patrick Bautista, at G. Nolasco Valerio ng Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc. Dumalo rin dito Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, Konsi Joel Diaz, Konsi Grace Diaz, Konsi Jojo Juta, at Konsi Jojo Mariano. Narito rin ang mga kinatawan ng sektor edukasyon at kabuhayan.
Ang "SINAGIN" ay isang makasaysayang aklat na naglalaman ng mayamang kasaysayan ng San Mateo. Mula rin ito sa liriko ng awit ng Bayan ng San Mateo na nagpapakita ng pagbibigay kaliwanagan ng sinag ng araw sa ating pagtuklas ng ating kasaysayan. Binibigyan nito nang mas malalim na pagkilala at pagpapahalaga ang pinagmulan ng ating bayan, pati na rin ang mga taong nag-ambag sa kaunlaran nito— mula sa mga unang tagpo ng kasaysayan hanggang sa kasalukuyan. Ito ay inihanda nina G. Enrique P. Catindig, Jr., Gng. Melorine Catindig, G. Bernabe A. Valdez, Asst. Prof. Jairus D. Espiritu, Asst. Prof. Herald Ian C. Guiwa, Asst. Prof. Vincent Christopher A. Santiago, Bb. Daniella Joyce R. Curia, G. Denzel S. Domingo, Bb. Princess Mhay V. Hernandez, G. Jesus Nazareth A. Fernando, at Bb. Pia Melissa D. Manadero, MA, LPT.
Ibinida naman sa exhibit ang mga Mukha ng San Mateo— ang mga natatanging indibidwal na nagkaroon ng malaking ambag sa bayan sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, sining, kalusugan, musika at serbisyong pampubliko. Parte rin ng exhibit na ito ang mga iginuhit ni G. Joveneil M. De Guzman na larawan ng naging punongbayan ng San Mateo Rizal simula noong taong 1895. Si G. De Guzman ay isang 22 taong gulang na Macabre artist mula sa Brgy. Guitnang Bayan I na nagsimula bilang isang portrait artist noong siya ay isang high school student pa lamang.
Bayan ng San Mateo, bayang may pagmamahal at pagpapahalaga sa ating kasaysayan at kultura!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Handa na ba kayong makita ang MYMP, sina Alisson Shore, Kiyo, Rob Deniel, at Maki sa ating bayan? Hindi mo ‘to gugustuhing ma-miss kaya tara na sa pinaka inaaabangang gabi ngayong Septemberfest 2024! Saksihan ang ating mga local artists at mga kilalang musikero ng Pinas ngayong ika-22 ng Setyembre 2024, Linggo, sa Freedom Park, Brgy. Guitnang Bayan I.
Tayo nang ma-excite, kababayan!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang ating mga kababayang job seekers! Halina sa pinakalamalaking job fair ng ating bayan ngayong taon, ang San Mateo Rizal Mega Job Fair. Gaganapin ito sa darating na Miyerkules, ika-25 ng Setyembre 2024, sa ating municipal stadium (tapat ng Super Health Center), mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Higit sa 30 kompanya ang ating katuwang dito kaya’t sari-saring oportunidad at trabaho ang naghihintay sa’yo rito kababayan! Ihanda na ang iyong black ballpen at updated resume. Tara na’t mag-apply!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-19 ng Setyembre 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Higit sa 500 mga kababayan nating OFW at kamag-anak ng OFW ang dumalo sa isinagawang OWWA-on-Wheels Serbisyo Caravan ngayong araw sa ating municipal stadium. Ito ay sa pagtutulungan ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO), at ng OWWA CALABARZON. Sari-saring mga serbisyo ang ibinigay ng bawat booth na naroon gaya ng free medical consultation, pamamahagi ng hygiene kits, food packs, at hot meals, at konsultasyon sa iba pang mga serbisyong handog ng OWWA.
Nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Jojo Juta, at Municipal Administrator Henry Desiderio para sa naturang aktibidad. Samantala, ipinahayag naman ni OWWA CALABARZON Regional Director Rosario C. Burayag ang pagnanais ng OWWA na patuloy na makapagbigay ng kanilang suporta sa ating mga kababayang itinuturing na mga bagong bayani ng ating bansa.
Dito sa ating bayan, mayroong serbisyo at oportunidad na handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling nagbabalik ang isa sa mga pinaka inaabangang Septemberfest event! Gaganapin na ngayong Linggo, ika-22 ng Setyembre 2024, sa Freedom Park, Brgy. Guitnang Bayan I, ang San Mateo Rizal Grand Concert 2024. Libreng konsiyerto ito tampok ang mga lokal na talento ng ating bayan at ang mga tanyag na musikero ng ating bansa. Excited ka na bang malaman kung sinu-sino sila? Antabayanan lamang ang ating grand reveal at ilan pang mga mahahalagang anunsiyo.
Isang gabi ng kantahan at kasiyahan ang nag-abaang sa’yo kaya save the date na, kababayan!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Dumagsa ang mga cute na cute na alagang aso’t pusa sa ginanap na San Mateo Rizal PETStival kahapon, ika-15 ng Setyembre 2024, sa ating municipal stadium. Higit sa 600 mga fur babies, kasama ang kanilang fur parents, ang dumalo, nakisaya, at nanalo ng sari-saring mga papremyo. Magkatuwang na pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO) at San Mateo Rizal Animal Welfare Office (AWO) ang aktibidad na ito. Bukod sa pet blessing at mga palaro ay nagkaroon din ng pagtatanghal mula sa Golden Shadow K9 at IEC Campaigns sa pangunguna nina Bb. Rina Ortiz ng Biyaya Animal Care Foundation at G. Alexis Santos ng MAO at mga kinatawan ng ating mga sponsors.
Dito sa ating bayan ay walang maiiwanan kaya naman ang ating mga handog na serbisyo, hindi lamang para sa ating mga kababayan, kung hindi para na rin sa kanilang mga bibong alaga! Tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Malamig ang simoy ng hangin, kay saya ng bawat damdamin. 100 days na lang bago ang araw ng Pasko, yahooo!
#100daysbeforeChristmas
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng San Mateo Rizal Sanitary Unit. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy lamang ang kanilang pagsasagawa ng mga aktibidad na naka-angkla sa kanilang mandato tulad ng fogging operations, pagpapamahagi ng Insecticide Treated Screens (ITS) sa mga eskuwelahan, at pagsasagawa ng trainings at seminars sa iba’t ibang mga establisyemento sa ating bayan.
Nagkaroon din ng turnover ceremony ng isang Patient Transport Vehicle (PTV) mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at isang rescue vehicle mula naman sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal. Maraming salamat, President Bongbong Marcos at Gov. Nina Ynares para sa inyong handog na tulong sa aming bayan at mga kababayan!
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-17 ng Setyembre 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ang Mobile Legends: Bang Bang One-day League sa SM City San Mateo kung saan 36 na koponan mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan ang naglaban-laban upang makamit ang kampeonato. Ito ay sa pagtutulungan ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Sports Development Office at San Mateo Rizal Local Youth Development Office, Smart, at ng SM City San Mateo. Naging mahaba at dikdikan man ang labanan, sa huli ay itinanghal 1st, 2nd, at 3rd runners-up ang VGCD Monarchy Aerial Team, Banaba Esports, at Alice Go (Alisto). Naiuwi naman ng Listed Sparks ang “Victory!” nang itinanghal na kampeon ang kanilang koponan.
Pagbati sa lahat ng mga lumahok at nanalo sa Mobile Legends: Bang Bang One-day League! Basta palakasan, malakas ang San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Halos 370 mga kababayan natin ang tumanggap ng mga libreng serbisyo hatid ng San Mateo Rizal Surgical-Medical Mission ngayong taon! Sari-saring medical services ang naipaabot sa kanila tulad ng libreng konsultasyon, dental services, optical services, at surgical services gaya ng pagtatanggal ng mga maliliit na bukol sa katawan.
Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa pagpapaabot ng mga kapaki-pakinabang na serbisyo para sa mga mamamayan ng San Mateo. Maraming salamat sa Marikina Valley Medical Society, Eyelab Optical, at Sustained Health Initiatives of the Philippines (SHIP) Inc. na nakatuwang ng San Mateo Rizal Municipal Health Office sa pagsasagawa ng aktibidad na ito.
Tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pagsapit ng alas-6 ng umaga ngayong araw ay nagsimula nang magpaunahan sa takbuhan ang mga kalahok ng San Mateo Rizal Color Run. Kanilang binagtas ang kahabaan ng C6 Rd. paikot ng Paraiso Memorial Park at muling bumalik patungo sa Istilo Old Dapayan. Dumalo at nakitakbo rin dito sina Mayor Omie Rivera, Konsi Joey Briones, Konsi Boy Salen, Konsi Grace Diaz, Konsi Jojo Mariano, at Municipal Administrator Henry Desiderio.
Ang San Mateo Color Run ay isa lamang sa mga aktibidad sa Septemberfest na tunay na pinananabikan ng ating mga kababayan. Mula sa nasa 500 mga kalahok dito noong nakaraang taon, umabot sa higit sa 800 ang mga nakapagparehistrong mananakbo ngayong taon!
Maraming salamat sa lahat ng nakitakbo at nakisaya sa San Mateo Rizal Color Run 2024! Tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Humataw sa sayawan ang mga kalahok ng San Mateo Rizal Zumba Extravaganza kagabi, ika-14 ng Setyembre 2024, sa ating municipal stadium. Sa pangunguna ng ating San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office, masisiglang zumba sessions na hatid ng mga coaches at instructors, at isang pasiklaban ng mga zumba routines ang naganap sa pagitan ng mga grupo.
Mula sa apat na grupong nakilahok, itinanghal na kampyon ang Z Warriors Zumba Dance Group ng Brgy. Sta. Ana at Brgy. Guitnang Bayan I. Wagi bilang 1st Runner-Up ang Fambu IZM ng Brgy. Guinayang at Brgy. Maly, habang nasa 2nd Runner-Up naman ang D’ Fighters Magdalo “Agogo Dancers ng Lumang Kabaret” ng Brgy. Guitnang Bayan II at Brgy. Dulong Bayan I.
Nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta sa programa sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Grace Diaz, Konsi Boy Salen, at Konsi Joey Briones. Layunin nitong isulong ang pagpapabuti ng kalusugan at pisikal na pangangatawan ng ating mga kababayan at ibida ang kanilang husay at talento sa pagsayaw.
Kababayan, tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang ating mga kababayang OFW o mga kamag-anak ng OFW!
Gaganapin sa darating na Martes, ika-17 ng Setyembre 2024, ang OWWA CALABARZON-on-Wheels sa ating municipal stadium sa Brgy. Guitnang Bayan I (tapat ng Super Health Center), simula alas-8 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali. Sari-saring mga serbisyo mula sa OWWA CALABARZON ang naghihintay sa inyo rito kaya halina’t magparehistro na: https://tinyurl.com/OWWA-CALABARZON-on-WHEELS2024
- Para sa mga dadalong OFW:
Dalhin lamang ng inyong PASSPORT at isa (1) pang valid ID (Philippine Identification [PhilID] Card, Driver’s License, PRC ID, NBI Clearance, Postal ID, atbp.)
- Para sa mga dadalong kamag-anak ng OFW:
Dalhin ang passport ng iyong kamag-anak na OFW at isang (1) valid ID nito. Magdala rin ng iyong sariling valid ID.
Dito sa San Mateo, serbisyo at oportunidad ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of OWWA CALABARZON
Umaraw o umulan, tuloy na tuloy ang San Mateo Rizal Color Run 2024! Kita kits bukas, Sept. 14, 2024, simula alas-5 ng umaga, sa Kambal Road, Agro Tourism (sa tapat ng Istilo Old Dapayan).
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang malugod na pagbati ng maligayang kaarawan sa pangulo ng ating bansa, President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.! Patuloy nawa ninyong gabayan ang ating bansa tungo sa maunlad nitong kinabukasan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Upang bigyang daan ang ating idaraos na San Mateo Color Run ngayong taon, magkakaroon ng FULL ROAD CLOSURE ngayong Sabado, ika-14 ng Setyembre 2024, sa ganap na alas-5 hanggang alas-9 ng umaga sa rutang ito:
Mula sa Istilo Old Dapayan, Kambal Rd. sa Brgy. Guitnang Bayan I, babagtasin ang kahabaan ng C6 Rd. papuntang Paraiso Memorial Park at pabalik ng Istilo Old Dapayan.
Inaabisuhan ang ating mga kababayang motorista na iwasan muna ang pagdaan sa lugar. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pagtutulungan ng ating San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office at Department of Social Welfare and Development (DSWD), isinagawa kahapon, ika-11 ng Setyembre 2024, ang isang Gender Sensitivity Training para sa higit 70 mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Doña Pepeng Covered Court, Brgy. Banaba. Dito’y nagkaroon ng interaktibong talakayan ukol sa kasarian at kanilang mga gampanin sa lipunan. Dumalo rito si Konsi Grace Diaz at nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta para sa programa. Nagsilbing guest speakers naman sina Police Senior Master Sergeant (PSMS) Elinor B. Mina ng Women and Child Protection Desk (WCPD), Bb. Heirell S. Libao, at G. Brian George R. Morido ng DSWD.
Bayan ng San Mateo, bayang handog ay kaalaman sa ating mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ilang araw na lang, San Mateo Rizal Color Run na naman!
Para sa lahat ng mga kalahok, magtungo lamang sa lobby ng ating munisipyo bukas, ika-13 ng Setyembre 2024, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, upang mag-claim ng inyong race kits. Samantala, narito ang mga ilang mga paalala para sa mga kalahok ng ating pinasigla at pinakulay na takbuhan ngayong taon. Narito rin ang mga papremyo para sa mga natatanging finisher ng bawat kategorya.
TANDAAN:
- Sasailalim sa security check at sa pagpirma ng waiver ang lahat ng tatakbo.
- Dalhin ang inyong race bibs bilang palatandaan at patunay na kayo ay rehistradong tatakbo sa ating San Mateo Color Run 2024.
- Iwasang mag-iwan ng kalat at itapon ang inyong mga basura sa tamang tapunan.
- Huwag kumain nang marami sa gabi bago tumakbo kinabukasan at manatiling hydrated.
- Para sa emergency, lumapit lamang sa mga nakatalagang security personnel sa lugar.
MAHALAGANG PAALALA:
Registration is officially closed. Hindi na tumatanggap ng mga nais magparehistro para sa San Mateo Rizal Color Run 2024 ang mga organisador nito.
Kita kits, mga kababayan!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Higit sa 900 mga indibidwal ang nagtungo sa ating munisipyo at sa Plaza Natividad nitong ika-5 at ika-6 ng Setyembre 2024 para sa mga serbisyong handog ng SSS at Lingkod Pag-IBIG on Wheels tulad ng account registration, salary loan application, benefit claims application, verification of contribution, housing loan inquiries, at iba pa.
Maraming salamat, SSS at Pag-IBIG, sa inyong mga serbisyong ipinaabot sa aming mga kababayan! Dito sa San Mateo, may serbisyong laan para sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Naging masaya at masigla ang selebrasyon ng ating ika-26 na Kakanin Festival kahapon, ika-9 ng Setyembre 2024. Pinasimulan ito ng isang banal na misa at ng pagtatampok sa imahen ng Mahal na Birhen Nuestra Señora de Aranzazu bilang ipinagdiriwang din natin ang kaniyang dakilang kapistahan. Nag-alay ng Sayaw alay sa Birhen ang mga Hiyas ng Kakanin at kanilang mga konsorte at pagkatapos nito ay nagpaabot ng mensahe ng pagbati sina Mayor Omie Rivera, Congressman Jojo Garcia, at Bokal JP Bautista. Mayroon ding naging pagtatanghal ng sayaw na “Libad” mula sa KULAY Dance Troupe bago magsimula ang Kakanin Float Parade.
Sa mga engrande at naggagandahang mga float ng iba’t ibang barangay sa ating bayan, itinanghal na mga nagwagi sa Float Parade Competition ang Brgy. Malanday, Brgy. Silangan, at Brgy. Guitnang Bayan II. Sa ginanap naman na Street Dance Competition, wagi bilang Grand Winners ang mga mag-aaral mula sa Silangan National High School at Dulongbayan Elementary School.
Sa ating naging pagdiriwang ng 26th Kakanin Festival, muling namayani ang saya, sigla, at bayanihan sa ating bayan. Muli, isang pagbati sa lahat ng mga nakibahagi sa selebrasyon ng isa sa pinaka-inaabangang kapistahan sa bayan ng San Mateo Rizal!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang espesyal na selebrasyon at pagtitipon-tipon ang inihanda ng ating Pamahalaang Bayan para sa ating mga lolo at lola kahapon, ika-8 ng Setyembre 2024. Kasabay ito ng pandaigdigang pagdiriwang ng Grandparents’ Day ngayong taon. Nagpamalas ng angking talento sa pag-awit at pagsayaw ang mga lolo’t lola na mga lumahok sa aktibidad na ito. Maliban sa talent show ay nagkaroon din dito ng mga pa-raffle kung saan sari-saring papremyo ang kanilang mga napanalunan. Bilang pagtatapos ay idineklarang nagwagi sa idinaos na singing contest sina G. Marion Ilagan ng Brgy. Banaba, G. Demetrio Cruz ng Brgy. Guinayang, at G. Harley Canieso ng Brgy. Malanday bilang Grand Winner, 2nd Placer, at 3rd Placer.
Layunin ng Grandparents’ Day Celebration na ito na makapaghatid ng sigla at kasiyahan sa ating mga kababayang senior citizens sa natatanging araw laan para sa komemorasyon ng kanilang papel sa kanilang pamilya at pamayanan. Pagbati sa lahat ng mga nakibahagi at nanalo sa ating mga patimpalak!
Tuloy tayo tungo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Viva La Virgen!
Ipinagdiriwang ng ating bayan ngayong araw ang Kapistahan ng Mahal ng Birhen ng Aranzazu, ang patrona ng San Mateo Rizal. Tayo ay makisaya sa ating natatanging selebrasyon at patuloy na iangat ang diwa ng bayanihan at pagmamalasakit sa kapwa.
Nuestra Señora de Aranzazu, ipanalangin mo kami.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Naging masigla ang mga tagpo sa kauna-unahang San Mateo Rizal Bike Race Competition! Nagtagisan ng bilis at angking husay sa pagbibisikleta ang lahat ng mga kalahok sa bawat category: 6KM (Male/Female), 11KM (Male/Female), at 11KM (Open Category). Bagama't napasabak sa putikan at mapanghamong trails ng ating bayan ang mga siklista, tagumpay silang nakapagkamit ng finisher's medal at ang mga namayagpag naman sa kompetisyon na ito ay nagsipagkamit ng gold, silver, at bronze medals kada category.
Dumalo rin dito si Mayor Omie Rivera na nagpaabot ng kaniyang mensahe ng pagsuporta sa programa. Ayon sa kaniya, isinusulong nito hindi lamang ang kalinangan ng kakayahan ng ating mga kababayan pagdating sa cycling at ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan, kung hindi pati na rin ang pagkakakilanlan ng ating bayan bilang Mountain Biking Capital ng bansa.
Pagbati sa lahat ng mga kalahok! Tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tampok sa ating Agri-Market ngayong araw ang mga sari-saring produkto ng ating bayan! Magmula sa loam soil, kakanin, banana chips, daing, honey, gulay, at prutas hanggang sa mga produkto mula sa food establishments dito sa ating bayan.
Bumisita na sa Plaza Natividad (sa tapat ng munisipyo), tuwing Linggo, simula alas- 7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon, at tangkilikin ang mga produktong atin! Tuloy tayo sa kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kaugnay ng ongoing voter’s registration para sa ating mga kababayang nais makaboto sa 2025 national at local elections, narito ang schedule para sa ating satellite voter’s registration ngayong buwan ng Setyembre:
September 9, 2024 - BJMP San Mateo
September 10-14 2024 - SM City San Mateo
September 16-17, 2024 - SM City San Mateo
September 18, 2024 - San Mateo Municipal College
September 19-21, 2024 - SM City San Mateo
September 23-27, 2024 - SM City San Mateo
September 28, 2024 - Villa San Mateo 6 Clubhouse
September 30, 2024 - SM City San Mateo
Halina’t magparehistro upang makaboto, kababayan!
#MagpaRehistroKa
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME bukas, ika-9 ng Setyembre 2024, sa kahabaan ng mga kalsadang dadaanan o magiging ruta ng parada at prusisyon para sa pagdiriwang ng 26th Kakanin Festival.
PARADA (7:00 AM - 11:00 AM)
Magsisimula ang parada sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at babagtasin nito ang kahabaan ng Brgy. Sta. Ana, Pelbel, Gen. Luna Ave., M.H. Del Pilar, Jones St., Gen. Luna Ave. at pabalik sa DSPNSDA.
PRUSISYON (3:00 PM - 6:00 PM)
Magsisimula ang prusisyon sa sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at babagtasan nito ang mga lansangan ng P. Gomez St., M.H. Del Pilar, Jones St., Gen. Luna Ave. at pabalik ng DSPNSDA.
Para sa mga patungong Montalban, maaaring gamitin bilang ALTERNATIBONG RUTA ang Paraiso, paakyat ng Daang Bakal, paliko sa Patiis, at patungo sa iyong destinasyon.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ipinagdiriwang ngayong araw ng ating mga kapatid na Katoliko ang araw ng kapanganakan ng Birheng Maria. Tayo nawa ay mapuspos ng kaniyang busilak na puso at dalisay na pagmamahal.
Santa Maria, ina ng Diyos, ipanalangin mo kami.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Higit sa 300 mga siklista ang nagpaunahan ngayong umaga matapos bigyang hudyat ng race gun ang opisyal na pagsisimula ng kauna-unahang bike race competition na inilunsad ng ating Pamahalaang Bayan.
Babagtasin ng mga kalahok ang kahabaan ng C6 Rd. patungong Sipac Maly, Abuab Rd., hanggang makarating sa Le Tour de Kambal sa Brgy. Guitnang Bayan II.
Ibayong pag-iingat sa ating mga siklista!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Gaganapin na bukas, ika-8 ng Setyembre 2024 (Linggo), ang ating 2024 San Mateo Bike Race Competition. Magsisimula ito sa ganap na alas-5 ng umaga sa C6 Rd., malapit sa interseksyon ng Batasan Rd. at ng Gen. Luna Ave., katabi ng Puregold. Babagtasin nito ang kahabaan ng C6 Bypass Rd. patungong Sipac Maly, Abuab Rd., at magtatapos sa Le Tour de Kambal sa Brgy. Guitnang Bayan II.
HINDI PAHIHINTULUTAN ang mga truck na dumaan sa C6. TWO-WAY TRAFFIC FLOW ang ipapatupad sa kahabaan ng C6 Rd. na patungo sa Batasan intersection. Pansamantala namang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa rutang dadaanan ng mga bikers.
Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan at bigyang daan ang mga bikers at emergency vehicles. Asahan ang pagbigat ng trapiko sa naturang lugar.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#Septemberfest2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 01, s. 2024 ng ating punongbayan, Mayor Omie Rivera, WALANG PASOK sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng San Mateo Rizal sa darating na Lunes, IKA-9 NG SETYEMBRE 2024.
Ito ay upang magbigay daan sa maayos at mapayapang pagdiriwang ng ating bayan ng Kapistahan ng Mahal na Birheng Aranzazu. Panawagan din ito sa ating mga mag-aaral na maging bahagi ng pagsulong ng pangkalahatang kamalayan ukol sa usapin ng ating kultura at kasaysayan. Pag-ukulan natin nang malalim at taimtim na panalangin ang araw na ito bilang pagpupugay sa ating mahal na birhen.
Viva La Virgen!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong Miyerkules, ika-4 ng Setyembre 2024, ang isang MOA signing ceremony sa pagitan ng ating Pamahalaang Bayan at ng Jollibee Foods Corp. para sa Special Employment Program handog sa ating mga kababayang senior citizens at Persons With Disability (PWD). Ito ay isang pansamantalang trabaho sa ilalim ng company-owned stores ng Jollibee, Chowking, at Greenwich sa bayan ng San Mateo.
Ikalawang bayan pa lamang tayo sa buong lalawigan ng Rizal na nagkaroon ng ganitong kasunduan sa naturang korporasyon kaya't mapalad ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabilang sa bulnerableng sektor, na mahandugan ng ganitong oportunidad. Isinusulong din nito ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa pagkakaroon ng kakayahang kumita at makapagtrabaho. Dinaluhan ni Mayor Omie Rivera ang MOA Signing na ito kasama ang mga kinatawan ng Jollibee Foods Corporation sa pangunguna nina Region PH HR Director, Gerard Juliano at Jollibee Operations Director, Chin Hizon.
Antabayanan lamang ang mga susunod na anunsiyo ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) o ng inyong OSCA officers at San Mateo Rizal Public Employment Service Office para sa detalye ng employment process at iba pang karagdagang impormasyon.
Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at oportunidad ang handog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ayon sa anunsiyo ni Mayor Omie Rivera, mananatiling SUSPENDIDO bukas, ika-6 ng Setyembre 2024, ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS, sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa ating bayan bunsod ng patuloy na pag-ulan na nararanasan ng ating bayan. Iminumungkahi para sa mga eskuwelahan ang pansamantalang pagpapairal ng MODULAR o DISTANCE LEARNING upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Maagang nagtipon-tipon ang mga kabataan ng ating bayan nitong ika-1 ng Setyembre 2024 sa isinagawang Linggo ng Kabataan sa Municipal Stadium, kung saan dinaluhan ito ng mahigit 240 aktibong mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan.
Nagsimula ang pagdiriwang sa isang parada mula sa Boardwalk, Brgy. Guitnang Bayan I, patungong stadium. Sinundan ito ng iba't ibang pampasiglang aktibidad na inorganisa ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO) at mga youth volunteers. Nagbahagi rin ng kaalaman si G. Tristan Solinap, Program Manager for Community Engagement ng DAKILA - Active Vista, ukol sa "Importansya ng Teknolohiya at Social Media sa Pagsulong ng Makabuluhang Adbokasiya at Sustenable na Pamumuhay."
Nakiisa at nagpaabot naman ng mensahe sina Mayor Omie Rivera at SK Pederasyon ng Rizal President Mikhail Napoleon SJ. Jose ukol sa kahalagahan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga programa ng pamahalaan.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa masiglang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2024!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
SUSPENDIDO bukas, ika-5 ng Setyembre 2024, ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS, sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa ating bayan bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Enteng at ng habagat.
Iminumungkahi para sa mga eskuwelahan ang pansamantalang pagpapairal ng MODULAR o DISTANCE LEARNING upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Mag-ingat po tayong lahat! Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
BABALA: Para sa opisyal at lehitimong mga anunsiyo ukol sa pagsuspinde ng mga klase sa ating bayan, tiyaking galing at na-post ito dito sa ating OFFICIAL FB PAGE. Mag-ingat sa mga maaaring magpakalat ng maling online poster o anunsiyo.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang selebrasyon ng 124th Philippine Civil Service Month ngayong taon, sari-saring mga serbisyo ang ilalapit ng SSS at Pag-IBIG sa ating kababayan! Mayroong "SSS on Wheels" bukas ng Huwebes, ika-5 ng Setyembre 2024, sa lobby ng munisipyo, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon. Sa araw naman ng Biyernes, ika-6 ng Setyembre 2024, magkakaroon ng "Lingkod Pag-IBIG on Wheels" sa Plaza Natividad, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Narito ang kanilang mga ihahandog na serbisyo:
SSS on Wheels
- Issuance of SS number
- My.sss Registration
- My.sss Account Resetting
- Salary Loan Application
- Member Data Change
- Pension Loan Application
- Loan Reconstruction Application
- Disbursement Account Enrollment
- Benefit Claims Application
Lingkod Pag-IBIG on Wheels
- Member Registration
- Verification of Contribution
- Verification and receiving of Short-term Loan (STL)
- Housing Loan Inquiries
- Loyalty Card Plus Issuance and Application
- Promotion of other Products and Services
PAGLILINAW: Ang mga nabanggit na serbisyo ay LIBRE maliban sa pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card Plus. May bayad itong PHP125.00
Halina kababayan at i-avail na ang mga serbisyong handog ng SSS at Lingkod Pag-IBIG on Wheels!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng mga relief goods sa ating mga kababayang patuloy na nanatili sa kanilang mga tahanan sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng at habagat. Ang aktibidad na ito ay dahil sa inisiyatibo ni Congressman Jojo Garcia na siyang nakipagugnayan sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng Tingog Party List upang maipaabot ang tulong sa ating Pamahalaang Bayan.
Higit sa 1000 mga residente mula sa Brgy. Malanday, Brgy. Ampid II, at Brgy. Banaba ang nakatanggap ng mga relief goods. Nagpaabot din ng mensahe ng pasasalamat sina Kap. Orly Cruz, Kap. Gil Suegay, at Kap. Sherwin Cuevillas sa naging aktibidad.
Ang ating Pamahalaang Bayan ay taos pusong nagpapasalamat kina House Speaker Romualdez at sa Tingog Party-list para sa inyong tulong na ipinaabot sa aming bayan!
#EntengPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ilang butas sa kalsada sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. ang idinulot ng pagbaha at magdamag na pagpapaulan ng Bagyong Enteng sa ating bayan. Narito ang listahan ng mga partikular na lugar na mayroong butas sa kalsada:
📍Gen. Luna corner Batasan intersection near Dali Store
📍Gen. Luna in front of Caltex, Brgy. Ampid I
📍Gen. Luna near Carrieland, Brgy. Ampid I
📍Gen. Luna corner Resurreccion near ICCT, Brgy. Sta.Ana
📍Gen. Luna near Jones street, Brgy. Dulong Bayan II
📍Gen. Luna ave. corner Kambal Rd. in front of McDonald's, Brgy. Guitnang Bayan I
📍Gen. Luna ave. in front of Petron, Brgy. Ampid I
Naipagbigay-alam na ito ng ating Pamahalaang Bayan sa DPWH para sa kanilang agarang aksyon. Inaabisuhan ang ating mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho at tingnang maigi ang daraanang kalsada para sa
mga nagkalat na pot holes.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#EntengPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo DPOS
Road status report as of 10:00 AM, September 3, 2024.
Source: San Mateo Rizal Department of Public Order and Safety
Passable o madadaanan na ang lahat ng kalsada gamit ang anumang klase ng sasakyan MALIBAN na lamang sa JFD Ave. - Villa Anita sa Brgy. Silangan. Hindi pa rin ito maaaring daanan ng mga sasakyan.
Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130, 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#EntengPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
1. I-off ang mga circuit breaker sa inyong tahanan bago pa pumasok ang baha sa inyong mga bahay.
2. Sakaling bumabaha na, hugutin sa saksakan ang inyong mga kagamitan pati na rin ang inyong mga solar power systems sakaling namang may pagkidlat.
3. Lumayo sa mga bumagsak o nasirang linya ng kuryente. Agad na ipagbigay alam ang mga electrical hazards sa inyong lugar sa Meralco:
- Facebook Messenger: m. me/meralco
- X: @meralco
- SMS (TEXT ONLY):
0925-771-6211 (Sun)
0917-551-6211 (Globe)
4. Magsuot ng bota na gawa sa goma sakaling kinakailangang magtungo sa lugar na mayroong baha.
Manatiling alerto, bayan ng San Mateo!
#EntengPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity materials courtesy of Meralco
SUSPENDIDO bukas, ika-3 ng Setyembre 2024, ang mga klase sa lahat ng antas maging ang pasok sa mga pampublikong tanggapan sa lalawigan ng Rizal ayon sa inilabas na Memorandum Circular No. 63 ng Malacañang ngayong araw. Gayunpaman, patuloy lamang ang ating mga frontline services (health, disaster, atbp.) sa kanilang pagpapaabot ng serbisyo sa ating mga kababayang lubhang naapektuhan ng malakas na pag-ulang dulot ng Bagyong Enteng at ng habagat.
Samantala, nasa diskresyon ng pamunuan ng mga pribadong kompanya ang pagsususpinde ng kanilang operasyon at pasok ng kanilang mga empleyado.
Manatiling alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magkakaibang grupo ng mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan ang nagtungo sa iba’t ibang mga evacuation centers ngayong araw upang magpamahagi ng mga relief goods sa mga kababayan nating nananatili doon. Bumisita rin sa Doña Pepeng Evacuation Center sa Brgy. Banaba si Gob. Nina Ynares upang personal na magpaabot din ng relief packs.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kasalukuyang NOT PASSABLE o hindi maaaring daanan ng anumang uri ng sasakyan ang JFD Ave. - Villa Anita sa Brgy. Silangan. Ito ay dahil sa hindi magandang lagay ng lupa at kalsada rito at dahil na rin sa construction works ng DPWH sa naturang lugar. Kaagad na itong ipinagbigay alam ng ating Department of Public Order and Safety sa DPWH para sa kanilang aksyon at assessment.
Inaabisuhan ang mga apektadong motorista na dumaan muna sa Brgy. Fortune sa Marikina at bagtasin ang daan pa-Monterey Hills.
Mag-iingat ang lahat at maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS, pampubliko at pribadong paaralan sa Lalawigan ng Rizal bukas, ika-3 ng Setyembre 2024. Bunsod pa rin ito ng patuloy na pag-ulang dala ng Bagyong Enteng at ng habagat.
Iminumungkahi rin para sa mga eskuwelahan ang pansamantalang pagpapairal ng MODULAR o DISTANCE LEARNING upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante.
Mag-ingat po tayong lahat! Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo - 0998 598 5728, 0917 112 999
BABALA: Para sa opisyal at lehitimong mga anunsiyo ukol sa pagsuspinde ng mga klase sa ating bayan, tiyaking galing at na-post ito dito sa ating OFFICIAL FB PAGE. Mag-ingat sa mga maaaring magpakalat ng maling online poster o anunsiyo.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#WalangPasok
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinasagawa ngayon ang isang emergency council meeting sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera na dinaluhan nina Konsi Joey Briones, Municipal Administrator Henry Desiderio, at mga miyembro ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council tulad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Municipal Social Welfare and Development Office, at San Mateo Rizal Municipal Health Office. Tinatalakay dito ang kasalukuyang lagay ng ating bayan ngayong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng, pati na rin ang magiging agarang aksyon ng ating Pamahalaang Bayan hanggang sa mga susunod na oras.
#EntengPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
SUSPENDIDO bukas, ika-2 ng Setyembre 2024, ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS, sa mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG paaralan sa ating bayan bunsod ng malakas na pag-ulang dala ng Bagyong Enteng at ng habagat.
Mag-ingat po tayong lahat! Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
MDRRMO/DPOS - (02) 8297-8100 loc. 129-131
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134, 0963 020 3591, 0977 605 5866
PNP San Mateo -(02) 8297-8100 loc. 114, 0998 598 5728, 0917 112 9995
BABALA: Para sa opisyal at lehitimong mga anunsiyo ukol sa pagsuspinde ng mga klase sa ating bayan, tiyaking galing at na-post ito dito sa ating OFFICIAL FB PAGE. Mag-ingat sa mga maaaring magpakalat ng maling online poster o anunsiyo.
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#WalangPasok
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Simula na rin ng ating month-long celebration ng Septemberfest kaya’t huwag magpapahuli at antabayanan lamang ang ating mga kaabang-abang na aktibidades ngayong buwan!
Tuloy tayo sa mas kapana-panabik na Septemberfest 2024!
#SanMateoRizalSeptemberfest
#Septemberfest2024
#SanMateoRizalLGU
Ginanap ngayong araw sa ating municipal stadium ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) Educational Assistance sa pagtutulungan ng tanggapan ni Congressman Jojo Garcia, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Dito'y nagpamahagi ng cash assistance sa higit 1,500 mga magulang na may mababang kita at nagpapaaral ng kanilang mga anak.
Dumalo rin dito sina Mayor Omie Rivera, Konsi Joey Briones, Konsi Grace Diaz, at Konsi Jojo Juta. Kanilang ipinaabot ang pasasalamat ng ating Pamahalaang Bayan para sa pagkakaroon ng naturang programa.
Bayan ng San Mateo, bayang may handog na serbisyo sa'yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa mga nagnanais mag-apply para sa San Mateo Rizal Abuab Towers - 4PH Housing Project, halina sa isang orientation na gaganapin bukas! Narito ang mga detalye:
Ano - Abuab Towers (4PH Housing Project) Applicants’ Orientation
Saan - San Mateo Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I (tapat ng Super Health Center)
Kailan - August 31, 2024 (Sabado)
Oras - 8:30 AM hanggang 12:00 PM
MAHALAGANG PAALALA: Para sa mga nais dumalo sa oryentasyong ito, huwag kalimutang magdala ng inyong valid ID (Philippine Identification [PhilID] Card, Passport, Driver’s License, PRC ID, NBI Clearance, Postal ID, etc.)
Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Community Development Office/Urban Poor Affairs Office.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nag-umpisa ngayong araw ang 2-day Local History Seminar and Orientation sa ating Municipal Stadium na dinaluhan ng ating 2 Public School District Supervisors (PSDs), mga punongguro at mga guro mula sa iba't ibang pampublikong paaralan sa ating bayan, at mga teacher coordinators ng Araling Panlipunan. Ito ay sa pagtutulungan ng San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office at Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc. Bahagi ito ng mandato ng ating Pamahalaang Bayan na isaayos ang kasaysayan ng San Mateo at maituwid ang mga naging 'historical and data discrepancy' sa paglipas ng panahon.
Dito’y nagkaroon ng diskusyon ukol sa panukalang pagsulat ng isang akda na tumatalakay sa kasaysayan ng San Mateo na maaaring ituro sa mga paaralan. Mayroon ding usapin ukol sa pagpapalawak ng tamang kaalaman tungkol sa ating mga natatanging kababayan mula sa makulay at malalim nating kasaysayan.
Ngayong nalalapit ang araw ng San Mateo, sama-sama nating balikan ang ating kuwento. Ang aral ng nakaraan ay yaman ng kasalukuyan at tanglaw sa mas maulad na bukas ng ating bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senator Risa Hontiveros, Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ng ating Special Concerns Unit sa ilalim ng Tanggapan ng Punongbayan, nagkaroon ng pamamahagi ng relief packs sa iba’t ibang barangay ng ating bayan nitong nakaraang linggo. Higit sa 1,500 mga pamilya na nasa upland barangays ang nakatanggap nito. Nagkaroon din ng pamamahagi ng relief packs para sa ating mga market vendors ng San Mateo Public Market at mga persons with disability (PWDs) sa Plaza Natividad.
Maraming salamat po, Sen. Risa Hontiveros at DSWD sa inyong ipinaabot na tulong sa aming bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang petsa ng mga aktibidad na pangungunahan ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) sa ating pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Patrona Nuestra Señora de Aranzazu ngayong ika-9 ng Setyembre 2024.
Viva La Virgen! Viva Aranzazu!
#AranzazuFiesta2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu
Back-to-back na programa ang ating hinandog sa ating mga kababayan nitong ika-26 ng Agosto 2024 bilang ating pakikiisa sa selebrasyon ng International Dog Day ngayong taon! Bukod sa low-cost kapon at anti-rabies vaccination sa San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO), nagdaos din ng Free Anti-Rabies Caravan For Dogs sa SM City San Mateo. Higit sa 200 mga alagang aso ang nakatanggap dito ng libreng bakuna kontra rabies. Nagsagawa rin dito ang MAO at San Mateo Rizal Animal Welfare Office (AWO) ng Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ukol sa Rabies Awareness para sa mga fur parents na dumalo sa naturang aktibidad.
Dito sa ating bayan, alaga ang iyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Hindi bababa sa 400 ang kabuuang bilang ng mga aso at pusang nakapon nang mura at nakapagpabakuna ng anti-rabies vaccine nitong Lunes, ika-26 ng Agosto 2024. Ang aktibidad na ito ay magkatuwang na pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO), San Mateo Rizal Animal Welfare Office (AWO), at ng Stray Neuter Project. Layunin nitong makapagbigay ng abot-kayang serbisyo para sa ating mga kababayang fur parents. Paraan din ito ng pagtiyak na ang ating mga alagang hayop ay mayroong malusog na pangangatawan at may panlaban sa mga karamdaman.
Maraming salamat Stray Neuter Project at sa lahat ng fur parents na nakibahagi sa aktibidad na ito! Dito sa ating bayan, alaga ang iyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pakikipagtulungan ng ating San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) ay magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan ng Special Recruitment Activity (SRA) para sa QRD International Placement Inc. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo ngayong Biyernes, ika-30 ng Agosto 2023, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras, dala ang inyong updated resume at sariling ballpen. Maghanda rin para sa on-the-spot interview at hiring mula sa mga HR representative ng QRD International Placement Inc.
Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-29 ng Agosto 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ngayong araw, LIGHT VEHICLES lamang ang maaaring dumaan sa JFD Ave. - Villa Anita sa Brgy. Silangan dahil sa pagguho ng lupa bunsod ng DPWH road works sa lugar. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang ating Pamahalaang Bayan sa DPWH para sa kanilang agarang aksiyon.
Inaabisuhan ang mga MABIGAT AT MALAKING SASAKYAN na dumaan sa mga alternatibong ruta. Maraming salamat sa inyon pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo Dpos
Patuloy lamang ang pagtanggap ng ating San Mateo Rizal Public Employment Service Office sa mga nais mag-apply ng trabaho sa ating job fair! Hanggang alas-2 pa po ito ng hapon kaya naman magtungo lamang sa ating municipal stadium (tapat ng Super Health Center) para mag-apply.
Bayan ng San Mateo, serbisyo at oportunidad ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang ating mga kababayang job seekers!
Halina sa ating municipal stadium (tapat ng Super Health Center), ngayong araw para sa isang job fair na pangungunahan ng ating San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO). Patuloy ang kanilang pagtanggap ng mga aplikante hanggang mamayang alas-2 ng hapon kaya’t tingnan lamang ang mga larawan sa ibaba para sa mga job opportunities na swak para sa’yo!
Dalhin na ang iyong most updated resume at mag-apply na kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity materials courtesy of the participating companies
Idinaos ang isang wreath-laying ceremony ngayong araw bilang pag-alala at pagdakila sa mga bayani ng ating bayan at bansa. Pinangunahan ito nina Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Narito rin ang mga punong barangay, miyembro ng Sons and Daughters of Veterans, San Mateo Municipal College, miyembro ng Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc., Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), Knights of Columbus, at Boy Scouts and Girl Scouts of the Philippines.
Ayon kay Mayor Omie, ang araw na ito ay isang pagdakila hindi lamang sa kabayanihan ng ating mga kababayang nakipagdigma noon, kung hindi pati na rin sa ating ginagawang pagtulong at pagsisilbi para sa ating kapwa ngayon. Nawa'y ating isapuso ang mga pagpapahalaga ng ating mga bayani: may paninindigan, handang magsakripisyo, at makabayan. Sa ganitong paraan ay magpapatuloy lamang sa pagdaloy ang diwa ng kabayanihan hanggang sa mga susunod pang henerasyon.
Mabuhay ang mga bayaning Pilipino!
#NationalHeroesDay2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magandang balita, mga kababayan! Worry-free na ang pagbabayad ng inyong delinquent real property taxes (RPTs) o amilyar! Sa bisa ng Panlalawigang Ordinansa Blg. 23, s. 2024, magkakaroon na ng “Tax Amnesty” o ang pag-aalis ng penalty sa mga hindi nabayarang amilyar bago ang pagsasabisa ng ordinansang ito.
HINDI KASAMA sa magkakaroon ng tax amnesty ang mga sumusunod:
- Mga delinquent real properties na ibinenta sa public auction
- Mayroong compromise agreement
- Mga real properties na may nakabinbin na kaso sa korte
Mayroong dalawang (2) paraan ng pagbabayad ng inyong amilyar:
1. One-time payment sa ating Municipal Treasurer’s Office
2. Installment payment sa Provincial Treasurer’s Office (para sa loob ng dalawang taon)
Magtungo lamang sa Plaza Natividad Payment Center, mula Lunes hanggang Biyernes, simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Para naman sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Office of the Municipal Treasurer via email: sanmateorizaltreasury@gmail.com
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Hon. Casimiro “Ito” Ynares, Jr!
Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ngayong araw, nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang paggunita ng National Heroes Day o Araw ng mga Bayani. Ating binibigyang pugay ang mga magigiting nating kababayan na nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan. Magsilbi nawang inspirasyon para sa lahat ang kanilang pagkamakabayan at maalab na pagmamahal sa ating Inang Bansa.
Maligayang araw ng mga Bayani!
#NationalHeroesDay2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon ang ating mga kababayang debotong Katoliko sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) para sa Hudyat ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Aranzazu kahapon at ngayong araw, ika-24 at ika-25 ng Agosto 2024. Sa naging prusisyon at motorcade, itinampok ang imahen ng Birhen ng Aranzazu at ng mga patron ng mga kapilyang napapaloob sa DSPNSDA.
Halina’t buong galak na salubungin ang kapistahan ng ating mahal na patrona! Viva La Virgen!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Higit sa 100 mga kabataan mula sa iba’t ibang mga samahan at Sangguniang Kabataan ang dumalo sa “Tuloy sa Magaling, Matino, at May Pusong Pamamahala: Sangguniang Kabataan and Youth Leaders’ Good Governance Summit”. Isa itong 2-day summit na pinangunahan ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO), kung saan kanilang inimbitahan ang mga natatanging personalidad upang talakayin ang mga paksa patungkol sa good governance o mabuting pamamahala.
Malugod na tinanggap nina Mayor Omie Rivera at San Mateo MLGOO Sherlyn Oñate-Resurreccion ang ating mga keynote at resource speakers na sina Atty. Chel Diokno; Sen. Bam Aquino; Taytay, Rizal Municipal Councilor Hon. John Tobit Cruz; at National Youth Commission (NYC) Asst. Division Chief G. Jose Cielos. Nagpaabot din ng solidarity messages sina Atty. Leni Robredo at Pasig City Mayor Vico Sotto.
Para naman sa ikalawang araw, narito sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas; SK Pederasyon President ng Lalawigan ng Rizal Hon. Mikhail Napoleon S.J. Jose; Provincial Youth Development Officer Atty. Angelica Bernardo; Teresa, Rizal Local Youth Development Officer Mr. John Philip F. Bertiz; Angat Pinas, Inc. Monitoring, Evaluation, Learning, & Impact Manager Mr. Patrick Vaughn Emil M. Manuel; Galing Pook Foundation Executive Director Ms. Georgina Ann Hernandez - Yang; at National Youth Commission Presidential Staff Officer I Mr. Mark Ryan D. Talajuron.
Hangarin ng good governance summit na ito na hubugin ang ating mga kabataang lider sa pagtataglay ng paniniwala, kaisipan, at katangian na naka-angkla sa mabuting pamamahala. Mabibigyan nito ng pag-asa ang ating bayan at bansa na sa hinaharap ay magkakaroon ng mga mamumunong magaling, matino, at may puso.
Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa ating programa! Dito sa ating bayan, boses ng kabataan, pakikinggan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang paghahanda sa paparating na pagdiriwang ng ika-308 Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Aranzazu, magkakaroon ng motorcade bukas ng Linggo, ika-25 ng Agosto 2024, mula alas-2 hanggang alas-5 ng hapon.
Magsisimula ito sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at babagtasin nito ang mga kalsada ng Hilario St., B. Mariano St., Salamat St., Gen. Luna Ave., Liamzon St. sa Brgy. Banaba, Daang Bakal Rd., Montaña at A. Mabini St. sa Rodriguez, Gen. Luna Ave. at pabalik sa DSPNSDA.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa ruta ng motorcade. Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Tumanggap ng mga pagkilala ang ating bayan sa ilalim ng Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) Progam ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon, ika-23 ng Agosto 2024. Sa naging 2024 Philippine Competitiveness Ranking sa mga 1st to 2nd Class Municipalities, tagumpay nating naiuwi ang mga sumusunod na titulo:
Top 3 - Most Competitive in Resiliency
Top 7 - Most Competitive in Infrastructure
Top 5 - Overall Most Competitive
Pagbati rin sa ating Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Gob. Nina Ynares sa muling pagkakahirang sa ating lalawigan ng Rizal bilang Top 1 Most Competitive Province in the Philippines.
Bayan ng San Mateo, sama-sama tayo sa pag-unlad dito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang paghahanda sa paparating na pagdiriwang ng ika-308 Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Aranzazu, magkakaroon ng prusisyon ngayong Sabado, ika-24 ng Agosto 2024, mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi.
Magsisimula ito sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at babagtasin nito ang Brgy. Sta. Ana, Guitnang Bayan I at II, Dulong Bayan I, at pabalik sa DSPNSDA. Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa ruta ng prusisyon. Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon.
Bilang alternatibong ruta ng mga patungong Montalban:
Mangyaring dumaan sa Paraiso (Miguel Cristi St.), kumaliwa sa Daang Bakal, dumiretso sa Patiis Rd. pabalik sa Gen. Luna Ave., at patungo sa inyong destinasyon.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Halina sa ating kauna-unahang San Mateo Rizal Tourism Expo!
Simula ngayong araw, ika-23 ng Agosto, hanggang Linggo, ika-25 ng Agosto, ay idaraos ang San Mateo Rizal Tourism Expo sa 2nd floor, Activity Center ng SM City San Mateo. Tuklasin ang mga natatanging handog ng ating bayan— mula sa mga tourist destinations nito, sari-saring serbisyong pang-turismo, hanggang sa ating mga ipinagmamalaking lokal na produkto o One Town, One Product (OTOP).
Muli, mananatiling bukas para sa lahat ng mga nais bumisita ang San Mateo Rizal Expo simula ngayong araw hanggang Linggo, ika-25 ng Agosto 2024, 10:00 AM - 9:00 PM.
Tuloy na, kababayan! Dito sa San Mateo, susulong ang turismo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ang isang Psychological Kids’ Symposium para sa mga anak ng ating kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs). Pinangunahan ito nitong buwan ng ating San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO). Sentro ng mga naging aktibidad sa programang ito ang mabigyang kamalayan at suporta ang mga dumalong anak ng OFW pagdating sa kanilang mental health at ang pagpapanatili ng maayos na kalusugan nito. Natalakay rin dito ang mga adbokasiya para sa climate change, values re-orientation, digital literacy, at anti-drugs and substance abuse.
Dito sa San Mateo, serbisyo at oportunidad ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kababayan, markahan na ang inyong mga kalendaryo! Sa paparating na long weekend, ilaan natin ang ating mga oras sa pagsasagawa ng mga makabuluhang aktibidad o bilang araw ng pagpapahinga o pakikilahok sa anumang gawaing nakakapayapa sa atin.
Enjoy the long weekend, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagkaroon ng pamamahagi ng mga community cleaning kits kahapon, ika-20 ng Agosto 2024, ang Philippine Relief And Development Services, Inc. (PHILRADS) para sa Barangay Guinayang, Malanday, at Maly. Ito ay sa ilalim ng kanilang proyektong Inclusive Anticipatory Disease Outbreak Response (IADOR) para sa Bagyong Carina kasama ang iba pang mga organisasyon.
Gagamitin ang mga community cleaning kits na ito upang pag-ibayuhin ang paglilinis ng ating mga komunidad mula sa mga naiwang basura sa naging pananalasa ng Bagyong Carina. Gagamitin din ang mga ito sa pagpapatupad ng isa pa nilang proyekto na Cash for Work - Community Clean-Up Drive Project.
Maraming salamat, PHILRADS, sa inyong tulong sa aming bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong ika-7 ng Agosto, 2024 ang Inauguration and Turn Over Ceremony ng ating pinalawak na Super Health Center sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Congressman Jojo Garcia at si Department of Health (DOH) si Asst. Sec. Ariel I. Valencia. Mayroon na itong malaking waiting area at mga kuwarto kung saan masusuri nang mas maayos ang ating mga kababayan. Mayroon na rin ditong mga bagong medical equipment na makatutulong upang mas mapaunlad pa ang ating serbisyong medikal.
Matatandaang ginanap ang groundbreaking ceremony para dito noong Setyembre 2023. Wala pang isang taon, tuluyan nang pinasinayaan ang pasilidad na ito na naglalayong makapaghandog ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ngayong araw ay ating ginugunita ang ika-41 taong anibersaryo ng pagpanaw ni dating Senador Benigno “Ninoy” S. Aquino, Jr. alinsunod sa Batas Republika Blg. 9256 na nilagdaan ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo noong 2004. Ating binibigyang pugay at karangalan ang kaniyang mga kontribusyon sa pagkamit ng demokrasyang atin ngayong tinatamasa.
Isang makabuluhang araw ng pag-alala, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-22 ng Agosto 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa bisa ng Proclamation No. 665 s. 2024, ay idineklara bilang isang SPECIAL (NON-WORKING) DAY ang araw ng Biyernes, ika-23 ng Agosto 2024, bilang paggunita sa Ninoy Aquino Day. Mula sa orihinal na petsa nito na ika-21 ng Agosto ay inilipat ito ngayong taon sa ika-23 ng Agosto, araw ng Biyernes, upang maisulong ang lokal na turismo sa ating bansa. Oportunidad din ito upang matamasa ng ating mga kababayan ang dagdag na pahingang hatid ng long weekend.
Maging makabuluhan nawa ang ating pag-alala sa araw na ito.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Naghandog ng PHP300,000.00 na donasyon ang Pamahalaang Lungsod ng Davao sa ating bayan para sa ating pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayang apektado ng nagdaang Bagyong Carina. Personal itong ipinaabot ng pinuno ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na si Ret. PLTCOL Alfredo D. Baloran kasama ang kinatawan ng Davao City Treasurer's Office na si G. Virgilio San Pedro. Tinanggap naman ito nina Mayor Omie Rivera, kasama ang mga pinuno ng ating Municipal Treasury Office at San Mateo Rizal - Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal sa Pamahalaang Lungsod ng Davao, sa pamumuno ni Mayor Sebastian Z. Duterte, sa inyong ipinadalang tulong sa aming bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling magsasagawa ang San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO) ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa Philippine Statistics Authority - Rizal Provincial Statistical Office. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo ngayong Huwebes, ika-22 ng Agosto 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ito ay para sa patuloy na pagkalap ng mga CENSUS AREA SUPERVISORS, TEAM SUPERVISORS, at ENUMERATORS sa pagsasagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS).
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras upang makapagsumite ng inyong aplikasyon. Narito pa ang mga karagdagang dokumentong kailangang ipasa:
- Pirmadong APPLICATION LETTER, kung saan nakasaad ang inyong POSITION TITLE, na naka-address kay:
YRA B. SIBUG
Chief Statistical Specialist
Philippine Statistics Authority
Rizal Provincial Statistical Office
- Personal Data Sheet (PDS-CSC Form No. 212) na mayroong pinakabago ninyong 2x2 I.D. picture (kinunan sa loob ng 3 buwan bago ang inyong pagpapasa ng aplikasyon)
- Kopya ng inyong Transcript of Records o Diploma
- Kopya ng Eligibility (CSC, RA 1080, PD 907), kung mayroon man
Para sa listahan ng mga kwalipikasyon, basahin lamang ang nasa larawan sa ibaba. Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication materials courtesy of Philippine Statistics Authority - Rizal
Suspendido bukas, ika-20 ng Agosto 2024, ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS, sa mga PAMPUBLIKONG paaralan sa ating bayan bunsod ng volcanic smog na inilalabas ng Bulkang Taal na maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan.
Hinihikayat naman ang mga pribadong paaralan na sumunod sa pag-implementa ng alternative learning method.
Manatiling ligtas sa banta nito at tumawag lamang sa mga numerong ito sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ilulunsad sa darating na ika-27 ng Agosto 2024 ang PCUP Bayanihan para sa Bawat Maralita (PBBM) Caravan sa ating bayan. Gaganapin ito sa ating municipal stadium mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa pagtutulungan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Community Development Office/Urban Poor Affairs Office.
Layunin ng PBBM Caravan na mailapit ang sari-saring mga serbisyo ng gobyerno sa ating mga kababayan, partikular na sa mga nabibilang sa maralitang komunidad.
Ang mga sumusunod ay ang mga aktibad at serbisyo na handog ng PBBM Caravan:
• Health Service: Medical check-ups, dental missions, and immunizations.
• Social Services: Assistance with welfare programs, including 4Ps, and senior citizen benefits.
• Civil Registry Services: Issuance and correction of birth, marriage, and death certificates.
• Employment Service: Job matching, labor rights information, and livelihood assistance.
• Housing Services: Information on housing programs, and application assistance.
• Financial Services: Membership registration, loans, and benefits Inquiries for SSS.
Dito sa San Mateo, kalinga at serbisyo para lahat ang numero unong priyoridad!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Municipal Treasurer’s Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Ilan na lamang dito ay ang kanilang patuloy na pangongolekta ng buwis at iba pang mga bayarin na nagmumula sa transaksiyon sa ating munisipyo; paglikom ng pondo ng ating Pamahalaang Bayan; at pagtiyak na wasto ang paggamit ng mga naturang pondo.
Matapos ang kanilang pag-uulat ay pinangunahan ni Mayor Omie Rivera at ng mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa Brgy. Sto. Niño at Brgy. Guinayang para sa kanilang drug-cleared barangay status. Pagkilala rin ang iginawad sa Brgy. Ampid II dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mayroong barangay na nagkamit ito retention of drug-cleared barangay status. Tinanggap ng kani-kanilang mga punong barangay na sina Kap. Dennis Trono, Kap. Arwin Del Rosario, at Kap. Gil Suegay ang mga sertipiko, kasama ang ilan pang mga kawani ng barangay. Muli ay isang malugod na pagbati para sa inyo!
Nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Dahil sa bahagyang pagpapakita ng ilang aktibidad ng Bulkang Taal na nakapagdudulot ng volcanic smog o “vog” sa mga kalapit nitong lugar, kasalukuyan itong inilagay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 1. Samantala, kasalukuyang nasa ORANGE LEVEL ang Air Quality Index sa ating bayan.
Nangangahulugan ito na ang malalanghap na hangin ay hindi makabubuti sa kalusugan ng mga nabibilang sa sensitibong grupo gaya ng mga sumusunod:
- May sakit sa puso o baga
- Matatanda
- Bata
- Mayroong diabetes
Bilang pag-iingat sa ating kalusugan, narito ang mga mahahalagang paalala na dapat gawin:
- Manatiling nasa loob ng bahay at isara ang mga pintuan at bintana o anumang maaaring mapasukan ng vog.
- Magsuot ng surgical masks o N95 face masks upang epektibong matakpan ang iyong ilong at bibig.
- Uminom ng tubig upang maibsan ang nararamdaman sa lalamunan (sakaling mayroon nang iritasyon dito).
- Magpatingin na sa doktor sakaling lumala na ang sintomas nito.
Manatiling ligtas at alerto, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang bahagi ng ating selebrasyon ng International Dog Day 2024, muling nagbabalik sa ating bayan ang murang pagkakapon sa darating na ika-26 ng Agosto 2024 para sa ating mga alagang aso’t pusa! Ito ay pangungunahan ng Stray Neuter Project at gaganapin sa Municipal Agriculture Office (MAO) sa Brgy. Sta. Ana (sa likurang bahagi ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu), simula alas-8 ng umaga. Mayroon din ditong ihahandog na LIBRENG anti-rabies vaccine ang MAO.
Dahil “NO APPOINTMENT, NO SCHEDULE” ito, mag-sign up lamang via Google Forms gamit ang link na ito: https://forms.gle/G7wEFp2MZczp9GaH9.
Narito ang kaukulang rates para sa inyong mga alaga:
- Male Cat - P500.00
- Female Cat - P800.00
- Pregnant Cat - P1,200.00
- Male Dog - P1,000.00
- Female Dog - P2,000.00
MAHALAGANG PAALALA:
- May karagdagang bayad na P100.00 kada kilong dagdag para sa mga asong lagpas sa 10kg ang timbang.
- Pakibasang mabuti sa registration link ang mga REMINDERS O KAILANGANG TANDAAN at isaalang-alang bago ipakapon ang inyong alaga: https://forms.gle/G7wEFp2MZczp9GaH9
Ang programang ito ay sa pagtutulungan ng Stray Neuter Project at ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng ating Municipal Agriculture Office (MAO) at ng ating San Mateo Rizal Animal Welfare Office. Dito sa ating bayan, alaga ang inyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-20 ng Agosto 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ibida na ang iyong galing sa pag-pitik at pag-bidyo at ating ipakita ang diwa ng bolunterismo sa natatanging buwan ng ating bayan!
Muli nating binubuksan ang registration para sa mga nais maging bahagi ng ating Septemberfest Media Volunteers! Halina’t makiisa sa pagdokumento, pagkuha ng mga larawan at bidyo ng sari-sari at kaaabang-abang na mga aktibidad sa ating bayan sa buong buwan ng Setyembre. Upang makapagparehistro, i-scan lamang ang QR code sa larawan sa ibaba o i-click ang link na ito: https://forms.gle/ESdXuD9qW1EDbqdB6.
MAHALAGANG PAALALA: Ang DEADLINE ng pagpaparehistro ay sa AUGUST 30, 2024, 12:00 PM.
Halina’t maging Media Volunteer, kababayan!
#Septemberfest2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalPIO
Masiglang nagtipon ang higit sa 100 mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) at lider-kabataan ng ating bayan ngayong araw sa Ciudad Christhia Resort. Ito ay para sa Day 1 ng Sangguniang Kabataan and Youth Leaders’ Good Governance Summit na pinangungunahan ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO).
Nagbahagi ng mga makabuluhang kaalaman ang ating mga inimbitahang keynote speakers na sina Atty. Chel Diokno at former Sen. Bam Aquino ukol sa usapin ng mabuting pamamahala. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng oportunidad ang mga kalahok na makapagtanong sa kanila at naging interaktibo pa ang mga sumunod na diskusyon.
Dito sa ating bayan, bibigyang boses at lakas ang mga kabataan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), magkakaroon ng pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga kababayan nating senior citizens sa 15 barangay sa ating bayan. Kasama na rin dito ang mga karagdagan at "unclaimed" na birthday celebrants mula January hanggang June 2024
Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin upang makatanggap ng cash gift:
Para sa mga senior citizen (benepisyaryo) na personal na kukuha:
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA
Para sa mga authorized representative (sakaling hindi makapunta ang senior citizen):
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA at isang (1) photocopy nito na may tatlong (3) pirma ng senior citizen (benepisyaryo)
- Orihinal at aktuwal na ID ng authorized representative at isang (1) photocopy nito
- Authorization letter na may pirma o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)
Para sa schedule ng pamamahagi ng cash gift, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang mga kababayan nating mag-aaral sa kolehiyo!
Ikaw ba ay incoming college student o kaya nama’y kasalukuyan nang nag-aaral sa kolehiyo? Narito na ang scholarship program para sa’yo! Muling nagbabalik ang Iskolar ni Mayor Program, now on its 2nd cycle! Basahing mabuti sa mga larawan sa ibaba ang mga kuwalipikasyon at dokumentong kailangang ihanda.
Antabayanan lamang ang mga susunod na anunsiyo ng San Mateo Rizal Educational Assistance Unit ukol sa application schedule at iba pang karagdagang impormasyon. Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa kanilang official FB page o tumawag sa numerong ito: (02) 8297-8100 local 144.
Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at oportunidad ang handog sa’yo!
#IskolarNiMayorProgram
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
500 mga kabataang anak ng solo parents ang ating hinandugan ng mga school supplies sa pamamagitan ng Handog Gamit Eskwela. Pinangunahan ito ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa ating municipal stadium at sa Brgy. Pintong Bukawe Covered Court. Bilang bahagi ng bulnerableng sektor sa ating bayan, pinagsusumikapan nating makapagpaabot ng suporta sa ating mga kababayang solo parents, maging sa kanilang mga anak.
Dahil dito sa ating bayan, serbisyo at kahusayan ang ihahandog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magkakaroon ng Free Anti-Rabies Caravan para sa ating mga alagang aso sa ika-26 ng Agosto 2024, sa 3rd floor ng SM City San Mateo, mula ala-1 hanggang alas-5 ng hapon. Mayroon ding isasagawa ritong Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ukol sa Rabies Awareness na pangungunahan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office at San Mateo Rizal Animal Welfare Office
Dalhin na ang inyong mga ALAGANG ASO at magpabakuna nang libre! Dito sa San Mateo, may kalinga para sa iyo at sa iyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication material courtesy of SM City San Mateo
Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), magkakaroon ng pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga kababayan nating senior citizens sa 15 barangay sa ating bayan. Kasama na rin dito ang mga karagdagan at "unclaimed" na birthday celebrants mula January hanggang June 2024
Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin upang makatanggap ng cash gift:
Para sa mga senior citizen (benepisyaryo) na personal na kukuha:
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA
Para sa mga authorized representative (sakaling hindi makapunta ang senior citizen):
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA at isang (1) photocopy nito na may tatlong (3) pirma ng senior citizen (benepisyaryo)
- Orihinal at aktuwal na ID ng authorized representative at isang (1) photocopy nito
- Authorization letter na may pirma o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)
Para sa schedule ng pamamahagi ng cash gift, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong ika-8 ng Agosto 2024 ang “Ayos ka Lungs?” Libreng Chest X-ray sa Brgy. Dulong Bayan II Covered Court kung saan 200 mga kababayan natin ang sumailalim sa X-ray scan upang malaman kung sila ay positibo sa sakit na tuberculosis (TB). Layunin nitong mailapit ang mga makikitaan ng TB sa wasto at libreng gamutan sa ilalim ng TB-DOTS Program.
Maraming salamat Rotary Club of Guiguinto Suburbs na ating nakatuwang sa programang ito! Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ang isang Free Anti-Rabies Caravan For Cats sa SM City San Mateo nitong ika-11 ng Agosto 2024. Ito ay sa pagtutulungan ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office, San Mateo Rizal Animal Welfare Office, at ng Super Pets Club bilang selebrasyon ng International Cat Day ngayong taon. Nagtungo rito ang sari-saring mga fur parents dala ang kanilang mga alagang pusa at higit sa 130 sa kanila ang libreng nabakunahan ng anti-rabies.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa programang ito! Nawa’y patuloy nating isaisip at isulong ang kahalagahan ng pangangalaga ng ating mga fur babies, may espesyal na araw man o wala.
Dito sa San Mateo, may kalinga para sa inyong mga alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong Linggo, ika-11 ng Agosto 2024, ang relief operations ng Tzu Chi Foundation sa ating municipal stadium kung saan nagtipon ang higit sa 2000 mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan.
Kanilang hinandugan ng sari-saring gamit at pagkain ang mga indibidwal at pinuno ng pamilya na lubhang naapektuhan ng Bagyong Carina. Malawakang pinsala ang dinulot ng bagyong ito sa ating bayan kung kaya’t minabuti ng Tzu Chi Foundation na muling bisitahin ang ating mga kababayan. Kanilang inalam ang lagay ng mga apektadong pamilya sa iba’t ibang mga barangay at tinipon sa municipal stadium ang mga benepisyaryong higit na makikinabang sa kanilang relief operations.
Maraming salamat, Tzu Chi Philippines, sa inyong walang kapagurang pagkilos upang maisakatuparan ang inyong adhikain: ang makapagpaabot ng tulong sa higit na mga nangangailangang mamamayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-15 ng Agosto 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling nagbabalik ang San Mateo Rizal Color Run ngayong taon!
Gaganapin ito sa ika-14 ng Setyembre 2024 (Sabado) sa Kambal Road, Agro Tourism (harap ng Istilo Old Dapayan). Mayroon ditong 5K Run na magsisimula ng alas-5 ng umaga at 3K Run na magsisimula ng 5:10 ng umaga. Sa halagang PHP275, makakatanggap ang mga sasali ng sumusunod:
- Dri-fit Shirt
- Sunglasses
- Baller
- Official Race Bib
- Finisher Medal
Magparehistro na at sumali! I-scan lamang ang QR code na nasa larawan sa ibaba o i-click ang link na ito: https://tinyurl.com/SMRColorRun2024 . Patuloy na tatanggap ng mga nais magparehistro para sa San Mateo Rizal Color Run 2024 hanggang SEPTEMBER 8, 2024. Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office.
Makitakbo’t makisaya sa ating mas pinakulay na San Mateo Rizal Color Run!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Matagumpay na napabilang ang San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO) sa Top 10 Outstanding LYDO sa idinaos na Galing Ng Kabataang Pinoy Awards Night ng Positive Youth Development Network kahapon, ika-12 ng Agosto 2024. Ginanap ito sa Boracay Island, Aklan at dinaluhan ng mga national finalists na mga Sangguniang Kabataan, LYDOs, at youth organizations mula sa iba’t ibang panig ng ating bansa.
Malugod na binabati ng ating Pamahalaang Bayan ang San Mateo Rizal Local Youth Development Office sa kanilang makabuluhang pagkakapanalo at pagtanggap ng pagkilala bilang isa sa Top 10 Outstanding LYDO sa buong bansa! Ang inyong masigasig na pagsusumikap upang palakasin ang kakayahan at boses ng kabataan sa ating bayan ay tunay na nakamamangha at dapat na tularan.
Kabataang San Mateo, kabataang magaling, matino, at may puso!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sali na sa kauna-unahang Bike Race Competition hatid ng ating Pamahalaang Bayan! Gaganapin ito sa ika-8 ng Setyembre 2024 (Linggo) at opisyal nang binubuksan ang registration para rito ngayong araw. Sa registration fee na nagkakahalaga ng PHP299.00, makakatanggap ang mga sasali ng sumusunod:
- Dri-fit Shirt
- Official race bib
- Finisher medal
- Biker’s meal
Upang makapagparehistro, i-scan lamang ang QR code na nasa larawan sa ibaba o i-click ang link na ito: https://tinyurl.com/SMRBikeRace2024 . Patuloy na tatanggap ng mga nais magparehistro at sumali sa bike race competition na ito hanggang SEPTEMBER 1, 2024. Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office.
Sali na, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Agriculture Office (MAO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Ilan sa pinakatampok dito ay ang kanilang patuloy na pagsasagawa ng mga training at seminars para sa mga magsasaka katuwang ang ilang mga pambansang ahensya, pagtulong sa pagpaparehistro sa crop insurance ng ating mga magsasaka, at ang pagpapataas ng potensyal ng mga angking produkto ng ating bayan upang ating maging OTOP (One Town, One Product).
Sa layunin ng ating Pamahalaang Bayan na mapalakas at maisulong pa ang sektor ng agrikultura sa ating bayan, tinitiyak ng ating MAO na mayroon tayong naihahandog na oportunidad na magtataas ng kaalaman, kakayahan at makapagpapalago ng kabuhayan ng ating mga kababayan. Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa selebrasyon at paggunita ngayong araw bilang International Youth Day. Nakalaan ang araw na ito sa pagtatampok ng mga kontribusyon ng kabataan sa lipunan. Kasabay na rin nito ang pagkilala sa mga hamong kanilang kinahaharap sa kasalukuyan at ang mga suportang kanilang kakailanganin upang mahubog nila ang kanilang kinabukasan.
Sa tema ng pagdiriwang ng International Youth Day 2024 na “From Clicks to Progress: Youth Digital Pathways for Sustainable Development”, binibigyang tuon ang digitalisasyon bilang isang makapangyarihang instrumento para sa lahat, lalo na sa mga kabataan, upang sama-sama nating maabot at mapag-ibayo pa ng ating Sustainable Development Goals (SDGs).
Happy International Youth Day!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-13 ng Agosto 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Asahan ang kawalan ng kuryente bukas, ika-10 ng Agosto 2024, Sabado, sa mga sumusunod na oras at lugar:
9:00 AM - 9:30 AM at 3:31PM - 4:00 PM
Anthurium, Carnation, Magnolia, Rose, at Yellow Bell St. sa Modesta Village, Brgy. Sto. Niño
9:30 AM - 3:30 PM
Daisy St. sa Modesta Village at Marquez Compound, Marvi Hills Subd., Olops Ville Subd. at Riverside St., sa Brgy. Gulod Malaya at Brgy. Sto. Niño
9:30 AM - 3:30 PM
Bahagi ng Silangan Barangay Road at Langka St., mula Daisy St. sa Modesta Village hanggang AFP Road. Kasama rin ang AFP Village, Dream Homes Subd., Millenium City 2000, Sitio Buntong Palay, Sta. Barbara Subd. (Phases 1, 2, and 6), Tierra Monte Subd. (Phases 1, 2, 3A, 3B, 4A, and 4B), Labahan Elementary School at Olivia Realty & Development Corp. sa Brgy. Silangan at Brgy. Sto. Niño
Ito ay upang makapagbigay-daan sa isinasagawang line maintenance works ng Meralco sa naturang lugar. Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Meralco. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito na ang mga Facebook pages kung saan maaaring masaksihan ang State of the Municipality Address (SOMA) ng ating Punongbayan, Mayor Omie Rivera . Manood nang LIVE sa mga sumusunod:
Facebook:
https://www.facebook.com/mayoromierivera
https://www.facebook.com/sanmateorizalPIO
Abangan ang kaniyang ikalawang State of the Municipality Address ngayong ika-9 ng Agosto, alas-2 ng hapon.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa ngayong araw ng Huwebes, ika-8 ng Agosto 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa loob ng dalawang taon na panunungkulan, sama-sama nating tunghayan ang paglalahad ni Mayor Omie Rivera sa mga naging programa at proyektong naisakatuparan ng Pamahalaang Bayan.
Abangan ang kaniyang State of the Municipality Address ngayong ika-9 ng Agosto, alas-2 ng hapon sa ating official Facebook page, San Mateo Rizal Public Information Office.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap kahapon, ika-6 ng Agosto 2024, ang groundbreaking ceremony para sa nakatakdang itayo na San Mateo Dialysis Center sa Brgy. Sto. Niño. Pinangunahan ito nila Cong. Jojo Garcia, Mayor Omie Rivera, Bokal John Patrick Bautista, Vice Mayor Jimmy Roxas, Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, Konsi Grace Diaz, Konsi Arwin Mariano, Konsi Jojo Juta, SK Fed Kyla Escobar, Kap. Dennis Trono kasama sina Kap. Leo Buenviaje, Kap Eddie Lizardo, Kap. Arwin Del Rosario, Kap. Jc Salen, Kap Jomer Cruz at mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan at magsilbing pasilidad para sa mga pasyenteng nangangailangan ng dialysis treatment partikular na ang mga nasa Barangay ng Silangan, Sto. Niño at Gulod Malaya.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pangunguna ng ating Municipal Health Office (MHO) ay magkakaroon ng LIBRENG chest X-ray para sa ating mga kababayang nasa edad 15 taong gulang pataas sa darating na Huwebes, ika-8 ng Agosto 2024, sa Brgy. Dulong Bayan II Covered Court. Magsisimula ito sa ganap na alas-8 ng umaga at magtatapos naman sa alas-3 ng hapon.
MAHALAGANG PAALALA: Limitado lamang ang ating mahahandugan ng libreng serbisyong ito. Para lamang ito sa UNANG 300 katao. Halina at magpasuri para sa malusog na baga!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ng International Cat Day tuwing ika-8 ng Agosto, magkakaroon ng Free Anti-Rabies Caravan For Cats sa darating na Linggo, ika-11 ng Agosto 2024, sa SM City San Mateo, 3rd Flr., mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon.
Ito ay sa pagtutulungan ng SM City San Mateo, Municipal Agriculture Office, Animal Welfare Office, at Super Pets Club na naglalayong magbigay ng libreng bakuna sa inyong mga ALAGANG PUSA upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa ating komunidad.
Dito sa San Mateo, may kalinga para sa iyo at sa iyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication material courtesy of SM City San Mateo
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Municipal Engineering Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Ilan sa mga tampok na aktibidad na kanilang ginawa ay ang rehabilitasyon ng mga pasilidad gaya ng Superhealth at mga pampublikong paaralan, pagsasagawa ng mga clearing operations nitong nagdaang bagyo ng Carina, at ang pagsasaayos ng mga konstruksiyon sa ating bayan.
Pinangunahan naman ni Mayor Omie Rivera ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala kina Bb. Alyssa Mildred Villariña, na itinanghal na Miss Rizal 2024; G. Wencel Mark Acosta, na wagi bilang Mister Tourism 2024; at Bb. Dainnelle Louise Pandinuela, bilang Top 10 finalist.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
Isang mainit na pagbati ang ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal kay 2 - Time Gold Medalist Carlos Edriel Yulo, sa kaniyang pagkakasungkit ng gintong medalya sa ginanap na Paris 2024 Olympics Men’s Artistic Gymnastics Vault at Artistic Gymnastics - Floor Exercise.
Ipinagmamalaki namin ang iyong husay at galing sa larangan ng gymnastics. Isa kang malaking karangalan sa ating bansa at inspirasyon sa mga kabataan, Carlos!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Isang mainit na pagbati ang ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal kay 2 - Time Gold Medalist Carlos Edriel Yulo, sa kaniyang pagkakasungkit ng gintong medalya sa ginanap na Paris 2024 Olympics Men’s Artistic Gymnastics Vault at Artistic Gymnastics - Floor Exercise.
Ipinagmamalaki namin ang iyong husay at galing sa larangan ng gymnastics. Isa kang malaking karangalan sa ating bansa at inspirasyon sa mga kabataan, Carlos!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Mayroong handog na libreng Doxycycline kontra leptospirosis ang San Mateo Rizal Municipal Health Office para sa ating mga kababayang naapektuhan ng baha at bulnerable sa banta ng iba’t ibang uri ng impeksyon. Magtungo lamang sa Barangay Health Centers na inyong nasasakupan para makakuha nito.
Manatiling malusog at ligtas sa anumang uri ng sakit. Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-6 ng Agosto 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magkakaroon ng “Fight the Flu, Get the Shot” Flu Vaccination Activity ang Mercury Drug Guitnang Bayan I Branch sa mga sumusunod na petsa:
August 3, 2024 - 9:00AM to 12:00PM and 1:00PM to 4:00PM
August 10, 2024 - 9:00AM to 12:00PM and 1:00PM to 4:00PM
August 17, 2024 - 9:00AM to 12:00PM and 1:00PM to 4:00PM
Bukod sa flu vaccine, mayroon din ditong HPV Cervical Vaccine at iba pang bakuna kontra pulmonya, pertussis, at shingles. Matutulungan ng mga bakunang ito ang ating resistensya upang labanan ang iba't ibang sakit lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Tingnan lamang ang larawan sa ibaba para sa presyo ng mga naturang bakuna. Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa Mercury Drug Guitnang Bayan I Branch.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Mercury Drug Guitnang Bayan I Branch
Patuloy pa rin ang ating Solid Waste Management Office (SWMO) katuwang ang mga barangay sa paghahakot ng mga basura na idinulot ng nagdaang Bagyong Carina. Kasabay nito ay tulong-tulong din ang mga mamamayan sa paglilinis ng mga daan upang mas mapabilis ang pagbalik sa normal ng mga kalsada.
Antabayanan na lamang po ang pagdating ng SWMO sa inyong mga lugar para sa paghakot ng basura.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of Solid Waste Management Office
Nagpaabot ng tulong sa ating bayan ang Animal Kingdom Foundation sa pamamagitan ng kanilang BARKyanihan Pet Ayuda Project para sa mga fur babies. Dito ay nagtungo sila sa iba’t ibang evacuation sites kabilang na ang ating San Mateo Dog Pound upang mamahagi ng pagkain para sa mga aso at pusa, pati na rin ng hygiene kits para sa mga pet owners.
Maraming salamat, Animal Kingdom Foundation sa inyong tulong sa aming bayan. Dito sa San Mateo, buhay ang diwa ng bayanihan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Malugod na binabati ng ating Pamahalaang Bayan ang San Mateo Rizal Local Youth Development Office sa pagkakatanghal nito bilang isa sa mga national finalist para sa 1st Positive Youth Development Awards, sa ilalim ng kategoryang Outstanding Local Youth Development Office! Matapos ang masinsinang screening at validation ng mga entry ng higit sa 500 mga kalahok na LYDO, Sangguniang Kabataan, at Youth Organizations, tagumpay na napabilang ang ating LYDO sa 32 national finalists ng naturang kategorya.
Tunay na kahanga-hanga ang inyong ipinamalas na dedikasyon at puso para sa kagalingan, kalinangan, at pagseserbisyo sa mga kabataan ng ating bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Philippine Sangguniang Kabataan Awards
Ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang, “Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997, na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa na siyang pinagtibay ni dating Pangulo Fidel V. Ramos.
Maligayang buwan ng Wikang Pambansa!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of National Commission of Culture and Arts
Pinangunahan ng ating Municipal Health Office (MHO) katuwang ang mga Barangay Health Workers (BHW) ang pamamahagi ng Doxycycline sa ating bayan. Ito ay isang uri ng antibiotic na ginagamit upang maiwasan at gamutin ang iba't ibang uri ng impeksyon, kabilang na ang leptospirosis.
Sama-sama nating labanan ang mga sakit at panatilihing maayos at ligtas ang San Mateo.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo Rizal Municipal Health Office
Ang ating Pamahalaang Bayan ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Anti-Trafficking in Persons Awareness Month na may temang, “Isang Nasyon, Isang Aksyon, Sa Bagong Pilipinas, Tapusin ang Trafficking Ngayon!” Alinsunod ito sa Presidential Proclamation No. 1180 na nilagdaan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte noong 2021.
Sama-sama nating wakasan ang human trafficking! Dito sa ating bayan, handa at ligtas ang ating kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pangunguna ng Municipal Sanitary Unit, kahapon, ika-30 ng Hulyo, ay sinimulan nang ipamahagi ang Insecticide Treated Screens (ITS) sa iba't ibang pampublikong paaralan sa ating bayan. Layunin nitong masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng mga estudyante at guro, at sila ay maprotektahan laban sa panganib na dala ng dengue.
Ang proyektong ito ay bahagi ng kampanya ng Department of Health (DOH) at ng Pamahalaang Bayan upang labanan ang paglaganap ng dengue sa ating komunidad.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos Courtesy of Municipal Sanitary Unit
Taos pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal sa inyong tulong na ipinarating sa aming bayan. Maraming salamat din sa iba pang nagpamalas ng kanilang suporta at malasakit sa ating mga kababayan. Sinasalamin at pinapatotohanan ng inyong mga gawi na ang diwa ng bayanihan at bolunterismo ay nananatiling buhay sa ating lipunan.
Maraming salamat at mabuhay po kayo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Matapos ang paghupa ng bahang idinulot ng bagyong Carina, maagang sinimulan ng ating Municipal Engineering Office ang clearing operations sa Sapang Labo creek sa Kambal Road, Brgy. Guitnang Bayan II. Kanilang hinakot ang nagkalat na mga basura, halaman, at puno na nagdulot ng pagbara sa daluyan ng tubig.
Patuloy pa rin ang ating Pamahalaang Bayan sa pagsasagawa ng mga clearing operations upang siguruhin ang kaayusan at kaligtasan ng San Mateo.
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Photos courtesy of Municipal Engineering Office
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-1 ng Agosto 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kaagad na sinimulan ng mga barangay, volunteers, at mga national agencies ang pagsasagawa ng clearing operations sa ating bayan matapos ang hagupit ng Bagyong Carina. Ito ay upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng mga kalsada, daluyan ng tubig at mga lugar na lubos na naapektuhan ng bagyo.
Mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, maraming salamat sa lahat ng mga barangay officials, volunteers, at mga ahensya ng gobyerno na walang kapagurang nakikipagtulungan upang agad na manumbalik ang isang maayos at ligtas na bayan ng San Mateo.
#SanMateoRIzalLGU
#SanMateoRIzalPIO
Photos courtesy of Barangay PIOs
Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Kgg. Jomer A. Cruz! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Tanggapan ng Punongbayan. Dito ay iniulat ni Mayor Omie Rivera ang mga kaganapan nitong nakaraang linggo, partikular na ang naging pananalasa at epekto ng Bagyong Carina sa ating bayan.
Kaniyang ipinaalam ang lagay ng ating bayan, mula sa bilang ng mga apektadong indibidwal; mga relief at rescue operations: pagbisita ni President Bongbong Marcos, Sen. Bato dela Rosa, at mga kalihim ng pambansang kagawaran; hanggang sa ating pagsailalim sa State of Calamity. Ipinaabot ni Mayor Omie ang pasasalamat ng ating Pamahalaang Bayan sa mga natanggap nating mga donasyon mula sa iba't ibang ahensya tulad ng PNP, BFP, at AFP at mga pribadong sektor gaya ng French Baker, Goldilocks, Eagles Club of San Mateo, Kabalikat Civicom, at I Want To Share Foundation. Bilang pangwakas, binigyang diin ni Mayor Omie ang kahalagahan ng ating pagtutulungan at sama-samang pagkilos upang sama-sama ring makabangon.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat. Nawa’y maging makabuluhan at produktibo ang atung pagsisimula ng bagong linggong ito.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang mga kabataang anak ng OFW sa ating bayan!
Gaganapin ngayong Biyernes, ika-2 ng Agosto 2024, ang Psychological Kids’ Symposium sa Sangguniang Bayan Session Hall, ika-3 palapag ng ating munisipyo. Bukas ito para sa mga kabataang anak ng OFW na nasa edad 13 hanggang 25 taong gulang. Halina’t matuto ng sari-saring kasanayan sa pakikipagkapwa at pakikisalamuha sa inyong kapwa kabataan. Makisaya rin sa mga inihandang aktibidad ng ating San Mateo Public Employment Service Office (PESO) at San Mateo Rizal Local Youth Development Office!
Para makasali, magparehistro lamang sa link na ito: https://tinyurl.com/PKSymposium
Dito sa San Mateo, serbisyo at oportunidad ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagpaabot ng tulong at mga donasyon ang iba’t ibang mga pribadong samahan, kompanya, at mga indibidwal para sa ating mga kababayang apektado ng pananalasa ng nagdaang bagyo.
Dito sa ating bayan, buhay ang diwa ng bayanihan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo Municipal Social Welfare and Development Office and General Services Office
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-30 ng Hulyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ayon sa inilabas na Regional Memorandum ng DepED Region IV-A (CALABARZON), POSTPONED o ipinagpapaliban muna ang pagbubukas ng klase simula bukas ng Lunes hanggang Biyernes, ika-29 ng Hulyo hanggang ika-2 ng Agosto 2024, sa LAHAT ng mga PAMPUBLIKONG PAARALAN sa ating bayan. Opisyal nang magsisimula ang mga klase sa ika-5 ng Agosto 2024.
Ito ay bilang pagbibigay konsiderasyon sa ating mga kababayan, partikular na sa mga mag-aaral, na naapektuhan ng nagdaang kalamidad. Mag-iingat po ang lahat.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ipinaaabot ng ating Pamahalaang Bayan ang mainit na pagbati sa Iglesia Ni Cristo, sa pangunguna ni Kapatid na Eduardo V. Manalo, sa pagsapit nito sa kaniyang ika-110 taong anibersaryo ng pagkakatatag. Manatili nawa kayong malakas na katuwang ng ating Pamahalaang Bayan sa pagpupunla ng mga mabubuting asal at sa maigting na paglingap sa marami pa nating mga kababayan.
Happy 110th Anniversary po sa lahat ng mga Kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa buong mundo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Matapos ang situation briefing sa ating munisipyo, nagtungo si President Bongbong Marcos kasama sina DSWD Sec. Rex Gatchalian, DILG Sec. Atty. Benhur Abalos, Gob. Nina Ynares, Mayor Omie Rivera, Congressman Jojo Garcia, Bokal JP Bautista, at Kap. JC Salen sa San Mateo Elementary School Evacuation Center sa Brgy. Sta. Ana upang kumustahin ang lagay ng ating mga kababayang nananatili rito.
Sa kasalukuyan, isa ang San Mateo Elementary School Evacuation Center sa mayroong pinakamaraming bilang ng evacuees kung kaya’t nagpamahagi rito si President Marcos ng mga food packs. Maraming salamat po, President Bongbong Marcos at sa
Pamahalaang Pambansa sa inyong ipinapaabot na tulong sa aming bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsilbing host venue ang ating bayan sa ginanap na situation briefing para sa bagyong Carina ngayong araw. Pinangunahan ito ng pangulo ng ating bansa, President Bongbong Marcos, kasama ang mga department secretaries at assistant secretary ng ilang mga pambansang ahensya gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transport (DOTr), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at Office of Civil Defense (OCD).
Nagbigay ng ulat si Gob. Nina Ynares ukol sa kasalukuyang lagay ng iba’t ibang mga bayan sa lalawigan ng Rizal, partikular na ang mga bayang lubhang naapektuhan ng naging pananalasa ng bagyong Carina tulad ng Cainta, Rodriguez, San Mateo, at Tanay. Ipinarating naman ng mga dumalong pinuno ng naturang mga bayan at ni Mayor Omie Rivera ang kanilang mga kailangang suporta mula sa ating mga pambansang ahensya upang kanilang matugunan ang pangangailangan ng kani-kanilang bayan. Dumalo rin sa pagtitipong ito sina Former Rizal Gov. Casimiro “Ito” Ynares, Jr., Congressman Jojo Garcia, at Bokal JP Bautista.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pagdiriwang ng Brgy. Sta. Ana ng maringal na kapistahan nina Santa Ana at San Joaquin.
Apo Ana at Apo Joaquin, kami po ay inyong patnubayan sa aming pagharap sa mga pagsubok na aming pinagdaraanan. Pagbuklurin nawa kami ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa. Santa Ana at San Joaquin, ipanalangin niyo po kami.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan nina DOH Sec. Teodoro Herbosa, Gob. Nina Ynares, Mayor Omie Rivera, Congressman Jojo Garcia, at Bokal JP Bautista ang pamamahagi ng mga gamot at relief goods sa ating mga kababayang nananatili sa evacuation centers kaninang alas-3 ng hapon. Sinimulan ito sa San Mateo Elementary School Evacuation Center at dinala rin sa iba pang evacuation centers sa iba’t ibang mga barangay.
Sa ngayon ay nasa 3, 300 pa ang kabuuang bilang ng mga pamilyang hindi pa rin makabalik sa kani-kanilang mga tahanan. Patuloy ang ating Pamahalaang Bayan, katuwang ang Pamahalaang Pambansa at Panlalawigan sa pagpapaabot ng agarang serbisyo sa ating mga mamamayan.
#CarinaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Dahil sa malawakang pinsala na idinulot ng bagyong Carina sa ating bayan, ngayong araw ay opisyal nang nasa ilalim ng State of Calamity ang Bayan ng San Mateo. Ito ay pinagtibay sa pamamagitan ng Resolution No. 327-S-2024: “A resolution to declare the Municipality of San Mateo under State of Calamity due to Super Typhoon Carina (Gaemi)”.
Ang deklarasyong ito ay pinangunahan ng ating Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Jimmy Roxas at bunga rin ng isinagawang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) Meeting kaninang ala-1 ng hapon.
Hinihikayat natin ang lahat na patuloy na mag-ingat, magtulungan, at sumunod sa mga abiso ng ating Pamahalaang Bayan. Ang inyong kooperasyon at pag-unawa ay mahalaga sa mabilis nating pagbangon mula sa unos na ito.
Nagtipon kaninang ala-1 ng hapon ang pamunuan ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas para sa isang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council meeting. Dito’y nag-ulat ang mga pinuno ng mga departamento ng ating LGU ukol sa estado ng ating bayan pagdating sa rescue at relief operations; lagay ng ating mga kalsada, kabahayan, at mga gusali; mga pananim, produkto, at kabuhayan.
Pinag-usapan na rin dito ang posisyon ng Pamahalaang Bayan sa posibleng deklarasyon ng state of calamity sa ating bayan, mga kaukulang pondo at legal na usapin patungkol dito. Dumalo rin sa MDRRMC meeting na ito si Congressman Jojo Garcia at si Senator Ronald "Bato" Dela Rosa na nangumusta sa ating kasalukuyang sitwasyon at namahagi rin ng relief goods sa isa sa ating evacuation centers.
#CarinaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ayon sa pinakahuling tala sa monitoring ng ating Department of Public Order and Safety kaninang alas-10 ng umaga, tuluyan nang humupa ang tubig sa ating mga daanan kung kaya’t PASSABLE na ang mga kalsada sa ating bayan at madadaanan na ng anumang uri ng sasakyan.
Para sa kaligtasan ng lahat, partikular na sa ating mga motorista, tingnang mabuti ang kalsadang inyong binabaybay upang makaiwas sa mga nagkalat na debris o sa mga potholes/butas sa daan.
Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#CarinaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
IN PHOTOS: Kasalukuyang lagay ng ilang evacuation centers sa ating bayan at ang mga isinagawang briefing at pamamahagi ng relief goods sa mga evacuees.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#CarinaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Road status report as of 3:30 PM, July 24, 2024
Source: San Mateo Rizal Department of Public Order and Safety
Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#CarinaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nirespondehan ng Barangay Silangan - Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office ang 4 na pamilyang istranded sa kanilang mga tahanan sa Tierra Monte Subd., sa Brgy. Silangan matapos gumuho ang lupa sa tabi ng kanilang bahay. Minabuti na ng barangay ang paggamit ng kanilang fire truck sapagkat hindi na passable para sa mga mas maliit na sasakyan ang daanan sa naturang lugar. Kasalukuyan nang nasa evacuation center sa AFP Housing Covered Court ang mga indibidwal na na-rescue.
Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#CarinaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of Silangan Public Information
Kasalukuyang naka-deploy ang ating mga rescue personnel sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan upang rumesponde sa ating mga kababayang lubhang apektado ng pagbaha.
IN PHOTOS: Brgy. Maly Rescue Operations
Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#CarinaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728; 0917-1129-995
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591; 0956-086-4541
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#CarinaPH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Suspendido ang klase sa LAHAT NG ANTAS, pampubliko man o pribadong paaralan sa Lalawigan ng Rizal ngayong araw ng Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2024, alinsunod sa proklamasyon ni Gob. Nina Ynares.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling may mga humihingi ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Manatiling alerto, Bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating General Services Office (GSO) at Motorpool Unit. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Tiniyak nila na nakatuon ang kanilang pagseserbisyo sa pagbibigay ng ganap at naaayong suporta sa bawat opisina o tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan.
Matapos ang mga pag-uulat ay opisyal naman na ipinakilala ang mga bagong school heads sa lahat ng pampublikong paaralan sa ating bayan at ipinaabot ang mga kagamitan na kanilang gagamitin ngayong Brigada Eskwela 2024. Nagkaroon din ng turnover ceremony ng ambulansya at mga sanitation equipment ng Department of Health sa pangunguna ni DOH Asec. Ariel Valencia na ipinagkaloob sa Sanitary Unit at sa Municipal Health Office. Sinundan naman ito ng pagkakaloob ng ating Pamahalaang Bayan ng mga bisikleta sa Philippine National Police (PNP).
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang bahagi ng ating pagdiriwang ng National Disability Rights Week 2024, pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office, katuwang ang Audibly, ang Awarding of Hearing Aids and Prosthetic Legs para sa mga kababayan nating Persons With Disability (PWDs) nitong Biyernes, ika-19 ng Hulyo 2023 sa OSCA building. Layunin ng programang ito na mabigyan ng pantay na pagkakataon ang mahigit 30 benepisyaryo at matulungan silang makapagpatuloy sa kanilang mga pang-araw-araw na gawain nang mas madali at komportable.
Dumalo dito sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jimmy Roxas at Persons with Disability Federation of San Mateo Rizal Inc. President G.Romeo Paguio upang magpaabot ng kanilang mensahe ng pagsuporta ng Pamahalaang Bayan sa mga programang kapaki-pakinabang para sa PWDs.
Sama-sama tayo patungo sa kinabukasang maunlad at may handog na oportunidad para sa lahat. Bayan ng San Mateo, bayang kalinga ang handog sa iyo!
Sa pagtutulungan ng Local Civil Registry (LCR), at Philippine Statistics Authority (PSA), magkakaroon ng LIBRENG birth at National ID registration para sa mga residente ng Brgy. Malanday sa darating na Biyernes, ika-26 ng Hulyo 2024 sa Brgy. Malanday Covered Court.
Narito ang mga INISYAL na mga kakailanganing dokumento para sa birth registration:
Para sa birth registration ng batang nasa edad:
1 buwan - 6 na taong gulang:
- Marriage certificate (kung kasal ang mga magulang)
- Baptismal certificate
- Immunization record
- Barangay Certification mula sa Punong Barangay bilang proof of residency
- National ID. Kung ang aplikante ay hindi pa nagpaparehistro sa Philippine Identification System, kinakailangan munang magparehistro bago ang pagpoproseso ng registration ng kaniyang birth record
- Anumang dalawang (2) dokumento na magpapatunay ng pagkakakilanlan ng mga magulang tulad ng—ngunit hindi limitado sa—Certificate of Live Birth (COLB), at ID mula sa anumang sangay ng pamahalaan
- 2x2 picture na white background at kinuha sa loob ng 3 buwan bago ang araw ng pagpaparehistro.
7 taong gulang pataas:
- Marriage certificate (kung kasal ang mga magulang)
- Baptismal certificate
- Form 137 (certified with dry seal)
- Barangay Certification mula sa Punong Barangay bilang proof of residency
- National ID. Kung ang aplikante ay hindi pa nagpaparehistro sa Philippine Identification System, kinakailangan munang magparehistro bago ang pagpoproseso ng late registration ng kaniyang birth record
- Anumang dalawang (2) dokumento na magpapatunay ng pagkakakilanlan ng mga magulang tulad ng—ngunit hindi limitado sa—Certificate of Live Birth (COLB), at ID mula sa anumang sangay ng pamahalaan
- 2x2 picture na white background at kinuha sa loob ng 3 buwan bago ang araw ng pagpaparehistro.
PAALALA: Ang mga taga-LCR ay magsasagawa muna ng interview sa mga magpaparehistro upang kanilang malaman ang mga karagdagang requirements na kailangang dalhin. Kadalasan kasi itong nakadepende sa edad at status ng ipaparehistro.
Antabayanan ang mga susunod naming anunsiyo ukol sa iba pang mga barangay na bibisitahin ng LCR para maiabot ang libreng serbisyo na ito. Para sa mga katanungan, mangyaring tawagan ang numerong ito: 297 8100 loc. 124 (LCR)
Dito sa San Mateo, ilalapit sa inyo ang serbisyo!
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-23 ng Hulyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan po para sa inyo, Kgg. Arwin S. Del Rosario ng Brgy. Guinayang! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan po para sa inyo, Kgg. Aguilardo Pagkatipunan ng Brgy. Maly! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan po para sa inyo, Kgg. Magdaleno Trono, Jr. ng Brgy. Sto. Niño! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang ipapatupad ang ROAD CLOSURE sa kahabaan ng San Mateo - Batasan Road sa darating na ika-22 ng Hulyo 2024 mula ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. Ito ay upang magbigay daan sa isasagawang State Of The Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang Philippine National Police ay magbabantay sa mga checkpoint para bigyan prayoridad ang mga opisyal ng gobyerno at mga bisita patungo sa Batasang Pambansa.
Para sa mga pa-Quezon City na magmumula sa Montalban:
Maaaring gamitin ang Rodriguez Highway at Payatas Rd. pa-Litex, Commonwealth bilang alternatibong ruta.
Para sa mga pa-Marikina na magmumula sa San Mateo:
Maaaring gamitin ang Kambal Rd., C6 at Bypass Rd., patungong JFD Ave, pa-Modesta hanggang makarating sa Balete Drive, Marikina bilang alternatibong Ruta
Para sa mga pa-Marikina na magmumula sa Quezon City:
Mula Commonwealth Ave., maaaring gamitin ang C5 Rd at H. Ventura St. pa-Katipunan Ext. hanggang makarating sa Bagong Farmers Ave. Tumana, Marikina bilang alternatibong Ruta
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
Maagang nagtipon-tipon ang Persons with Disability Federation of San Mateo Rizal Inc. (PWDFSMRI) sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu upang bigyang hudyat ang pagsisimula ng mga aktibidades sa paggunita ng National Disability Rights Week 2024 sa ating bayan.
Sinimulan ito ng Misa Pasasalamat na pinangunahan ni Rev. Fr. Ric Eguia at sinundan ng isang motorcade na nagsimula sa ating parokya at nagtapos hanggang sa Municipal Stadium. Nagkaroon din ng isang medical mission na pinangunahan ng ating San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO at San Mateo Municipal Health Office at pakikipagtulungan sa Marikina Valley Medical Society at Sangguniang Bayan, kung saan higit sa 200 PWDs ang nakatanggap ng libreng konsultasyon, libreng gamot, dental checkup, fluoride application at eye check-up. Layunin ng aktibidad na hindi lamang magbigay ng libreng serbisyo sa ating mga kababayang PWD, kundi iparamdam din sa kanila na sila ay bahagi ng pag-unlad ng ating bayan.
Sama-sama tayo patungo sa kinabukasang maunlad at may handog na oportunidad para sa lahat. Bayan ng San Mateo, bayang kalinga ang handog sa iyo!
Narito ang UPDATED schedule ng ating satellite voter’s registration ngayong Hulyo para sa ating mga kababayang nais makaboto sa 2025 national at local elections.
July 15-19, 2024 - SM City San Mateo
July 20, 2024 - Brgy. Banaba
July 22-25, 2024 - SM City San Mateo
July 26-27, 2024 - Brgy. Maly
July 29-31, 2024 - SM City San Mateo
Antabayanan lamang ang mga ilalabas pa naming anunsiyo para sa iskedyul sa susunod pang mga buwan. Halina’t magparehistro upang makaboto, kababayan!
#MagpaRehistroKa
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-18 ng Hulyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong nakaraang linggo ang 5 araw na Basic Life Support (BLS) Training sa pangunguna ng San Mateo MHO, katuwang ang mga BLS trainers mula sa Department of Health (DOH), Provincial Health Office, at Philippine Coast Guard. Sumailalim sa masinsinang pagsasanay ang higit sa 30 mga kawani ng MHO, mga nars ng San Mateo MDRRMO, at municipal lying-in midwives. Ang aktibidad na ito ay upang panatilihin at pag-ibayuhin pa ang kasanayan ng ating medical professionals at emergency responders upang matiyak na epektibo ang kanilang kakayahang makapagligtas ng buhay.
Bayan ng San Mateo, bayang ligtas at alerto!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang pagdiriwang at paggunita ng National Disability Rights Week ngayong taon na may temang "Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access". Ito ay sa ating pagtalima sa Proklamasyon Blg. 597 s. 2024 ni Pangulong Bongbong Marcos na nagtatakda sa ika-17 hanggang ika-23 ng Hulyo ng bawat taon bilang National Disability Rights Week.
Layunin ng pamahalaan na isulong ang malawakang kampanya sa pagkakaroon ng sapat na kamalayan ng bawat isa sa mga karapatang dapat na tinatamasa ng ating mga kababayang may kapansanan.
Dito sa ating bayan, sama-sama tayong titindig para sa pagkakapantay-pantay ng bawat isa na siyang susi para sa inklusibo at maunlad na bukas para sa ating lahat!
#ndrw2024
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Sa pakikipagtulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO) ay magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa Jehan Corporation. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo sa darating na Huwebes, ika-18 ng Hulyo 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ang Jehan Corporation ay nangangailangan ng mga sumusunod:
- Rigger
- Electrician
- Technician
- Lineman
- Splicer
- Groundman/helper
- Driver
- Project Engineer
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras dala ang inyong updated resume at sariling ballpen. Maghanda rin para sa on-the-spot interview at hiring mula sa mga HR representative ng Jehan Corporation.
Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of Jehan Corporation
Nakibahagi sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Congressman Jojo Garcia, Bokal JP Bautista, at Pintong Bukawe Barangay Caption Penny Policarpio sa idinaos na Impounding Process Ceremony para sa Upper Wawa Dam nitong ika-10 ng Hulyo 2023 sa Brgy. San Rafael, Montalban, Rizal. Ang seremonyang ito ay pinangunahan nina Pangulong Bongbong Marcos kasama sina Prime Infra President and CEO, G. Guillaume Lucci at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Engr. Leonor Cleofas.
Ang konstruksiyon ng Upper Wawa Dam ay bahagi ng Phase 2 ng Wawa Bulk Water Supply Project. Sa pamamagitan nito ay mas hihigit pa ang tubig na maisu-supply sa kalakhang Maynila at sa mga karatig lugar nito mula 80 milyong litro hanggang 430 milyong litro kada araw. Bukod sa pagtugon nito sa isyu ng kakulangan sa tubig ay makatutulong din ito na maibsan ang pagbaha.
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Magkakaroon ng libreng anti-rabies vaccination at libreng check-up bukas ng Miyerkules, ika-17 ng Hulyo 2024, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, sa Dulong Bayan I Barangay Hall.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan bago at pagkatapos pabakunahan ang inyong mga fur babies:
Bago magpabakuna:
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na siyang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Asahan ang kawalan ng kuryente simula bukas, ika-17 hanggang ika-18 ng Hulyo 2024, Miyerkules hanggang Huwebes, sa bahagi ng Mountain View Drive, Phase III, Monterey Subdivision sa Brgy. Silangan. Magaganap ito sa mga oras sa pagitan ng alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ito ay upang makapagbigay-daan sa isinasagawang line maintenance works ng Meralco sa naturang lugar. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Bilang “puso” ng ating Pamahalaang Bayan, handog ng MSWDO ang mga social services o serbisyong ibinibigay upang umagapay sa ating mga kababayang nabibilang sa bulnerableng sektor (senior citizens, solo parents, differently-abled persons, atbp.) Patuloy lamang ang kanilang pagsusumikap na mapalawig pa ang pagpapaabot ng mga serbisyong ito sa mga mamamayan ng ating bayan.
Matapos ang kanilang pag-uulat ay nagbigay ng paanyaya para sa lahat si Persons with Disability Federation of San Mateo Rizal Inc. (PWDFSMRI) President G. Romeo E. Paguio para sa ating pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week na magsisimula ngayong ika-17 ng Hulyo 2024. Nakapaloob dito ang ilang mga aktibidad na maghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayang may kapansanan.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nitong Sabado, ika-13 ng Hulyo 2024, isang grand procession ang idinaos sa ating bayan na pinangunahan ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA). Ito ay bilang selebrasyon at paggunita sa ika-20 taong anibersaryo ng paghirang ng simbahan ng Nuestra Señora de Aranzazu bilang isang pangdiyosesanong dambana.
Tampok sa prusisyong ang higit sa 20 carosa na mayroong iba’t ibang mga imahen ng Birhen ng Aranzazu. Bukod sa mga imaheng mula sa ating bayan, mayroon ding mga imaheng nagmula pa sa ibang mga bayan at lungsod tulad ng Marikina, Mandaluyong, Malabon, Pasig, Maynila, Antipolo, Cainta at Taytay (Rizal), Calumpit at Sta. Maria (Bulacan), Nueva Ecija at Cavite.
Sa idinaos na banal na misa bago magsimula ang prusisyon, pormal nang ipinagkaloob sa simbahan ang Pambayang Ordinansa Blg. 061-S-2023. Layunin ng ordinansang ito na ingatan at protektahan ang Koronadang Imahen ng Nuestra Señora de Aranzazu dahil sa mahalagang papel nito sa pag-usbong at paghubog ng kultura at kasasayan ng ating bayan. Dumalo at sinaksihan ito nina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Grace Diaz, at Konsi Jojo Juta.
Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa selebrasyong ito! Viva La Virgen!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-16 ng Hulyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang paggunita sa buwan ng Hulyo bilang Blood Donors’ Month sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1021, s. 1997 ni dating Pangulo Fidel V. Ramos. Tayo’y maging malay sa mga mabuting benepisyo ng pagbibigay ng dugo hindi lamang sa ating sarili kung hindi para na rin sa ating kapwa.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Deklarasyon ng Pangdiyosesanong Dambana ng Nuestra Señora de Aranzazu, magkakaroon ng prusisyon bukas ng Sabado, ika-13 ng Hulyo 2024, mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi. Magsisimula ito sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at babagtasin ang kahabaan ng mga kalye sa Brgy. Sta. Ana, Brgy. Guitnang Bayan I at II, Brgy. Dulong Bayan I, at pabalik ng DSPNSDA. Magsisilbing parking area para sa mga karosa ang Freedom Park/boardwalk.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. at ng ruta ng prusisyon. Inaabisuhan ang mga motorista na bagalan ang pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Simula na ngayong Lunes, ika-15 ng Hulyo 2024, ang pangangalap ng datos ng mga Community-Based Monitoring System (CBMS) enumerators sa ating mga kabahayan!
Sa pagdedeklara ni Pangulong Bongbong Marcos sa buwan ng Hulyo 2024 bilang ‘National Census and Community-Based Monitoring System Month’ sa bisa ng Proklamasyon Blg. 627, s. 2024, hinihikayat ng pamahalaan ang ating pakikiisa sa 2024 Census of Population at CBMS (POPCEN-CBMS) na isasagawa mula Hulyo hanggang Setyembre 2024.
Makatutulong ang mga impormasyong ating ibabahagi upang magkaroon ang ating pamahalaan ng mga angkop na datos. Magiging batayan ang mga ito sa pagtukoy ng ating mga suliranin sa pamayanan, maging ang mga programang maaaring ilunsad upang matugunan ang mga ito.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
#2024_popcen_cbms
#kasamakasapag_unlad
Publicity material courtesy of Philippine Statistics Authority - Rizal
Magkakaroon ng DELAY sa paghahatid ng Meralco bill ngayong buwan ng Hulyo para sa ating mga kababayang nakatatanggap ng kanilang Meralco bill sa unang kalahati ng buwan.
Magbibigay ang Meralco ng ADJUSMENT sa mga due dates upang magkaroon ang lahat ng sapat na panahon upang makapagbayad.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon ang higit sa 1,200 mga college students ng San Mateo Municipal College sa ating municipal stadium nitong Lunes, ika-8 ng Hulyo 2024, para sa kanilang National Service Training Program (NSTP) Completion Ceremony.
Malugod na binabati ng Pamahalaang Bayan ang lahat ng mga nagsipagtapos! Nawa’y maisabuhay at malinang ninyo ang mga kaalaman at kasanayang naibahagi sa inyo ukol sa paglilingkod at pagpapabuti ng inyong komunidad at bayan. Susi ito sa pagkakaroon ng kolektibong pagsulong ng mga kabataan tungo sa kaunlaran ng ating bansa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-11 ng Hulyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalMAO
#SanMateoRizalPIO
Isa pang water leak incident ang naiulat sa kahabaan ng Gen. Luna Ave., sa Brgy. Guitnang Bayan I, tapat ng Mercury Drug. Kasalukuyan itong nagdudulot ng mga potholes o butas sa kalsada. Inaabisuhan ang ating mga motorista na magdahan-dahan sa pagbaybay dito at tingnang mabuti ang mga lubak sa daan.
Nakipag-ugnayan na ang ating DPOS at Municipal Engineering Office sa Manila Water kaugnay dito at atin pang hinihintay ang kanilang aksyon at tugon.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalLGU
Photos courtesy of San Mateo Dpos
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Municipal Health Office (MHO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan.
Pinaiigting ng MHO ang kanilang mga inihahandog na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan. Maliban sa patuloy na pagsasagawa ng mga regular na programa tulad ng bloodletting activity, libreng chest X-ray, at Operation Timbang, ibayong pagseserbisyo pa ang kanilang maihahandog sa pagkakaroon nila ng bagong doktor at physical therapists at sa pamamagitan ng pag-expand ng ating Super Health Center. Bilang ngayong buwan ay ang pagdiriwang din ng National Nutrition Month, kanilang paiigtingin ang pagbabahay-bahay sa bawat barangay upang masuri ang lebel ng malnutrisyon sa ating mga kababayan, partikular na sa mga bata. Makatutulong ito sa paglulunsad natin ng mga programang maaaring tumugon sa suliraning ito.
Matapos ang kanilang pag-uulat, sandaling nagpaabot ng espesyal na mensahe si San Mateo PNP OIC PLTCOL Jonathan Ilay ukol sa pambansang selebrasyon ng Police Community Relations Month ngayong buwan din ng Hulyo. Nakatuon ito sa pagpapatibay ng ugnayan ng pulisya at ng buong pamayanan para sa maayos at mapayapang komunidad.
Nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tagumpay na nakapagtapos ang 31 mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) na kabilang sa 4th batch ng mga Community-based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) graduates nitong nagdaang Sabado, ika-6 ng Hulyo 2024. Matapos ang ilang linggo ng regular na pagdalo sa mga seminar at counseling sessions na nagsimula nitong Mayo 2024, nagtipon na sa ating municipal stadium ang lahat ng mga nagsipagtapos para sa kulminasyon nito.
Pagbati ng isang maligayang pagtatapos para sa ating ikaapat na batch ng mga CBDRP graduates! Bayan ng San Mateo, bayang suporta at kalinga ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-9 ng Hulyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoMAO
#SanMateoRizalPIO
Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa selebrasyon ng 36th National Disaster Resilience Month, pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kasama ang mga kinatawan ng bawat barangay, San Mateo Bureau of Fire Protection (BFP R4A San Mateo Fire Station) at San Mateo Municipal College, ang isang motorcade. Bago magsimula ang naturang aktibidad, nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat sa mga kalahok sina MDRRMO Head G. Braulio Villanueva at San Mateo MLGOO Sherlyn Oñate-Resurreccion.
Sama-sama nating iangat ang kamalayan ng bawat isa ukol sa konsepto ng kahandaan laban sa sakuna. Sa pamamagitan ng naaangkop na kaalaman at kasanayan, tiyak na maipamamalas natin ang ating katatagan bilang nagkakaisang bayan!
Bayan ng San Mateo, bayang handa at alerto!
#NationalDisasterResilienceMonth2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalMDRRMO
#SanMateoRizalPIO
Magkatuwang na inilunsad ng PhilHealth Local Health Insurance Office (LHIO) - Rizal at ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) ang PhilHealth ALAGA KA Campaign sa ating bayan ngayong araw. Higit sa 100 mga benepisyaryo ng 4Ps at mga Barangay Health Workers (BHWs) ang dumalo rito para magpa-health screening nang libre at para maging maalam sa mga benepisyo at serbisyong handog ng PhilHealth.
Sa pamamagitan ng PhilHealth ALAGA KA Campaign, tinitiyak ng ating pamahalaan na magiging abot-kamay na ng bawat isa, lalo na ang mga maralita nating kababayan, ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalMHO
#SanMateoRizalLGU
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang pagdiriwang ng ika-50 Buwan ng Nutrisyon. Sa tema nitong “Sa PPAN, Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat”, tayo'y makibahagi sa mga programa sa ilalim ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) at makiisa na sa malawakang kampanya laban sa malnutrisyon.
Ating alamin ang mga interbensyong maaaring tumugon sa suliraning ito dahil ang Bayan ng San Mateo, katuwang mo kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalMHO
#SanMateoRizalLGU
Nagsagawa ng Capability Enhancement Training ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa ating municipal stadium nitong Miyerkules, ika-3 ng Hulyo 2024, para sa mga solo parent focal persons ng iba’t ibang mga barangay sa ating bayan.
Dito’y nagkaroon ng talakayan ukol sa mga gampanin ng bawat barangay focal person gaya na lamang ng pagtitiyak na maayos ang pagproseso ng Solo Parent I.D. application. Nagkaroon din ng pagbabahagi ng kaalaman ukol sa Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act.
Bayan ng San Mateo, bayang kalinga at serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Sa ating selebrasyon ng National Disaster Resilience Month ngayong taon, magkakaroon ng MOTORCADE ngayong Linggo, ika-7 ng Hulyo 2024, mula 6:30AM hanggang 8:30AM. Magsisimula ito sa Freedom Park, tapat ng San Mateo BFP, at dadaan sa B. Mariano St. sa Brgy. Sta. Ana, diretso pa-Salamat St., Gen. Luna Ave., patungong Doña Pepeng sa Brgy. Banaba.
Mula sa Brgy. Banaba ay babalik pa- Gen. Luna Ave. pa- Brgy. Ampid I, aakyat pa-Paraiso St., at Daang Bakal Rd. sa Brgy. Ampid II. Patuloy na babagtasin ng motorcade ang mga kalsada sa Brgy. Guitnang Bayan I at II, Brgy. Dulong Bayan I at II, Brgy. Malanday, Brgy. Guinayang, Brgy. Maly, hanggang sa Montaña sa Montalban, Rizal. Sa Gen. Luna Ave. naman dadaan sa pagbalik sa Freedom Park.
Inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan sa pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa motorcade. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalMDRRMO
#SanMateoRizalPIO
Ginanap kahapon, ika-4 ng Hulyo 2024, ang contract signing para sa loan agreement sa pagitan ng ating Pamahalaang Bayan at ng Landbank of the Philippines (LBP) - Rizal Lending Center sa pangunguna nina Mayor Omie Rivera at Rizal Lending Center Head, Asst. Vice President Alex Hinojosa. Ang hihiraming pondo sa LBP na nagkakahalaga ng PHP312M ay gagamitin sa pagbili ng mga lupa sa Brgy. Banaba na pagtatayuan ng munisipyo, sports complex, at business enterprises center.
Ayon kay Mayor Omie, makasaysayan ang kaganapang ito dahil isa ito sa ating mga simulain tungo sa patuloy na pag-usad at pag-unlad ng ating bayan. Ayon naman kay Congressman Jojo Garcia, dito’y ating natutunghayan ang kapit-kamay na pagtutulungan ng ating Pamahalaang Bayan at ng institusyong pinansiyal tulad ng LBP upang matamo natin ang ibayong paglago.
Ang contract signing na ito ay sinaksihan din nina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Boy Salen, Konsi Joey Briones, Konsi Jojo Mariano, Konsi Joel Diaz, Konsi Grace Diaz, Liga ng mga Barangay President Kap. Pablo Flores, Jr., Municipal Administrator Henry Desiderio, Bb. Freda Lyn Guerrero ng LBP, at mga department/unit heads ng San Mateo LGU.
Bayan ng San Mateo, bayang progresibo!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Magsisimula na ngayong Lunes, ika-8 ng Hulyo 2024, ang construction at installation ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mga bagong drainage pipes sa kahabaan ng Sta. Maria at St. John St. na tatawid sa C6 Bypass Rd., mula Brgy. Ampid I hanggang Brgy. Banaba.
Magkakaroon ng ONE-LANE ROAD CLOSURE sa naturang kalsada habang ongoing ang konstruksiyon dito. Inaasahang matatapos ang proyekto sa ika-8 ng Setyembre 2024. Para sa kaligtasan ng lahat, lalong-lalo na ng ating mga motorista, magdahan-dahan po sa inyong pagdaan sa naturang lugar at tingnang mabuti ang mga heavy equipment, hukay, at manggagawa sa daanan.
Salamat po sa inyong pang-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Inaabisuhan ang ating mga motorista na babaybay sa Gen. Luna Ave., bandang Brgy. Maly, malapit sa Cebuana at Sta. Cecilia St., na magdahan-dahan sa pagmamaneho at tingnang mabuti ang mga potholes sa daan. Kasalukuyang madulas at may mga butas sa kalsada rito bunsod ng isang water leak incident.
Nakipag-ugnayan na ang ating DPOS at Municipal Engineering Office sa Manila Water kaugnay ng nasabing insidente at atin pang hinihintay ang kanilang aksiyon at tugon.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo Dpos
Inilunsad noong Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2024, sa ating municipal stadium ang "Barya Mo, Buhay Ko: Abot Pangarap para sa Mahirap" Project. Pinangunahan ito ng Extending Life Foundation (ELF), katuwang ang San Mateo Philippine National Police (PNP), Nephromed Asia Dialysis Center, Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development (MAGPTD), at ang ating Pamahalaang Bayan.
Layunin ng proyektong ito na makapaghandog ng tulong pinansiyal para sa libreng pagpapaaral at pagpapagamot ng ating mga kababayang dialysis patients sa pamamagitan ng paglikom ng maliliit na halaga. Dumalo rito at nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta sa naturang programa sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, at Philippine National Police Provincial Director PCol. Felipe B. Maraggun.
Dito sa ating bayan, bibigyang suporta ang mga serbisyo para sa ating mga kababayan!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Bukas ng Huwebes, ika-4 ng Hulyo 2024, sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, ay magkakaroon ng libreng check-up para sa inyong mga alagang aso’t pusa sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal. Tumatanggap din po rito ng anti-rabies vaccination, nagkakahalaga po ito ng P100 kung unang beses pa lamang po kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan bago at pagkatapos pabakunahan ang inyong mga fur babies:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa ngayong araw ang pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga senior citizens na nasa upland barangays ng ating bayan at nagdiwang ng kanilang kaarawan nitong Mayo at Hunyo 2024. Kasama rin sa payout na ito ang ilang mga unclaimed at additional birthday celebrants noong Enero hanggang Abril 2024.
Antabayanan lamang ang mga susunod na pamamahagi ng cash gift sa inyong mga barangay. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalMSWDO
#SanMateoRizalPIO
Kasalukuyang mabigat ang daloy ng trapiko sa Batasan Rd., bandang Northview, Quezon City, dahil sa isang nakatagilid na delivery truck na may mga kargang LPG tanks. Nahaharangan nito ang parte ng kalsadang patungo sa San Mateo. Naka-deploy na sa naturang lugar ang mga traffic enforcers ng San Mateo DPOS at ating mga emergency responders upang magbigay ng paunang responde sa nasabing insidente.
Para sa mga patungong San Mateo, gamitin ang counterflow lane. Maraming salamat po sa pang-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo Dpos
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang pagdiriwang ng 36th National Disaster Resilience Month ngayong taon. Sa pamamagitan nito, ating inaalala ang kahalagahan ng pagiging maalam ng ating bayan at bansa pagdating sa kahandaan laban sa anumang sakuna. Daan ito sa pagiging matatag ng ating sambayanan sa pagharap sa mga kalamidad o sakunang maaaring maganap.
Sa bayan ng San Mateo, alisto at handa tayo rito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalMDRRMO
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Tanggapan ng Punongbayan. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan.
Kabilang dito ang patuloy na paggabay ng ating San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO) sa mga samahan ng kabataan upang maging rehistrado ang mga ito sa Youth Organization Registration Program (YORP) ng National Youth Commission (NYC), pagtiyak na sumasailalim ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) at Local Youth Development Council (LYDC) sa naaangkop na training/seminar, at pataasin ang lebel ng pakikibahagi ng mga kabataan sa iba’t ibang mga programa para sa kanila. Para naman sa Special Concerns Unit, kanilang pinananatili ang pakikipag-ugnayan sa 15 mga barangay sa ating bayan upang maipaabot ang mga serbisyo at suporta mula sa Pamahalaang Bayan at Pamahalaang Pambansa patungo sa ating mga kababayan.
Pagkatapos ng kanilang pag-uulat ay pinangunahan ni Mayor Omie Rivera ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala kay Bb. Rhance “Bunzo” Añonuevo-Cariño, isang award-winning filmmaker mula sa Brgy. Silangan na umani ng pagkilala sa 10th Emirates Film Festival.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kaugnay ng ongoing voter’s registration para sa ating mga kababayang nais makaboto sa 2025 national at local elections, narito ang schedule para sa ating satellite voter’s registration ngayong buwan ng Hulyo:
July 1-4, 2024 - SM City San Mateo
July 5-6, 2024 - Brgy. Sta. Ana
July 8-11, 2024 - SM City San Mateo
July 12, 2024 - Brgy. Ampid I
July 13, 2024 - SM City San Mateo
July 15-18, 2024 - SM City San Mateo
July 19-20, 2024 - Brgy. Banaba
July 22-25, 2024 - SM City San Mateo
July 26-27, 2024 - Brgy. Maly
July 29-31, 2024 - SM City San Mateo
Antabayanan lamang ang mga ilalabas pa naming anunsiyo para sa iskedyul sa susunod pang mga buwan. Halina’t magparehistro upang makaboto, kababayan!
#MagpaRehistroKa
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-2 ng Hulyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kasingkulay ng bahaghari ang ating Pride Month Celebration kahapon, ika-29 ng Hunyo 2024! Sa tema nitong “Bahaghari: Angat ang Lahi”, tunay na naging angat sa araw na ito ang pagsasama-sama, pagkakaisa, at pagkakapantay-pantay ng ating mga kababayang nakibahagi sa ating natatanging selebrasyon.
Saglit na nagtipon ang lahat sa municipal stadium kung saan nagkaroon ng Advocacy Talks ang mga inimbitahang tagapagsalita patungkol sa kabuluhan ng pagdiriwang ng Pride Month. Mayroon din ditong inihandog na libre at kumpidensyal na HIV testing ang San Mateo Rizal Social Hygiene Clinic. Pagsapit ng alas-4 ng hapon ay sinimulan na ang Pride March na sinundan naman ng Mardi Gras Costume Contest. 20 mga kalahok ang rumampa suot ang kanilang pinaka engrande at makukulay na kasuotan at sa pagtatapos ng gabi ay itinanghal na Grand Winner si Mx. Arah Pagkatipunan.
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng ating makulay na Pride Month Celebration ngayong taon na pinangunahan ng ating San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office, katuwang ang LGBTQ San Mateo Rizal. Ating patuloy na ipagdiwang ang ating pagkakapantay-pantay at pagkakakilanlan! Happy Pride, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), magkakaroon ng pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga kababayan nating senior citizens sa 15 barangay sa ating bayan. Kasama na rin dito ang mga karagdagan at "unclaimed" na birthday celebrants mula January hanggang April 2024
Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin upang makatanggap ng cash gift:
Para sa mga senior citizen (benepisyaryo) na personal na kukuha:
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA
Para sa mga authorized representative (sakaling hindi makapunta ang senior citizen):
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA at isang (1) photocopy nito na may tatlong (3) pirma ng senior citizen (benepisyaryo)
- Orihinal at aktuwal na ID ng authorized representative at isang (1) photocopy nito
- Authorization letter na may pirma o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)
Para sa schedule ng pamamahagi ng cash gift, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw kung saan nagsilbing host venue ang SM City San Mateo. Bukod sa pag-duck, cover, and hold, nagkaroon din ng mga simulation kung saan ipinakita ang mga eksenang maaaring mangyari habang may lindol pati na rin ang naaangkop na pagresponde sa mga ito.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong taon! Patuloy nating paigtingin ang ating pagiging maalam para manatili tayong handa at ligtas!
Dito sa bayan ng San Mateo, alerto tayo!
#NSED2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan po para sa inyo, Kgg. Leo Buenviaje ng Brgy. Guitnang Bayan II at Kgg. Frankie Lamsen ng Brgy. Silangan!
Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang pagdiriwang ng Pride Month ngayong taon, magkakaroon ng Pride Parade ngayong Sabado, ika-29 ng Hunyo 2024, mula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon, na magsisimula sa Municipal Stadium (Brgy. Guitnang Bayan I). Babagtasin nito ang kahabaan ng Daang Bakal Rd. (GSIS Rd.), Kambal Rd., Gen. Luna Ave., Jones St., at pabalik ng Municipal Stadium.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng ruta ng parada. Inaabisuhan ang mga motorista na bagalan ang pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa parada. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalDPOS
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang ISASARA ang isang bahagi ng Gen. Luna Ave. (patungong Montalban) bandang SM City San Mateo, sa darating na Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2024, mula ala-1 hanggang alas-3 ng hapon. Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa harap ng mall entrance at sa PUV loading bay ng SM City San Mateo. Kasama rin sa mga isasara ang vehicle at parking access dito.
Para sa kaligtasan ng lahat, inaabisuhan ang mga motorista na magdahan-dahan at bigyang daan ang mga emergency vehicles at mga indibidwal na kalahok sa earthquake drill. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ang awarding ceremony ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) para sa magulang ng mga kabataang manggagawa. Dito’y nahandugan ng sari-saring livelihood packages gaya ng Eatery Package, Coffee Shop Package, Welding Package at Garments Package ang 50 mga benepisyaryo na kinilala ng DOLE mula sa ating bayan.
Matatandaang nitong ika-14 ng Hunyo lamang nang magkaroon din ng DILP Awarding Ceremony sa ating bayan sa Brgy. Sta. Ana.
Taos pusong pasasalamat ang ating ipinapaabot sa pamunuan ng DOLE-Rizal Provincial Office sa pangunguna ni Bb. Celia Ariola sa mga kaloob na ito sa aming mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magkatuwang na pinangunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Public Employment Service Office (PESO) ang Technical Advisory Visit (TAV) Program kahapon, ika-25 ng Hunyo 2024, para sa mga may-ari at kinatawan ng mga Small and Medium-sized Enterprises (SMEs) sa ating bayan. Dito’y tinalakay nina Bb. Joy Angelyn Parabas at G. Erwin Rommel De Jesus ng DOLE ang ilang mga mahahalagang paksa tungkol sa labor law, business permit renewal, at Occupational Safety and Health Administration (OSHA).
Sa pagsunod ng bawat establisyimento sa mga ito, matitiyak nila ang kanilang katatagan at long-term compliance. Maaari rin nitong mapataas ang tiyansa ng paglago ng negosyo at ang kalauna'y pagtaas ng suplay ng trabaho. Sa pagtatapos ng programa ay ipinaabot ni Mayor Omie Rivera ang pasasalamat at pagsuporta ng Pamahalaang Bayan sa programang ito. Ayon sa kaniya, magiging kapaki-pakinabang ito hindi lamang para sa ating mga kababayang negosyante kundi para na rin sa mga nangangailangan ng trabaho.
Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at pagseserbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-27 ng Hunyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pambansang selebrasyon ng Arbor Day ngayong araw, isinagawa sa ating bayan ang isang tree planting activity na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources - Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO) katuwang ang ating Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at ng Municipal Agriculture Office (MAO).
Nakasama rin natin dito ang WAWA JVCo, SMMC, SM City San Mateo, Jollibee, at San Mateo Philippine National Police. Narito rin sina Kap. Gil Suegay, Kap. Edilberto Lizardo, Kap. Orlando Cruz, Kap. Josefina Policarpio, at ang iba pang kinatawan ng mga barangay sa ating bayan. Bahagi ang aktibidad na ito ng Project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilient and Sustainable Communities through Multistakeholder Engagement) na inilunsad ng DENR sa lalawigan ng Rizal nitong Pebrero 2024. Bilang kabahagi ng Project TRANSFORM, tinitiyak ng ating bayan ang pakikiisa sa mga proyektong hindi lamang makatutulong sa ating kalikasan kundi pati na rin pagpapaigting ng ating disaster risk reduction.
Sama-sama at tulong-tulong tayo tungo sa isang masigla at luntiang pamayanan at bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kaabang-abang na mga aktibidad ang ating matutunghayan sa paparating na Pride Month Celebration ng ating bayan ngayong ika-29 ng Hunyo 2024! Sa simula pa lamang ng ating pagtitipon-tipon sa alas-2 ng hapon, sari-saring mga pagtatanghal na ang masasaksihan sa ating inihandang maikling palatuntunan.
Pagsapit naman ng alas-4 ng hapon ay magsisimula na ang Pride March na susundan ng Mardi Gras Costume Contest. Para sa mga nais lumahok sa costume contest na ito, narito ang mechanics:
- Ang Mardi Gras Costume Contest na ito ay bukas para sa lahat ng mga miyembro ng LGBTQIA+ Community.
- Magtungo lamang sa tanggapan ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office sa unang palapag ng munisipyo para magparehistro.
- Maaari ring magparehistro sa mismong araw ng Pride event sa ika-29 ng Hunyo 2024 sa municipal stadium, mula 2:00PM hanggang 2:30PM. Huwag kalimutang dalhin ang inyong valid I.D.
- Inaasahan ang mga lalahok na magsuot ng kanilang costume na naaayon sa tema ng ating selebrasyon na “Bahaghari: Angat ang Lahi”.
- Tingnan lamang sa larawan sa ibaba ang criteria for judging at ang mga mapapanalunan ng Top 20 participants.
Sakaling may katanungan, makipag-ugnayan lamang sa ating San Mateo Rizal Gender and Development. Dito sa ating bayan, itatampok natin ang pagsasama-sama at pagkakapantay-pantay ng bawat isa!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa ngayong araw ng Martes, ika-25 ng Hunyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Office of the Municipal Administrator. Bilang tagapangasiwa sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan, ginagabayan ng Office of the Municipal Administrator ang bawat opisina o departamento upang kanilang maisagawa ang kanilang tungkulin sa ating bayan at taumbayan. Binigyang diin ni Municipal Administrator Henry Desiderio ang kahalagahan ng kolaborasyon at pakikibahagi ng bawat isa upang makamit natin ang ating mga layunin para sa nakararami.
Matapos ng kanilang pag-uulat, sinaksihan ng lahat ang paglaladlad ng Pride Flag sa harap ng Plaza Natividad, tanda ng pakikiisa ng ating bayan sa pandaigdigang selebrasyon ng Pride Month. Nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat at pag-anyaya ang pinuno ng LGBTQ San Mateo Rizal na si Mr. Tower Samodio sa paparating na pride event ng ating bayan ngayong Sabado, ika-29 ng Hunyo 2024, simula alas-2 ng hapon sa Municipal Stadium.
Nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bahaghari, angat ang lahi!
Muli tayong magsama-sama ngayong ika-29 ng Hunyo 2024 para sa ating natatanging selebrasyon handog ng San Mateo Rizal Gender and Development (GAD) Office, laan sa pagtatampok ng ating pagkakaisa at pagkakakilanlan. Wear your pride at makiisa sa ating San Mateo Rizal Pride March 2024! Magsisimula ang ating programa sa municipal stadium (tapat ng Super Health Center) sa ganap na alas-2 ng hapon.
Para sa mga karagdagang detalye ukol sa iba't ibang aktibidad na ating gagawin sa araw na ito, antabayanan lamang ang aming susunod na anunsiyo o maaari ring makipag-ugnayan sa ating San Mateo Rizal Gender and Development.
Happy Pride Month, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon-tipon ang ating mga kababayang fur parents kahapon at ngayong araw, ika-20 at 21 ng Hunyo 2024, para sa murang pagkakapon sa mga aso’t pusa na pinangunahan ng San Mateo Rizal Animal Welfare Office (AWO) at ng Biyaya Animal Care Foundation. Sa unang araw nito sa Brgy. Silangan, higit sa 100 mga fur babies ang nakapon sa murang halaga. Ngayong ikalawang araw naman sa Brgy. Sta. Ana, umabot sa higit 280 pets ang kabuuang bilang ng ating nahandugan ng naturang serbisyo.
Bukod sa kapon, nagkaroon din ng libreng anti-rabies vaccination at Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ukol sa responsible pet ownership sa tulong ng ating Municipal Agriculture Office (MAO). Ito ay upang atin pang mapalaganap ang mga makabuluhang kaalaman na magiging kapaki-pakinabang hindi lamang sa mga fur parents kundi pati na rin sa kanilang fur babies.
Maraming salamat sa Biyaya Animal Care Foundation at sa ating mga pet owners na nakibahagi sa programang ito! Dito sa ating bayan, alaga ang iyong alaga!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Muling magsasagawa ang Public Employment Service Office (PESO) ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa Philippine Statistics Authority - Rizal Provincial Statistical Office. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo ngayong Lunes, ika-24 ng Hunyo 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ito ay para sa patuloy na pagkalap ng mga CENSUS AREA SUPERVISORS, TEAM SUPERVISORS, at ENUMERATORS sa pagsasagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS).
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras upang makapagsumite ng inyong aplikasyon. Narito pa ang mga karagdagang dokumentong kailangang ipasa:
- Pirmadong APPLICATION LETTER, kung saan nakasaad ang inyong POSITION TITLE, na naka-address kay:
YRA B. SIBUG
Chief Statistical Specialist
Philippine Statistics Authority
Rizal Provincial Statistical Office
- Personal Data Sheet (PDS-CSC Form No. 212) na mayroong pinakabago ninyong 2x2 I.D. picture (kinunan sa loob ng 3 buwan bago ang inyong pagpapasa ng aplikasyon)
- Kopya ng inyong Transcript of Records o Diploma
- Kopya ng Eligibility (CSC, RA 1080, PD 907), kung mayroon man
Para sa listahan ng mga kwalipikasyon, basahin lamang ang nasa larawan sa ibaba. Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication materials courtesy of Philippine Statistics Authority - Rizal
Nagsagawa ang ating San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) ng libreng chest X-ray ngayong araw sa ating municipal stadium kung saan ating naging katuwang ang Philippine Business for Social Progress. Higit sa 180 nating mga kababayan ang nagpunta rito upang mapatingnan nang libre ang kanilang mga baga at masuri kung sila ay positibo sa sakit na tuberculosis (TB) o hindi. Makatutulong ang aktibidad na ito upang ating mabigyang agapay sa gamutan sa ilalim ng TB-DOTS Program ang mga makikitaan ng sakit na ito.
Muli, maraming salamat sa Philippine Business for Social Progress para sa kanilang ipinaabot na tulong at suporta sa ating Pamahalaang Bayan!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Kgg. Carlito Briones! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) ay isinasagawa NGAYONG ARAW ang LIBRENG chest X-ray para sa ating mga kababayang nasa edad 15 taong gulang pataas. Magtungo lamang sa ating municipal stadium sa Brgy. Guitnang Bayan I (tapat ng Super Health Center) upang makapagpasuri. Patuloy ang pagtanggap dito ng mga magpapa-X-ray hanggang mamayang 3:00PM.
MAHALAGANG PAALALA: Limitado lamang ang ating mahahandugan ng libreng serbisyong ito. Para lamang ito sa UNANG 150 katao. Halina at magpasuri para sa malusog na baga!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) ngayong araw ang pagsasagawa ng isang bloodletting activity sa Brgy. Silangan. Dito’y tagumpay na nakapag-donate ng dugo ang nasa halos 40 nating mga kababayan. Maraming salamat sa Provincial Bloodletting Team mula sa Margarito A. Duavit Memorial Hospital na ating nakatuwang sa aktibidad na ito.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan po para sa inyo, Kgg. Orlando S. Cruz ng Brgy. Malanday! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pormal na tinanggap ng ating Pamahalaang Bayan nitong ika-13 ng Hunyo 2024 ang mga kaloob na motorized boats at iba pang kagamitang pang-rescue mula sa The Latter-Day Saint Charities Philippine Inc. matapos ang naging pirmahan ng deed of donation.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na sila ay nagpamahagi sa atin ng mga kagamitan. Matatandaang noong ika-24 ng Hulyo 2023 nang sila’y magkaloob sa ating Municipal Health Office ng mga medical at office equipment.
Maraming salamat sa inyong ipinapaabot na suporta at mga handog sa aming bayan, The Latter-Day Saint Charities Philippine Inc.!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Martes ang pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Bilang pagtalima sa kanilang mandato na magpatupad ng komprehensibong Environmental Protection Program para sa ating bayan, patuloy lamang ang MENRO sa pagsasagawa ng mga makakalikasang aktibidad gaya ng tree planting activities at clean-up drives. Para naman sa implementasyon ng ating Municipal Ordinance No. 054 s. 2017 o ang San Mateo Environment Code, regular ang kanilang isinasagawang inspeksyon sa iba’t ibang mga establisyimento at pagbisita sa mga Materials Recovery Facility (MRF) sa ating bayan.
Matapos ang kanilang pag-uulat ay ibinahagi ni Mayor Omie Rivera ang kaniyang pagdalo sa isang local government workshop na pinangunahan ng Council of Asian Liberals and Democrats (CALD) sa Trenggalek, Indonesia. Dito’y nakibahagi ang ilan pang mga delegado mula sa iba’t ibang mga bansa kasama ang ating bayan at ang munisipalidad ng Panglao, Bohol bilang mga kinatawan ng Pilipinas. Kanilang pinagdiskusyunan ang mga usapin ukol sa mobilidad at pinaiging sistema ng transportasyon para sa publiko.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-18 ng Hunyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa bisa ng Proclamation No. 579 s. 2024, idineklara bilang isang Regular Holiday ang ika-17 ng Hunyo 2024, araw ng Lunes. Ito ay bilang pagtalima sa selebrasyon ng Eid al-Adha o Kapistahan ng Pagsasakripisyo ng ating mga kapatid na Muslim.
Eid mubarak! Nawa’y mapuspos kayo ng biyaya at pagpapala sa inyong selebrasyon ngayong taon.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mabuhay ang mga bagong kasal!
Ginanap kahapon, ika-15 ng Hunyo 2024, ang pag-iisang dibdib ng ating mga kababayan sa ating Kasalang Bayan 2024 sa pangunguna ng ating Municipal Civil Registry Office. Pinangasiwaan ni Mayor Omie Rivera ang pagkakasal sa higit 30 pares na mga magsing-irog nating kababayan. Matapos ang pormal na seremonya, sila ay inawitan ng ilang mga himig pag-ibig upang makapagbigay ng karagdagang tingkad sa isang natatanging araw para sa kanila.
Dumalo rito sina Bokal JP Bautista, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Boy Salen, Konsi Jojo Juta, at Konsi Joey Briones. Matapos ang kanilang pagpapaabot ng maligayang pagbati para sa mga bagong kasal ay inihandog na rin nila ang munting regalo ng Pamahalaang Bayan para sa kanila.
Para sa mga ikinasal, nawa’y napagtibay pa ng seremonyang ito ang inyong pagmamahalan at pagsasama. Muli, isang mainit na pagbati para sa inyong lahat!
Dito sa San Mateo, hangad ng aming pagseserbisyo ang katuparan ng mga pangarap mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang ang isang espesyal na araw laan para sa ating mga haligi ng tahanan. Ating alalahanin at laging pakatatandaan ang lalim at tibay ng pagmamahal at pagsasakripisyo ng ating mga ama—ang kanilang lakas na siya ring nagsisilbing pundasyon ng ating pamilya.
Mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal ay isang mainit na pagbati ng Happy Father’s Day sa mga ama sa ating bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa kahapon, ika-14 ng Hunyo 2024, ang DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) Awarding Ceremony sa Brgy. Sta. Ana. 50 mga benepisyaryo nito ang napamahagian ng livelihood packages tulad ng Sari-sari Store Package, Bigasan Package, Merienda Package, Welding Package, at iba pa. Dumalo rin dito sina Konsi Grace Diaz, Bb. Happy Fulgencio mula sa tanggapan ni Sen. Loren Legarda, at sina Bb. Jessa Mae Diesta at G. John Victor Bernarte na mga Livelihood Development Specialist ng DOLE.
Layunin ng naturang programa na makapaghandog sa ating mga kababayan ng karagdagang oportunidad upang kumita. Maraming salamat sa DOLE Integrated Livelihood Program sa pamamagitan ni Sen. Loren Legarda sa mga kaloob na ito sa aming mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa ngayong araw ang isang Community-Based Training on Banana Chips Production sa Brgy. Pintong Bukawe sa pangunguna ng ating Public Employment Service Office (PESO) at Municipal Agriculture Office (MAO), sa pakikipagtulungan ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA). Dinaluhan ito ng mga magsasaka mula sa naturang barangay at sila’y binahagian ng kaalaman ng mga inimbitahang tagapagsalita mula sa TESDA ukol sa banana chips production.
Bilang ang ating bayan ang top producer ng saging na saba sa buong lalawigan ng Rizal, patuloy ang ating Pamahalaang Bayan sa pagtuklas ng mga oportunidad upang malinang ang produksiyon at paglikha ng iba pang mga produkto mula rito. Sa ganitong paraan, hindi lamang pagkakakitaan ang matitiyak natin para sa ating mga magsasaka kundi pati na rin ang sariling tatak ng ating bayan sa larangan ng agrikultura.
Maraming salamat sa ating mga resource speakers na sina Bb. Elvira Dalofin, Bb. Arlene Canete, at Bb. Joy Macabuhay. Dito sa San Mateo, kahusayan at oportunidad ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Higit sa 520 mga job seekers ang nagtungo ngayong araw sa SM City San Mateo para sa idinaos dito na “Trabaho para sa Super Pinoy Job Fair 2024: San Mateo Rizal Independence Day Job Fair”. Bago pa man tuluyang magsimula ang naturang aktibidad, naghandog ng makabuluhang mensahe para sa mga job applicants at participating companies sina SM Mall Manager G. Francis Lira, Bb. Vicky Natanauan ng Department of Labor and Employment (DOLE), at Bb. Marizza Cabug-os ng ating Public Employment Service Office (PESO).
Ayon sa kanila, maiging samantalahin ng bawat aplikanteng naroon ang oportunidad na inihahandog ng bawat kompanyang nakibahagi sa job fair na ito. Para naman sa mga recruiters, sila nawa ay makapili ng mga kuwalipikadong job seekers na naaangkop para sa kanilang job vacancies. Narito rin sina Mayor Omie Rivera, Congressman Jojo Garcia, at Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas upang bumati sa mga nakibahagi.
Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo at nakipagsapalaran sa ating San Mateo Rizal Independence Day Job Fair! Isang mainit na pagbati rin para sa higit 100 nating mga kababayang hired on the spot!
Dito sa San Mateo, may trabaho at oportunidad na handog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ang ating komemorasyon ng ika-126 na anibersaryo ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas. Nagdaos ng seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa Bantayog ng Kagitingan ang pamunuan ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Omie Rivera, Congressman Jojo Garcia, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Dumalo rin dito ang mga punong barangay, Sangguniang Kabataan Chairpersons, San Mateo MLGOO Sherlyn Onate-Resurreccion, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Education (DepEd), San Mateo Municipal College (SMMC), Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc. , Sons and Daughters of Veterans, Knights of Columbus, at Boy Scouts and Girl Scouts of the Philippines.
Nawa’y naging makabuluhan para sa bawat isa ang ating isinagawang pagdiriwang ngayong araw. Mabuhay ang ating kalayaan, mabuhay ang ating bayan!
#ArawNgKalayaan
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-13 ng Hunyo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginaganap ngayong araw ang San Mateo Rizal Independence Day Job Fair sa SM City San Mateo, 2nd floor, Activity Center. Higit sa 20 kompanya ang narito upang tumanggap ng mga kuwalipikadong aplikante kaya naman halina’t magtungo na rito dala ang maraming kopya ng inyong updated resume at black ballpen!
Mananatiling bukas ang Independence Day Job Fair na ito sa pagtanggap ng mga job applicants hanggang mamayang alas-3 ng hapon kaya apply na, kababayan!
#kalayaanjobfair2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng ating Araw ng Kalayaan ngayong araw. Sa tema ng paggunita rito na “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan”, nawa’y magpatuloy ang pananaig na diwang makabansa sa ating mga puso at sama-sama nating tahakin ang daang iniukit ng ating kasaysayan patungo sa kinabukasan ng ating Inang Bayan.
Mabuhay ang ating kalayaan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Maagang nagtipon ang mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan kaninang umaga sa Divine Mercy, Brgy. Guitnang Bayan I upang magsagawa ng tree planting activity roon. Ito ay bilang pakikiisa natin sa makakalikasang selebrasyon ng ika-123 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Rizal.
Pinangunahan ito ng San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at dumalo rito ang mga kinatawan ni Gob. Nina Ynares mula sa Rizal Provincial Government, Chairperson of the Committee on Environment and Natural Resources, Land Zoning, Land Utilization Planning, Energy and Facilities Konsi Joel Diaz, Konsi Joey Briones, Konsi Boy Salen, at Municipal Administrator Henry Desiderio. Narito rin ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine National Police (PNP).
Sa tema ng selebrasyon nito ngayong taon na “Rizal @123: Sama-sama, tulong-tulong sa patuloy na pagsulong”, nawa’y magkaisa tayo sa pagsuporta sa mga programa ng ating Pamahalaang Panlalawigan. Daan ito tungo sa ating sama-samang pagsulong at pag-unlad!
#123rdArawNgLalawiganNgRizal
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Municipal Planning and Development Office (MPDO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy ang kanilang tanggapan sa pagsasagawa ng mga proyekto at programang nakatuon sa pagpapabuti ng imprastruktura at pagpapaunlad ng ating ekonomiya. Kasama rin sa kanilang hakbang ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang sektor upang tiyakin ang komprehensibong pag-unlad ng San Mateo.
pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo. Kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng pagkilala at paggalang sa karapatan ng bawat isa, anuman ang kanilang kasarian, at ang ating pagsusulong ng pagkakapantay-pantay at inklusibidad sa ating bayan.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat. Nawa’y maging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon nitong ika-7 ng Hunyo 2024 ang iba’t ibang kinatawan ng mga samahan na kababaihan sa ating bayan sa isinagawang Capacity Building and Establishment of Local Council of Women ng San Mateo Rizal Gender and Development Office . Ginanap ito sa Ciudad Christhia Resort at dinaluhan ng 53 mga kababaihan.
Dito’y nagkaroon ng bahagian ng kaalaman mula sa mga resource speakers at guest speaker na sina Direk Ellen Ongkeko-Marfil, Dr. Noemi Zulieta mula sa Philippine Normal University, San Mateo MLGOO Sherlyn Oñate-Resurreccion, at Provincial Local Council of Women (PLCW) President Josephine Parilla. Dumalo rin dito sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas at Konsi Grace Diaz.
Layunin ng aktibidad na ito na maitatag ang ating Local Council of Women at mapalago ang kakayahan ng mga kasapi nito. Paghahanda ito sa mahalagang papel na kanilang gagampanan bilang boses at representasyon ng kababaihan sa ating bayan.
Dito sa San Mateo, mayroong suporta at serbisyong maihahandog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsimula na nitong Biyernes, ika-7 ng Hunyo 2024, ang pagsasagawa ng Operation Tuli 2024 sa Brgy. Ampid I sa pangunguna ng San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO). Handog ng Pamahalaang Bayan ang libreng serbisyo medikal na ito para sa ating mga kababayang binatilyo upang matiyak ang kanilang maayos na pangkabuuang kalusugan. Abangan sa inyong lugar ang ating pagsasagawa ng Operation Tuli 2024!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal ay isang mainit na pagbati ng maligayang pagtatapos para sa lahat ng 2024 graduates!
Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang inyong pagsusumikap upang mapagyabong pa ang inyong kakayahan at kaalaman sa mga susunod na taon.
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
(In photos: Silangan National High School, Pintong Bukawe National High School, Silangan Elementary School, Pintong Bukawe Elementary School)
Tinatawagan ang ating mga madlang people!
Sa darating na ika-11 ng Hunyo 2024, magkakaroon ng audition para sa programa ng It's Showtime na “EXpecially For You” at “Tawag ng Tanghalan:The School Showdown”. Gaganapin ito sa ating Municipal Stadium, simula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Para sa EXpecially For You
- Ito ay bukas para sa lahat ng kasarian
- Ito ay bukas para sa mga nasa 18 taong gulang pataas na single o mag ex-couple
Para sa Tawag ng Tanghalan: The School Showdown
- Kinakailangang ikaw ay nasa 14 taong gulang pataas
- Bukas ito para sa lahat ng mga high school, college, postgraduate, at vocational students
- Kinakailangang enrolled sa kahit anong paaralan o unibersidad
- Kinakailangang maghanda ng minus one na iyong piyesa pang-audition (1 Acapella English Song & 1 Acapella Tagalog Song)
Halina't ipakita ang iyong galing at ibida ang iyong kwento, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal ay isang mainit na pagbati ng maligayang pagtatapos para sa lahat ng 2024 graduates!
Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang inyong pagsusumikap upang mapagyabong pa ang inyong kakayahan at kaalaman sa mga susunod na taon.
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
(In photos: Banaba Elementary School, San Mateo National High School, Doña Pepeng Elementary School, Ampid I Elementary School, Patiis Elementary School, Guinayang National High School, Alternative Learning System, San Mateo Senior High School, Justice Vicente Santiago Elementary School)
Tinatawagan ang ating mga kababayang job seekers!
Sa darating na ika-12 ng Hunyo 2024, simula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, ay magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan ng Independence Day Job Fair sa Activity Center, 2nd Floor ng SM City San Mateo. Pangungunahan ito ng ating Public Employment Service Office (PESO), sa pakikipagtulungan ng SM City San Mateo, kasama ang higit sa 20 mga participating companies.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba para sa listahan ng mga kompanyang maaari ninyong pag-applyan. Huwag ding kalimutang magdala ng black ballpen at maraming kopya ng inyong updated resumes.
Sari-saring job opportunities ang naghihintay sa iyo kababayan kaya apply na! Dito sa San Mateo, kahusayan at oportunidad ang ilalapit sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nitong Lunes, ika-3 ng Hunyo 2024, ay ipinadala sa ating munisipyo ang 3,000 sachets ng Nutravit Gold Nutritional Drink at 1,000 kahon ng Scolminn (Hyoscine-N-Butylbromide) 20 mg/ml injectables na mga donasyon mula sa tanggapan ni Cong. Jojo Garcia. Ang mga ito ay inihatid sa San Mateo Rizal Municipal Health Office (MHO) upang maihanda para sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Maraming salamat po Congressman Jojo Garcia sa inyong handog na tulong sa aming bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ipinamalas ng ating kababayan mula sa Brgy. Silangan na si Bb. Rhance “Bunzo” Añonuevo-Cariño ang kaniyang husay sa larangan ng paggawa ng pelikula nitong nagdaang 10th Emirates Film Festival 2024 na ginanap sa Dubai, UAE. Sa 200 pelikulang nagmula sa 35 mga bansa, umani ng matataas na parangal kapwa si Direk Rhance at ang kaniyang pelikulang “BENNY”. Ilan sa mga ito ay Emerging Filmmaker 2024, Best Visual Effects, at Top 8 Finalist.
Hanga kami at ipinagmamalaki namin ang iyong galing at talento sa larangan ng paggawa ng pelikula, Direk Rhance!
Basta usapang husay, puso, at talento, bida ang mga taga-San Mateo diyan!
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo Rizal ay isang mainit na pagbati ng maligayang pagtatapos para sa lahat ng 2024 graduates!
Nawa’y ipagpatuloy ninyo ang inyong pagsusumikap upang mapagyabong pa ang inyong kakayahan at kaalaman sa mga susunod na taon.
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
(In photos: Guitnangbayan Elementary School, Dulongbayan Elementary School, Gulod Malaya Elementary School, San Mateo Elementary School, Malanday Elementary School, Ampid National High School, Maly Elementary School, Sto. Niño Elementary School)
Nagsagawa ng inspection at site visit si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kahapon, ika-4 ng Hunyo 2024, sa itinatayong housing project sa Brgy. Guitnang Bayan II. Ang proyektong ito ay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na inilunsad noong 2022.
Dumalo rito sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jose Acuzar, Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Kgg. Marilene Acosta, House Appropriations Committee Chair Rep. Elizaldy Co, DHSUD Usec. Garry De Guzman at Avelino Tolentino III. Narito rin sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Congressman Jojo Garcia, Bokal JP Bautista, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, punong barangay, at mga kinatawan ng Zeta World Realty Inc.
Maraming pong salamat sa ating Pamahalaang Pambansa sa paglulunsad ng proyektong ito sa ating bayan!
Para sa ating mga kababayan, antabayanan lamang ang mga susunod na anunsiyo para sa mga requirements at application process sa pagkuha ng unit.
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalLGU
Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Kgg. Jose Raphael Denzel Diaz! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong ika-1 ng Hunyo 2024 ang scholarship maintenance payout para sa mga benepisyaryo ng Iskolar ni MayOR Program. Higit sa isang libong mga continuing scholars ang nagtipon sa municipal stadium upang tumanggap ng kanilang academic assistance grant at scholarship award.
Bago pasimulan ang payout, pinangunahan ng San Mateo Rizal Educational Assistance Unit ang pagsasagawa ng oryentasyon o “refresher” sa lahat ng mga iskolar ukol sa kanilang mga tungkulin upang patuloy na maging benepisyaryo ng naturang programa. Naghandog ng makabuluhang mensahe para sa mga kabataang naroon sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Committee on Education, Tourism, and Cultural Affairs Chairman Konsi Joey Briones, at Municipal Administrator Henry Desiderio. Dumalo rin dito ang ilang board member at kabahagi ng technical working group gaya ni Bb. Cake Arcaya ng San Mateo Rizal Solo Parents Association.
Maligayang pagbati sa mga continuing scholars ng Iskolar ni MayOR Program!
Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at oportunidad ang handog sa’yo!
#IskolarNiMayorProgram
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa bisa ng Proclamation No. 554, idineklara bilang isang Special (Non-Working) Day ang ika-11 ng Hunyo 2024. Ito ay upang bigyan ng higit na oras at pagkakataon ang ating mga kababayang Rizalenyo na alalahanin at ipagdiwang ang ika-123 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Rizal.
Isang maligaya at makabuluhang selebrasyon para sa ating lahat!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Municipal Accounting Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Bilang tagapangasiwa ng pagproseso at pag-uulat ng mga impormasyong pinansiyal ng Pamahalaang Bayan, patuloy ang pagsusumikap ng Tanggapan ng Tagatuos na mapanatili ang maayos at sistematikong pagtatala ng mga impormasyong ito. Sila rin ay nagsasagawa ng sari-saring mga oryentasyon, seminar, at pagsasanay upang mabigyang gabay ang iba pang mga sangay ng ating pamahalaan.
Matapos ang kanilang pag-uulat ay nagbigay ng mensahe ang mga kinatawan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ukol sa kanilang ipinagdiriwang na 13th Community Relations Service Month ngayong buwan ng Hunyo. Sa tema nitong “Nagkakaisang Kawanihan at Pamayanan Tungo sa Bagong Pilipinas”, kanilang ipinapanawagan ang sama-samang pagtutulungan at inklusibong pag-unlad ng bawat isa sa pamayanan.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling magsasagawa ang Public Employment Service Office (PESO) ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa Philippine Statistics Authority - Rizal Provincial Statistical Office. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo ngayong Huwebes, ika-6 ng Hunyo 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ito ay para sa patuloy na pagkalap ng mga CENSUS AREA SUPERVISORS, TEAM SUPERVISORS, at ENUMERATORS sa pagsasagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS).
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras upang makapagsumite ng inyong aplikasyon. Narito pa ang mga karagdagang dokumentong kailangang ipasa:
- Pirmadong APPLICATION LETTER, kung saan nakasaad ang inyong POSITION TITLE, na naka-address kay:
YRA B. SIBUG
Chief Statistical Specialist
Philippine Statistics Authority
Rizal Provincial Statistical Office
- Personal Data Sheet (PDS-CSC Form No. 212) na mayroong pinakabago ninyong 2x2 I.D. picture (kinunan sa loob ng 3 buwan bago ang inyong pagpapasa ng aplikasyon)
- Kopya ng inyong Transcript of Records o Diploma
- Kopya ng Eligibility (CSC, RA 1080, PD 907), kung mayroon man
Para sa listahan ng mga kwalipikasyon, basahin lamang ang nasa larawan sa ibaba. Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication materials courtesy of Philippine Statistics Authority - Rizal
Matapos ang sampung araw na trabaho sa ilalim ng Risk Resiliency Program through Cash-for-Training and Work (RRP-CFTW), 300 benepisyaryo ang tumanggap ng kanilang mga sahod sa payout distribution na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) noong Huwebes, ika-30 ng Mayo 2024, sa Brgy. Sta. Ana Covered Court.
Narito sina Rizal Vice Gov. Junrey San Juan, Mayor Omie Rivera, Konsi Grace Diaz, Konsi Arwin Mariano, at Kap. JC Salen na nagpaabot ng mga mensahe ng pagsuporta at pasasalamat sa naturang programa. Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa pagsasagawa ng mga kapaki-pakinabang na programa para sa ating mga kababayan.
Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bumisita at pansamantalang nanatili sa bulwagan ng munisipyo ng San Mateo, Rizal ang imahen ng Birhen ng Nuestra Señora de Aranzazu nitong Biyernes, ika-31 ng Mayo 2024. Ito ay sa paggunita ng ika-7 anibersaryo ng kaniyang Koronasyon Kanonikal o ang pagpuputong sa kaniya ng korona sa ngalan ng Santo Papa.
Nag-alay ng panalangin sa Birhen ng Aranzazu ang mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas para sa kaniyang patuloy na paggabay sa ating bayan.
Maligayang ika–7 anibersaryo ng Coronacion Canonica ng ating pintakasi, Nuestra Señora de Aranzazu! Viva la virgen!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kabataan, alam mo na ba? Binuksan na kahapon, ika-29 ng Mayo 2024, ang ating kauna-unahang San Mateo Youth Center and Hub! Matatagpuan ito sa ikalawang palapag ng San Mateo Municipal Testing Center (katabi ng Guitnang Bayan I Barangay Hall).
Pinangunahan ng San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO) ang pagpapasinaya nito na dinaluhan ng mga kabataang nagparehistro upang magkaroon ng San Mateo Youth Center and Hub Identification Card (I.D.). Sila ang unang batch ng mga kabataang nakagamit ng naturang pasilidad na maaaring magsilbing pook aralan (study area) o lugar kung saan maaaring magpulong ang mga rehistradong youth organizations dito sa ating bayan. Mayroon din ditong inihahandog na Information Education Communication (IEC) Campaigns at Career Guidance para sa ating mga kabataang mag-aaral.
Ang ating Youth Center and Hub ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon. Para sa mga nais bumisita, maaaring magparehistro sa link na ito: https://forms.gle/bxeGM2VvvYGnRey57 upang kayo’y magkaroon ng San Mateo Youth Center and Hub I.D. Para naman sa mga nais magpa-reserve ng pasilidad para sa kanilang pagtitipon, sagutan lamang ito: https://forms.gle/756pXdQ7YyidDk7bA . Sakaling may katanungan ukol sa venue reservation o sa mismong San Mateo Youth Center and Hub, makipag-ugnayan lamang sa San Mateo Rizal Local Youth Development Office (LYDO).
Tara na, kabataan! Dahil dito sa ating bayan, serbisyong pangkaunlaran ang handog namin para sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalLYDO
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoYouthCenterAndHub
Kaugnay ng ongoing voter’s registration para sa ating mga kababayang nais makaboto sa 2025 national at local elections, narito ang schedule para sa ating satellite voter’s registration ngayong buwan ng Hunyo:
June 1, 2024 - Ibiza Townhomes Subd. Clubhouse, Brgy. Guinayang
June 3-6, 2024 - SM City San Mateo
June 7, 2024 - Ibiza Townhomes Subd. Clubhouse, Brgy. Guinayang
June 8, 2024 - Greenbrier Village Clubhouse, Brgy. Guinayang
June 10-13, 2024 - SM City San Mateo
June 14-15, 2024 - Gulod Malaya Brgy. Hall
June 17-20, 2024 - SM City San Mateo
June 21-22, 2024 - Brgy. Guitnang Bayan I Covered Court
June 24-27, 2024 - SM City San Mateo
June 28-29, 2024 - Brgy. Silangan Covered Court
Antabayanan lamang ang mga ilalabaas pa naming anunsiyo para sa iskedyul sa susunod pang mga buwan. Halina’t magparehistro upang makaboto, kababayan!
#MagpaRehistroKa
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang pagdiriwang ng Flores de Mayo ngayong taon, magkakaroon ng Flores de Mayo Procession sa ika-31 ng Mayo 2024, mula alas-7 hanggang alas-10 ng gabi. Magsisimula ito sa Sta. Cecilia Parish Church sa Brgy. Maly at babagtasin ang kahabaan ng Gen. Luna Ave., Sta. Maria St. sa Brgy. Guinayang, Daang Bakal Rd., Talisay St., at A. Mabini St. sa Brgy. Burgos sa Montalban, at pabalik sa Sta. Cecilia Parish Church.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng ruta ng prusisyon. Inaabisuhan ang mga motorista na bagalan ang pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang insidente ng gumuhong lupa ang naganap kahapon sa Upper Purok 2, Buntong Palay, sa Brgy. Silangan, pasado alas-5 madaling araw. Dalawang bahay ang apektado ng naturang insidente kung saan ang isa sa mga ito ay partially damaged at ang isa naman na katabi mismo ng gumuhong lupa ay nasira na nang husto.
Ayon sa isa sa mga may-ari ng apektadong bahay, maaaring ang pag-ulan nitong mga nakaraang araw at ang naipong tubig sa kabilang bahagi ng katabi nilang barikada ang nagbunsod ng paglambot ng lupa at pagkabuwal ng naturang barikada. Nagresulta ito sa pagkawala at pagragasa ng tubig na may halong lupa at bato sa dalawang bahay. Apat na indibidwal ang naitalang sugatan; mayroong nadaganan ng mga gumuhong parte ng bahay at mayroon ding tinangay ng rumaragasang tubig. Kaagad silang sinaklolohan at dinala sa ospital upang masuri at malapatan ng angkop na lunas. Sa kabutihang palad ay wala namang nasawi sa insidente.
Samantala, nagpamahagi na ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng mga relief packs at hygiene kits sa apektadong pamilya na sa ngayon ay nakikituloy muna sa kanilang kakilala sa kalapit barangay. Maraming salamat sa BDRRMO-Silangan, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Health Office (MHO) at sa mga rumesponde na nagpaabot ng agarang aksyon.
Manatiling alerto at ligtas, mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-30 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling maagsasagawa ang Public Employment Service Office (PESO) ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa Philippine Statistics Authority - Rizal Provincial Statistical Office. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo bukas ng Miyerkules, ika-29 ng Mayo 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ito ay para sa patuloy na pagkalap ng mga CENSUS AREA SUPERVISORS, TEAM SUPERVISORS, at ENUMERATORS sa pagsasagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS).
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras upang makapagsumite ng inyong aplikasyon. Narito pa ang mga karagdagang dokumentong kailangang ipasa:
- Pirmadong APPLICATION LETTER, kung saan nakasaad ang inyong POSITION TITLE, na naka-address kay:
YRA B. SIBUG
Chief Statistical Specialist
Philippine Statistics Authority
Rizal Provincial Statistical Office
- Personal Data Sheet (PDS-CSC Form No. 212) na mayroong pinakabago ninyong 2x2 I.D. picture (kinunan sa loob ng 3 buwan bago ang inyong pagpapasa ng aplikasyon)
- Kopya ng inyong Transcript of Records o Diploma
- Kopya ng Eligibility (CSC, RA 1080, PD 907), kung mayroon man
Para sa listahan ng mga kwalipikasyon, basahin lamang ang nasa larawan sa ibaba. Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication materials courtesy of Philippine Statistics Authority - Rizal
Ating inaalala sa araw na ito ang kauna-unahang beses na iniladlad at itinaas ang watawat ng Pilipinas matapos magapi ng mga Pilipinong rebolusyonaryo ang pwersa ng mga Espanyol noong Labanan sa Alapan, ika-28 ng Mayo 1898.
Ang ating watawat ang pinakamahalagang sagisag ng ating bansa. Sinisimbolo nito ang ating kalayaang ipinaglaban ng kapwa natin Pilipino sa loob ng ilang daang taon. Ito ang ating dangal at pagkakakilanlan. Igalang natin ang ating watawat sa lahat ng pagkakataon at taas-noong ipagmalaki ang ating lahi!
Happy National Flag Day, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Talaang Sibil ng Bayan o ang Municipal Civil Registry Office (MCRO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Naatasang pangasiwaan ang pagtatala, maging ang pagtatago at pag-iingat ng mga talaan, patuloy ang pagsusumikap ng MCRO na mapaigting pa ang kanilang pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Halimbawa na lamang nito ay ang pagtatalaga ng MCRO staff sa unang palapag ng munisipyo upang makipagtransaksiyon sa mga buntis o may edad nang indibidwal; pagsasagawa ng mga mobile birth registration sa mga iba’t ibang mga barangay; at ang pagbibigay oryentasyon sa mga ikakasal sa Kasalang Bayan.
Matapos ang kanilang pag-uulat ay iginawad ni Mayor Omie Rivera ang mga birth certificate ng ilang benepisyaryo ng PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP). Ang mga birth certificate na ito naproseso nang libre sa tulong ng naturang proyekto. Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magandang balita sa mga kababayan nating fur parents!
Sa pagtutulungan ng Biyaya Animal Care Foundation at ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng ating San Mateo Rizal Animal Welfare Office, ay muling nagbabalik ang murang pagkakapon para sa ating mga alagang aso’t pusa! Narito ang iskedyul:
June 20, 2024 - AFP Housing Covered Court, Brgy. Silangan
June 21, 2024 - Municipal Agriculture Office, Brgy. Sta. Ana
Para sa mga interesado, magparehistro muna sa link na ito: https://tinyurl.com/MurangKapon, at magtungo sa itinakdang petsa at lokasyon mula 8:00AM - 12:00PM. Ang mga walk-in clients naman ay tatanggapin mula 8:00AM - 2:00PM.
MAHALAGANG PAALALA:
- First come, first served basis ang iiral para sa mga nakapag-online registration.
- Para naman sa mga walk-in clients, isusunod ang kanilang pila pagkatapos ng mga nakapag-online registration.
- May karagdagang bayad na P500.00 para sa mga asong lagpas sa 15kg ang timbang
- Ang murang pagkakapon na ito ay bukas para sa lahat.
Dito sa ating bayan, alaga ang inyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng ating Department of Public Order and Safety (San Mateo Dpos), katuwang ang Maintenance Unit, ang pagsasagawa ng clearing operations o ang “Oplan Baklas” sa kahabaan ng mga kalsada sa ating bayan nitong Sabado, ika-25 ng Mayo 2024.
Ito ay upang matanggal na sa pagkakakabit ang mga gula-gulanit nang karatula, illegally installed advertisement tarpaulins, at iba pang maaaring makaharang sa daanan at sa paningin ng mga motorista. Magiging regular na kada buwan ang pagsasagawa ng Oplan Baklas upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa mga kalsada’t daanan sa ating bayan.
Bayan ng San Mateo, bayang handog ay kahusayan at serbisyo sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-28 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Para sa mga MAGPAPASA ng kanilang aplikasyon para sa August 2024 Civil Service Exam - Pen and Paper Test (CSE-PPT), magsasagawa ng Exam Caravan ang Civil Service Commission (CSC) sa San Mateo Municipal College - Main Campus (Brgy. Guitnang Bayan II) sa darating na Martes, ika-28 ng Mayo 2024, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon. Tatanggap dito ng mga nais magsumite ng kanilang CSC Application Forms, kalakip ang kanilang mga application requirements, at ang pambayad para sa pagsusulit na PHP500.00.
MAHALAGANG PAALALA:
- Ang exam caravan na ito ay para sa magpapasa/magsusumite ng kanilang application form at requirements para sa August 2024 CSE-PPT
- Limitado lamang sa UNANG 100 PRE-REGISTERED APPLICANTS ang bilang ng mga tatanggapin ng CSC sa exam caravan na ito. Tiyakin munang ikaw ay nakapagparehistro na sa link na ito bago makumpirma ang iyong pagpunta sa CSC Exam Caravan: https://bit.ly/4bQc2UX. Maaari ring i-scan ang QR code sa larawan sa ibaba.
Tara na kababayan at maging isang lingkod-bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nalalapit na ang pagbabalik ng pinakamakulay, pinakamasigla, at pinamakasayang isang buwang selebrasyon ng ating bayan! 100 araw na lang ang ating hihintayin bago ang San Mateo Rizal Septemberfest 2024, mga kababayan!
#Septemberfest2024
#SanMateoRizalSeptemberfest
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of San Mateo Rizal Septemberfest
Bilang pagdiriwang ng Flores de Mayo ngayong taon, magkakaroon ng Grand Santacruzan Procession ngayong Linggo, ika-26 ng Mayo 2024, mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi. Magsisimula ito sa Sta. Cecilia Parish Church sa Brgy. Maly at babagtasin ang kahabaan ng Gen. Luna Ave., Sta. Maria St. sa Brgy. Guinayang, Daang Bakal Rd., Talisay St., at A. Mabini St. sa Brgy. Burgos sa Montalban, at pabalik sa Sta. Cecilia Parish Church.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng ruta ng prusisyon. Inaabisuhan ang mga motorista na bagalan ang pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 40 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, lalo na pagsapit ng alas-10 ng umaga. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong Linggo, ika-19 ng Mayo 2024, ang inagurasyon at pagbebendisyon ng itinayong Espadaña sa harapan ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA). Ang Espadaña na ito ang magkakanlong sa daang taon nang mga kampana na dati’y nasa pangangalaga ng simbahan. Sa bisa ng ating Pambayang Ordinansa Blg. 060, s. 2023, idineklara bilang isang natatanging kultural at makasaysayang pag-aari ng Bayan ng San Mateo Rizal ang mga kampanang ito kung kaya’t atin itong itatampok upang makita rin ito ng ating mga kababayan.
Dumalo sa aktibidad na ito sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Joey Briones, Konsi Boy Salen, Konsi Jojo Mariano, Konsi Cris Cruz, Konsi Joel Diaz, SK Federation President Kyla Escobar, at ang Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc. Nagbahagi ng mensahe sina Mayor Omie at DSPNSDA Parish Pastoral Council President Bro. Mark Anthony Arista ukol sa kahalagahan ng mga lumang kampana sa aspeto ng ating kultura at kasaysayan. Naging parte na ito ng paghubog hindi lamang ng pananampalataya ng ating mga mamayan kundi pati na rin ang kanilang matibay na pagbibigkis at sama-samang pagharap sa anumang pangyayari sa ating bayan.
Dito sa San Mateo, mayroong pagpapahalaga sa ating kasaysayan at kultura!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-23 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pakikipagtulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO) ay magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa Philippine Statistics Authority - Rizal Provincial Statistical Office. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo sa darating na Biyernes, ika-24 ng Mayo 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ang Philippine Statistics Authority - Rizal Provincial Statistical Office ay nangangailangan ng mga sumusunod para sa pagsasagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS):
- Census Area Supervisors
- Team Supervisors
- Enumerators
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras upang makapagsumite ng inyong aplikasyon. Narito pa ang mga karagdagang dokumentong kailangang ipasa:
- Pirmadong APPLICATION LETTER, kung saan nakasaad ang inyong POSITION TITLE, na naka-address kay:
YRA B. SIBUG
Chief Statistical Specialist
Philippine Statistics Authority
Rizal Provincial Statistical Office
- Personal Data Sheet (PDS-CSC Form No. 212) na mayroong pinakabago ninyong 2x2 I.D. picture (kinunan sa loob ng 3 buwan bago ang inyong pagpapasa ng aplikasyon)
- Kopya ng inyong Transcript of Records o Diploma
- Kopya ng Eligibility (CSC, RA 1080, PD 907), kung mayroon man
Para sa listahan ng mga kwalipikasyon, basahin lamang ang nasa larawan sa ibaba. Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication materials courtesy of Philippine Statistics Authority - Rizal
Posibleng umabot sa 41 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Community Development Office/Urban Poor Affairs Office of San Mateo Rizal. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Nakatuon ang kanilang pagseserbisyo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga maralitang kababayan. Kabilang na rito ang pag-isyu ng mga sertipiko sa Meralco at Manila Water, pagdalo sa mga consultative meetings at iba pang mga pagtitipon ng iba’t ibang mga HOA/NOA (homeowners/neighborhood associations), at patuloy na pakikipag-ugnayan sa iba pang mga tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan upang mas mapabuti ang kanilang pagseserbisyo sa mga mamamayan.
Matapos ang pag-uulat, ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang ating mga kabataang atleta mula sa San Mateo Private Schools Association (SPRISA) na nagwagi ng karangalan sa ginanap na National Alliance for Private Schools Philippines (NAPSPHIL) Sports Meet 2024 sa Taytay, Rizal.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC) nitong Sabado, ika-18 ng Mayo 2024, sa New MDRRMO Bldg., ang opening program para sa ika-4 na batch ng mga kalahok sa ating Community-based Drug Rehabilitation Program (CBDRP). Nagpaabot ng isang makabuluhang mensahe si Mayor Omie Rivera sa lahat ng mga dumalo rito, partikular na sa 40 mga nag-enroll na Persons Who Used Drugs (PWUDs). Ayon sa kaniya, magpapatuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa pagbibigay ng oportunidad upang suportahan ang pagbabagong buhay at pag-agapay sa ating mga kababayang minsan nang naligaw ng landas. Makakatuwang din natin sa pag-abot ng layuning ito ang iba pang mga ahensya, tanggapan, at samahan.
Bayan ng San Mateo, bayang suporta at kalinga ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mainit na pagbati ang ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal kay G. Lance Naral, isang trail running athlete mula sa Brgy. Pintong Bukawe, sa kaniyang pagiging bahagi ng national team para sa trail running, Under 20 Category, ngayong 2024.
Magpapatuloy pa ang kaniyang pag-usad sa larangan ng trail running dahil siya rin ay napabilang sa mga atletang makikipagtunggali sa kauna-unahang Southeast Asian Trail Running Cup 2024 (SEATRC 2024) na gaganapin sa Bontoc, Mountain Province sa susunod na buwan.
Good luck, Lance! Basta palakasan, malakas ang mga taga-San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-21 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pagtutulungan ng ating Tanggapan ng Punongbayan, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), magkakaroon ng pamamahagi ng birthday cash gift para sa mga kababayan nating senior citizens sa 15 barangay sa ating bayan. Kasama na rin dito ang mga karagdagan at "unclaimed" na birthday celebrants noong Enero at Pebrero 2024.
Narito ang mga dokumentong kailangang dalhin upang makatanggap ng cash gift:
Para sa mga senior citizen (benepisyaryo) na personal na kukuha:
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA
Para sa mga authorized representative (sakaling hindi makapunta ang senior citizen):
- Orihinal at aktuwal na ID mula sa OSCA at isang (1) photocopy nito na may tatlong (3) pirma ng senior citizen (benepisyaryo)
- Orihinal at aktuwal na ID ng authorized representative at isang (1) photocopy nito
- Authorization letter na may pirma o thumbmark ng senior citizen (benepisyaryo)
Para sa schedule ng pamamahagi ng cash gift, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Dito sa San Mateo, serbisyong panlahat, sinisikap iabot sa lahat!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 41 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa kahapon hanggang ngayong araw, ika-16 hanggang ika-17 ng Mayo 2024, sa Brgy. Silangan ang dalawang araw na “Ganda Mo, Hanapbuhay Ko” Livelihood Training sa pangunguna ng ating Gender and Development (GAD) Office.
Layunin ng livelihood training na ito na palaguin ang kasanayan ng ating mga kababayang solo parents pagdating sa kosmetolohiya. Maaari itong makapagbigay sa kanila ng karagdagang oportunidad hindi lamang sa pagpapalawig ng sariling kaalaman at kakayahan kundi pati na rin sa pagkakaroon nila ng mapagkakakitaan.
Dito sa San Mateo, kahusayan at serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
(Photos by Kobe and Gilbert)
Maagang nagtipon nitong Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2024, ang pamunuan ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) para sa isang banal na misa alay sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Isidro Labrador. Narito rin ang mga samahan ng magsasaka mula sa iba’t ibang mga barangay sa ating bayan at ang kanilang mga float na napapalamutian ng kani-kanilang mga aning gulay at prutas.
Matapos ang banal na misa ay inilabas na rin ang imahen ni San Isidro Labrador na siyang patron ng mga magsasaka upang manguna at pasimulan ang motorcade. Muling nagtipon ang lahat sa Sitio Ibayo, Brgy. Dulong Bayan I upang doon idaos ang isang maikling programa at salu-salo. Nagbahagi ng mensahe ng pasasalamat sa mga magsasaka at pagsuporta sa programa si Agriculture, Agrarian and Land Reform Committee Chairman Konsi Boy Salen at ang committee member din na si Konsi Joey Briones. Sa pagtatapos naman ng programa ay binigyang parangal ang mga asosasyon na nagwagi sa float competition.
Sa ating ikalawang pagdiriwang ng Farmers’ Festival, magpapatuloy lamang ang ating pagsisikap na isulong at itaguyod ang sektor ng agrikultura sa ating bayan. Sama-sama tayo tungo sa pangkalahatang kaunlaran!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan para sa Public Schools District Supervisor ng DepEd CALABARZON San Mateo Sub-Office, Dr. Pitsberg B. De Rosas! Maraming salamat sa inyong ipinapamalas na dedikasyon sa inyong pagsisilbi para sa mga mag-aaral ng ating bayan.
Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-10 ng umaga hanggang alas-1 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magsasagawa ng motorcade ang San Mateo Elementary School (SMES) Alumni Association sa darating na Linggo, ika-19 ng Mayo 2024, mula alas-6 hanggang alas-8 ng umaga. Magsisimula ito sa B. Mariano St. at babagtasin nito ang kahabaan ng Brgy. Sta. Ana, Brgy. Ampid II, Brgy. Guitnang Bayan I at II, Brgy. Dulong Bayan I at II, Brgy. Malanday at pabalik sa SMES.
Pansamantalang magpapatupad ng STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa mga kalsadang dadaanan ng motorcade. Inaabisuhan ang lahat, lalo na ang mga motorista, na magdahan-dahan at bigyang daan ang mga makikibahagi sa motorcade.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pagdiriwang ng Flores de Maria at pagpapakita ng debosyon ng ating mga kababayang Katoliko sa Mahal na Birheng Maria ngayong taon, nagprusisyon ang mga naggagandahang binibini sa kahabaan ng mga kalsada sa ating bayan, suot-suot ang kanilang mga engrandeng puting gown. Nagtapos ang prusisyon sa pagbabalik ng mga binibini sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) upang mag-alay ng mga bulaklak sa Birheng Maria.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito na ang official Facebook page ng ating San Mateo Rizal Tourism, Culture, and Arts Office. Para sa mga balita sa ating bayan na nagtatampok ng ating turismo, kultura, at sining, huwag nang magpahuli at i-follow na ang kanilang Facebook page!
Tara na’t mamangha sa kagandahang handog ng ating bayan. Tara dito sa San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
#SanMateoRizalTourism
#TaraDitoSaSanMateo
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-16 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Maligayang Kapistahan ni San Isidro Labrador! Gabayan at tulungan ninyo ang aming mga kababayang magsasaka na kayo nawa ay kanilang maging ehemplo at patuloy na tularan ang inyong kasipagan at kababaan ng loob.
San Isidro Labrador, ipanalangin po ninyo kami.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa kahapon at ngayong araw, ika-13 at ika-14 ng Mayo 2024, ang magkasunod na oryentasyon ng ating Public Employment Service Office (PESO) para sa higit 200 mga benepisyaryo ng Student Employment Assistance Program (SEAP) at ng Government Internship Program (GIP).
Layunin nitong maihanda ang ating mga kabataang mag-aaral sa kanilang magiging temporary employment at pagbibigay ng pampublikong serbisyo sa ilalim ng mga programang ito. Maraming salamat sa ating mga naging tagapagsalita mula sa PESO at kay Bb. Kristelle Joy Maglabe mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Dito sa San Mateo, kahusayan at oportunidad ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang Philippine Statistics Authority - Rizal Provincial Statistical Office ay nangangailangan ng mga sumusunod para sa pagsasagawa ng 2024 Census of Population (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS):
- Census Area Supervisors
- Team Supervisors
- Enumerators
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo lamang po kayo sa tanggapan ng ating Public Employment Service Office (PESO), 1st flr. ng ating munisipyo, upang makapagsumite ng inyong aplikasyon. Narito pa ang mga karagdagang dokumentong kailangang ipasa:
- Pirmadong APPLICATION LETTER, kung saan nakasaad ang inyong POSITION TITLE, na naka-address kay:
YRA B. SIBUG
Chief Statistical Specialist
Philippine Statistics Authority
Rizal Provincial Statistical Office
- Personal Data Sheet (PDS-CSC Form No. 212) na mayroong pinakabago ninyong 2x2 I.D. picture (kinunan sa loob ng 3 buwan bago ang inyong pagpapasa ng aplikasyon)
- Kopya ng inyong Transcript of Records o Diploma
- Kopya ng Eligibility (CSC, RA 1080, PD 907), kung mayroon man
MAHALAGANG PAALALA:
- Ang deadline of application para rito ay hanggang ika-30 ng Mayo 2024 lamang.
- Para sa listahan ng mga kwalipikasyon, basahin lamang ang nasa larawan sa ibaba.
Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication materials courtesy of Philippine Statistics Authority - Rizal
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Public Employment Service Office (PESO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Sentro ng pagseserbisyo ng kanilang tanggapan ang makapaglunsad ng mga serbisyong empleyo at karagdagang oportunidad upang makapaghanapbuhay ang ating mga kababayan, lalo na ang mga nasa bulnerableng sektor. Patuloy lamang ang kanilang pagsasagawa ng Mega Job Fair, Local Recruitment Activity, pagbibigay akreditasyon sa iba’t ibang mga kompanya at establisyimento, at ang pangangasiwa ng mga oryentasyon, training, at seminars.
Matapos ang kanilang pag-uulat ay ginawaran ng sertipiko ng pagkilala ang mga natatanging mag-aaral mula sa San Mateo Municipal College na nagwagi sa mga patimpalak at nakapasa ng mahalagang pagsusulit. Kabilang na rito sina G. Lance Franceoua Ocoma na isa nang semi-finalist sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime at ang San Mateo Balzers na nanalo sa Palarong Panlalawigan 2024. Pinasalamatan at binigyang pagkilala rin ang dating presidente ng SMMC na si Dr. Teresita dela Cruz sa kaniyang naging pagseserbisyo sa kaniyang panunungkulan sa ating Pambayang Pamantasan.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa ngayong araw sa Ciudad Christhia ang Day 1 ng DOT Accreditation Orientation at Filipino Brand of Service Excellence Seminar para sa mga Tourism-related Establishments (TREs) sa ating bayan. Pinangunahan ito ng ating Municipal Tourism Office at dinaluhan ng higit sa 60 may-ari ng mga TREs at ng ilang kawani mula sa iba't ibang barangay sa ating bayan. Narito rin si Mayor Omie Rivera na nagpaabot ng kaniyang pasasalamat sa mga dumalo. Kaniyang binigyang diin ang kahalagahan ng oryentasyon na ito sa pag-aangat ng kalidad ng ating mga ibinibigay na serbisyo sa ating mga kababayan, partikular na sa mga turista.
Maraming salamat sa ating mga resource speakers na sina Bb. Janneth G. Regio at Bb. Christabelle Jan L. Jaraplasan, mga Tourism Operations Officer II ng Department of Tourism (DOT) IV-A. Dito sa Bayan ng San Mateo, susulong ang turismo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Masiglang nakibahagi nitong Sabado at Linggo, ika-11 at ika-12 ng Mayo 2024, ang mga batang lumahok sa ginanap na “PinTara: Pinta na Kabataang San Mateo!” sa Brgy. Sto. Niño at Brgy. Silangan. Pinangunahan ito ng San Mateo Local Youth Development Office (LYDO) katuwang ang mga youth volunteers, youth organizations, at Sangguniang Kabataan (SK) members.
Matapos makinig sa maikling bahagian ng kaalaman ukol sa paksang gender sensitivity at iba’t ibang istilo ng pagpipinta, ibinida ng mga batang kalahok ang kanilang pagkamalikhain. Katulad ng mga naunang sesyon ng Pintara sa ating bayan, tinitiyak ng ating Pamahalaang Bayan at ng San Mateo LYDO na ang ating mga programa para sa mga kabataan ay makapaglilinang ng kanilang kaalaman, kasanayan, at kamalayan.
Dito sa San Mateo, kahusayan at serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 41 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa ating selebrasyon ng San Mateo Farmers' Festival ngayong taon, magkakaroon ng MOTORCADE sa darating na Miyerkules, ika-15 ng Mayo 2024, mula 9:00AM hanggang 10:30AM. Magsisimula ito sa Nuestra Señora de Aranzazu patungo sa Hilario St., kakaliwa sa B. Mariano St., kakaliwang muli sa Salamat St., at kakanan pa-Gen. Luna Ave. pa-Banaba.
Pagkatapos nito ay kakaliwa sa Liamzon St., muling kakaliwa sa GSIS Rd. (Daang Bakal) at magdidire-diretso patungong Montaña, kakaliwa pa-A. Mabini St. patungong Gen. Luna St., kakanan pa-San Mateo St. at diretso pa-Brgy. Dulong Bayan I.
Isang masagana at masayang pagdiriwang para sa ating mga magsasaka! Viva San Isidro Labrador!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-14 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon ngayong araw sa ating municipal stadium ang ating mga kababayang solo parents at ang kanilang mga anak para sa isinagawang libreng Jendo Martial Arts at Arnis Outreach Training Program doon. Pinangunahan ng JENDO Philippines Association at San Mateo Rizal JENDO Martial Arts Association ang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa mga kalahok ukol sa Jendo at Arnis, kapwa mga uri ng martial arts o “sining panlaban” ng ating bansa.
Sa tema ng aktibidad na ito na “Anak ng Solo, Kontra Abuso”, layunin nitong makapagbigay ng kakayahan sa mga kalahok, partikular na sa mga anak ng solo parents, upang kanilang madepensahan ang kanilang mga sarili sakaling maharap sa anumang uri ng hindi inaasahang mga pangyayari o insidente. Ito ay sa pagtutulungan ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng San Mateo Rizal Solo Parents Association.
Bayan ng San Mateo, handa at maalam tayo dito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa ating pagdiriwang ng natatanging araw na ito para sa ating mga ina, isinagawa kaninang umaga ang Mother’s Day Special Fashion Show sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang Autism Society Philippines (ASC) - San Mateo Chapter at Persons with Disability Federation of San Mateo Rizal Inc. (PWDFSMRI).
Rumampa ang bawat inang kalahok kasama ang kanilang mga bibong anak at kaniya-kaniyang nagsiporma sabay ipinakita ang kanilang cute at sweet na pose. Nag-alay naman ng inspirasyunal na mensahe at isang espesyal na awitin para sa lahat si Konsi Grace Diaz na dumalo rin sa aktibidad na ito. Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa ating Mother’s Day Special Fashion Show!
Bida ang ating mga kababayan dito sa ating bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Maligayang Araw ng mga Ina!
Sa araw na ito, ating ipinagdiriwang at dinadakila ang bawat nanay saan mang panig ng mundo. Ating ginugunita ang kanilang inspirasyunal at kamangha-manghang kontribusyon sa paghubog ng ating pagkatao, at ang kanilang natatanging kalakasan at mapagmahal na mga puso.
Mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal ay isang mainit na pagbati ng Happy Mother’s Day sa mga ina sa ating bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ang isang biking at tree planting activity bilang kauna-unahang Arbor Day Project ng ating bayan sa pangunguna ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Tourism Office, at Sports Development Office.
Bago magsimula ang pagbibisekleta ng higit sa 130 kalahok ay kapwa nagbahagi sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas at Municipal Administrator Henry Desiderio ng mensahe ng pasasalamat at pagpapaalala na sila ay mag-ingat sa kanilang gagawing aktibidad. Sama-sama nilang binaybay ang kahabaan ng M.H. Del Pilar at Kambal Rd. hanggang sa makarating sa isang taniman sa Divine Mercy Village, Brgy. Guitnang Bayan I kung saan sila’y nagtanim ng mga budded calamansi.
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pagtataguyod ng mga makakalikasang aktibidad gaya ng pagbibisekleta at pagtatanim ng mga puno upang makatulong sa pagpapababa ng ating carbon footprint. Maraming salamat sa Boy Scouts of the Philippines, LODI Scouts, Kabalikat Civicom, TMBM Mountain Biking Association, Marilaque Mountain Biking Association, Municipal Engineering Bikers' Association, Softbox Bikers' Association, GFIVE Bikers' Association, at Rizal Bikers' Association sa inyong pakikibahagi sa ating Arbor Day Project.
Bayan ng San Mateo, bayang katuwang mo sa pangangalaga ng kalikasan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Maagang nagtipon ngayong araw ang 40 mga magsasaka sa Brgy. Pintong Bukawe Covered Court para sa isinagawang Business Startup Training Workshop doon. Pinangunahan ni G. Christian Libao mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ang talakayan at pagpapalalim ng kaalaman ng ating mga kababayan ukol sa pagsisimula ng isang negosyo–magmumula sa pagpaparehistro, preparasyon at pagpaplano, hanggang sa pagpapakilala ng mga programang mayroon ang DTI.
Ang aktibidad na ito ay sa pagtutulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO), Municipal Agriculture Office (MAO), at ng DTI. Sinisikap ng ating Pamahalaang Bayan na mabigyan ng kapaki-pakinabang na kasanayan at oportunidad ang ating mga kababayang magsasaka upang mapalago ang kanilang kabuhayan.
Dito sa San Mateo, oportunidad at kahusayan ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 40 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Kgg. Jojo Juta! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sinimulan ngayong araw sa New MDRRMO Building ang Day 1 ng Solid Waste Management Capacity Building: Social Transformation Through Environment Program (STEP) sa pangunguna ng ating San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office. Aktibong nakibahagi ang mga kalahok mula sa pamunuan ng iba’t ibang mga barangay sa diskusyon at aktibidad na pinangasiwaan ni Engr. Marlon Pielago mula sa Rizal Environment Natural Resources Office.
Sentro ng dalawang araw na pagsasanay na ito ang pagpapalalim ng kaalaman ng ating mga bagong halal na opisyales sa barangay ukol sa konsepto ng solid waste management. Ito ay upang ating maisulong ang kalinisan at pinaigting na sanitasyon sa ating bayan at matiyak ang magandang kalusugan ng ating mga mamamayan.
Dito sa ating bayan, patuloy nating pag-aaralan ang paggawa ng mga programa na makakatulong sa ating kapaligiran.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa darating na Sabado, ika-11 ng Mayo 2024, magkakaroon ng Prusisyon ng Via Lucis mula ika-7 hanggang ika-10 ng gabi. Magsisimula ito sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at babagtasin nito ang kahabaan ng Brgy. Sta. Ana, Brgy. Ampid II, Brgy. Guitnang Bayan I, at pabalik ng DSPNSDA.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng mga kalsadang dadaanan ng prusisyon. Inaabisuhan din ang lahat, partikular na ang mga motorista, na magdahan-dahan at bigyang daan ang mga nagpu-prusisyon.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pakikipagtulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO) ay magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa SM Supermarket (Supervalue Inc.). Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo sa ika-14 ng Mayo 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ang SM Supermarket ay nangangailangan ng mga sumusunod:
- Customer Assistants
- Cashiers
- Store Clerks
- Accounting Assistant
- Bagger
- Company Nurse
- Technical Assistant
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo lamang po kayo sa ating municipal lobby sa nakatakdang petsa at oras dala ang inyong updated resume at sariling ballpen. Maghanda rin para sa on-the-spot interview at hiring mula sa mga HR representative ng SM Supermarket.
Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of SM Supermarket
Isinagawa ngayong araw sa New MDRRMO Building ang oryentasyon para sa 50 mga kabataang benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES).
Pinangunahan nina Bb. Abigail Gilpo, Labor Employment Officer III mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), at mga kinatawan mula sa ating Public Employment Service Office (PESO) ang pagbabahagi sa kanila ng mga paunang kaalaman ukol sa SPES upang maihanda sila sa kanilang 20 araw na temporary employment.
Patuloy lamang ang ating paglulunsad ng mga kapaki-pakinabang na programa para sa ating mga kabataan dahil dito sa ating bayan, oportunidad ang handog namin sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang ating paggunita ng Arbor Day o Araw ng Pagtatanim ng mga Puno ngayong taon, magkakaroon ng cycling activity o pagbibisekleta sa darating na Sabado, ika-11 ng Mayo 2024, mula alas-5 hanggang alas-8 ng umaga.
Magsisimula ito sa munisipyo at dadaan sa kahabaan ng M.H. Del Pilar St., Kambal Rd., at C6 Rd. patungo sa Divine Mercy Village sa Brgy. Guitnang Bayan I.
Pansamantalang magkakaroon ng STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa mga kalsadang babaybayin ng mga magbibisekleta. Para sa kaligtasan ng lahat, magdahan-dahan po sa inyong pagdaan sa mga nabanggit na kalsada at bigyang daan ang ating mga siklista.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 41 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-9 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Masiglang nakibahagi ang mga kabataan sa ating bayan sa ginanap na “Kabataan Para sa Agrikultura at Magsasaka: Youth Immersion & Consultation with the Farmers” na pinangunahan ng San Mateo Local Youth Development Office (LYDO) at Damayang Migrante noong ika-4 ng Mayo 2024, sa St. Anne Farm, Brgy. Sta. Ana. Dito’y nagbahagi ng mensahe sina Konsi Boy Salen at Municipal Administrator Henry Desiderio ukol sa kahalagahan ng papel ng ating mga kabataan pagdating sa usaping food security at pagtataguyod ng industriya ng agrikultura.
Sa gabay ng mga kasamang magsasaka, nagkaroon ng hands-on experience ang mga kalahok sa paghahanda ng lupang pagtataniman at pamimitas ng bunga ng mga pananim. Pinangasiwaan naman ni G. Laorence “Chef Lao” Castillo ang pagkakaroon ng talakayan ukol sa food heritage at food security na sinundan ng kaniyang pagtuturo sa paghahanda ng mga plant-based na putahe na kanilang naging pananghalian.
Matapos ang salu-salo, nagbahagi sina G. Ernesto M. Cristobal, isang kabataang magsasaka, at G. Francisco M. Luzong Jr. ng kanilang mga kinakaharap na suliranin bilang magsasaka. Ipinarating din nila ang kanilang saloobin ukol sa pangkabuuang lagay ng agrikultura sa ating bayan. Nagsagawa rin ng konsultasyon ang LYDO sa mga magsasakang naroon upang malaman ang kanilang mga hinaing at mga interbensyong maaaring tumugon sa mga ito.
Dito sa San Mateo, boses ng ating mga kababayan, bibigyang lakas at pakikinggan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos by Princess Cañonero/ San Mateo LYDO
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pagsisimula kahapon, ika-6 ng Mayo 2024, ng DSWD Risk Resiliency Program through Cash-for-Training and Work sa ating municipal stadium. Isa itong 10-day program kung saan ay sasailalim sa iba’t ibang trabaho ang mga benepisyaryo nito mula sa bawat barangay sa ating bayan.
Sa unang araw isinagawa ang oryentasyon para sa naturang programa at ang pagbabahagi ng kaalaman ng ating mga guest speakers. Sa mga susunod na araw naman ay magpapatuloy na ang mga benepisyaryo sa kanilang field work o aktuwal na pagsasagawa ng kanilang mga trabaho.
Layunin ng programang ito na makapagbigay hindi lamang ng karagdagang mapagkakakitaan sa ating mga kababayan kundi pati na rin ang mapaigting ang kanilang kakayahan sa pagharap sa anumang sakunang maaaring maganap.
Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Information and Communications Technology Office (ICTO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan.
Ilan sa mga pinakatampok dito ay ang kanilang paglulunsad ng mga proyektong tulad ng SMR Free WiFi, SMR Text Blast, patuloy na pagkakabit ng karagdagang mga CCTV sa iba’t ibang mga lugar sa ating bayan, at maging ang pagbabahay-bahay upang mamahagi ng kopya ng mga emergency hotline numbers. Kasama na rin dito ang kanilang walang patid na pagbibigay ng suportang teknikal sa mga aktibidad ng iba’t ibang mga departamento ng ating Pamahalaang Bayan. Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtungo ang ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa Brgy. Dulong Bayan I ngayong araw upang mamahagi ng food packs at ilang gamit sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog dito. Pasado alas-10 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa naturang barangay kahapon na tumupok sa ilang kabahayan sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. Kabilang sa mga bahay na nasunog ay ang isang ancestral house na nasa higit 100 taon nang nakatayo.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection - San Mateo, tinatayang aabot sa PHP 7M ang halaga ng mga natupok na ari-arian. Ang sanhi naman ng sunog ay patuloy pa ring inaalam. Sa ngayon ay isinasagawa na ang pagkukumpuni ng mga naapektuhang kable ng kuryente, telepono, at internet sa lugar.
Manatiling alerto at ligtas, mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-7 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Alinsunod sa Proclamation No. 368, s. 2003 ni dating Pangulo Gloria Arroyo, ating ginugunita taon-taon ang buwan ng Mayo bilang Cervical Cancer Awareness Month. Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa malawakang kampanya na mapataas ang kamalayan ng ating mga kababayan ukol sa sakit na cervical cancer. Gayon na rin ang kahalagahan ng maagang pagtuklas nito sa mga kababaihan upang bigyang daan ang kanilang maagang gamutan.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ngayong araw ng San Mateo Municipal Anti-Drug Abuse Council (SAMMADAC) ang ginanap na completion ceremony ng ikatlong batch ng ating mga kababayang tagumpay na nakapagtapos sa ilalim ng Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP). Matapos ang 8 linggong pagtitipon at pakikibahagi sa diskusyon at counseling ng mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) sa ating bayan, higit 40 sa kanila ang grumadweyt at ginawaran ng sertipiko sa ating municipal stadium. Ito na ang pinakamaraming bilang ng mga CBDRP graduates kumpara sa naunang dalawang batch ng mga nagsipagtapos simula noong nakaraang taon.
Nagbahagi ng mga makabuluhang mensahe sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, at Konsi Jojo Mariano. Ayon sa kanila, ang pagtatapos na ito ng mga PWUDs ay ang simula na rin ng kanilang tuluyang pagbabagong buhay at pagsasaayos ng kanilang mga naligaw na landas. Mensahe naman ng pasasalamat ang ipinarating ng isa sa mga gradweyt na nagbahagi ng kaniyang karanasan sa CBDRP.
Pagbati ng isang maligayang pagtatapos para sa ating ikatlong batch ng mga CBDRP graduates! Bayan ng San Mateo, bayang suporta at kalinga ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa ating selebrasyon ng Flores de Mayo ngayong taon, magsasagawa ng Prusisyon ng Flores de Maria ngayong araw ng Sabado, ika-4 ng Mayo 2024, mula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi. Magsisimula ito sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (NSDA) at babagtasin ang kahabaan ng mga kalye ng Brgy. Sta Ana, Brgy. Guitnang Bayan I at II, at Brgy. Dulong Bayan I bago bumalik sa NSDA.
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. sa kasagsagan ng pagsasagawa ng prusisyon. Inaabisuhan ang mga motorista na bagalan ang pagmamaneho upang makapagbigay-daan sa prusisyon. Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling pinangunahan ni Mayor Omie Rivera at ng San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO ang pagbisita at paggawad ng cash gift kay Lola Cirila Fajardo sa kaniyang tahanan sa Brgy. Banaba ngayong araw.
Malugod na pagbati sa inyong pagsapit ng ika-103 taong gulang, Lola Cirila! Pagbati rin sa lahat ng mga centenarian sa ating bayan. Dito sa San Mateo, may kalinga para kina lolo at lola!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bahagi ng C6 Road Dapayan (patungong Timberland) sa Brgy. Guitnang Bayan I simula Lunes, ika-6 ng Mayo, hanggang ika-31 ng Agosto 2024.
Magpapatupad dito ng STOP AND GO TRAFFIC SCHEME kaya asahan ang posibleng pagbigat ng trapiko sa lugar. Para sa kaligtasan ng lahat, lalong-lalo na ng ating mga motorista, magdahan-dahan po sa inyong pagdaan sa naturang lugar at tingnang mabuti ang mga heavy equipment, hukay, at manggagawa sa daanan. Inaabisuhan din ang mga pedestrian at mga joggers na panatilihin ang pagdaan sa mga designated lanes.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ipinamalas ni Lance, isang 3rd-year Accounting and Information System student at scholar ng San Mateo Municipal College, ang kaniyang natatanging husay sa pag-awit sa Tawag ng Tanghalan - The School Showdown ng It's Showtime kahapon, ika-1 ng Mayo 2024. Itinanghal siya bilang "Daily Winner" nang siya'y bigyan ng 95.3% na marka ng mga hurado sa kaniyang rendisyon ng "Kung Tayo" ng rapper at singer-songwriter na si Skusta Clee.
Hanga kami sa iyong ipinamalas na galing at talento sa entablado ng Tawag ng Tanghalan, Lance!
Basta usapang husay, puso, at talento, bida ang kabataang San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bunsod ng nananatiling mataas na heat index forecast ng PAGASA, paiiralin sa LAHAT ng mga PAMPUBLIKONG PAARALAN sa ating bayan ang ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING simula bukas ng Huwebes, ika-2 ng Mayo, hanggang Biyernes, ika-3 ng Mayo 2024.
PAGLILINAW:
Nasa pamunuan ng mga PRIBADONG PAARALAN ang diskresyon kung mananatili ito sa face-to-face setup o paiiralin din ang distance learning.
Manatiling ligtas mula sa banta ng mainit na panahon sa ating kalusugan at tumawag lamang sa mga numerong ito sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-2 ng Mayo 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 44 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang Academe Deo Favente International Inc. ay nangangailangan ng mga guro.
Atin pong hinihikayat ang mga interesadong aplikante na magpasa ng kanilang updated resume sa conradmayari@gmail.com o sa academedeo@yahoo.com. Maaari ring tumawag sa kanilang numero: (02) 8463-1254 at 09178414212 o magtungo sa kanilang tanggapan sa Phase 2, Sta. Barbara Villas 1, Brgy. Silangan.
Para sa mga kwalipikasyon, tingnan lamang ang larawan sa ibaba. Maraming trabaho ang naghihintay sa iyo kababayan! Apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication material courtesy of Academe Deo Favente International Inc.
Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan sa pagkilala at pabibigay-pugay sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa ating bayan, bansa, at saan mang dako ng mundo. Ang inyong tatag, determinasyon, at pagsusumikap upang magtagumpay sa inyong mga gawain at tungkulin ay tunay na natatangi at kahanga-hanga.
Maraming salamat sa inyong serbisyo! Mabuhay kayo!
#LaborDay2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ngayong araw, ika-1 ng Mayo 2024, ipinagdiriwang ng ating mga kababayang Katoliko ang Kapistahan ni San Jose Manggagawa. Magsilbi nawa natin siyang gabay at pamarisan natin ang kaniyang mabuting halimbawa bilang isang masipag at masikap na manggagawa na mayroon ding matapat na pag-ibig sa Panginoon. San Jose, ipanalangin po ninyo kami.
Maligayang Kapistahan ni San Jose Manggagawa!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang ipapatupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME bukas, ika-1 ng Mayo 2024, sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. upang magbigay daan sa isasagawang parada at prusisyon ng Parokya ng San Jose de Ampid bilang selebrasyon ng Kapistahan ni San Jose Manggagawa.
PARADA (6:00 AM - 8:00 AM)
Magsisimula ang parada sa Doña Pepeng Chapel sa Brgy. Banaba at babagtasin nito ang kahabaan ng Gen. Luna Ave., Miguel Cristi (Paraiso), Daang Bakal, at JFD Ave., patungong San Jose de Ampid Parish sa Rafaela 2 Subdivision, Brgy. Ampid I.
PRUSISYON (6:00 PM - 8:00 PM)
Magsisimula ang prusisyon sa San Jose de Ampid Parish at babagtasin nito ang kahabaan ng JFD Ave., Daang Bakal, Miguel Cristi (Paraiso), Consolacion St., B. Mariano St., Salamat St., Gen. Luna Ave., JFD Ave., at pabalik sa San Jose de Ampid Parish.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang isasara hanggang alas-6 ng gabi ngayong araw ang kahabaan ng Daang Bakal sa Brgy. Ampid I, mula Torres Amado St. hanggang C6 Bypass Road. Bunsod ito ng isinasagawang emergency repair works ng Meralco dahil sa kawalan ng kuryente sa lugar.
Inaabisuhan ang ating mga kababayang motorista na dumaan muna sa Gen. Luna Ave. at gamitin ito bilang alternatibong ruta.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Photos courtesy of San Mateo DPOS
Dahil sa ating patuloy na nararanasang matinding init sa buong paligid, narito ang ilang safety tips upang maprotektahan natin ang ating mga sarili sa ganitong mga panahon.
1. Uminom ng maraming tubig at stay hydrated!
2. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng inyong bahay sa mga oras na tirik ang araw.
3. Sakaling kailangang lumabas ng bahay, siguruhin ang paggamit ng payong at sumbrero bilang proteksyon mula sa araw. Magpahid na rin ng sunblock.
4. Magsuot ng maluluwag at komportableng damit.
5. Umiwas muna sa pag-inom ng iced tea, carbonated drinks, kape, at mga nakalalasing na inumin.
Sama-sama nating labanan ang banta ng matinding init ng panahon sa ating kalusugan. Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 42 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-1 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Ilan sa mga pinakatampok dito ay ang kanilang pagsasagawa ng mga Disaster Preparedness Trainings para sa iba’t ibang mga establisyemento sa ating bayan, maging sa mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan; pangunguna sa mga mahahalagang pagsasanay tulad ng Basic Incident Command System Training at Emergency Operation Center Training; at ang kanilang pagsusumikap upang makamit natin ang “Fully Compliant” na parangal sa 23rd Gawad Kalasag Seal of Excellence ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Pagkatapos ng kanilang pag-uulat, isinagawa naman ang turnover ceremony para sa ipinagkaloob na mga kagamitang pangresponde ng Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints sa MDRRMO. Sinundan ito ng pagkakaloob naman ng Public Safety Savings and Loans Associations, Inc. (PSSLAI) ng mga kagamitang pang-opisina sa Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Masigla ang naging pagsisimula ng Bivalent Oral Polio Supplemental Immunization Activity sa ating bayan ngayong araw—pinakauna sa buong lalawigan ng Rizal na pinaglunsaran ng implementasyon na ito ng Department of Health (DOH). Higit sa 100 mga mag-aaral ng ating Early Childhood Care and Development (ECCD) Centers ang nagtipon sa ating municipal stadium upang tumanggap nito.
Narito rin sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Provincial Health Team Leader Dr. Voltaire Guadalupe at ating Municipal Health Officer Doc. Nyl Jarem Amoroso. Kanilang ipinarating ang kahalagahan ng pagiging bakunado ng mga bata sa ating bayan tungo sa ating pagiging isang polio-free na San Mateo.
Ang pagsasagawa ng bakunahang gaya nito ay upang mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa vaccine preventable diseases (VPDs). Magtatagal ito sa buong buwan ng Mayo kaya’t antabayanan lamang ang pag-ikot ng ating mga Municipal Nutrition Scholars (MNS) at Barangay Health Workers (BHW) sa inyong mga barangay para bakunahan ang mga batang nasa edad 0-59 buwan gulang.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init ngayong araw, sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ikaw ba ay isang owner o manager ng hotel, resort, restaurant, homestays, at iba pang uri ng Tourism-related Establishments (TREs) dito sa ating bayan? Kung oo, tinatawagan ka namin!
Maging bahagi ng ating 2-day DOT Accreditation Orientation at Filipino Brand of Service Excellence Seminar para sa mga Tourism-related Establishments! Gaganapin ito sa Ciudad Christhia Resort (9 Waves) sa ika-13 hanggang ika-14 ng Mayo 2024 (Lunes hanggang Martes). Narito ang link para sa mga nais magparehistro: https://forms.gle/HiMygXRGJhR6fepT7
Layunin ng ating Pamahalaang Bayan na mapataas pa ang bilang ng mga DOT-accredited na mga TRE sa ating bayan. Sa pagiging akreditado, ating nasisiguro na dekalidad ang ating serbisyo at may kapanatagan ng loob sa atin ang ating mga kliyente. Kaya halina’t maging bahagi at matuto mula sa oryentasyong ito, kababayan!
MAHALAGANG PAALALA:
- Maaaring magparehistro hanggang May 10, 2024
- Limitado lamang sa 65 katao ang maaaring sumali sa orientation na ito
- 1 kinatawan o representative lamang ang maaaring magparehistro kada isang TRE
- LIBRE ang orientation at seminar na ito
Dito sa Bayan ng San Mateo, susulong ang turismo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-30 ng Abril 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bunsod ng pinakahuling heat index forecast ng PAGASA at ng gaganaping malawakang transport strike, paiiralin sa LAHAT ng mga PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa ating bayan ang ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING simula bukas ng Lunes, ika-29 ng Abril, hanggang sa Martes, ika-30 ng Abril 2024.
Manatiling ligtas mula sa banta ng mainit na panahon sa ating kalusugan at tumawag lamang sa mga numerong ito sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ang contract signing para sa Discount Coupon Launching at ang pamamahagi ng discount coupons sa mga kinatawan ng iba’t ibang mga Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) sa ating bayan. Pinangunahan ang aktibidad na ito nina Congressman Jojo Garcia, Mayor Omie Rivera, Land Transportation Office - San Mateo Extension Office Chief Edgar Cabase Jr., 1SS (One-stop Shop) San Mateo, Inc. President Jay Ferdinand Bautista, at GBSTODA President and Federation Chairman Danilo Parco. Narito rin sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Jojo Juta, Konsi Boy Salen, mga punong barangay, kinatawan ng punongbayan ng Montalban G. Giles Michael Alvarez, Ret. Maj. Ramil San Jose ng Department of Public Order and Safety (DPOS), at mga TODA presidents.
Layunin ng aktibidad na ito na tulungan at bigyang diskwento ang mga TODA sa ating bayan sa mga ilang mga serbisyo ng LTO gaya ng pagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan at aplikasyon para sa renewal ng lisensya. Ito rin ay para sa ating pagtitiyak na ang ating mga kababayang mananakay ay ligtas at may kapayapaan ng loob sa kanilang pagsakay sa mga rehistradong tricycle.
Maraming salamat po, Cong. Jojo Garcia sa inyong tulong sa aming bayan! Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong Miyerkules, ika-24 ng Abril 2024, sa ating Municipal Stadium ang Information Education Communication (IEC) Campaign na pinangunahan ng ating Animal Welfare Office (AWO) at Municipal Agriculture Office (MAO). Higit sa 1, 200 mga mag-aaral mula sa San Mateo Municipal College ang nagsipagdalo rito upang makibahagi sa makabuluhang diskusyon hatid ng Animal Kingdom Foundation, San Mateo Municipal Health Office (MHO), at San Mateo Local Youth Development Office (LYDO). Narito rin sina Vice Mayor Jimmy Roxas at SMMC President Dr. Reldino R. Aquino.
Ang nagdaang aktibidad ay ang ating pinaigting na kampanya upang mapataas pa ang kamalayan ng ating mga kababayan pagdating sa responsible pet ownership, rabies awareness para ating mga sarili at sa ating mga alagang hayop, at ang mga interbensyong kakailanganin upang mapabuti ang kalagayan ng ating mga fur babies.
Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo at kalinga ang handog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Posibleng umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index o ang ating mararamdamang init sa pagitan ng mga oras mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon. Hangga't maaari ay iwasang lumabas ng bahay o bawasan ang inyong mga outdoor activities upang maingatan ang inyong mga sarili laban sa matinding init ng panahon.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng ating Public Employment Service Office (PESO) ang “Streamlined Migration Symposium (SMS): “Kabataan! Mag aabroad ka, Sure Ka Na Ba?” nitong Lunes, ika-22 ng Abril 2024, sa ating municipal stadium. Higit 600 mga mag-aaral sa San Mateo Municipal College ang dumalo rito upang magkaroon ng karagdagang kaalaman at gabay pagdating sa pagpili ng karera o pagtanggap ng mga oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa.
Dumalo rin dito sina Mayor Omie Rivera, Konsi Jojo Juta, Bb. Jennifer Jumbas at Bb. Rachel Molino mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at mga kinatawan mula sa Global Filipino Movement (GFM) at San Mateo OFW Federation. Nawa’y naging mabunga para sa lahat ng ating mga kabataang mag-aaral ang ating nagdaang aktibidad. Maraming salamat din sa ating mga naging katuwang upang maisakatuparan ang migration symposium na ito.
Dito sa San Mateo, sinisikap nating maihanda ang mga kabataan para sa kanilang kinabukasan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bunsod ng matinding init ng panahon na ating nararanasan, SUSPENDIDO na bukas, ika-26 ng Abril 2024, ang FACE-TO-FACE CLASSES sa LAHAT NG ANTAS sa mga PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN sa ating bayan. Pansamantala munang iiral ang Modular Distance Learning bukas.
Manatiling ligtas mula sa banta ng mainit na panahon sa ating kalusugan at tumawag lamang sa mga numerong ito sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsimula ngayong araw ang 4-day Orientation and Workshop on Public Health Surveillance para sa mga public health workers ng ating bayan. Dinaluhan ito ng mga doktor, nurse, midwife, at vaccinator mula sa iba’t ibang rural health units (RHUs) ng ating bayan.
Dito’y tinalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman at pinaigting na kahandaan ng ating mga health workers upang maging mabisa at maagap ang kanilang pagsubaybay sa mga karamdamang maaaring lumaganap sa ating bayan. Daan ito upang agad nating maagapan ang pagkalat ng anumang karamdaman na maaari ring maging banta sa pampublikong kalusugan.
Maraming salamat sa ating mga resource speaker mula sa DOH Center for Health Development - Regional Epidemiology and Surveillance Units na sina Bb. Ms. Richel O. Garcia, RN, Bb. Desiree Mae V. Samson, RN, G. Earl Archim Bautista, RN, at Bb. Ruth Picones, RN!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa ngayong araw sa Brgy. Ampid I Covered Court ang “Ayos ka Lungs?” Libreng Chest X-ray sa pangunguna ng ating San Mateo Municipal Health Office (MHO). Higit sa 130 katao ang nagpunta rito upang makapagpasuri nang libre at malaman kung sila ay positibo sa sakit na tuberculosis (TB). Mayroon din ditong inihahandog na libreng HIV screening.
Sakali mang magpositibo sa naturang karamdaman matapos lumabas ang inisyal na resulta ng chest X-ray, libreng serye ng mga pagpapasuri at gamutan pa rin ang ating maihahandog sa ating mga kababayan ayon sa MHO. Nakatuwang natin sa programang ito ang RCG Premier Foundation Inc., isang nonprofit organization na nakatuon sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong medikal sa mga komunidad sa iba’t ibang mga bayan sa ating bansa sa pamamagitan ng kanilang Mobile Health Clinic. Maraming salamat sa inyong hatid na tulong sa aming bayan!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Inaasahang aabot hanggang sa 42 degrees Celsius ang maximum heat index sa ating bayan ngayong araw. Inaabisuhan ang lahat na mag-ingat sapagkat sa ilalim ng ganito kainit na temperatura ay maaari tayong makaranas ng heat cramps at matinding kapaguran o pagkahapo.
Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pakikipagtulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO) ay magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa Earthsmart Human Resource Philippines, Inc. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo sa ika-30 ng Abril 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras dala ang inyong updated resume at sariling ballpen. Maghanda rin para sa on-the-spot interview at hiring mula sa mga HR representative ng Earthsmart Human Resource Philippines, Inc.
Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication material courtesy of Earthsmart Human Resource Philippines, Inc
Nagkaroon ng 1-day league para sa larong softball nitong nakaraang Linggo, ika-21 ng Abril 2024, sa isang open field sa Brgy. Guinayang. Nilahukan ito ng mga manlalaro mula sa ating bayan ng San Mateo, bayan ng Montalban, Angono, at lungsod ng Marikina. Dumalo at nakisaksi rito sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Bokal JP Bautista, Konsi Jojo Mariano, Kap. Arwin Del Rosario, at mga kagawad ng Brgy. Guinayang. Sa pagtatapos naman ng laro ay itinanghal na kampyon ang Compadres na mula sa Marikina.
Ang 1-day softball league na ito ay inorganisa ni Konsi Jojo Mariano bilang pag-alala sa yumaong dating Board Member ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal na si Atty. Rolando “Atto” Rivera—ating kababayan mula sa San Mateo, Rizal na nagsilbi rin bilang Executive Vice President ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPHIL).
Nawa’y manatiling buhay ang larong softball sa ating bayan at sa ating bansa. Patuloy sana itong tangkilikin ng ating mga kababayan at dumami pa ang nais na matuto at maglaro nito.
Dito sa San Mateo, isinusulong natin ang pagiging aktibo ng ating mga kababayan sa larangan ng palakasan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-25 ng Abril 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Masigla ang naging mga tagpo sa nagdaang “Sama-samang Pagtataguyod ng Kabataang Sektor: Youth Assembly and Consultation” na pinangunahan ng ating Local Youth Development Office (LYDO). Ginanap ito noong Linggo, ika-21 ng Abril 2024, at dinaluhan ng higit sa 250 mga kabataan.
Aktibong nakibahagi ang bawat isa sa iba’t ibang mga inihandang aktibidad. Nagsimula ito sa konsultasyon sa mga kabataan kung saan kanilang ipinarating ang mga suliraning kanilang nararanasan at kinakaharap gaya ng kahirapan, pagkakaroon ng ligtas na espasyo para sa mga kababaihan, at karagdagang mga programa para sa Youth not in employment, education or training (NEET). Nagkaroon din dito ng learning session ukol sa paksang ‘professional purpose’ sa pangunguna ni G. Hector Villegas, isang life coach at learning facilitator.
Nagpaabot ng mga makabuluhang mensahe para sa kabataan sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Bokal JP Bautista, Provincial Youth Development Officer Atty. Angelica Bernardo, at Sangguniang Kabataan (SK) Pederasyon President Kyla Ray P. Escobar. Ayon din kay Atty. Bernardo, ang pagtitipong ito ng mga kabataan sa ating bayan ang pinakalamalaking pagtitipon na kaniyang napuntahan sa buong lalawigan ng Rizal kaya’t ating binabati at pinasasalamatan ang lahat ng mga kabataang nakibahagi rito bilang mga kalahok at organisador!
Sa bayan ng San Mateo, may boses ang kabataan dito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalLYDO
#SanMateoRizalPIO
Sa pangunguna ng ating Municipal Health Office (MHO) ay magkakaroon ng LIBRENG chest X-ray para sa ating mga kababayang nasa edad 15 taong gulang pataas sa darating na Huwebes, ika-25 ng Abril 2024, sa Brgy. Ampid I Covered Court. Magsisimula ito sa ganap na alas-8 ng umaga at magtatapos naman sa alas-3 ng hapon.
MAHALAGANG PAALALA: Limitado lamang ang ating mahahandugan ng libreng serbisyong ito. Para lamang ito sa UNANG 150 katao. Halina at magpasuri para sa malusog na baga!
b
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng Capilpil Cemetery at ng ating Solid Waste Management Office (SWMO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan.
Patuloy ang pagsusumikap ng pamunuan ng ating pampublikong sementeryo upang maayos na mapangasiwaan ang pangkabuuang proseso rito at upang mapagbuti pa ang kalagayan ng sementeryo. Gayundin ang ating SWMO na paiigtingin pa ang kanilang pakikipag-ugnayan sa bawat barangay upang masiguro ang pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang mga lugar.
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtapos na ang 8 araw na Digital Business Basic Training na hatid ng MSWDO at ng ATRIEV Computer Training Center for the Visually Impaired sa ating mga kababayang Visually Impaired Persons (VIPs) nitong ika-19 ng Abril 2024. Ang Digital Business Basic Training ay serye ng mga pagsasanay na nagbibigay kaalaman at nagpapalalim ng kakayahan ng mga VIPs pagdating sa online business.
Bilang parte ng kulminasyon ng naturang aktibidad, nagpa-raffle ang PLDT Smart ng 3 pocket wifi at 1 brand new smartphone para sa mga nakatapos. Makapagbibigay suporta ang mga kagamitang ito sa kanilang nais na itayong online business. Nagbahagi rin ng mensahe ng pasasalamat sina Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jimmy Roxas sa oportunidad na naibahagi ng ATRIEV sa ating mga kababayang PWDs na nagnanais umunlad sa pagnenegosyo.
Maraming salamat ATRIEV, PLDT Smart, at sa lahat ng mga nakibahagi sa ating Digital Business Basic Training! Sa Bayan ng San Mateo, mayroong kasanayan at kahusayang maihahandog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pandaigdigang selebrasyon ng Earth Day ngayong araw. Sa tema nito ngayong taon na “Planet vs. Plastics”, tayo’y maging malay sa peligrong dala ng mga single-use plastics sa kalusugan ng tao at ng mundo. Makibahagi rin tayo sa pandaigdigang panawagan na wakasan ang paggamit ng plastic upang maibsan ang polusyon sa ating kalikasan.
Sama-sama at tulong-tulong tayo tungo sa isang masigla at luntiang pamayanan at bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-23 ng Abril 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Hon. Jaime Romel M. Roxas! Maraming salamat sa mabungang pag-uugnayan ng Sangguniang Bayan sa ehekutibong sangay ng ating Pamahalaang Bayan na nagbubunsod ng ibayong pagseserbisyo sa ating mga kababayan.
Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ngayong panahon ng tag-init at sunod-sunod na mga outing, manatiling ligtas sa panganib na dala ng sunog sa pamamagitan ng pagsunod sa mga fire safety tips na ito:
- Huwag pabayan ang inyong mga ihawan
- Maging maingat at bantayang maigi ang inyong siga o campfire
- Linisin/alisin ang mga tuyong damo at halaman sa paligid ng inyong bahay
br
- Tiyaking mayroong plano sakaling magkaroon ng emergency
Sakaling mangailangan ng tulong, narito ang mga numerong maaaring tawagan:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Mas masaya ang ating bakasyon at pagtitipon-tipon kung tayo ay ligtas sa sunog, kababayan! Alerto tayo dito sa San Mateo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap kaninang umaga ang pamamahagi ng mga prepacked na bigas sa ating mga kababayang senior citizens, Persons With Disability (PWD), at solo parents sa Brgy. Pintong Bukawe. Ang aktibidad na ito ay pinangunahan at pinangasiwaan ng ating Pamahalaang Bayan, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, WawaJVCo Inc., at Prime Infrastructure Foundation, Inc.
Maraming salamat sa lahat ng mga nakibahagi sa aktibidad na ito! Sa Bayan ng San Mateo, mayroong serbisyo at kalingang maihahandog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Handog ng tanggapan ni Sen. Pia Cayetano at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong pinansiyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa ating mga kababayan, partikular na sa mga kababaihan. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng ating Special Concerns Unit na pinangungunahan ni G. Roy Monsalud. Ginanap ito ngayong araw sa Brgy. Ampid II kung saan halos 200 mga benepisyaryo ang tumanggap ng financial assistance.
Maraming salamat sa inyong suporta at mga kaloob sa ating mga kababayan, Sen. Pia Cayetano at DSWD!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Handog ng tanggapan ni Sen. Pia Cayetano at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong pinansiyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa ating mga kababayan, partikular na sa mga kababaihan. Ito ay sa pakikipag-ugnayan ng ating Pamahalaang Bayan, sa pamamagitan ng ating Special Concerns Unit na pinangungunahan ni G. Roy Monsalud. Ginanap ito ngayong araw sa Brgy. Ampid II kung saan halos 200 mga benepisyaryo ang tumanggap ng financial assistance.
Maraming salamat sa inyong suporta at mga kaloob sa ating mga kababayan, Sen. Pia Cayetano at DSWD!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pakikipagtulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO) ay magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa SM Appliance Center. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo ngayong Biyernes, ika-19 ng Abril 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ang SM Appliance Center ay nangangailangan ng mga sumusunod:
- Inventory Assistant
- Customer Service Assistant
- Warehouse Assistant
- Sales Dispatching Assistant
- Visual Display Assistant
- Sales Assistants
- Counter Assistants
- Cashiers
- Sales Clerks
- Stock Clerks
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras, dala ang inyong updated resume at sariling ballpen. Maghanda rin para sa on-the-spot interview at hiring mula sa mga HR representative ng SM Appliance Center.
Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publicity material courtesy of SM Appliance Center
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-18 ng Abril 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon ngayong hapon para sa Usufruct Agreement Signing ang pamunuan ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna nina Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jimmy Roxas kasama ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pangunguna nina Regional Director JCSUPT. Hilbert Flor, MPSA, BJMP San Mateo - Male Dorm Jail Warden Atty. Alex Vega, at BJMP San Mateo - Female Dorm Jail Warden JINSP. Marjorie Azcune.
Ang paglagda sa naturang kasunduan ay isang hakbang patungo sa pagkamit ng ating Pamahalaang Bayan at ng BJMP San Mateo sa pangarap nitong makapagpatayo ng disente at mas maayos na piitan para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ating bayan.
Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tiyakin ang proteksyon at panlaban ni baby kontra sa mga virus na maaaring magdulot ng anumang sakit o karamdaman. Bumisita at makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong barangay o sa ating Super Health Center sa Brgy. Guitnang Bayan I upang kumpletuhin ang mga bakuna sa unang taon ni baby. Limang (5) bisita lamang ang kinakailangan ng iyong anak mula sa siya’y maging 1 and a half months old hanggang sa siya ay maging 12 months old!
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating General Services Office (GSO) at Motorpool Unit. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan. Tiniyak nila na nakatuon ang kanilang pagseserbisyo sa pagbibigay ng ganap at naaayong suporta sa bawat opisina o tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan.
Matapos ang mga pag-uulat ay nagkaroon naman ng pagkilala sa nagwaging mga kabataang atleta ng ating bayan sa nagdaang Batang Pilipino Basketball League 18 Under at National Youth Basketball League 19 Under Division. Maligayang pagbati sa ating Team San Mateo Hoopers at nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang naging pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng ating Public Employment Service Office (PESO) ang pagsasagawa ng interview para sa higit 100 mga benepisyaryo ng Student Employment Assistance Program (SEAP) ngayong araw sa ating municipal stadium.
Pagkatapos nito ay magkakaroon ng orientation para sa mga matatanggap na aplikante at sa buwan ng Hunyo naman sila nakatakdang magsimula sa kanilang temporary employment sa munisipyo o sa barangay. Handog ng SEAP sa ating mga kabataang mag-aaral at sa mga out-of-school youth (OSY) ang oportunidad na magkaroon ng panandaliang trabaho upang makatulong sa pantustos sa kanilang mga pangangailangan.
Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo at oportunidad ang handog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bandang alas-10 ng umaga ngayong araw nang may itinawag na isang fire incident sa New Villa Anita sa Brgy. Silangan. Ayon sa mga nakasaksi, mayroon pang batang naiwan sa loob ng natutupok na bahay na kaagad namang nasaklolohan ng isang residente sa lugar.
Dagliang rumesponde sa lugar ang ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), BFP R4A San Mateo Fire Station , BDRRMO Silangan at Guitnang Bayan I, at DPOS. Sa ilang minuto lamang ay idineklara na rin itong fire out ng BFP at wala ring naitalang casualty. Bagaman hindi pa natutukoy ang pinagmulan ng sunog, faulty wiring ang hinihinalang sanhi ng mga residente rito.
Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Barangay Silangan ang apat na indibidwal na naninirahan sa nasunog na bahay. Nakapagpaabot na rin sa kanila ang ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng ilang mga kagamitan bilang paunang tulong gaya ng kumot, kulambo, sleeping mats, at food packs. Isinasagawa na rin ang assessment upang mailapit ang pamilya sa pagkuha ng financial assistance.
Manatiling alerto, mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa pambansang pagdiriwang ng Solo Parents’ Week alinsunod sa Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Ating kinikilala at hinahangaan ang natatanging tibay at tatag na ipinapamalas ng ating mga kababayang solo parents sa pagsuporta at pagtataguyod sa kanilang mga anak.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-16 ng Abril 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
br
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang Autism Society Philippines - San Mateo Chapter (ASC-SMC) ang isang hydrotherapy session sa The Holiday Bliss Resort sa Brgy. Gulod Malaya ngayong araw. Nilahukan ito ng higit sa 90 mga kabataang may autismo sa ating bayan.
Sa patnubay ni Bb. Rita Aquino, isang Disability and Development Specialist at Community-based Inclusive Development (CBID) Consultant, masiglang nakibahagi sa bawat aktibidad ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang. Matapos ang hydrotherapy session, sumailalim naman sa counseling ang mga magulang at sila’y nabahagian ng ibayong gabay sa pag-intindi at pangangalaga sa pangkabuuang kalusugan ng kanilang mga anak.
Bayan ng San Mateo, bayang serbisyo at kalinga ang handog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa ngayong araw sa Sta. Maria Subd., Phase 5 Covered Court, Brgy. Banaba ang libreng konsultasyon at bakunahan kontra rabies para sa ating mga alagang aso’t pusa. Simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 tanghali ay umabot sa halos 300 mga fur babies ang nakatanggap dito ng anti-rabies vaccine at health checkup ayon sa tala ng Municipal Agriculture Office (MAO) na siyang nanguna sa aktibidad na ito.
Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa paglulunsad ng mga kapaki-pakinabang na mga programa para sa ating mga kababayan. Dito sa San Mateo, alaga ang iyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsimula nitong Miyerkules, ika-10 ng Abril 2024, ang 8 araw na Digital Business Basic Training na hatid ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Katuwang nila rito ang ATRIEV, isang nonprofit organization na nakatuon sa pagbibigay kaalaman at pagpapataas ng kasanayan ng mga taong may kapansanan, partikular na ang mga Visually Impaired Persons (VIPs).
Nakapaloob sa 8 araw na basic training ng ating mga kababayang Persons with Disabilities (PWDs) ang iba’t ibang uri ng mga pagsasanay na pangungunahan ng mga tagapagsanay mula sa ATRIEV. Nilalayon ng aktibidad na ito na magkaroon sila ng sapat na kaalaman at kahandaan sa pagpasok sa online business. Karagdagang oportunidad ito na maaaring magbunsod ng kanilang kaunlarang pangkabuhayan.
Dito sa San Mateo, mayroong kasanayan at kahusayang maihahandog sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ngayong pambansang araw ng ating mga alagang aso’t pusa, ating alalahanin ang kahalagahan ng ating gampanin bilang kanilang mga pet owners. Hindi lamang tayo nagsisilbing kanilang tagapangalaga kundi pati na rin kaibigan at kapamilya. Tayo’y maging mga responsableng fur parents sa ating mga fur babies!
Happy National Pet Day!
#NationalPetDay2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), postponed o ipagpapaliban muna ang pagsasagawa ng nakatakdang pag-aspalto sa bahagi ng Gen. Luna Ave. ngayong araw. Sa ika-15 ng Abril 2024, araw ng Lunes, na nila ito sisimulan.
Salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magkakaroon ng libreng anti-rabies vaccination at libreng check-up bukas ng Biyernes, ika-12 ng Abril 2024, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, sa Sta. Maria Subdivision, Phase 5 Covered Court, Brgy. Banaba.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan bago at pagkatapos pabakunahan ang inyong mga fur babies:
Bago magpabakuna:
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na siyang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-11 ng Abril 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Eid Mubarak!
Maagang nagtipon ang ating mga kapatid na Muslim ngayong araw sa Masjid Zubaida Noorul Imaan sa Brgy. Silangan, sa pangunguna ni Aleem Minsuari Comayog, upang sama-samang manalangin at bigyang hudyat ang pagsisimula ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang Pista ng Pagtatapos ng Pag-aayuno.
Minamarkahan ng pagdiriwang na ito ang pagtatapos ng kanilang panahon ng pagsasakripisyo at mataimtim na pagninilay noong buwan ng Ramadan.
Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan sa inyong maligayang selebrasyon! Nawa’y makamit ninyo ang kasaganaan at lubos na pagpapala!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pakikipagtulungan ng ating Public Employment Service Office (PESO) ay magsasagawa ang ating Pamahalaang Bayan ng Local Recruitment Activity (LRA) para sa Sannovex Pharmaceuticals. Gaganapin ito sa lobby sa unang palapag ng ating munisipyo sa darating na Biyernes, ika-12 ng Abril 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Ang Sannovex Pharmaceuticals ay nangangailangan ng mga sumusunod:
- Internal Audit Officer
- Medical Representative (Sales Position)
Para sa mga interesadong aplikante, magtungo po muna kayo sa tanggapan ng PESO, 1st flr. ng ating munisipyo, sa nakatakdang petsa at oras dala ang inyong updated resume at sariling ballpen. Maghanda rin para sa on-the-spot interview at hiring mula sa mga HR representative ng Sannovex Pharmaceuticals.
Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Publication material courtesy of Sannovex Pharmaceuticals
Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan sa mga kapatid nating Muslim sa maligaya at mapagpalang pagdiriwang ng Eid al-Fitr. Isang pagbati ng Eid Mubarak sa inyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magpapatupad ng STOP-AND-GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. simula ika-11 ng Abril hanggang ika-30 ng Abril 2024, alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga. Ito ay upang bigyang daan ang road asphalting works ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula Brgy. Dulong Bayan II, malapit sa Jones St., hanggang Brgy. Maly, malapit sa Arko ng Montalban.
Para sa kaligtasan ng lahat, lalong-lalo na ng ating mga motorista, magdahan-dahan po sa inyong pagdaan sa naturang lugar at tingnang mabuti ang mga heavy equipment at manggagawa sa daanan. Maglalagay ng mga signages at safety devices ang contractor upang siguraduhin ang kaligtasan ng construction area.
Salamat po sa inyong pang-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ni Mayor Omie Rivera at Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas ang isinagawang wreath-laying ceremony kaninang umaga para sa komemorasyon ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. Binigyang diin ni Mayor Omie sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng ating paggunita sa araw na ito—ang araw kung saan nagpamalas ng kagitingan ang kapwa natin mga Pilipino laban sa pwersa ng mga Hapon. Daan ito upang ating maipamana ang pagkamakabayan sa ating mga kabataan nang sa gayo’y maipagpatuloy ang pag-alala sa kabayanihan ng ating lahi hanggang sa mga susunod na henerasyon.
Samantala, dumalo rin sa wreath-laying ceremony na ito ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Sangguniang Kabataan, mga punong barangay, San Mateo MLGOO Sherlyn Onate-Resurreccion, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Education (DepEd), San Mateo Municipal College (SMMC), mga pinuno ng tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan, angkan ni Atty. Mamerto Natividad, Sr., Katipunang Pangkasaysayan ng San Mateo Rizal, Inc., Sons and Daughters of Veterans, Knights of Columbus, at Boy Scouts of the Philippines.
Dito sa ating bayan, ating sisikaping palakasin ang pagmamahal ng ating kababayan sa ating kasaysayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan para sa Nagkakaisang Filipino!
Sa makasaysayang araw na ito ating inaalala ang ika-82 Araw ng Kagitingan. Ito ang araw ng ating pagbibigay pugay sa ipinamalas na kagitingan ng mga sundalong Pilipino, kasama ang mga sundalong Amerikano, sa naganap na Labanan sa Bataan noong kasagsagan ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Nawa’y manatili sa ating mga puso’t isipan ang ipinakitang tatag at kabayanihan ng ating mga kababayan noong panahon ng digmaan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa bisa ng Proclamation No. 368, s. 2023 at Proclamation No. 514, s. 2024, pinagtibay ang deklarasyon ng ika-9 at ika-10 ng Abril 2024, araw ng Martes at Miyerkules, bilang mga pista opisyal. Tayo’y makiisa sa mga isasagawang komemorasyon at selebrasyon sa mga araw na ito.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Department of Public Order and Safety (DPOS). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Kabilang na rito ang pagtatalaga ng mga Public Utility Vehicle (PUV) stops sa iba’t ibang lokasyon sa ating bayan nang sa gayon ay magkaroon ng maayos at wastong lugar na bababaan/sakayan ang ating mga kababayang commuter. Nagkaroon din ng implementasyon ukol sa pagbabawal sa mga tricycle, pedicab, at e-bike na bumaybay sa Gen. Luna Ave. bilang tugon sa bagong labas na DILG Memorandum Circular No. 2023-195. Samantala, sumailalim din ang DPOS sa LTO Orientation and Deputation Training Seminar upang mapaigting ang kaalaman at kasanayan ng ating mga traffic enforcers.
Pagkatapos ng kanilang pag-uulat ay nagkaroon naman ng pagpaparangal ang BFP R4A San Mateo Fire Station sa mga nagwagi sa kanilang mga patimpalak nitong nagdaang buwan ng Marso tulad ng Poster Making Contest, Tiktok Video Contest, at Firelympics. Maligayang pagbati sa bawat indibidwal at mga barangay na nagwagi at nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon nitong Sabado, ika-6 ng Abril 2024, ang ating mga kababayang Persons Who Used Drugs (PWUDs) kasama ang kanilang pamilya sa dating isolation facility sa Brgy. Guitnang Bayan I para sa isinagawang Family and Counseling Day.
Mayroon ditong sari-saring counseling booths kung saan kasama ng PWUDs ang kanilang kapamilya na tumatanggap ng counseling mula sa mga propesyunal na indibidwal sa larangan ng social work, sikolohiya, at pananampalataya at paglinang ng ating espiritwalidad. Binibigyang pagkakataon ng aktibidad na ito na magkaroon ng mas malalim at makabuluhang pag-uugnayan sa pagitan ng ating mga kababayang minsan nang naligaw ng landas at ng kanilang mga mahal sa buhay.
Bayan ng San Mateo, bayang suporta at kalinga ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kaugnay ng ongoing voter’s registration para sa ating mga kababayang nais makaboto sa 2025 national at local elections, narito ang UPDATED SCHEDULE para sa ating satellite voter’s registration ngayong buwan ng Abril:
April 5 to 6, 2024 - Brgy. Dulong Bayan II
April 8 to 11, 2024 - SM City San Mateo
April 12 to 13, 2024 - Brgy. Sto. Niño Court
April 15 to 18, 2024 - SM City San Mateo
April 19 to 20, 2024 - Brgy. Guitnang Bayan II
April 22 to 25, 2024 - SM City San Mateo
April 26 to 27, 2024 - Brgy. Malanday
April 29 to 30, 2024 - SM City San Mateo
Antabayanan lamang ang mga ilalabaas pa naming anunsiyo para sa iskedyul sa susunod pang mga buwan. Halina’t magparehistro upang makaboto, kababayan!
#MagpaRehistroKa
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ngayong araw ang Day 2 at ang huling araw ng medical mission na handog ng tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros para sa ating mga kababayan. Isinagawa naman ito sa Brgy. Sto. Niño Covered Court simula kaninang alas-7 ng umaga hanggang nitong alas-3 ng hapon.
Marami pong salamat sa inyong tulong pangkalusugan sa aming bayan, Sen. Risa Hontiveros!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa ngayong araw sa ating municipal stadium ang Day 1 ng 2-day Medical Mission sa ating bayan na pinangungunahan ng tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros. Handog dito ang mga libreng laboratory testing tulad ng electrocardiogram (ECG), Doppler ultrasound, urinalysis, at blood chemistry. Magpapatuloy ang medical mission na ito bukas ng Linggo, ika-7 ng Abril 2024, sa Brgy. Sto. Niño Covered Court para naman sa ating mga kababayang nakatira sa upland barangays (mula Brgy. Gulod Malaya hanggang Brgy. Pintong Bukawe).
PAALALA: Inaabisuhan ang lahat ng mga pupunta bukas sa Brgy. Sto. Niño Covered Court para sa libreng lab testing na magdala rin ng VALID I.D. o BIRTH CERTIFICATE sakaling menor de edad (17 taong gulang pababa) ang magpapasuri.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 514, s. 2024, idineklara bilang isang REGULAR HOLIDAY ang ika-10 ng Abril 2024, araw ng Miyerkules. Ito ay sa ating pakikiisa sa masaya at mapayapang selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ng ating mga kapatid na Muslim.
Eid mubarak!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Simula ngayong araw, ika-5 ng Abril 2024, PANSAMANTALANG ISASARA ang kahabaan ng Kambal Road (pababa patungo sa San Mateo Public Market) sa Brgy. Guitnang Bayan I, malapit sa McDonald’s, upang bigyang daan ang isasagawang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa biglaang pagkasira ng kalsada rito.
Maaari lamang dumaan dito ang mga motorsiklo, traysikel, at E-bikes. Ang lahat ng mga sasakyan na may apat na gulong na tutungo sa San Mateo Public Market ay inaabisuhang dumaan sa Hilario St. sa Brgy. Sta. Ana.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 466, s. 1989 ni dating Pangulo Corazon Aquino, ating ginugunita tuwing ika-5 hanggang ika-11 ng Abril ng bawat taon ang Philippine Veterans Week. Sa tema nito ngayong taon na Pagpaparangal sa Kagitingan ng mga Beterano: Saligan para sa Nagkakaisang Filipino, sama-sama nating bigyang pugay at ipaabot ang ating pasasalamat sa ating mga kababayang beterano ng digmaan. Ang kanilang ipinamalas na tapang at tatag para sa ating bayan at bansa, nawa’y magsilbing inspirasyon para sa ating lahat!
Pagsaludo sa ating mga beterano ng digmaan! Mabuhay po kayo!
#VeteransWeek
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling magkakaroon ng pagtitipon ang mga kabataan sa ating bayan ngayong taon!
Halina’t lumahok sa “Sama-samang Pagtataguyod ng Kabataang Sektor: Youth Assembly and Consultation” ng ating Local Youth Development Office (LYDO) ngayong ika-21 ng Abril 2024. Gaganapin ito sa ating Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I, mula 7:30 AM hanggang 5:30 PM. I-click lamang ang link na ito para makapagparehistro: https://forms.gle/5yaEE5QpnUH1atQx8
Isinusulong ng ating Pamahalaang Bayan ang pagkakaroon ng malayang pagbabahagi ng kaalaman at kakayahan ng bawat sektor sa ating bayan, partikular na ang mga kabataan. Makatutulong ito sa pagtukoy ng mga suliraning kanilang kinakaharap, maging ang mga nararapat na programa o interbensyon na maaaring tumugon sa kanilang pangangailagan.
Tara na kabataan ng San Mateo! Dito sa ating bayan, bibigyang boses ang mga kabataan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalLYDO
#SanMateoRizalPIO
#SamaSamaTayoKabataan
Magkakaroon ng LIBRENG LABORATORY TESTING sa 2-day Medical Mission na pangungunahan ng tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros sa ating bayan. Narito ang iskedyul:
- April 6, 2024 (7:00 AM to 3:00 PM) - Municipal Stadium, Brgy. Guitnang Bayan I (ang holding area ng mga magpapasuri ay sa San Mateo National High School)
- April 7, 2024 (7:00 AM to 3:00 PM) - Brgy. Sto. Niño Covered Court
PAGLILINAW:
- Ang lab testing sa ating Municipal Stadium ay para sa mga nakatira sa mga lowland barangays (mula Brgy. Maly hanggang Brgy. Banaba)
- Ang lab testing naman sa Brgy. Sto. Niño Covered Court ay para sa mga nakatira sa mga upland barangays (mula Brgy. Gulod Malaya hanggang Brgy. Pintong Bukawe)
Narito ang mga libreng pa-laboratory testing:
- Electrocardiogram (ECG) - 40 katao
- Doppler Ultrasound - 40 katao
*para sa mga buntis na nasa kanilang first trimester
- Urinalysis - 40 katao
- Blood Chemistry - 40 katao
*kailangang nakapag-fasting ng 10 oras bago magpa-blood chem
TANDAAN:
- FIRST COME, FIRST SERVED BASIS po ang pag-avail ng libreng laboratory test
- Kailangang magdala ng request mula sa iyong doktor na ikaw ay kinakailangang magpa-laboratory test
- Magdala rin ng original at photocopy ng government-issued ID na nagpapakitang ikaw ay residente ng San Mateo, Rizal
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-4 ng Abril 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) - San Mateo ang pagkakaroon ng Fire Prevention Orientation para sa higit 3,000 mga mag-aaral sa 8 clusters ng ating Early Childhood Care and Development (ECCD) Centers noong ika-22 ng Marso 2024 sa iba’t ibang mga lokasyon sa ating bayan. Masiglang nakilahok ang mga batang mag-aaral sa mga inihandang presentasyon at aktibidad ng BFP-San Mateo. Ipinakita sa kanila ang wastong paggamit ng ilang mga pamatay sunog at mga ligtas tips o fire safety measures.
Sa ating pagsusumikap na maging ligtas sa banta ng sunog, mahalagang ang kaalaman at kahandaan para rito ay maituro sa ating mga kababayan, anuman ang kanilang edad. Dahil dito sa San Mateo, maalam at alerto tayo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
PAGLILINAW: Ang mga inilabas na larawan ay mayroong pahintulot mula sa paaralan at sa mga magulang ng mga batang kinunan.
Pinangunahan ng ating San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO, katuwang ang GAD Office, ang pagtitipon ng mga Violence Against Women (VAW) Desk Officers para sa isang “Capability Enhancement Seminar on Handling Gender-based Violence Cases”. Ginanap ito sa Ciudad Christhia Resort (9 Waves), Brgy. Ampid I, nitong ika-22 hanggang ika-23 ng Marso 2024.
Nasa 30 mga VAW Desk Officer at mga Barangay Kagawad ang dumalo rito upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ukol sa epektibong pangangasiwa at paghawak ng gender-based violence cases sa ating bayan. Daan ito upang mas maging epektibo ang ating VAW Desk Officers sa kanilang mga gampanin.
Dito sa San Mateo, may programang nakalaan upang mapabuti ang ating pagseserbisyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang magkakaroon ng ONE LANE ROAD CLOSURE sa kahabaan ng Gen. Luna Ave., malapit sa Conrock sa Brgy. Guinayang at sa jeepney terminal sa Brgy. Maly ngayong araw, ika-2 ng Abril, simula mamayang alas-9 ng gabi, hanggang ika-10 ng Abril 2024 (Miyerkules). Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) doon.
Ipapatupad din dito ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME kaya asahan ang posibleng pagbigat ng trapiko sa lugar. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Espesyal na “Pamper Day” ang inihandog ng atingSan Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO, Persons with Disability Federation of San Mateo Rizal Inc. (PWDFSMRI), at Gender and Development Office (GAD) para sa ating mga kababayang PWDs nitong ika-26 ng Marso 2024. Libreng serbisyong pamparelax gaya ng haircut, manicure, at massage therapy ang inihandog natin sa mahigit 100 PWDs mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan. Nagpaabot din sa kanila ng mensahe ng pagsuporta sa programa si Konsi Grace Diaz, chairperson ng Committee on Social Services, Women and Family Relations, Differently-abled Persons, Senior Citizens and Veterans Affairs, Cooperative and People’s Organizations.
Layunin ng aktibidad na itong makapagbigay ng pantay na oportunidad at karagdagang serbisyo para sa ating mga kababayang kababaihan, partikular na sa mayroong kapansanan. Dito sa ating bayan, may libreng serbisyong handog para sa’yo, kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa ngayong araw, ika-2 ng Abril 2024, hanggang alas-3 ng hapon, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating 26th Sangguniang Bayan. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan.
Bilang lehislatibong sangay ng ating Pamahalaang Bayan, nakatuon sa kapakanan at kapakinabangan ng ating mga kababayan ang pagseserbisyo ng ating Sangguniang Bayan. Bukod sa paggawa, pag-amyenda, at pagpasa ng mga pambayang ordinansa, sila rin ang nagsisilbing tagapangasiwa at tagapamagitan sa mga public hearing, consultative meeting, at pagbibigay akreditasyon sa mga Civil Society Organizations (CSOs).
Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong Martes, ika-26 ng Marso 2024, sa ating municipal stadium ang Women’s Fest bilang kulminasyon ng ating pakikiisa sa paggunita ng National Women’s Month. Pinangunahan ito ng ating San Mateo, Rizal- Municipal Social Welfare and Development Office MSWDO, katuwang ang Gender and Development Office (GAD). Kanilang inihanda ang sari-saring mga aktibidad na nagtatampok ng husay at pagkamalikhain ng bawat kababaihan. Masiglang nakibahagi rito ang 300 kababaihang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), senior citizens, solo parents, at persons with disability (PWDs) mula sa iba’t ibang barangay.
Narito rin sina Vice Mayor Jimmy Roxas, Konsi Grace Diaz, at Bb. Yra Sibug na nagbigay ng kanilang mensahe ukol sa kahalagahan ng kababaihan sa lahat ng larangan ng ating lipunan. Dito sa San Mateo, kakayahan ng kababaihan, patutunayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ipagdiwang ang Kaniyang muling pagkabuhay!
Maagang nagtipon para sa Prusisyon ng Pagsalubong ang mga kababayan nating debotong Katoliko ngayong araw. Pasado alas-3 ng madaling araw kanina nang magsimulang bagtasin ng mga nagprusisyon ang kahabaan ng Gen. Luna at iba pang mga kalye sa ating bayan at nang magtagpo ang mga imahen ni Hesus at Maria ay nagsiawit ang mga batang mistulang anghel sa mga simbahan. Sinundan naman ang pagtatagpong ito ng isang Banal na Misa.
Sa ating naging pagninilay ngayong Panahon ng Kuwaresma, nawa’y manaig sa ating mga puso’t isipan ang mga ipinakita at itinuro sa atin ng Panginoon: pagpapatawad, pagmamahal, pananampalataya, at pasasalamat.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tayo’y magdiwang sapagkat muli Siyang nabuhay at nagbalik sa atin! Dala Niya ang kaliwanagan at ang pag-asa para sa sangkatauhan. Ating ipagbunyi ang Kaniyang kadakilaan!
Isang puno ng galak na Linggo ng Pagkabuhay ang sumaating lahat, mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang ilang eksena sa mga ginanap na prusisyon sa pagkamatay ni Hesus kahapon ng Biyernes Santo, ika-29 ng Marso 2024.
Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ating pagtiwalaan ang pangako sa atin ng Panginoon. Sa gitna ng dilim at pagkalumbay, tayo’y manalig at magnilay.
Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan po para sa inyo, Hon. Jose Arturo Garcia, Jr. at Coun. Mary Grace Diaz! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Siya ang ating dakilang manunubos—pinaratangan, dinusta, at namatay para sa kasalanan ng sanlibutan. Dakila ang Kaniyang pag-ibig sa atin na mga iniligtas Niya.
Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Activated na ang ating Incident Command System (ICS) para sa Oplan Semana Santa 2024 sa ganap na ika-8 ng umaga ngayong araw. Kasabay nito ang pagtatatag ng ating Incident Command Post (ICP) sa Plaza Natividad at iba pang staging areas sa iba’t ibang lokasyon sa ating bayan.
Mananatiling aktibo 24 oras ang ICP para sa pagpapanatili ng isang maayos at mapayapang pagsasagawa ng mga aktibidades sa ating taimtim na pagdiriwang ng Semana Santa. Ito ang mga emergency hotlines na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Maging alerto, bayan ng San Mateo!
#OplanSemanaSanta2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Dekalidad na serbisyong medikal ang handog ng San Mateo Municipal Health Office (MHO) para sa ating mga kababaihan. Nagkaroon ngayong buwan ng serye ng libreng Pap smear sa iba’t ibang lokasyon sa ating bayan simula noong ika-14 ng Marso hanggang ika-25 ng Marso 2024. Umabot sa lagpas 200 ang kabuuang bilang ng mga kababaihang naging benepisyaryo ng serbisyong ito.
Ngayong selebrasyon ng National Women’s Month, hangad nating matutukan ang kalusugan ng ating mga kababayan, partikular na sa reproductive health ng ating mga kababaihan. Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay tungkol sa Screening, Brief Intervention, and Referral to Treatment (SBIRT) at Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) Certification ang higit sa 30 mga Barangay Health Workers (BHWs), kinatawan ng ating San Mateo MHO, San Mateo Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Layunin ng ating Pamahalaang Bayan na makapaghandog ng mga kapaki-pakinabang na programang nakasentro sa rehabilitasyon ng ating mga kababayang Persons Who Used Drugs (PWUDs). Ating tinitiyak na may sapat na kaalaman at kahandaan ang mga magsisilbi nilang kaagapay pagdating sa kanilang laban sa adiksyon at pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.
Bayan ng San Mateo, bayang suporta at kalinga ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Narito ang mga emergency hotlines sa ating bayan na maaaring tawagan sakaling mangailangan ng tulong:
PNP - (02) 8297-8100 loc. 114; 0998-5985-728
BFP - (02) 8297- 8100 loc. 134; 0963-0203-591
MDRRMO - (02) 8297-8100 loc. 129; 0945-3544-464
DPOS - (02) 8297-8100 loc. 130-131
Sa panahon ng anumang insidente, bantang panganib, o sakuna, mahalagang alam mo ang mga numerong mahihingan ng saklolo. Bayan ng San Mateo, kaligtasan mo ang prayoridad dito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ating patuluyin ang Panginoon sa ating buhay, gaya ng Kaniyang pag-anyaya sa ating sumalo sa Kaniyang piging. Tayo’y magpasalamat at magbahagi ng Kaniyang mga biyaya.
Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon nitong ika-22 ng Marso 2024 sa Admin Office ng ating municipal stadium ang mga kinatawan ng iba’t ibang mga barangay sa ating bayan para sa Dengue Awareness Seminar hatid ng San Mateo Municipal Health Office. Dito’y nagkaroon ng pagbabahagi ng mga panimulang kaalaman ukol sa dengue, kung saan at paano ito nagsisimula, at kung paano makakaiwas sa banta nito.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Namahagi ng 2 rolyo ng window fly screens ang Department of Health (DOH) sa Malanday Elementary School nitong Biyernes, ika-22 ng Marso 2024. Naroon din ang ating Sanitary Officer, Engr. Mario Enriquez na nagsagawa ng inspeksyon sa lugar o silid na maaaring paggamitan nito.
Ang proyektong ito ay sa pagtutulungan ng DOH at ng ating Pamahalaang Bayan upang matiyak natin ang ating kahandaan laban sa banta ng dengue dito sa ating bayan. Dito sa San Mateo, kalinisan at kaligtasan ng ating mga kababayan, ating tututukan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Patuloy si Justine Anastacio sa pag-abot ng tagumpay sa mundo ng cycling competition. Pinakabago sa kaniyang nasungkit na medalya ngayong taon ay ang isang Gold Medal at Silver Medal sa 2024 Philippine National Championship MTB XCO/XCE na ginanap sa Indang, Cavite. Ito ay isang prestihiyosong 2-day cycling competition kung saan naglaban-laban ang mga pinakamagagaling na siklista ng ating bansa.
Kahanga-hanga ang iyong husay, Justine Anastacio! Iyong muling pinatunayan na basta palakasan, malakas ang mga taga-San Mateo diyan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ating pagnilayan at pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan. Tayo’y magpayakap sa kaliwanagan at pagpapatawad ng Panginoon.
Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang ihihinto ang Voter’s Registration sa SM City San Mateo simula bukas ng Miyerkules, ika-27 ng Marso 2024 hanggang ika-31 ng Marso 2024. Muli itong magbabalik sa ika-1 ng Abril 2024.
Ito ay upang bigyang daan ang ating taimtim na paggunita ng Semana Santa ngayong taon. Marami pong salamat sa pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa ating taimtim na paggunita sa panahon ng Kuwaresma ngayong taon, pansamantalang ipatutupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. upang magbigay daan sa ilang mga prusisyon na isasagawa sa mga araw at oras na ito:
March 27, 2024 - 7:00 PM hanggang 10:00 PM
March 29, 2024 - 5:00 PM hanggang 9:00 PM
Magsisimula ang mga prusisyong ito sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at babagtasin nito ang kahabaan ng Brgy. Sta. Ana, Brgy. Guitnang Bayan I at II, Brgy. Dulong Bayan I at II, Brgy. Malanday at pabalik ng DSPNSDA. Samantala, magkakaroon din ng prusisyon sa San Jose de Ampid Parish at Sta. Cecilia Parish na babagtas naman sa kani-kanilang mga lugar.
Inaabisuhan ang mga patungong Montalban na dumaan sa Paraiso (Miguel Cristi St.), kumaliwa sa Daang Bakal, dumiretso sa Patiis Rd. pabalik sa Gen. Luna Ave. at patungo sa inyong destinasyon.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Higit sa 100 mga kababaihan ang lumahok sa ating EmpowerHer Fitness Fiesta 2024 nitong Biyernes, ika-22 ng Marso 2024. Aktibong nakihataw ang lahat sa morning Zumba session sa ating municipal stadium. Pagkatapos nito ay nagkaroon naman ng isang volleyball game sa pagitan ng mga kalahok.
Ang ating Pamahalaang Bayan ay patuloy na nakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Month. Ating pinag-uugnay ang mga kababaihan sa ating bayan sa pamamagitan ng mga programang tumutugon sa pagpapabuti ng kanilang kalusugan at pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at pangkabuuang kalakasan. Para sa lahat ng mga kababaihan, let us EmpowerHer!
Dito sa San Mateo, kakayahan ng kababaihan, patutunayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsagawa ang ating Gender and Development Office (GAD) ng isang Gender Sensitivity Training noong Biyernes, ika-22 ng Marso 2024, para sa higit 300 mga mag-aaral ng Jose F. Diaz Memorial National High School. Ang naging mga diskusyon at presentasyon ay nakasentro sa Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act at ng Child Protection Policy ng Department of Education (DepEd).
Tinalakay ni Dr. Renifer Francisco ng Gender Empowerment Consultancy and Advocacy Firm (GECAF) ang iba’t ibang uri ng karahasan na lumalaganap sa ating lipunan at ang ilang mahahalagang paalala upang manatiling ligtas ang ating mga kabataan mula sa anumang uri ng karahasan. Dito sa ating bayan, sama-sama nating lalabanan ang mga banta ng karahasan at pang-aabuso sa ating mga kabataan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kaugnay ng ongoing voter’s registration para sa ating mga kababayang nais makaboto sa 2025 national at local elections, narito ang iskedyul para sa ating satellite voter’s registration:
April 1 to 4, 2024 - SM City San Mateo
April 5 to 6, 2024 - Brgy. Dulong Bayan II
April 8 to 11, 2024 - SM City San Mateo
April 12 to 13, 2024 - Brgy. Sto. Niño Court
April 15 to 19, 2024 - SM City San Mateo
April 20, 2024 - Brgy. Guitnang Bayan II
April 22 to 26, 2024 - SM City San Mateo
April 27, 2024 - Brgy. Guitnang Bayan II
April 29 to 30, 2024 - SM City San Mateo
Antabayanan lamang ang mga ilalabaas pa naming anunsiyo para sa iskedyul sa susunod pang mga buwan. Halina’t magparehistro upang makaboto, kababayan!
#MagpaRehistroKa
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang katuruan ng Panginoon nawa’y magsilbing ating liwanag at gabay sa pagtahak natin sa ating kaniya-kaniyang mga landas.
Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Sanitary Unit. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Patuloy lamang ang ating Sanitary Unit sa pagsasagawa ng mga aktibidades na naaayon sa kanilang mandato: ang pagbusisi at pagtiyak ng kalinisan sa anumang pasilidad at establisyimento sa ating bayan upang mapangalagaan ang kalusugan ng ating mga kababayan.
Matapos ang kanilang pag-uulat ay isinagawa naman ang pag-turnover ng ating Pamahalaang Bayan sa San Mateo BFP ng dalawang motorsiklo na makatutulong sa kanilang mga isinasagawang operasyon. Isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakibahagi ang ating Pamahalaang Bayan sa ginanap na 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw. Sa pagtunog ng alarm ay nagsipag-duck, cover, and hold ang bawat kawani ng San Mateo LGU bago tuluyang magtungo sa open area sa harap ng Plaza Natividad. Nagkaroon dito ng mga pagsasadulang nagpakita ng sari-saring eksena na maaaring maganap sa kasagsagan ng paglindol, maging ang nararapat na pagresponde rito.
Sa panahong tayo’y maharap sa anumang bantang panganib, partikular na ang lindol, mahalaga na tayo ay maalam at may sapat na kahandaan. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa ating 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill!
Bayan ng San Mateo, kaligtasan mo ang prayoridad dito!
#NSED2024
#BidaAngHanda
#ResiliencePH
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-26 ng Marso 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang ating tunay at taimtim na pananampalataya sa Kaniya ay magbubunga ng kasaganaan sa ating kalooban at espiritu.
Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagdaos ng serye ng Community Fire Protection Plan Workshop ang Bureau of Fire Protection (BFP) - San Mateo na nagsimula noong ika-20 ng Marso 2024 sa Alberto’s Banquet Hall, Brgy. Malanday. Dito’y nagtipon-tipon ang higit sa 40 mga kapitan at kinatawan ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) ng iba’t ibang barangay sa ating bayan.
Naging interaktibo at puno ng kaalaman ang kanilang pagsasanay ukol sa wastong pagresponde sakaling magkaroon ng fire incident sa kani-kanilang mga lugar. Layunin nitong pataasin ang kahandaan ng ating mga barangay emergency fire responders nang sila’y makabuo rin ng mabisang plano upang matiyak ang seguridad ng ating mga kababayan mula sa sunog.
Bayan ng San Mateo, kaligtasan mo ang prayoridad dito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Buong galak natin Siyang salubungin at patuluyin sa ating mga puso. Tayo’y yumukod at Siya’y walang hanggang papurihan.
Isang mataimtim na paggunita ng Semana Santa, kababayan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Muling nagtipon-tipon ngayong araw ang mga emergency fire responders mula sa iba’t ibang barangay sa ating bayan para sa taunang Community Fire Auxiliary Group (CFAG) Fire Combat Challenge na pinangungunahan ng ating Bureau of Fire Protection- BFP R4A San Mateo Fire Station. Bago pa man magsimula ang mga inihandang palaro ay naghandog ng espesyal na mensahe para sa mga kalahok sina Municipal Fire Marshal FCInsp. Richard Erickson Malamug, MLGOO-DILG Bb. Sherlyn Oñate-Resurreccion, mga punong barangay at kanilang mga kinatawan, at ang kinatawan ng SM City San Mateo.
Nagpamalas ng natatanging liksi at husay ang mga kalahok mula sa Brgy. Ampid I, Brgy. Ampid II, Brgy. Banaba, Brgy. Dulong Bayan I, Brgy. Dulong Bayan II, Brgy. Guitnang Bayan I, Brgy. Guitnang Bayan II, Brgy. Gulod Malaya, Brgy. Malanday, Brgy. Sta. Ana, at Brgy. Silangan. Ngayong taon ay nakibahagi rin sa ating Firelympics ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ang SM City San Mateo. Hindi matatawaran ang kanilang determinasyon at pagtutulungan upang mapagtagumpayan ang mga aktibidades gaya ng Flammable Liquid Fire Extinguishment, Bucket Relay, at Busted Hose.
Maraming salamat sa lahat ng mga lumahok na barangay! Nawa’y manatili sa atin kahalagahan ng pagiging handa at maalam sa pagharap sa anumang bantang panganib, partikular na sa sunog.
Bayan ng San Mateo, kaligtasan mo ang prayoridad dito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isang mapagpalang kaarawan para sa inyo, Bokal John Patrick Bautista! Pagbati mula sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Woman of the Week: Sherlyn A. Oñate-Resurreccion
Ngayong buwan ng Marso, ating ipinagbubunyi ang kontribusyon at kakayahan ng mga kababaihan na kanilang nilalaan para sa kapwa at bayan. ‘Di masusukat ang tatag ng mga kababaihang piniling magsilbi at ialay ang kanilang oras, talento, at husay para sa ikabubuti ng kanilang bayan at bansa.
Dito sa ating bayan, kakayahan ng kababaihan, patutunayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sama-sama tayong makibahagi sa malawakang pagkilos ng World Wildlife Fund (WWF) para sa ating Inang Kalikasan ngayong araw, ang Earth Hour 2024. Ating bigyang suporta ang pandaigdigang kampanya na ito kontra climate change at magpatay ng inyong mga ilaw mamayang 8:30 hanggang 9:30 ng gabi bilang pagsuporta rito.
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa pangangalaga ng kalikasan at ng ating mundo!
#EarthHour2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) kahapon, ika-21 ng Marso 2024, ang paghahandog ng cash gift at sertipiko ng pagkilala sa ating mga kababayang centenarian na sina Lola Fructosa Reyes mula sa Brgy. Dulong Bayan II at Lola Precentacion Amurao mula sa Brgy. Ampid II.
Malugod na binabati ng ating Pamahalaang Bayan sina Lola Fructosa at Lola Precentacion, sa kanilang pagsapit sa edad na 100 taong gulang! Nawa’y makapagbigay pa ng ibayong suporta ang ating kaloob sa kanilang mga pangangailangan.
Dito sa San Mateo, may kalinga para kina lolo at lola!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap nitong Miyerkules, ika-20 ng Marso 2024, sa ating municipal stadium ang isang Information, Education, and Communication (IEC) Campaign ukol sa responsible pet ownership, rabies at wild animals awareness. Pinangunahan ito ng ating Animal Welfare Officer (AWO) at ng Municipal Agriculture Office. Dinaluhan naman ito ng higit sa 600 mga mag-aaral mula sa San Mateo Municipal College (SMMC). Samantala, nagkaroon din ng maikling pagbabahagi ang Local Youth Development Office patungkol sa kanilang mga programang inihahandog para sa mga kabataan.
Nagparating ng mensahe ng pasasalamat at pagsuporta sa programa sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Municipal Administrator Henry Desiderio, at ang mga resource speakers ng naturang programa na sina Bb. Guadalupe V. Fulgado ng Rizal Provincial Veterinary Office, Bb. Anda Ramirez, at Nurse Raechelle Besas.
Tayo nang magkaisa tungo sa pagiging maaasahan at responsableng mga pet owners! Dito sa ating bayan, mayroong handog na kalinga para sa ating mga alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagkakaroon ngayong araw ng libreng konsultasyon at bakunahan kontra rabies para sa ating mga alagang aso’t pusa sa Brgy. Sta. Ana Covered Court. Hanggang alas-12 ng tanghali pa po ito kaya dalhin na ang inyong mga fur babies!
Narito ang mga dapat tandaan bago at pagkatapos pabakunahan ang inyong mga alaga:
Bago magpabakuna:
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na siyang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Woman of the Week: Myrina Balbao
Ngayong buwan ng Marso, ating ipinagbubunyi ang kontribusyon at kakayahan ng mga kababaihan na kanilang nilalaan para sa kapwa at bayan. Kapansana’y hindi alintana at magiging balakid sa mga kababaihang buo ang loob na humarap sa anumang hamon ng buhay.
Dito sa ating bayan, kakayahan ng kababaihan, patutunayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagkaroon kahapon, ika-19 ng Marso 2024, ng pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga nasunugan sa Doña Pepeng Brgy. Banaba. Ito ay sa pagtutulungan ng opisina nina Sen. Imee Marcos at Gob. Nina Ynares at sa pamamagitan ng Emergency Shelter Assistance Program (ESAP). Matatandaang sumiklab ang sunog dito noong ika-7 ng Enero 2024, kung saan mahigit 80 pamilya ang naapektuhan.
Dumalo at nagpaabot naman ng kanilang pasasalamat sina Mayor Omie Rivera, Cong. Jojo Garcia, Bokal JP Bautista,Vice Mayor Jimmy Roxas, Konsi Jojo Juta at Kap. Sherwin Cuevillas. Muli, marami pong salamat Sen. Imee Marcos at Gob. Nina Ynares sa inyong tulong sa aming mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Kahapon, ika-19 ng Marso 2024, ay nagkaroon ng medical at dental mission sa ating Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) - San Mateo Female Dormitory para sa higit 100 mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDL) sa ating bayan. Pinangunahan ang aktibidad na ito ng ating San Mateo Municipal Health Office (MHO), katuwang din ang ating Gender and Development Office (GAD).
Bukod dito, nagkaroon din ng seminar para sa kanila tungkol naman sa family planning at HIV awareness na sinundan ng libreng HIV testing sa pangangasiwa ng Pilipinas Shell Foundation, Inc. at ng ating San Mateo Rizal Social Hygiene Clinic.
Dito sa Bayan ng San Mateo, ating tututukan ang kalusugan at kapakanan ng kababaihan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-21 ng Marso 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tinatawagan ang lahat ng mga mag-aaral at out-of-school youth ng ating bayan!
Sa muling pagbubukas ng ating Special Program for Employment of Students (SPES) at Student Employment Assistance Program (SEAP), sisimulan na ng ating Public Employment Service Office (PESO) ang pagtanggap ng mga kabataang nais maging benepisyaryo nito!
Maaari nang magparehistro at magpasa ng aplikasyon para rito simula bukas, ika-20 ng Marso 2024 sa link na ito: https://rb.gy/3u2knd. Hanggang ika-22 ng Marso (Biyernes) naman ang huling araw ng pagpaparehistro/pagsusumite ng inyong aplikasyon.
Limitado lamang ang slots para sa mga mapipiling aplikante kaya apply na! Dito sa ating bayan, oportunidad ang handog namin sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pansamantalang magkakaroon ng ONE LANE ROAD CLOSURE sa kahabaan ng Gen. Luna Ave., bandang Monterock sa Brgy. Dulong Bayan I simula bukas, ika-20 hanggang ika-25 ng Marso 2024. Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) doon.
Ipapatupad din dito ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME kaya asahan ang posibleng pagbigat ng trapiko sa lugar. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating San Mateo Public Market Office at Business Permits and Licensing Office (BPLO). Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan. Halimbawa nito ay ang naging renobasyon at pagsasaayos ng wet section ng ating Public Market at sa BPLO naman ang pagtaas ng halaga ng ating projected collection ngayong taon bunsod ng pagdami ng mga bagong negosyo sa ating bayan.
Mahalagang papel ang ginagampanan ng ating Public Market at BPLO sa pagyabong ng ating bayan, partikular na sa ekonomikong sektor nito. Patuloy ang ating pagsisikap na makapaghikayat pa ng mga mamumuhunan sa ating bayan. Dulot nito ay pag-angat hindi lamang ng ating ekonomiya kundi ang pangkalahatan nating kaunlaran. Muli, isang mainit na pagbati para sa ating lahat! Nawa’y naging makabuluhan at produktibo ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa pangunguna ng ating Public Employment Service Office (PESO San Mateo ), ginanap ang isang Streamlined Migration Symposium (SMS) nitong Biyernes, ika-15 ng Marso 2024, sa ating municipal stadium. Dinaluhan ito ng higit sa 500 mga magsisipagtapos na mag-aaral ng San Mateo Senior High School.
Narito rin sina Vice Mayor Jaime Rommel Roxas, Municipal Administrator Henry Desiderio, OWWA Regional Director Bb. Rosario Buracay, OWWA Provincial Supervisor Bb. Rachel Molino, Family Welfare Officer Bb. Jen Jumbas, San Mateo OFW Federation President Ptra. Terry Broqueza, at Department Manager of Global Filipino Movement Ptr. Allan Alicando bilang mga resource speakers.
Layunin ng naturang programa na mabigyan ng mga pauna at mahahalagang kaalaman ang ating mga kabataan ukol sa paghahanapbuhay sa ibang bansa. Hinihikayat din silang magsaliksik ng mga oportunidad na inihahandog ng ating bayan at bansa.
Dito sa San Mateo, sinisikap nating maihanda ang mga kabataan para sa kanilang kinabukasan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-19 ng Marso 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon ngayong araw sa ating municipal stadium ang higit sa 140 mga kabataang volunteers na masiglang nakibahagi sa ginanap na Youth Volunteer Consultation and Orientation. Sari-saring mga aktibidad ang inihanda ng ating San Mateo Local Youth Development Office para sa mga kalahok. Nagkaroon ng mga pampasiglang aktibidad, presentasyon at pagpapakilala sa LYDO at mga layunin nito, at hindi rin mawawala ang konsultasyon sa mga kabataan.
Nagbahagi naman ng makabuluhang mensahe sina Konsi Grace Diaz, SK Federation President Kyla Escobar, Municipal Administrator Henry Desiderio, at Rotaract Club of San Mateo Rizal Midtown President Renz Lenar Cabuag. Kanilang ipinarating ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ganitong programa na nagbibigkis sa mga kabataan sa ating bayan at maging ng ibang bayan, at nagbibigay sa kanila ng oportunidad na mapaunlad ang lagay ng kanilang komunidad, kapwa, at sarili.
Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa paglulunsad ng mga programang nananawagan sa sama-samang pagkilos para sa kaunlarang panlahat! Dito sa ating bayan, bida ang boses ng kabataan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
#YouthVolunteerOrientation
Isinagawa nitong Huwebes, ika-14 ng Marso 2024, ang murang pagkakapon para sa ating mga alagang aso’t pusa sa Municipal Agriculture Office (MAO). Katuwang ang Stray Neuter Project, higit sa 120 ang kabuuang bilang ng mga furbabies na nakapon sa murang halaga. Mayroon ding inihandog dito na libreng anti-rabies vaccination.
Maraming salamat Stray Neuter Project at sa ating mga pet owners na nakibahagi sa programang ito!
Dito sa ating bayan, alaga ang iyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa ating taimtim na paggunita sa panahon ng Kuwaresma ngayong taon, pansamantalang ipatutupad ang STOP AND GO TRAFFIC SCHEME sa kahabaan ng Gen. Luna Ave. upang magbigay daan sa ilang mga prusisyon na isasagawa sa mga araw at oras na ito:
March 25, 2024 - 7:00 PM hanggang 10:00 PM
March 27, 2024 - 7:00 PM hanggang 10:00 PM
March 29, 2024 - 5:00 PM hanggang 9:00 PM
Magsisimula ang mga prusisyong ito sa Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de Aranzazu (DSPNSDA) at babagtasin nito ang kahabaan ng Brgy. Sta. Ana, Brgy. Guitnang Bayan I at II, Brgy. Dulong Bayan I at II, Brgy. Malanday at pabalik ng DSPNSDA. Samantala, magkakaroon din ng prusisyon sa San Jose de Ampid Parish at Sta. Cecilia Parish na babagtas naman sa kani-kanilang mga lugar.
Inaabisuhan ang mga patungong Montalban na dumaan sa Paraiso (Miguel Cristi St.), kumaliwa sa Daang Bakal, dumiretso sa Patiis Rd. pabalik sa Gen. Luna Ave. at patungo sa inyong destinasyon.
Asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Woman of the Week: Jesusa “Tita Susan” Legaspi
Ngayong buwan ng Marso, ating ipinagbubunyi ang kontribusyon at kakayahan ng mga kababaihan na kanilang nilalaan para sa kapwa at bayan. Nagmumula sa kanilang mapagkalingang puso ang natatanging lakas upang pagbigkisin at gabayan ang iba tungo sa kanilang kaunlaran.
Dito sa ating bayan, kakayahan ng kababaihan, patutunayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ngayong National Women’s Month, i-flex mo na ang iyong superwoman!
Ibida na ang iyong sariling bersyon ng isang superwoman sa pagsali sa ating photo challenge. Ito na ang iyong pagkakataong maipamalas ang iyong paghanga sa natatanging babae ng iyong buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaniyang litrato at ng iyong kwento!
Narito ang mechanics para sa mga nais lumahok:
1. I-post ang litrato ng iyong "superwoman" sa comment section ng Facebook post na ito. Maglagay din ng maikling caption na sumasagot sa tanong na "Bakit siya ang iyong superwoman?"
2. Mag-tag ng limang (5) Facebook friends sa iyong comment.
3. Kinakailangang may kasamang caption ang iyong ipo-post na litrato upang maging opisyal na entry ito. Maaaring magkaroon ng hanggang tatlong (3) magkakaibang entries ang isang (1) Facebook account.
4. Maaaring magpasa ng iyong entry hanggang 24 March 2024, 11:59 PM
5. Ang mga kalahok ay kailangang naka-follow sa San Mateo Rizal Public Information Office FB page at miyembro rin ng SMR Viber Community upang manalo.
6. I-send sa lgusmr.pio@gmail.com ang screenshot na nagpapatunay na ikaw ay naka-follow sa San Mateo Rizal Public Information Office FB page at miyembro rin ng SMR Viber Community, kasama ang iyong buong pangalan at contact number.
Espesyal na papremyo ang nag-aabang sa mga mananalong entry kaya naman ibida mo na ang superwoman ng buhay mo at ang iyong natatangi at nakaaantig na kwento!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-14 ng Marso 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinasagawa ngayong araw ang isang bloodletting activity sa Doña Pepeng Covered Court, Brgy. Banaba. Hanggang alas-12 pa po ito ng tanghali kaya naman halina’t mag-donate na ng inyong dugo, kababayan!
Kailangan lamang tiyakin ang mga sumusunod:
1. Kinakailangang nasa mabuting kalusugan
2. May 6 hanggang 8 oras na tulog
3. Nasa 18 - 59 taong gulang ang edad
4. Hindi bababa sa 50kgs (110 lbs) ang timbang
5. Hindi uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa nakalipas na 24 na oras
6. Hindi nanigarilyo sa nakalipas na 6 na oras
7. Ang history of travel, medikasyon, piercing, at mga tattoo ay susuriin on site
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan sa mga kapatid nating Muslim sa taimtim na pagdiriwang ng Ramadan. Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Municipal Budget Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang tanggapan noong nagdaang mga buwan.
Ang ating Municipal Budget Office ay naatasang itaguyod ang pagkakaroon ng masusi, makatuwiran at epektibong pangangasiwa ng utilisasyon ng mga pondong ginagamit ng ating Pamahalaang Bayan sa pagsasakatuparan ng mga layunin nito. Sa wastong alokasyon ng badyet na tutugon sa pangangailangan at paggamit ng bawat tanggapan ng ating Pamahalaang Bayan, ating maihahandog ang mga programang nararapat para sa ating mga kababayan!
Nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang naging pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bukas ng Martes, ika-12 ng Marso 2024, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, magsasagawa ang ating Municipal Health Office (MHO) ng isang bloodletting activity sa Doña Pepeng Covered Court, Brgy. Banaba.
PAALALA: Sa mga nais mag-donate ng dugo, narito ang mga kailangang tiyakin bago mag-donate:
1. Kinakailangang nasa mabuting kalusugan
2. May 6 hanggang 8 oras na tulog
3. Nasa 18 - 59 taong gulang ang edad
4. Hindi bababa sa 50kgs (110 lbs) ang timbang
5. Hindi uminom ng alak o anumang nakalalasing na inumin sa nakalipas na 24 na oras
6. Hindi nanigarilyo sa nakalipas na 6 na oras
7. Ang history of travel, medikasyon, piercing, at mga tattoo ay susuriin on site
Bayan ng San Mateo, katuwang mo sa kalusugan mo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-12 ng Marso 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang pagdadala sa ating mga kababayan ng impormasyon, ating pinaiigting pa! Ang ating Bayan ng San Mateo Rizal, may Viber Community na kaya kung hindi ka pa member, mag-register na! Lahat ng kailangan mong malaman ay nasa ating Viber community na kaya i-scan mo na ang QR code sa larawan sa ibaba para makasali. Maaari mo ring bisitahin ang link na ito: http://bit.ly/SanMateoRizalCommunity.
Agarang impormasyon ay mapapasa’yo na kaya join na sa ating San Mateo Rizal Viber Community!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagsagawa ng Tree Planting Activity ngayong araw ang BFP R4A San Mateo Fire Station sa Divine Mercy, Brgy. Guitnang Bayan I. Nakasama nila rito ang mga kinatawan mula sa ating Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), San Mateo Rizal Municipal Environment and Natural Resources Office, Municipal Agriculture Office - San Mateo Rizal
Admin
Municipal Agriculture Office - San Mateo Rizal
Admin, at Marikina City Fire Station.
Kabilang ang naturang aktibidad sa ilan pang mga aktibidad ng Bureau of Fire Protection na nagtatampok ng ating sama-samang pagkilos at pagkakaisa. Layunin nitong maipaalala sa atin na ngayong Fire Prevention Month, sa pag-iwas sa sunog ay ‘di tayo nag-iisa. Muli, maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa Tree Planting Activity ng BFP ngayong araw!
Dito sa San Mateo, sama-sama tayo sa pagkakaroon ng isang handa at ligtas na bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Maagang nagsimula ngayong araw ang ikalawang session ng 8-week Community-Based Drug Rehabilitation Program na handog ng ating Pamahalaang Bayan para sa ating mga kababayang Person Who Used Drugs (PWUDs). Nagtipon sa Admin Office ng ating municipal stadium ang higit sa 50 mga PWUDs at sila’y aktibong nakibahagi sa mga makabuluhang talakayan hatid nina Police Senior Master Sergeant (PSMS) Anthony Francisco at Ptr. Marcelino Lim, Jr.
Bilang nagkakaisang bayan, tulong-tulong tayo sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at mapagkalingang komunidad para sa lahat! Bayan ng San Mateo, serbisyo at kahusayan ang alay sa’yo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa simula kahapon, ika-7 ng Marso 2024, hanggang ngayong araw sa Alberto’s Banquet Hall, Brgy. Malanday, ang Day 1 at Day 2 ng LTO Orientation and Deputation Training Seminar sa pangunguna ng mga kinatawan ng Land Transportation Office (LTO). Dinaluhan ito ng halos 180 mga kawani ng ating Department of Public Order and Safety (DPOS), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at ng Philippine National Police (PNP).
Sa mga naging talakayan ay kanilang muling binisita ang mga umiiral nang batas trapiko, ang ginagawang pagpapatupad sa mga ito, at iba pang mga nauugnay na batas. Layunin ng naturang training seminar na mapaigting ang kaalaman at kasanayan ng mga traffic enforcers dito sa ating bayan. Nakatuon din ito sa pag-deputize o pagbibigay ng awtorisasyon ng LTO sa kanila upang mangumpiska ng lisensya ng mga lumalabag sa batas trapiko.
Maraming salamat pong muli sa ating mga resource speaker na sina Dr. Christopher A. Batoon, DPA - Chief, LTO Antipolo District Office; G. Edgar L. Cabase Jr. - Chief LTO San Mateo Ext. Office; at Chester Paul R. De Villa ng LTO Driver's License Renewal Office, SM City San Mateo.
Bayan ng San Mateo, bayang kahusayan at serbisyo ang handog sa iyo!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon-tipon ngayong araw sa San Mateo Elementary School ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) mula sa iba’t ibang mga paaralan sa ating bayan para sa Seminar Workshop on Urban Agriculture. Pinangunahan ito ng ating Municipal Agriculture Office (MAO), katuwang si G. Marvin “Katanim” Baeza bilang resource speaker. Matapos ang naging talakayan ukol sa hydroponics basics, kaagad na sumailalim sa hands-on training sa pagtatanim ang mga mag-aaral.
Layunin ng naturang pagsasanay na bigyan ng karagdagang kaalaman ang ating mga ALS student pagdating sa mga alternatibong pamamaraan ng pagtatanim at paigtingin ang kanilang kasanayan dito. Ang pagkumpleto sa 4 na session ng seminar na ito at ang pagpasa sa isasagawang practical test sa susunod na linggo ang kakailanganin ng mga mag-aaral upang sila’y magkaroon ng sertipiko ng pagtatapos.
Dito sa ating bayan, mayroong handog na ibayong kaalaman at kasanayan para sa ating mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Woman of the Week: FO1 Elvie Olitres
Ngayong buwan ng Marso, ating ipinagbubunyi ang kontribusyon at kakayahan ng mga kababaihan na kanilang nilalaan para sa kapwa at bayan. Buong husay kung kanilang gampanan ang kanilang mga tungkulin at hindi ito malilimitahan ng kanilang kasarian.
Dito sa ating bayan, kakayahan ng kababaihan, patutunayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa selebrasyon ng International Women’s Day ngayong araw na may temang: “Invest in Women: Accelerate Progress.” Sa natatanging araw na ito ay ating kinikilala at binibigyang pugay ang pagpupunyagi ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Patuloy lamang ang ating Pamahalaang Bayan sa pagsisikap na makapaglunsad ng anumang aktibidad at mga interbensyong makapagpapaangat sa kakayahan ng ating mga kababaihan tungo sa kanilang kaunlaran sa ating lipunan.
Mula sa aming bayan ng San Mateo, isang simboliko at makabuluhang pagdiriwang ng International Women’s Day!
#InvestinWomen
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Sa patuloy na pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa paggunita ng Pambansang Buwan ng Kababaihan, ginanap ngayong araw sa ating municipal stadium ang isang Gender Sensitivity Training para sa higit 200 mga kalalakihang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Dito’y nagkaroon ng makabuluhan at interaktibong talakayan ukol sa kasarian at ang mga mahahalagang usaping nakapaloob dito. Nagsilbing guest speaker sina Police Senior Master Sergeant (PSMS) Elinor B. Mina ng Women and Child Protection Desk (WCPD), Bb. Ivy A. Obar at Bb. Heirell S. Libao ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Narito rin sina Mayor Omie Rivera at Konsi Grace Diaz na kapwa nagbahagi ng mensahe sa patuloy na pagsusumikap ng ating Pamahalaang Bayan na pataasin ang antas ng ating kamalayan patungkol sa usaping kasarian.
Bayan ng San Mateo, bayang handog ay kaalaman sa ating mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Magsasagawa ng isang Local Recruitment Activity (LRA) para sa Academy of Operation Excellence and Services Inc. ang ating Public Employment Service Office (PESO). Para sa mga nais mag-apply, magtungo lamang sa lobby, unang palapag ng ating munisipyo, sa darating na Martes, ika-12 ng Marso 2024, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Abot-kamay mo na ang trabaho kababayan kaya apply na!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Tulong pinansiyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang handog ng tanggapan ni Sen. Francis Tolentino at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ating mga kababayang nabibilang sa mga bulnerableng sektor kahapon, ika-5 ng Marso 2024. Nasa 600 ang naitalang mga benepisyaryo nito at 6 naman ang nakatanggap ng libreng wheelchair.
Dumalo at nagparating ng kanilang mga pasasalamat sina Mayor Omie Rivera, Congressman Jojo Garcia, Bokal JP Bautista, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Grace Diaz, Konsi Jojo Juta, Konsi Joey Briones, at Municipal Administrator Henry Desiderio.
Maraming salamat sa inyong suporta at mga kaloob sa ating mga kababayan, Sen. Francis Tolentino at DSWD!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Nagtipon nitong Huwebes, ika-29 ng Pebrero 2024, sina DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Gov. Nina Ynares, 3 punongbayan at 1 kinatawan mula sa bayan ng Antipolo, Tanay, Baras, San Mateo, at Montalban at ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga pribadong sektor at organisasyon para sa paglulunsad ng Project TRANSFORM (Transdisciplinary Approach for Resilient and Sustainable Communities through Multistakeholder Engagement).
Nagsimula ito sa isang tree planting activity sa Hinulugang Taktak Protected Landscape na pinangunahan ng mga piling kinatawan mula sa sektor ng kabataan. Sunod naman silang nagtungo sa Ynares Event Center kung saan ginanap ang pagpirma ng Memorandum of Agreement, Pledge of Commitment, at Partnership Agreement sa kabataang sektor. Nagkaroon din dito ng seremonyal na pag-turnover ng seedlings o punla.
Kabilang ang ating bayan sa iilang mga bayan sa lalawigan ng Rizal na nakibahagi sa naturang programa. Tinitiyak natin ang pakikiisa sa mga proyektong makatutulong sa pagpapaigting ng ating disaster risk reduction o pagbabawas ng risko sa ating komunidad. Nais din nating maging handa sa pagharap sa epekto ng pabago-bagong klima at panahon.
Bayan ng San Mateo, handa tayo rito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Huwebes, ika-7 ng Marso 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Matapos sumailalim sa 8-week Farmer Field School Program, masiglang nagtapos ang higit sa 45 mga upland farmers mula sa Brgy. Pintong Bukawe ngayong araw. Pinangasiwaan ito ng ating Municipal Agriculture Office - San Mateo Rizal
Admin (MAO) na bukod sa paggawad ng sertipiko ng pagtatapos ay nagbigay din ng pagkilala sa ilang mga natatanging graduate ng programa.
Naghandog ng maikling tula at mensahe si G. Jesusa “Tita Susan” Legaspi, presidente ng samahan ng upland farmers. Kaniyang ipinarating ang pasasalamat ng lahat ng mga magsasaka sa suportang ibinibigay ng Pamahalaang Bayan sa kanila at sa sektor ng agrikultura sa kabuuan. Sa pagtatapos ng aktibidad ay naghandog sa mga magsasaka ng isang knapsack sprayer ang MAO at namahagi rin sila ng Hydroponics Solution (Snap A and Snap B).
Isang malugod na pagbati para sa ating Farmer Field School Graduates! Nawa’y mas lumago pa ang mga kaalamang naibahagi sa inyo nang ito’y mas maging kapaki-pakinabang pa para sa inyo!
Dito sa ating bayan, sektor ng agrikultura at mga magsasaka, atin pang mas nililinang at pinagyayaman!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Naging interaktibo ang ginanap na Open House ngayong araw ng San Mateo - Bureau of Fire Protection (BFP) na dinaluhan ng ilang mga mag-aaral mula sa mula sa Nuestra Señora de Aranzazu Parochial School (NSDAPS). Pinangunahan ni FO1 Cristine Dianne M. Cabangon ang presentasyon at pag-demo ng tamang paggamit ng ilang mga pamatay-sunog, maging ang wastong pagsusuot ng kumpletong personal protective equipment o PPE ng mga bumbero. Binigyang pagkakataon din ang mga estudyante na makasakay sa isang fire truck at malaman kung paano ginagamit ang bawat bahagi nito sa pag-apula ng apoy.
Sa ating patuloy na paggunita sa buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month, layunin ng Open House ng San Mateo BFP na makapagbigay ng kaalaman sa ating mga kabataan ukol sa fire safety. Dahil sa pag-iwas sa sunog, hindi tayo nag-iisa!
Dito sa ating bayan, maalam ang ating mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang isinasagawa ngayong araw na Day 1 ng Barangay Newly Elected Officials (BNEO) Basic Orientation Course sa Estancia De Lorenzo. Narito ang mga punong barangay, mga kagawad, mga Sangguniang Kabataan (SK) chairperson, SK secretary, at SK treasurer ng iba’t ibang mga barangay sa ating bayan.
Ang BNEO Basic Orientation Course ay serye ng mga pagsasanay na huhubog sa kaalaman at kakayahan ng mga namumuno sa bawat barangay. Layunin nitong ihanda sila sa kanilang tungkulin at responsibilidad para sa ikauunlad ng kanilang mga nasasakupan sa anumang aspeto at sektor.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ginanap ngayong araw ng Lunes ang regular na pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa ating munisipyo sa pangunguna ng ating Tourism Office at Gender and Development (GAD) Office. Kanilang iniulat ang naging pagpupunyagi ng kanilang mga tanggapan noong nagdaang mga buwan.
Ilan sa mga ito ay ang patuloy na pagdami ng mga tourism-related establishment sa ating bayan na nabibigyang akreditasyon ng Department of Tourism; ating pakikibahagi sa mga aktibidad na nag-aangat sa kamalayan at nagtatampok ng ating sining at kultura gaya ng mga lakbay-aral at lokal na selebrasyon ng National Arts Month; at ang pinaigting na paglulunsad ng GAD ng sari-saring mga programa at aktibidad para sa kapakinabangan ng ating mga kababayan. Nag-anunsiyo na rin ng mga ating mga aktibidad para naman sa ating selebrasyon ng National Women’s Month
Matapos ang mga pag-uulat ay nagkaroon din ng paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa pamunuan ng Brgy. Guitnang Bayan I, sa pangunguna ng punong barangay nito na si Kap. Jomer Alejandro Cruz, bilang isang Drug Cleared Barangay. Samantala, nagbahagi naman ng maikling mensahe sina outgoing Fire Marshal ng San Mateo BFP na si FCInsp. Elmer Maronilla at ang ating bagong Municipal Fire Marshal na si FCInsp. Richard Erickson Malamug.
Nawa’y naging makabuluhan at produktibo para sa lahat ang ating pagsisimula ng bagong linggong ito!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Mayroong libreng check-up para sa ating mga alagang aso’t pusa bukas ng Martes, ika-5 ng Marso 2024, sa Municipal Agriculture Office, Nursery Rd., Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Tumatanggap din dito ng anti-rabies vaccination at nagkakahalaga ito ng P100 kung unang beses pa lamang kayong magpapabakuna.
Sa mga nais pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa, narito ang inyong mga dapat tandaan:
Bago mabakunahan:
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.
Pagkatapos mabakunahan:
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.
Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa nitong Biyernes, ika-1 ng Marso 2024, ang inagurasyon at pagbabasbas ng extension office ng Land Transportation Office (LTO) dito sa ating bayan. Dumalo at nagbahagi rito ng inspirasyunal na mensahe sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Grace Diaz, LTO Assistant Regional Director Joseph Orense, at LTO Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II.
Handog ng LTO San Mateo Extension Office ang sari-saring mga serbisyo para sa ating mga kababayan gaya ng issuance at renewal ng driver’s license, pagpaparehistro ng mga sasakyan, at marami pang iba. Bukas ito mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ating ginugunita ngayong buwan ng Marso ang Rabies Awareness Month alinsunod sa Executive Order No. 84, s. 1999 na nilagdaan ni dating Pangulo Joseph Estrada. Sama-sama nating itaguyod ang kampanya ukol sa rabies awareness sa pamamagitan ng ating pakikibahagi sa mga isinasagawang programa ng ating Animal Welfare Office (AWO) at Municipal Agriculture Office (MAO) gaya ng pagpapa-check-up at pagpapabakuna kontra rabies ng ating mga alagang aso’t pusa.
Tayo na tungo sa rabies-free na pamayanan, kababayan! Dito sa San Mateo, may kalingang handog sa iyo at sa iyong alaga!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa kahapon, ika-1 ng Marso 2024, sa SM City San Mateo Activity Center ang isang poster making contest na nilahukan ng higit sa 20 mga mag-aaral mula sa iba’t ibang mga pampublikong elementary schools sa ating bayan.
Sila’y nagpamalas ng kani-kaniyang husay at pagkamalikhain sa kanilang mga likhang-sining na sumasalamin sa temang, “Bumbero sa Pamayanan; Kasangga, Kaibigan.” Ang matagumpay na magkakamit ng 1st place ay mapipiling magtampok ng kaniyang likha sa panlalawigang art exhibit ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Ating paigtingin ang ating kamalayan at kahandaan laban sa sunog ngayong Fire Prevention Month! Dito sa San Mateo, sama-sama tayo sa pagkakaroon ng isang alerto, maalam, at ligtas na bayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Isinagawa kahapon, ika-29 ng Pebrero 2024, sa ating municipal stadium ang Pugay Tagumpay o graduation rites para sa mga household-beneficiaries na nagtapos sa programa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Pinangunahan ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Mahigit 500 pamilya mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan ang binigyang pagkilala sa layong parangalan ang kanilang pagpupursigi na maiahon sa buhay ang kanilang pamilya sa tulong ng 4Ps.
Pagbating muli sa inyo, graduates!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Binigyang hudyat ng isang motorcade ngayong araw ang pagsisimula ng mga aktibidades sa ating paggunita sa buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month. Pinangungunahan ito ng ating Bureau of Fire Protection (BFP) - San Mateo, kasama ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Kabalikat Civicom, at mga delegasyon ng Barangay Disaster Risk Reduction and Managament Office (BDRRMO) mula sa iba't ibang barangay sa ating bayan.
Binabagtas ng motorcade ang kahabaan ng Gen. Luna Ave, mula sa Brgy. Silangan hanggang sa Brgy. Burgos sa Montalban.
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Ang buwan ng Marso ay tinagurian ding Fire Prevention Month o Buwan ng Pag-iwas sa Sunog. Layunin ng paggunita nito ang maiparating sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng pagiging maalam, maingat, at handa sakaling maharap sa ganitong bantang panganib.
Paalala ng ating Bureau of Fire Protection, “Sa pag-iwas sa sunog, ‘di ka nag-iisa!” Sama-sama tayong makibahagi sa mga inihandang aktibidad ng BFP para sa pag-alala ng Fire Prevention Month ngayong taon, mga kababayan!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
Bilang kulminasyon ng mga sari-saring aktibidad na ating inilunsad sa nagdaang National Arts Month, ginawaran ng pagkilala kahapon, ika-29 ng Pebrero 2024, ang mga nagwagi sa ating mga patimpalak.
Maligayang pagbati para sa mga sumusunod na nagkamit ng unang parangal:
- John Carlos G. Pormento, Shemil Calleigh I. Cabungan, Jewelle Mae R. Hapon (mula sa Jose F. Diaz Memorial National High School)- Mural Painting Contest
- Mark Rayven Bruzola (mula sa Gulod Malaya Elementary School) - Poetry Contest
- Ryan Abigael Tutanez - Short Filmmaking Contest (Tatlumpung Segundo)
Nagkaroon din dito ng espesyal na pagtatanghal mula sa Little Strings ng sa Special Program in the Arts (SPA) ng DepEd San Mateo at Philippine Xtreme. Samantala, dumalo rin dito sina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Konsi Boy Salen, at Municipal Administrator Henry Desiderio. Ipinahayag nila ang kanilang pasasalamat sa pakikibahagi ng ating mga kababayan sa ating mga naging aktibidad. Sa pamamagitan nito, sila’y nagsisilbi na ring mga tagapagtaguyod ng sining at kultura, at pagpapakita ng talento sa ating bayan.
Muli, isang pagbati at pasasalamat sa mga nakibahagi sa ating selebrasyon ng Pambansang Buwan ng Sining ngayong taon! Dito sa ating bayan, buhay ang diwang malikhain!
#NAM2024
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO
“Lipunang Pataas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!”
Nakikiisa ang ating Pamahalaang Bayan sa paggunita ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan ngayong taon. Patuloy nating itaguyod ang isang lipunang patas at may mataas na pagkilala sa kakayahan ng bawat kababaihan.
Dito sa ating bayan, suportado ang mga kababaihan! Happy National Women’s Month!
#SanMateoRizalLGU
#SanMateoRizalPIO